Sitemap
Aljy Buondeaux

Aljy Buondeaux

Every storey has a story.

Ganun ba?

3 min readMar 17, 2025

Hi!

This is:

- a short story;

- na may working title;

- malalang tagalog on some parts;

- para sa submission ng short story ng baby siz ko; and

- a healer for me at some point kase if I would be given a chance to change how things ended sa scenariong nakapaloob sa kwentong ito, that’s how I wish things would have had happened. Pero I am not saying na it was madali lang na gawin and pagdesisyunan a. Kanya-kanyang banat pa rin yan.

If the person that you always have been with, will put you on an uncertain moment, will you be willing to dive head on or step back hesitating?

Please let me know your thoughts through comments and votes in this https://www.wattpad.com/story/391428830-ganun-ba. Thank you!

XXiX ALJY

Title: Ganun ba?

Susubukin ng panahon ang pagkakaibigan nina Ivelle at Kaeo.

Sabado nun, panibagong araw muli para sa Saturday Outreach Ministry ng aming church. Naalala ko nang asa walong edad ako nung magkakilala kami ni Kaeo, ang kababata ko.

Nagsimula ang lahat nang umattend sya sa children outreach ministry ng simbahan namin na kinabibilangan ko, naging magkaibigan kami sa pamamagitan ng aming mga magulang na magkasama sa simbahan. Saturday after Saturday magkalaro at sabay kaming nagpupunta para umattend sa outreach o pagtuturo sa mga bata, hanggang Kahit sa simbahan tuwing linggo ay nagkakalaro kami, at naging matalik na magkaibigan.

Subalit nang kami ay dumating na sa grade 2 ay nagkahiwalay kasi tumira na sila muli sa probinsya. Mayroon parin kaming komunikasyon, gamit ang text at internet chat messages. At dumating din sa panahon na hindi na muling nagkausap pa,

dahil,

dahil,

dahil sa pag-usbong ng buhay. May paminsang kamustahan na lamang, pero patuloy pa rin naming binabalitaan ang isa’t isa.

Isang araw, nakatanggap ako ng mensahe nya mula sa messenger na magbabakasyon sila muli dito sa aming lugar, at siya namang kinagalak ko dahil magkikita kami uli.

Dumating ang araw at kami ay nasa palaruan ng aming subdibisyon, napagtanto namin na hindi na namin pwedeng laruin ang syang mga nilalaro naming tagu-taguan, habulan o taguan ng chinelas, dahil kami’y asa edad na. Nang hapong iyon ay nagkamustahan at nagkwentuhan na puro tawanan hanggang sa lumubog ang araw.

Get Aljy Buondeaux’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Inihatid nya ako sa aming Bahay at sya ri’y bumisita upang magbigay galang sa aking mga magulang.

Habang kausap nya ang aking pamilya, hindi mawari sakin ang paghanga sa mga pagbabago sa kanyang hitsura. Tumangkad sya na mas matangkad na sa aking ama, lumaki ang katawan buhat nang kanyang pageehersisyo, at nagkaroon ng facial hairs na animo’y isang seryosong tao.

Matapos naming maghapunan ay nagpaalam na siya para umuwi at bibisita na lamang.

Sa paglalakad namin palabas ng Bahay ay napapaisip ako sa paghangang umusbong sakin na hindi ko noon pansin ay sya ngayo’y bumubuhay sa akin.

Bago nya buksan ang pinto nang kanyang sasakyan, humarap sya sakin at pinakatitigan ang aking mga mata na wari mo’y merong hipnotismo.

“Ivelle, salamat.” Wika nya.

“Aysus, eto naman. Para ka namang others.” Tugon ko na binatukan pa sya. Pero sinalo nya ang kamay ko matapos.

“Pero seryoso, salamat.” Sabi nya at ngumiti pa ng matamis chaka tinuloy ang sasabihin, “Salamat kasi… Kasi hindi ka nagbago. Tayo. Walang nagbago, matalik pa rin tayong magkaibigan.”

Pinakatitigan ko sya, hindi ko gusto ang nahihimigan ko. Natatakot ako sa naiisip ko.

“Ivelle.” Pagtawag nya na sinagot ko lang ng pagtaas ng dalawang kilay, na animo’y naghihintay ng kanyang pagtuloy ng sasabihin. “Kaibigan lang ba talaga ako sa’yo?”

Para akong napipi.

“Sa tagal nang panahon nating magkakilala at naging matalik na magkaibigan, halos lahat nang bagay ay alam natin sa isa’t isa. Baka pwedeng-”

“Kaeo. Kaeo sandali.” Pagbibitin ko sa sinasabi nya.

Matagal kaming nagtitigan, kinakapa ang pakiramdam ng isa’t isa.

Naisip ko, hindi sya mali sa aming pagkakakilanlan, pero hindi ko alam kung handa na ba ako o baka naman ay nagpapadalos-dalos lang sya.

Madaming tumatakbo sa isip ko pero iisa lang ang malinaw. Ayokong masira ang naging pagkakaibigan namin dahil lang sa darating ang araw na masasaktan namin ang damdamin ng isa’t isa.

“Ivelle.” Pagtawag nya.

“Kaeo, Kaeo ayokong masira ang naging pagkakaibigan natin. Lagi pa rin naman akong nandito para sa’yo kasi ayokong dumating yung araw na magtitinginan tayo pero nagkamali na tayo.” Derederetso kong sabi.

Malalim na buntong-hininga ang kanyang iginawad. “Ganun ba?” Napahawak sya sa kanyang batok at nag-isip ng kanyang sasabihin. “Ah sige, uwi na ko. Bye, bukas na lang uli.”

Pumasok na sya sa kanyang kotse at muling nagpaalam.

~the end~

Again, please let me know your thoughts through comments and votes in this https://www.wattpad.com/story/391428830-ganun-ba. Thank you!

--

--

Aljy Buondeaux
Aljy Buondeaux

Written by Aljy Buondeaux

0 followers

Every storey has a story.