Sitemap

sulat sa lukot na papel

2 min readSep 4, 2024

--

Pabalik-balik. Ganyan ako sa dalawang lugar na diretso lang ang ruta. Isang sakay ng tricycle. Isang sakay ng jeep. Kapag pagod na katawang lupa ko sa dami ng ginagawa sa college, kampante ako kasi wala pang isang oras, nasa comfort na ulit ako ng bahay. Pero minsan, ang sikip ng pakiramdam ko sa bahay — Yung sikip na parang hindi ka makakilos, hindi ka rin makahinga. Nangangati akong makawala. Ayon, sa university naman ako tatakbo. Kaso, kahit gaano pa kalaki ng espasyo sa campus, pakiramdam ko nakukulong pa rin ako ng mga expectations ng kung kani-kanino.

Eh pucha, saan na ko lulugar diba?

Get nikita avere’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Mga ganitong pagkakataon sinusumpa ko maging probinsiya girlie. Bakit hindi na lang ako naging Manila girl na parit-parito sa mga nagkalat na bars sa Makati? Bakit hindi na lang ako naging iskolar ng bayan sa UP Diliman? Bakit hindi na lang ako naging taga-QC, edi sana naging gig goer ako sa Mow’s? Anong gagawin ko dito sa probinsiyang walang nangyayari pero bumubulusak at bumubugso pa rin ‘tong loob ko? Kahit anong pilit kong gawing makabuluhan bawat araw na nagdadaan, hindi pa rin sapat.

Paano kaya kung sumakay na lang ako sa unang bus na makita ko, kahit hindi ko alam saan patungo? Baka lang makahinga ako ng malalim sa lugar na wala akong alam at walang may alam sa’kin — tipong walang pangamba, walang alinlangan.

Press enter or click to view image in full size

--

--

nikita avere
nikita avere

Written by nikita avere

0 followers

notes app but with the thrill of potential audiences