Sitemap
bluesofcee

bluesofcee

About you.

Sana, makawala.

2 min readOct 11, 2026

--

Press enter or click to view image in full size

Sa aking bawat pagpikit, hindi kadiliman ang bumabalot sa aking isipan — kundi ang isang pamilyar na pakiramdam na hindi ko pa naman alam kung nasaan o ano ang pinagmulan.

Sa aking bawat pag-idlip, misteryosong pigura ang aking nahahagip, na para bang buong buhay ko ay kasama ko siya — kahit ni minsan ay hindi pa kami nagkita.

Sa bawat pagsasara ng aking mga talukap, kakaibang pakiramdam ang aking nadarama.

Ang pakiramdam ay masaya at malungkot, pamilyar at bago.

Get bluesofcee’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Siguro dahil hindi ko pa ito nahahanap, o dahil malapit ko na itong mahanap, o kaya naman — hindi ko na ito mahahanap.

Sa aking bawat paglalakbay, ang puso ay patuloy na sinusundan ng mga bakas na hindi ko makilala kung kanino, ngunit ang pakiramdam ay pamilyar na para bang itinutulak ako nito palapit sa kung kanino man ang mga bakas — walang kasiguraduhan kung akin bang matatagpuan.

Palagi akong nananaginip, at sa aking bawat pagpikit — siya lamang ang isinasambit.

At sa bawat pagbukas ng aking mapagmasid na mga mata, nariyan ang pakiramdam na parang may kulang, na parang gusto ko na lang muling pumikit at managinip.

Na para akong nagluluksa sa pag-ibig na hindi ko pa naman nahahanap o nadama.

Araw-araw akong nananaginip at sa bawat isa nito ay nananabik na sana, ang pamilyar at bagong pakiramdam ay magkatotoo — hindi man ngayon, pero sana sa susunod o makalawa… at sana, makawala.

--

--