Sitemap
Cy Alcala

Cy Alcala

I write business thoughts and poems every day or every week, probably. | https://cyrusalcala.com

Magbasa ka

2 min readApr 20, 2026

--

Press enter or click to view image in full size

NOTE: The White Book by Han Kang is weirdly satisfying to read. Libro ito tungkol sa pagdurusa — pero sobrang magical ng pagkakasulat, parang ang sakit mismo ay may sariling liwanag.

— — —

Walang total guarantee sa mga desisyon sa buhay. Kahit magbasa ka ng madami, wala ring guarantee na tatalino ka. Marami din namang bookworm na palabasa talaga , na sa tingin ko, asshole ang ugali, na minsan ako din.

Pero one thing is for sure kapag nagbabasa ka: hindi ka magiging uto-uto, not as much as compared sa hindi talaga nagbabasa. (This gives me an idea, how about magregalo pa ng mga libro sometime.)

Get Cy Alcala’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Parang ang yabang ko naman pero sige for the sake of discussion, daanan ko lang bakit gusto ko magbasa ka:

Kapag nagbabasa ka, you’re essentially borrowing someone else’s decades of thinking, failure, and hard-won clarity — compressed into a few hundred pages. Hindi ka magiging uto-uto dahil nakikita mo na may ibang paraan ng pag-iisip bukod sa sarili mo. Yung taong hindi nagbabasa? Ang reference point niya ay yung immediate world lang niya — yung kausap niya sa trabaho, yung nakikita niya sa feed. Yung breadth niya ng perspective ay limitado ng kung sino lang ang nakapaligid sa kanya.

Reading, lalo na sa narrative fiction trains you to recognize patterns: how arguments are structured, how emotions are weaponized, how a story can be framed to make you believe something. Yung taong naglalakad sa mundo nang hindi nagbabasa ay walang mental antibodies. Mas madaling ibenta sa kanya ang isang magandang kwento — political, commercial, personal — dahil hindi siya sanay na mag-interrogate ng narrative.

This might sound like an intellectual jerkoff at baka nga ganon. Pero if at anything, I encourage you to read more. Bumasa ng libro. Kahit anong libro.

Literally kahit ano.

Ideally yung tipong magbabago ng perspective mo. Yung tipong kahit isang maliit na bagay sa buhay mo ay mag-iiba pagkatapos mong basahin.

Yung tipong bibigyan ka ng susi , hindi sa lahat ng sagot, kundi sa mga kulungan ng sarili mong isipan na hindi mo pa alam na naka-lock.

--

--

Cy Alcala
Cy Alcala

Written by Cy Alcala

I write business thoughts and poems every day or every week, probably. | https://cyrusalcala.com