Sitemap

Insomnia

--

Press enter or click to view image in full size
Larawan mula sa Unsplash.com, likha ni Isaiah Tesdall.

Umaawit ang iba’t ibang ibong
nakadapo sa mga punong

kinakaluskos ng hanging
kumikiliti at nagpapahalakhak sa

mga kuliglig na nagtatago sa
ilalim ng tuyong dahong

Get King Czar Mardi Dignos’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

winawalis ng janitress sa may
catwalk kung saan nagmumula ang

mga yabag ng paa at daldalan ng mga
estudyanteng naririndi sa

nag-aanunsyo sa mikroponong
nasa loob ng gymnasium na lalong

gumigising at nagpapahapdi
sa mga mata kong wala pang tulog.

*****

Nalathala sa Liwayway Magazine (2023).

--

--