Hiling
Sa iyong magandang ngiti ako’y nabihag
Tila isang paru parong bantayog kung lumipad
Presensya mo’y nagbibigay ng hiwaga
Hindi kita sinigaw sa mga tala
Kundi hiniling kita sa BathalaGet sierra ☆’s stories in your inbox
Join Medium for free to get updates from this writer.
Marahil ay hindi mo batid o dama
Sana malaman mong sa akin ika’y mahalaga
Sa tuwing ika’y aking kasama
Problema at oras ay hindi alam o kilalaSa paglipas ng gabi
Kung saan saksi ang mga tala at buwan
Isip at puso’y ikaw ang tanging lamanSana’y buksan mo ang iyong isip at mata
Nang malaman mong tanggap kita maging sino ka pa






