Convenient
May mga taong dumarating, parang ulan na saglit lang dumidilig, iiwan ang lupa kong basag at bitak, at pusong pagod nang paulit-ulit masindak.
Ako ang laging nariyan, ako ang laging sandalan, ako ang laging may yakap kapag sila’y nasasaktan — pero bakit kapag ako na, wala man lang handang pakinggan?
Get Thoughts & Feelings’s stories in your inbox
Join Medium for free to get updates from this writer.
Kay dali nilang ibigay sa iba ang lambing, ang oras, ang atensyon, ang mga munting bituin, pero pagdating sa akin tila ba kulang ang hangin — para ako’y tanong na walang sagot na darating
Ako ba’y mahirap mahalin? O baka naman ako’y mahirap intindihin? O baka ako’y pahina sa librong binubuklat lang kapag pabor sa damdamin.
Kapag kailangan nila ng sandalan, ako ang sandalan, kapag sila’y nawawala, ako ang daanan, pero kapag sila’y kumpleto na ang kaligayahan at nakuha na ang kailangan — ako’y nagiging alaala na lang na pwedeng iwanan.
Kaya ngayon tinatanong ko sarili ko: Ako ba’y mahirap mahalin? O sadyang may mga pusong hindi marunong manatili.





