Stories by Geromae Hope de la Fuente on Medium
Elementary pa lang, may ideal version na ko ng buhay ko.
Magkokolehiyo ako sa UST Manila bilang isang Journalism student habang nagtatrabaho part-time sa isang cafe. Mag-iintern ako sa ABS-CBN at paka-graduate, mag-aapply ako bilang isang writer sa Philippine Daily Inquirer. Kung wala akong balak ipagpatuloy ang pag-aaral ko, matapos ang ilang taon ay balak ko sanang mag-abroad. Lilipat ako sa New York para tuparin ang pangarap kong magsulat para sa The New York Times o kaya naman sa TIME magazine, pati na rin sa Reuters. Pero kung naisipan ko na noon pa na magpatuloy sa law school, alam kong gugustuhin ng batang Hope na sa Ateneo de Manila University siya mag-aral.
Wala masyadong natupad sa mga hinangad ko dati sa buhay.
Ang sarap isipin at balikan yung mga panahong sigurado ako sa landas na tatahakin ko. Sa totoo lang, ngayon kasi, pakiramdam ko’y naliligaw nanaman ako. Ang dali mawalan ng gana sa mga bagay kapag pagod ka. Isang araw na maramdaman mo lang na parang inaaway ka ng mundo, automatic ang kasunod na niyan na iisipin ay kung gaano kadali bumitaw.
Paano ba maglaho ang isang taong ang tingin ng iba’y palaging napakagaling?
Former ‘gifted’ child
Naramdaman kong nagsisimula akong manliit sa ikalawang linggo ng law school.
Mali yung sagot ko sa biglaang quiz nung umaga. Ang pangit ng unang recitation ko nung hapon. Nanginginig yung mga kamay ko sa tuwing may posibilidad na matawag ang pangalan ko at magkataong yung topic na hindi ko masyadong naaral ang maitanong sa’kin. May iba akong mga tanong sa professors na parang medyo obvious naman ang sagot pero tinanong ko pa rin para sigurado. Kada araw, kailangan kong gumugol ng ilang oras para basahin ang reviewers, codals, at annotated books para maka-catch up sa kung anong ididiscuss kinabukasan.
Sa kalagitnaan ng pagsisipag ko, napaisip ako: hindi naman ako ganito ka-hellbent mag-review dati.
Hindi nanginginig kamay ko kapag may recitation, scheduled man o hindi. Madalas pa nga dati, matapang akong makipag-eye contact sa mga guro at walang bahid ng takot o nginig sa boses kapag tinatawag ako. Midterms at finals, gagawa ako ng handwritten reviewer ilang oras bago ang exam para lang masiguro kong memorized ko ang mga dapat na alam ko. Nakakasabay ako sa analysis.
Hindi na ba ako magaling?
Minsan, pakiramdam ko nahuhuli ako dahil hindi ko masundan ang ibang mga konsepto at lenggwaheng ginagamit sa discussion. Literal na language of the law, ika nga. Pero nung high school ako, ang yabang ko pang gamitin yung mga Latin na pariralang madalas associated sa pag-aaral ng Law. Kaunti na lang, may lalabas nang pentagram tapos aalukin ako ni Satanas ng pera kapalit ang kaluluwa ko. Ngayon, kahit English, medyo nawiwindang na ako, lalo na kapag hindi ko masyadong nakukuha ang konteksto ng sinasabi nila. Dagdagan pa ng kaba tuwing face-to-face classes, minsan kahit alam ko naman kung ano yung tamang sagot, hindi ko masabi nang deretso dahil sa takot na baka isang maling salita ay mapahiya ako.
Hindi naman na ko bago sa pamamahiya. Dahil sa campus journ trainings, nasanay na rin akong pinapagalitan at pinagsasabihan kapag hindi gaano kaganda ang aking nasusulat. Pero iba pa rin pala talaga ang pakiramdam kapag ang daming nakatingin at nakakarinig.
Sa ikalawang linggo ko sa law school, napaisip ako: ito ba talaga ang tamang landas para sa akin?
Gabi-gabi, matapos ang bawat klase, ito ang bumabagabag sa isipan ko. Baka hindi talaga ako para dito. Baka sa med school pala talaga dapat ako (wow, feeling). O kaya naman, baka mas mainam na nag-professor ako dahil dati pa ako inaalok ng trabahong ito. Baka ang totoong landas ko pala ay maging isang journalist na nagtatrabaho sa New York o para sa Reuters. Baka hindi ko pala kailangan magkaroon ng “Atty.” sa unahan ng pangalan ko para lang mapatunayan na magaling ako.
Ngunit sa tuwing iniisip kong sukuan ang law school, may kirot rin sa puso ko. Nandito na ako eh — nakapasa na, nakapagbigay ng requirements, nakapagbayad na ng tuition, nakabili na ng mga libro, at sa dalawang linggo ng law school, nagkaroon na rin ng mga kaklase’t kaibigan na katuwang sa hirap na dulot ng araw-araw na night classes. Ang daling isipin na bumitaw na ngunit sa katotohanan, mahirap sukuan ang isang bagay kapag nasimulan mo nang sanayin ang sarili mo sa pagod na dulot nito. Toxic man at madalas napapaisip ako kung ito na nga ba talaga ang katapusan ko, pero ang totoo’y hindi ko rin magawang iwanan ang isa sa mga pangarap ko.
May love-hate relationship nga talaga yata ako sa pag-aaral na ito.
Trabaho sa umaga, aral sa gabi, trabaho ulit sa gabi
Third year college ako nung nangako akong iro-romanticize ko rin ang buhay ko. Spoiler alert: hindi pa rin nangyayari.
Isa sa mga rason kung bakit nakakapagod ang law school ay dahil kailangan ko itong isabay sa pagtatrabaho.
Hindi naman ito bago. Buong senior high school at college, isa akong working student. Matapos ang klase, weekends man yan o weekdays, trabaho kong mag-edit ng mga thesis ng ibang tao. Iba-ibang paaralan, iba-ibang topics, iba-ibang fields na madalas ay hindi naman ako an expert in. Minsan — pakatapos ng mga event at coverage na gabi na natatapos, at mga exam na binigyan ng disenteng libing — magpapa-umaga akong nakaharap sa laptop para matapos icheck ang thesis requirements ng iba. Kung abutin ng alas singko ng umaga (kahit alas onse ng gabi nagsimula), dalawang oras na lang ng tulog bago ako muling pumuntang eskwelahan para makipagsapalaran sa panibagong araw ng pag-aaral. Nasanay na akong kulang ang tulog kapag pumapasok.
Isang taon na akong may trabahong stable. Isang taon na rin akong nagpahinga sa pag-aaral. Siguro dahil rito kaya naninibago ulit ako. Sino ba naman ang hindi mara-rattle sa pagbalik sa pagiging isang estudyante, eh isang taon rin akong hindi nag-isip kung may quiz o recitation ba kinabukasan, o kung kelan ang exams, pati na rin kung may nakaligtaan ba akong assignments?
First week of classes, tinanong kami ng mga professors namin kung full time student ba kami o working. Lagpas kalahati ng klase ay full time students. Sigurado akong walang inggit sa puso ko nung napagtanto kong mas marami silang oras para makapag-aral. After all, I have always taken pride in being a working student. Siguro ang panghihinayang ko lang ay kung ano kayang kaya ni Hope in an alternate universe na hindi niya kailangang mag-hanapbuhay para matustusan ang mga kailangan at gusto niya sa buhay. Mas magaling kaya ako, mas kaya ko bang harapin ang law school, kung hindi ako nagtatrabaho?
Hindi ko kayang ma-romanticize ang law school tulad ng iba. Walang panahon para magpa-hanggang alas dose ng umaga sa cafes para lang mag-review. Ang weekends, imbes na sumama sa imbitasyon ng mga barkada at ilang kaibigang halos ilang buwan nang hindi nakakasama, may pasok tuwing Sabado at kaunti lang ang oras ng pahinga kapag Linggo bago mag-aral ulit. Hindi rin makapunta ng library kasama ang mga kaklase para makapag-review bago sumabak sa digmaan.
Ang hirap ng law school. Sa totoo lang. Pero baka ang dahilan kung bakit hindi ko siya ma-romanticize ay dahil hindi naman talaga siya dapat i-romanticize.
Walang iisang mukha ang pagiging law student. Minsan, they come in the form of codals and handwritten notes sa cafe, and everyday corporate attires. Sometimes, they come in the form of running to class para hindi ma-late kasi kaka-out lang galing sa work. Madalas, ang mukha ng law student ay spending nights reading cases after cases, provisions in the codals, all while doubting kung kaya mo ba talaga malagpasan ito nang hindi bumabagsak. Most days, it’s all about budgeting your time na kulang na nga to finish all work and get enough rest, tapos dinagdagan pa ng sandmakmak na readings.
Ang hirap maging law student. Ang awkward tapusin ito with an inspirational quote or word na wala masyadong bearing sa totoong buhay. They’re nice to hear, but kahit ilang “padayon” o “puhon” pa ang sabihin sa’kin, hindi nito maiibsan ang takot na araw-araw kong hinaharap simula nung tahakin ko ang landas na ito.
Sana lang, dumating ang panahon na lahat ng pagod na ito ay mapapawi ng “Atty.” sa unahan ng aking pangalan.
Nakaka-bilib kaming working students hanggang sa malaman mo ang aming mga kwento
Ang hirap kumayod habang nag-aaral pa.
Ito ang reyalidad na kinamuklatan ko noong elementarya pa lamang. Hindi naman mahirap ang pamilya namin — kung tutuusin ay nasa upper middle class ang buong panig ni mama. Kung ang titingnan naman ay kami lang ng aking ina, pwede na rin masabing lower middle class (at wala namang problema dun dahil sapat na ang kinikita para sa aming dalawa). Pero simula noong bata pa lamang ako ay palagi nang itinutuon sa aking isipan: hindi napupulot ang pera — pinaghihirapan itong makuha.
Kaya kahit may kaya naman kami, lalo noong kami ay nakatira pa sa bahay nina lola sa Cavite, may mga panahon talagang kinakailangang pagtrabahuhan ko ang isang bagay para makakuha ng malaki-laking pera para sa sarili.
Nasa ikaapat na baitang pa lamang ako noong nagsimula ‘kong tulungan si mama sa pagsulat ng script para sa dulaan ng mga pre-school sa aming paaralan. Nang tumungtong ako ng ikalimang baitang ay ako na mismo ang nagsusulat ng kabuuan nito — at palaging patok na patok ang gawa ko sa mga madre’t magulang.
Noong mga panahon na iyon ay itinuring ko lamang ang gawain bilang ekstensyon ng aking mga kayang itulong sa aming paaralan. Anak ako ng assistant principal, at ipinagmamalaki ko ang aking bawat gawa dahil kinumpleto ko ang mga ito nang may dignidad at tiwala sa sarili. Hindi naman ako kailanman naghangad ng kapalit na salapi dahil sa isip ng batang Hope, sapat na ang mga palakpak para sa aking gawa. Ngunit hindi rin naman pwedeng tumanggi, kaya naaasahan ko na kada taon ay makakakuha ako ng “incentive” para sa aking sulat.
Ayaw nina mama at lolo na mag-trabaho ako habang nag-aaral. Marahil ito’y dahil gusto nilang nakatutok lang ako sa pagiging isang mabuting (at matalinong) estudyante. Bago kami lumipat sa Bikol ay nangako silang sa senior high, pwede na ‘kong bumalik sa Cavite dahil sila ang magpapaaral sa’kin. Tiniis ko nang dalawang taon ang buhay sa probinsya, malayo sa mga kaibigang akala ko’y tatagal buong buhay ko.
Hindi ito nangyari. Patuloy ang hirap ng buhay namin sa Bikol.
Nagkaroon si lolo ng bagong pangako: siya ang magpapaaral sa’kin sa kolehiyo, basta sa Bicol University ako mag-aral. Sagot na raw niya ang lahat — pamasahe, baon, bayad sa boarding house, lahat ng perang kakailanganin ko para makapagtapos sa kahit anong kursong gusto ko.
Ngunit bago ko pa man makuha ang resulta kung ako ay nakapasa sa institusyon, pumanaw na ang nag-iisang tatay sa buhay ko.
Senior high school ako noong nadiskubre ko na kaya at magaling akong mag-edit ng mga papel, lalo na ng mga research papers. Dalawang guro ang nagbigay sa’kin ng commission noon: iwasto at magbigay ng comments sa mga papeles na ibinigay nila sa akin. Kapalit nito’y pakain ng isa, habang sa isa nama’y pera.
Iyon ang unang beses na makahawak ako ng buong 500 peso bill na galing sa sarili kong sikap, sa trabahong ibinigay sa akin nang hindi galing sa kakilala ang rekomendasyon.
Simula noon ay naisip ko nang ipagpatuloy ang pagiging isang thesis editor. Noong 2020, simula ng pandemic, mas kinailangan kong makapaghanap ng mga kliyente upang matustusan ang mga kailangan at gustong bilhin, dahil hindi naman mabibigyan ng baon sapagkat walang klase. Sa totoo lang rin, may parte sa akin noon na ayaw na lang humingi dahil nakikita ko na rin kung gaano kahirap para sa aking ina na mag-trabaho.
Noong 2020 rin ako nakapagsimulang magsulat ng mga artikulo para sa isang forex trading site, kung saan bawat salitang inilalagay ay may karampatang bayad. Kada linggo, nakaka-sweldo ako ng mahigit isang libo. Ngunit sa mga panahong iyon ay hindi rin naman makaipon dahil sa mga kailangang bilhin na gamit na hindi naman sa akin.
Ginawa ko ang lahat ng mga ito habang nag-aaral pa ako. Sa umaga’y isang estudyanteng kinamamanghaan ng kanyang mga kamag-aral, sa gabi nama’y isang ulirang trabahador na itinatawid ang buhay sa bawat isang artikulo, isang pananaliksik na ginagawa.
Limang taon na rin mula noong nagsimula ako sa puspusang pagtatrabaho at pag-tanggap ng mga commission mula sa bawat panig ng Pilipinas. Ngayon ay nasa huling taon na ‘ko ng kolehiyo, at patuloy pa rin ang pag-aalay ng oras para makamit ang buhay na inaasam-asam ko kahit noon pa.
Ang mundo ay naglalaman ng maraming success stories mula sa mga indibidwal na simula kapanganakan pa lamang nila’y para bang sinasalungat na sila ng tadhana. Karamihan sa kanila ay sasabihing “by God’s grace” o kaya nama’y “sipag at tiyaga talaga ang kailangan”. Ngunit ang hindi sinasabi ng iba ay ang hirap, nakakapagod makipagbakbakan araw-araw sa trabahong utak ang puhunan.
Madaling humanga sa mga working students, sa mga taong kayang pagsabayin lahat ng responsibilidad nila sa kanilang buhay. Pero ang reyalidad ay kahit gaano kadali ang pagtingin sa kanila, mahirap marinig ang kwento ng mga pawang bata lamang na nagkakanda-kuba kakatrabaho para lang maitawid ang pangarap nila at ng iba.
Palagi akong tinatanong ng iba kung paano ko kinakaya pagsabayin ang pagiging isang mabuting estudyante, isang lider ng organisasyon at publikasyon na mataas rin ang demand sa dami ng mga gawain, at isang working student na patuloy ang pag-tanggap ng mabibigat na commission. Noon, ang palagi kong sagot ay “tamang time management” lang, o kaya’y “magaling ako mag-balanse ng mga gawain”. Ngunit ngayon na patapos na ang aking kwento bilang isang estudyante — pagod sa mga gawaing pang-eskwela, palaging nag-iisip kung paano na kaya ang kinabukasan, isang tao na itinuturing ang bawat uri ng stress bilang isang nakagawian na — ang nasasabi ko na lamang ay “ewan ko rin, hindi ko rin alam”, dahil sa totoo lang naman talaga’y hindi ko rin alam kung paano ko nagagawa ang lahat nang mga ito nang walang bahid ng tuluyang kagustuhang sumuko.
Mahirap kumayod habang nag-aaral pa. Mahirap rin maging isang nag-iisang anak. Kahit sabihin ng magulang na ayaw nilang magtrabaho ka, kahit bigyan ka ng kasiguraduhan na kaya nilang buhayin ka, hindi mawawala ang guilt na kaya sila patuloy na nahihirapan ay dahil may anak silang kailangang buhayin. Kaya kahit araw-araw pang umiyak sa pagod, patuloy lamang ang aking pagkayod habang nag-aaral para lamang maibsan nang kahit kaunti ang paghihirap na tinitiis na lang rin ng magulang. Lahat ng kita ngayon at sa mga susunod na araw, pang-pundar sa sarili at sa kinabukasang makapagbabalik ng lahat ng sakripisyo nila.
Ang dami na rin kasing mga pangarap na binitawan ng aking mama para lang maibigay ang buhay na hindi kailanma’y pinasalamatan ng anak niyang dati’y sobra pa sa sobra ang paghahangad ng marangyang kinabukasan. Ngunit ngayon, ang pinakaaasam na lamang ay ang araw na makakapagpahinga, makakahinga muna.
Ang hirap kumayod habang nag-aaral pa, pero patuloy lang para sa mga pangarap.
And if I am any less than perfect, I am replaceable.
In Ancient Egypt, one of the arguably worst punishments is to forget someone. This is not just in terms of stripping them of their achievements and contributions to society but ultimately, erasing them from the memory of every person they have ever encountered until stories of their existence no longer live on. Those who were especially offended sometimes even resort to chiseling them out of the hieroglyphics that they may have been a part of or artworks and structures that have their name on them. This resulted to fear among the ancient Egyptians, pushing them to, as much as possible, lead honorable (if not heavily awarded) lives.
Ironically enough, even with zero trace of Egyptian genes in the bloodstream, this is a deep-rooted fear I carry to this day.
But being scared of being forgotten is only one of the branches of the many things I fear, including failure, rejection, and disappointment. As someone who, for all her life, had to achieve or go beyond the standards I myself have set, carrying the burden to continue the high, admirable life is both familiar and maddening.
The worse part is it is not a pretense. Being the ‘perfect’ daughter, sans the fact that my existence directly goes against the laws of the heteronormative society and I am more a liberal than a Christian, has always been my fated identity, not only because of the way I have been shaped to achieve this role, but because of my own pride. My family is not perfect, and we have never really been harsh with each other in terms of sticking to our own criteria for the illusion of perfection. But in a devout Catholic household all filled with accomplished professionals, pressure to be that gifted child constantly fills the air even with no one applying or triggering it.
It is ironic that I can and am very gentle with other people, that there is no room for judgment, especially in knowing their struggles. Yet, when it comes to looking at the mirror, the tiniest bit of imperfection is always enough to make me lose all the “well-placed angas” I have spent so long building inside.
There is no cure for these fears beyond constant appreciation and pride for oneself for all the things worth celebrating, big or small. It also helps to have people who love you and can love you amidst all the imperfections, trusting enough in their love that they will stay even in the worst, the ugliest of times.
I hope that one day, when I look back at this piece, I am able to overcome this overwhelming fear. It gets tiring — from drilling into oneself that you are easy to replace, to trying to believe it when people say you are enough. I hope to find security, solace in the arms of my beloved as she assures that I am greatly loved the way I am, comfort and humble pride in the admiration of others, and belief in my own self that I am deserving of the good things, that I am not as replaceable as I believed I was.
One day, all these scars will heal, and I will still be here to see it all unfold.