Sitemap

Alitaptap

1 min readJul 29, 2026

--

Press enter or click to view image in full size
liwanag

Narinig mo na yung salitang “Aninipot”?

“hindi pa. Bakit mo natanong?”

“Wala lang, parang makabagong pakinggan ‘no? ANINIPOT. Tawag ‘yon sa mga alitaptap”

“Talaga?”

“Oo. Bakit may naaalala ka ba?”

“meron.”

Kasi may isang tao akong kilala na parang aninipot

Hindi siya araw na kayang gawing umaga ang gabi. Hindi rin siya buwan na laging nariyan. Pero sa tuwing naliligaw ako sa sarili kong dilim, palagi siyang may dalang munting liwanag.

Get sunviera’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Hindi niya kailangan magsalita nang marami. Hindi niya kailangang laging gumawa ng malalaking bagay. Minsan, sapat na ang simpleng presensya niya para maalala kong may pag asa pa rin.

“Ang liit lang naman ng alitaptap”

“Oo.”

Pero hindi naman nasusukat sa laki ng liwanag ang halaga nito.

May mga gabing isang munting ilaw ang kailangan mo para hindi ka matakot. At may mga taong hindi man nila alam, sila pala ang ilaw na hinihintay mo.

“Kaya pala ANINIPOT “

“Oo.”

Dahil sa tuwing nilalamon ako ng kadiliman, ikaw ang munting alitaptap na nagpapaalala sa’kin na may liwanag pa.

At siguro…

Hindi mo kailangan baguhin ang buong mundo para matawag na liwanag. Minsan sapat nang mabigyan mo ng dahilan ang isang tao para patuloy na umusad.

At sa kwento ko…

Ikaw ang ANINIPOT

--

--