Bago
Mga matang kawalang-sala,
Pagmamahal ng anak ni Kabesang Tales.
Na sanay sa sikip ng dibdib, ‘di bale,
ikaw na lang ang bukang bibig
ng kaluluwang lumuluha sa tabing kalye.
Get Enriq Pingol’s stories in your inbox
Join Medium for free to get updates from this writer.
“Huwag mong bitawan”
Sinigaw ng mga kamay
na hindi Kilala ang ngiti.
Lambot ng balat mo’y hinahanap sa lamig ng gabi,
Tamis ng mga salitang mula sa binibining Kawalang-malay,
Inaakit ang tenga ng bingi.
Kadalasang nawawala sa mga mata
ng dalisay na kaibigang iniibig









