Hindi makausad
Ilang buwan na ang lumipas,
nandito parin ako, iniisip si blas.
susubukang umusad ang palaging bigkas,
ngunit ang puso ko ay tila umaatras.
may mga araw na deretso ang takbo ng makina,
pero bumabalik ako para muling makita ka.
Get Rue’s stories in your inbox
Join Medium for free to get updates from this writer.
Isang mahabang daan, walang hintuan,
eto naba ang paraan?
tuluyan nabang uusad ang puso kong kay bigat,
ibaba ang bintana, hangin ay ramdam sa balat.
biglang huminto sa kawalan,
nasira ang makinang paraan.
Nandito hanggang ngayon,
iniisip kung pano ba aahon.
Hindi makausad,
pangako sa sarili ay hindi natupad.
Hindi makaligtas,
pangalan mo ang paulit-ulit na binibigkas.




