Sitemap

SERBESA NG GOBYERNONG BULOK AT SAKIM

1 min readApr 24, 2026

--

Oo, galit ako sa gobyerno.

Press enter or click to view image in full size
image from Pinterest

Mapakla ang bawat lagok sa basong may lamat,

Habang ang pawis ay dumadaloy sa lupang tila alat.

Isang malamig na tagay para sa pagod na balikat,

Pampatulog sa sikmurang sa gutom ay dilat.

Pinagmamasdan ang bula na unti-unting nawawala,

Gaya ng mga pangakong tila bula rin kung mawala.

Kay sarap panoorin ng mga nagtataasang gusali,

Get Pluma 🦖’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Habang ang sahig ng maralita ay unti-unting nababali.

Ngunit ang alak na ito ay hindi gawa sa prutas o trigo,

Kundi sa dugo ng manggagawang ninakawan ng sigo.

Ang "serbesang" ito ay ang sistemang bulok at sakim,

Kung saan ang hari ay busog, at ang bayan ay nasa dilim.

Ang bawat barya sa bulsa ng mga nakaupo sa trono,

Ay galing sa hininga ng taong-bayang ginawang luthang pang-abono.

Kasabay ng huling tagay ay ang aking pagsusuka,

Sa gobyernong ang tanging alay sa atin ay dusa at luksa.

Muli, ako si PlUMA mula sa silid na walang pangalan (TheBooksOfUnknown) na nagsasabing: manatiling mapagmasid. Dahil ang bawat tao ay may sariling libro; heto ang sa akin.

--

--

“Hinahabi ang mga lihim na pahina sa pagitan ng tinta at hininga.” Sapagkat ang bawat tao ay isang mundong hindi pa nababasa.

See more from me