Alaala..
Naalala ko si manong, may tuta kami na inaalagaan bago kami lumipat ng tirahan. Ay hindi inasadya na nabitawan ni ate noong inangat niya para walisan yung sahig, mga ilang minuto ay nanigas baga ang katawan ng tuta. Habang ako ay natangis na at napagalitan si ate. Lumapit noon si manong at may mga ginawa na kung ano para maulian yung tuta. Simula noon ay pinangalan na ito sa palayaw ko dahil nakita daw niya yung pagtangis ko. Ilang linggo pagkatapos noon lumuwas na kami dito at naiwan ang katokayo ko na inalagaan at hindi naman pinabayaan nila nanay . Lumipas ang mga taon, nakita ko pa siya nong malaki na siya at nagkaroon pa ng mga supling pero ayun natapos din ang buhay niya . Isa ito sa mga alaala ko sakanya na hindi ko makakalimutan. Sumunod na mga taon, isang hindi inaasahang tawag at salitang "huwag kayo mabibigla,"ang dumating, si manong lumisan na.
Nakakalungkot na iyon na lang ang tanging paraan na nakita mo para makatakas sa hirap at sakit.
Get Serene Wanderer’s stories in your inbox
Join Medium for free to get updates from this writer.
Madilim, mabigat, at nakakasulasok na siguro ang mga bumabagabag sa isip mo, Manong.
Inilaban mo pa rin naman siguro ng maraming taon hanggang sa kainin ka na ng dilim at wala ka ng ibang makitang daan kundi ang sumuko tapusin na lang.
Mahirap tanggapin lalo na ng mga anak, mga kapatid at iyong ina na naiwan mo pero ang pagmamahal nila sa iyo ang babaunin nila upang malampasan ang pangyayaring ito.
Ang mga masasayang sandaling nabuhay ka sa mundong ito ay patuloy naming alalahanin.
Mapagmahal at mapagpatawad ang Diyos. Kasama ka parati sa aming panalangin, Manong🕊️



