Sitemap

Pananatili

— hangga’t hindi napapagod ang puso..

2 min readFeb 12, 2026

--

Hindi ko namamalayan kung gaano kabilis ang panahon.
Parang kailan lang, magkatabi pa tayo sa klasrum—nakabistida at naka-polo,
Nagtatawanan sa hallway,
Magkahawak ang kamay habang binabaybay ang daan palabas ng GEAHNS.
Pero high school pa pala tayo noon.
Iba na pala ngayon.

Ilang beses na lang ba sa isang taon kung tayo’y magkita?
Araw-araw tayong nag-uusap, pero hindi ko na alam
kung sino na ba ang nasa likod ng algoritmo.
Busy ka na, busy rin ako.
Wala nang panahon—kahit sandaling video call.

“Busy siya sa Journ eh,”
iyan ang lagi kong sagot.
Iyan din ang lagi kong dahilan.
At naiinis ako—
kasi totoo.

Totoong marami kang ibang prayoridad.
Totoong malaya kang maging masaya.
Totoong may iba kang pinagkakaabalahan.

Get mileswrites’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

At nandito ako—naghihintay pa rin sa’yo.
Magkalayo man tayo, sana alam mo
na ikaw pa rin ang pinipili ko.

Ilang beses nang nalito ang isip ko,
tinatanong kung itutuloy ko pa ba ito.
Pero laging nananaig ang puso.

Pananatili—iyon ang sabi nito.
Pinipilit kong manatili,
dahil iyon ang paulit-ulit na sigaw ng puso ko.
Kahit nalilito na ako,
ikaw pa rin ang patutunguhan ko, sabi nito.

Hindi ako titigil—
hangga’t hindi ako tumitigil magmahal,
hangga’t may pagmamahal pang natitira sa akin.

Kasi mahal pa rin talaga kita.
Kahit may distansya.
Kahit hindi na tayo sa high school nagkikita.
Kahit ilang buwan na lang at magkokolehiyo na tayo.

Maaaring hindi ito maabot ng puso mo,
pero sana, may mga sandali ring naiisip mo ako.
At sana’y manatili ka rin sa akin—
hanggang sa tumigil ang pintig ng puso mo.

Sana, mahalin mo pa rin ako
ng buong-buo.

--

--

mileswrites
mileswrites

Written by mileswrites

home of my geniune thoughts and feelings