Stories by Alyza Giwel Timoteo on Medium
Ni: Giwel Timoteo
Sisimulang bawiin ng Land Transportation Office (LTO) ang mga lisensya ng mga. lasing na motorista, epektibo mula Nobyembre 15, 2026.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, awtomatikong makatatanggap ng show-cause order (SCO) mula sa kanilang Intelligence and Investigation Division (IID) ang mga drayber partikular na sa mga motorista na magiging positibo sa gagawing breathalyzer examination.
Awtomatikong hahantong sa perpetual revocation o panghabambuhay na pagbawi ng lisensya ang sinumang lalabag dito.
Hindi ito tulad ng dating batas kung saan maaari lamang masuspinde o mabawi pansamantala ang lisensya ng mga lumalabag.
Tiniyak pa nito na dadaan sa tamang proseso o due process ang lahat bago tuluyang bawiin ang kanilang lisensiya.
“Karamihan ng mga driver natin, winawalang bahala na lang, mag-iinom sila. Wag nating kalimutan ‘yung sa Cebu, nakailang aksidente sa Cebu na puro patay, mga drunk driving,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, layunin ng ahensiya na mas pahigpitin ang proteksyon sa mga drayber laban sa mga aksidente sa kalsada at isulong ang responsableng pagmamaneho.
Edited by:
First editor- Cindy Cruz
Second editor- Bernadette Reyes
Inihain na sa Kamara ang dalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte nitong Pebrero 7, 2026.
Pinasa na ni Secretary General Cheloy Garafi kay House Speaker Faustino “Boujie” Dy III ang complaints matapos ang isang taon nang ma-impeach si Duterte ng Kongreso.
Inilabas ni Garafil ang dokumento sa Kamara matapos makumpleto at aprubahan ng kaniyang tanggapan ang mga resibo ng complaints na kinakailangan para sa impeachment.
Ayon sa Korte Suprema, tatlong session days pa lamang ang lumipas mula nang ihain ang reklamo, at may natitira pang pitong session days ang Kamara o hanggang Pebrero 23 upang isulong ito sa Order of Business at ipasa sa justice committee.
Maaari namang idepensa sa Order of Business ang kaso ng reklamo sa Pebrero 9, 2026 para sa plenaryo ayon kay Rep. Terry Ridon (Bicol Saro Party-list).
Dagdag pa niya, maaari pang pabilisin ang proseso sa pamamagitan ng muling paghain ng ikaapat na impeachment complaint at pagkuha ng suporta ng isang-katlo ng lahat ng miyembro ng Kamara.
Inakusahan si Duterte ng “betrayal of public trust” dahil sa umanoy maling paggamit ng P612.5 milyon confidential funds.
Sinampahan naman muli ito ng ikalawang impeachment dahil sa betrayal of public trust,violation of the Constitution, conspiracy to commit murder, at graft and corruption.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang proseso ng kaso at ang pagbantay ng publiko para sa mga susunod na hakbang.
Idineklara bilang kauna-unahang minor basilica ang Holy Rosary Parish Church (HRPC) o mas kilala bilang ‘Pisambang Maragul’ sa Angeles, Pampanga noong Pebrero 7, 2026 matapos aprubahan ng Santo Papa ang Decree of Elevation na may petsang Enero 21, 2026.
Isinumite ni Arsobispo Florentino Lavarias ng San Fernando, Pampanga ang petisyon noong nakaraang taon, na nagsasaad ng matatag na Kristiyanismo ng simbahan upang gawin itong minor basilica.
Kabilang na ito sa 30 Minor Basilica ng Pilipinas at 2,000 sa buong mundo.
Ayon kay Celia Mendoza-Torres, deboto ng Birhen Delos Remedios at ng Nuestra Senora Del Santisimo Rosario at tagapangalaga ng tindahan ng parokya, ipinagmamalaki ng simbahan ang haba ng panahon ng pag-iral nito bilang isa sa mga natatangi nitong katangian.
Ayon naman kay Precious Jane Villena, estudyanteng regular na bumibisita sa simbahan, maraming deboto ang simbahan kung kaya’t mas lumago at lumaki ito.
Dagdag pa niya na nakatataba ng pusong malaman na sikat na ang simbahan at maaaring dumami ang bumibisita dito mula sa iba’t ibang lugar.
Sa kasalukuyan, dumarami na ang mga bumibisita sa simbahan, kasabay ng unti-unting pagkilala rito sa buong bansa.
“Neutralized” ang inilarawan ng New People’s Army (NPA) sa kanilang 500 miyembro at kanilang mga tagasuporta mula sa unang sangkapat ng taong 2026, ayon sa militar.
Tinutukoy ng militar na “neutralized” ang mga kalaban na kanilang napasuko, nahuli, o napatay.
Ayon naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, umabot sa 482 ang mga rebeldeng NPA at mga sumusuporta ang na-neutralize ngayong Abril.
Samantala, 446 ang sumuko, 18 ang naaresto, at 18 ang napatay sa mga operasyon sa buong bansa.
“Mas marami po ang sumusuko kaysa sa lumalaban. And when people choose to return to the fold of the law, that is not just a win for security, that’s a win for humanity,” sambit ni Padilla.
Ipinahayag din ng militar ang pagkakarekober ng 304 na baril at 79 na anti-personnel mines, gayundin ang pagkakabihag ng 18 kampo ng NPA sa unang tatlong buwan ng taon.
Ayon naman sa ulat ng AFP, 2,018 NPA rebels at kanilang mga tagasuporta ang na-neutralize, 1,798 ang sumuko, 93 ang naaresto, at 127 ang napatay noong nakalipas na taon.
Nagpatupad ng mahigpit na pagbabantay ang Land Transportation Office (LTO) sa mga kalsada at terminal sa buong bansa ngayong panahon ng Semana Santa, sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa at Summer Vacation 2026.
Isinagawa ang inspeksiyon sa Calamba, Laguna; Mabalacat at San Fernando sa Central Luzon; at sa North EDSA Terminal sa Quezon City.
Iniulat ng ahensya na magkakaroon din ng inspeksiyon sa bawat pampublikong sasakyan upang matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan at mga batas-trapiko.
Mahigpit namang hindi papayagan ang mga sasakyang may depekto o hindi sumusunod sa regulasyon upang maiwasan ang aksidente at maprotektahan ang mga pasahero.
“Hindi kami titigil hangga’t hindi namin natitiyak na ligtas ang bawat biyahe. Ang disiplina at pagsunod sa mga regulasyon ang susi upang masigurong maayos at walang aberya ang pag-uwi ng lahat,” ayon kay. LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pinaigting na pagbabantay ng LTO sa mga pangunahing kalsada at terminal, lalo na sa mga rutang dinaraanan ng mga pasaherong pabalik sa Metro Manila.
Nagbabala si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na maaaring bumaba ang kita ng mga magsasaka dahil sa patuloy na pagpasok ng imported na sibuyas kasabay ng lokal na anihan, lalo na’t nakaimbak pa ang mga ito sa cold storage.
Binigyang-diin niya na napipilitan ang mga magsasaka na ibenta ang sibuyas sa halagang malapit sa gastos sa produksyon, habang mataas ang presyo sa pamilihan, na posibleng dulot ng manipulasyon sa presyo at pagbaluktot ng supply chain.
Ayon sa senador, iimbestigahan sa Senate Resolution No. 344 ang aniyang “systemic collapse” ng farmgate prices sa Occidental Mindoro at Nueva Ecija, kabilang ang patuloy na bisa ng import clearance sa kabila ng mga polisiyang nagbabawal sa pagsabay ng importasyon at lokal na produksyon.
“It is questionable, especially since the policy is very clear that imports should not overlap with the harvest season of our local farmers,” pahayag ni Pangilinan sa nangyaring pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform noong Marso 26, 2026.
Panawagan ng Senate President Pro Tempore sa DA
Iginiit ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na dapat may agarang aksyon mula sa Deparment of Agriculture (DA) dahil sa hindi pagtugon sa kalagayan ng mga magsasaka ng sibuyas sa Occidental Mindoro.
Ito ay kasunod ng ulat ng isang magsasaka mula sa bayan ng Magsaysay na 40 porsyento ng kanilang 26,000 metric tons na sibuyas ay hindi maani at walang mamimiling handang bilhin ang kanilang ani.
“Even if your consultations are held weekly but the DA does not listen to the stakeholders, the consultations are useless,” dagdag pa ni Lacson.
Kinuwestyon din niya ang kakulangan ng maayos na pagbabantay sa sitwasyon, at iginiit niyang kung patuloy ganito ang kilos ng mga opisyal, malaki ang epekto nito sa sektor ng agrikultura.
Panawagan ng ibang mga senador
Kinuwestyon ng mga senador kung gaano karaming sibuyas ang kailangan ng Pilipinas upang maging sapat ang sariling produksyon.
“Why is it that imports only come in during the onion harvest? Is it possible that the data was manipulated?” tanong ni Sen. JV Ejercito sa patuloy na pag — angkat ng mga sibuyas sa kabila ng importation bans.
Nagsumite naman si Sen. Loren Legarda ng. P.S. Resolution No. 344 na nag-uutos sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform na imbestigahan kung sumusunod ang Department of Agriculture (DA) sa mga patakaran sa import calibration at cold storage.
“When farmers lose, the entire nation suffers. We cannot allow the sweat and sacrifice of our onion farmers to be wasted because of cartels and misguided policies,” dagdag ni Legarda.
Inaasahang epekto ng mga senador sa mga magsasaka
Inihayag ni Pangilinan na ang mga imported na sibuyas sa cold storage ay naglilimita sa espasyo para sa lokal na ani, kaya napipilitan ang mga magsasaka na ibenta sa mas mababang presyo.
Ani naman ni Ejercito, maaapektuhan ang seguridad sa pagkain gayundin ang pagbagsak ng lokal na produksyon.
Tinuring na may sapat na batayan o ‘sufficient in grounds’ ang dalawang kaso ng impeachment ni Vice President Sara Duterte, ayon sa Committee on Justice sa isang pagdinig noong Miyerkules, Marso 25.
Iminungkahi ni Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor na ideklarang matibay ang ikatlong reklamo laban kay Duterte, habang hinain naman ni Deputy Speaker Janette Garin ang mosyon para sa ikaapat na reklamo.
Sunod na idineklara ni Gerville Luistro, miyembro ng komite, na may sapat na batayan ang parehong impeachments, matapos aprubahan nang walang pagtutol ang ikatlo at ikaapat na reklamo.
Agarang tinukoy ng komite kung may sapat na batayan ang reklamo matapos isuko ng mga naghain ng ikatlo at ikaapat na reklamo ang kanilang karapatang tumugon sa sagot ni Duterte, na kanilang itinuring na isang “non-answer.”
“‘Yung mga tungkol po sa pagbanta niya po sa pangulo at iba pang opisyal, tungkol din po sa pag-malverse ng mga pera, ‘yung hindi pag-explain ng mga confidential funds, anomalous disbursements. ’Yun din ang allegations na ‘yan ang nagcoconstitute na nabanggit sa complaint, pero walang sagot.” ayon kay Rep. Leila De Lima, miyembro ng House Committee on Justice.
Sa kasalukuyan, dalawa sa apat na reklamo ang nananatili sa hurisdiksyon ng Committee on Justice matapos isantabi ang unang reklamo dahil sa paglabag sa one-year bar rule, habang ang ikalawa naman ay binawi ng mga naghain nito.
Idineklara ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos ang cash relief assistance at fuel subsidies bilang parte ng hakbang ng mga pamahalaan upang maibsan ang taas-presyo ng langis dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan.
Sinimulan na noong nakaraang linggo ang pagtatag ng mga hakbang sa iba’t ibang kagawaran ng bansa, saad ng pangulo sa isang video message noong 16 ng Marso.
Uumpisahan naman ng Department of Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance sa mga 139,000 tricycle drivers sa 17 lokal na pamahalaan sa loob at labas ng Metro Manila.
Samantala, inaasahang makakatanggap din ng P5,000 ang mga jeepney drivers at transport network vehicle service (TNVS) sa mga susunod na araw.
Maglalabas naman ng fuel subsidy and Department of Transportation (DOTr) para sa mga transport worker sa huling linggo ng Marso.
“Maliban dito, na-certify ko na bilang urgent ang dalawang panukalang batas na magbabawas sa excise tax sa petrolyo at mag-aamyenda sa Biofuels Act upang maagamit natin ang mas murang bioethanol,” dagdag pa ng pangulo.
Sa kabilang banda, magpapatuloy ang Department of Agriculture sa pagbibigay ng P3,000 fuel subsidy sa mahigit 26,000 magsasaka at mamamahagi rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng PhP3,000 fuel subsidy sa higit 26,000 mangingisda na sisimulan sa Marso 19.
Bukod pa rito, makakatanggap pa ang mga magsasaka ng tig-P2,000 na ayuda sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program.
Nangako ang presidente na patuloy itong gagawa ng mga hakbang para sa mga Pilipino upang malabanan ang mabigat na epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.
“Ngayon, higit kailanman, kailangan natin ang pagtutulungan ng bawat isa. Walang iwanan, walang maiiwan sa pagharap natin sa hamong ito,” banggit pa ng pangulo.
Inaresto ng Pampanga Police Provincial Office ang siyam na drug dealers, dalawang firearm traders, at isang most wanted person noong Marso 8, 2026.
Pinamunuan ni PCOL Eugene M. Marcelo at ng mga Municipal Police Station (MPS) ang operasyon sa iba’t ibang lugar sa Pampanga.
Nasamsam ang sumatutal na 15.47 gramo ng shabu na may halagang ₱105,198.00 sa magkakaibang anti-illegal drug entrapment operation sa Floridablanca na may apat na arestado, San Luis, Bacolor, Sto. Tomas, Macabebe, at Candaba.
Naaresto naman ang dalawang suspek sa isinagawang firearm buy-bust operation at nakumpiska ang dalawang unit ng kalibre .38 revolver at anim na piraso ng bala sa Arayat at Mabalacat.
Samantala, matagumpay na idinakip ang isang most wanted person sa manhunt operation sa Floridablanca.
Naiulat na nagkaroon ng Violation of Provincial Ordinance ang nasabing most wanted suspect at nirerekomendang magbigay ng piyansang nagkakahalaga ng ₱3,000.
Pinangakuan naman ni PCOL Marcelo ang patuloy na pagsulong ng mga operasyon upang masugpo ang krimen.
“With credibility, integrity, and professionalism, we always aim to strengthen peace and security across our beloved province of Pampanga,” dagdag pa ni PCOL Marcelo.
Inilunsad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang system-driven framework ng kanilang pamahalaan upang iwasan at bawasan ang human intervention, gayundin ang pagpapakita ng transparency pagdating sa pagkwenta ng mga buwis.
Pinaliwanag ni BIR Commissioner Charlito Mendoza sa naganap na blue ribbon hearing noong Martes ang magiging bagong tuntunin ng kanilang pamahalaan.
Paano ang systemized na proseso sa pag audit?
Pinaliwanag ni BIR Commissioner Charlito Mendoza na magiging system-generated na ang pagpili ng mga ia-audit, na dati ay ginagawa nang manu-mano.
Mananatiling anonymous ang mga taxpayer sa ilalim ng auditors upang masiguro ang transparency sa proseso.
Kinumpirma rin ni Mendoza na tanging ang Large Taxpayers Service at ang revenue regional directors ang makapipirma sa Letter of Authority (LOA) na naglalayong maiwasan ang paulit-ulit na pagsusuri.
Paano tinutugunan ng BIR ang alegasyon ng pang-aabuso ng LOA?
Ipinatupad ang system-driven audit framework bilang tugon sa mga isyung kaugnay ng manipulasyon at pang-aabuso sa proseso ng pagkuha ng LOA.
Layunin din nito na bawasan ang human intervention at iwasan ang anumang panggigipit sa mga taxpayers.
Paano titiyakin ang accountability at transparency ng implementasyon?
Nangako ang BIR na patuloy nilang babantayan at iimonitor ang implementasyon ng reporma, kasabay ng pagpapatibay ng transparency sa pamahalaan.
Nagbigay din si Mendoza ng paalala na lahat ng hakbang ng BIR ay susuriin at iuulat sa publiko upang tiyakin ang pananagutan at integridad ng proseso.