Sitemap
Delilah

Delilah

o’ kay tagal kitang minahal.

1 min readAug 1, 2024
Press enter or click to view image in full size
pinterest

Humigit-kumulang dalawang linggo na lang…

Oras na lang ang kalaban, bawat minuto, bawat segundo, papalapit na ako sa araw na pinaka-hihintay ko.

UPCAT…

Papasa ba ako?

Kaya ko ba ‘to?

Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko.

Hindi ako nag-iisa.

Pilit kong pinapaalala sa sarili ko ngunit hindi ko mawari na kung bakit binabalot pa rin ako ng kaba at kahinaan ng loob.

Kaya mo ‘to. Kaya natin ‘to.

Pikit-mata, huminga ng malalim.

Isang hakbang, isang pangarap. Mahal mo‘to.

Sa bawat pagduda, balikan ang dahilan.

Lahat ng sakripisyo, lahat ng hirap, ay may kabuluhan.

Hindi ka nag-iisa.

Get Delilah’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Sa bawat pagsubok, may liwanag sa dulo.

Isang tagumpay na naghihintay para sa ‘yo.

Kapag nadadapa, bumangon ulit.

Lahat ng sugat, may kagalingan.

Sa bawat pagkakamali, may aral na matutunan.

Lahat ng luha, may pag-asa.

Kapag nawawalan ng pag-asa, alalahanin:

Malapit na. Kaya mo ‘to.

Isang pangarap, isang tagumpay.

Para sa sarili, para sa pamilya.

Sa bawat hakbang, may lakas na madarama.

Kapit lang, laban lang.

Sa bawat pagsubok, sa bawat hirap, tandaan:

Kaya mo ‘to. Hindi ka nag-iisa.

Ang ating tagumpay ay nasa ating mga kamay.

Kaya mo ‘to. Kaya natin ‘to. PADAYON.

--

--