Sitemap

Lintik!

3 days ago

--

Press enter or click to view image in full size

Puso kong tahimik na naghihintay

Bigla mong ginulat

Wala naman akong balak na magbukas ng pinto para kung kanino man ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla mo na lamang nabihag ang aking puso.

Nadali mo ang puso ko ng iyong kidlat

Sa isang iglap, nawala lahat ng angas ko. Hindi ko namalayan kung pa’no nangyari, basta ang alam ko na lang, ikaw na agad ang hinahanap ng mga mata ko at ang rason kung bakit biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko.

Get Cho’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Nakakainis kung iisipin, bakit ba kailangan mong maging ganiyan? Wala naman akong balak na mahulog nang ganito, pero narito ako ngayon, tuluyang nahuli sa sarili kong mga laro.

Lintik na pag-ibig

--

--