Sitemap

Huling Gabi

2 min readDec 2, 2017

--

Nararamdaman ko ang simoy ng hangin

Naririnig ko ang bawat tambol at gitara

Ang bawat indak ng mga tao sa paligid

Ang bawat hiyaw at awitin ng banda

Katabi kita

Sa kabila ng ingay at saya nila

Katabi kita’t tahimik tayong dalawa

Parehong nakataas ang mga baba

Pilit na tinatanaw ang entabladong kinatutuwaan nila

Pinihit ko ang ulo ko para tingnan ka

Naisip ko, “mas matangkad nga talaga siya.”

Marahang gumalaw ang ulo mo

Napapitlag at dineretso sa entablado ang tingin ko

Malakas ang kabog ng dibdib ko

Hindi ko mawari kung dahil sa kaba o sa pag-ibig ko para sayo

Tahimik tayo’t alam mong dati’y hindi ganito

Naalala ko yung huling beses na nag-ingay tayo

Get Joyce Ann Catalo’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Tawanan, asaran, suyuan, at tugtugan

Tahimik man sa loob ng sasakyan

Ang bawat isa’y atin namang pinakikiramdaman

Kiliti na inaabot habang tayo ay nakatambay

Pinaalalahanan mo pa akong umuwi ng maaga dahil sa sitwasyon ng kalsada

Tangan ng bisekleta

Hinintay mo pa akong sumakay sa jeep na aking pinara

Masaya tayo noon, kung iisipin

Ngunit ngayon sa ating huling gabi

Salungat sa dating gabing nagbigay ngiti

‘sing lamig na ng hangin ang ugnayan

‘sing ingay na ng tao ang katahimikan

‘sing taas mo ang pagitan

‘sing lakas ng tambol ang tibok ng puso

‘sing kabado ng mga nasa entablado

‘sing layo mula sa lugar na iyon hanggang sa aming tahanan

Ang puso ng isa’t-isang minsang naging sandalan.

-j.a.c

Press enter or click to view image in full size

--

--

Joyce Ann Catalo
Joyce Ann Catalo

Written by Joyce Ann Catalo

Embrace all the pain and joy the world will offer to produce something with worth