Stories by Ang Lagablab on Medium
ni Jul Maulion
Bago magsimula ang klase, parating di-magkandaugaga ang mga mag-aaral ng Pisay sa mga nagsasabay-sabay na presentasyon, pagsusulit, laboratory experiment, at mga proyekto. At kasabay ng mga ito, nariyan ang isang gurong naghahanda para sa klase; may dala-dalang laptop, marker, at papel, may araling kailangang ipaliwanag, estudyanteng kailangang gabayan, at pisarang kailangang sulatan.
Sa bawat talakayan, kadalasang nakatuon ang atensyon ng mga mag-aaral sa mga terminong binabanggit ng guro at nakasulat sa pisara. At habang nagpapatuloy ito, napupuno ang espasyo ng mga formula, depinisyon, at mga konsepto. Ngunit pagkatapos ng talakayan sa klase, kapag nabura na ang mga nakasulat, ano ang naiiwan at tunay na tumatatak sa isipan ng mga mag-aaral?
Dalubhasang Tagapagdaloy
Kapag naririnig ang salitang guro, ang kadalasang pumapasok sa isip ay mga tagapagdaloy ng kaalaman at impormasyon — mga nagpapaliwanag ng mga konseptong hindi maintindihan, nagbibigay ng mga gawain at pagsusulit, at nagbabalik ng mga papel na may markang matagal nang hinihintay.
Ngunit sa isang paaralang tulad ng Pisay, hindi laging sapat ang pag-alam sa tamang sagot. Hindi lamang binibigyang-kahulugan ng mga guro ang mga konsepto; tinuturuan din nila ang mga estudyante kung paano sagutin ang mga tanong na “Ano?” “Bakit?” at “Paano?” kaugnay nito. Sa halip na basta kabisaduhin ang mga konseptong itinuturo, hinihikayat silang ipaliwanag ang kanilang pangangatwiran, magsuri ng iba’t ibang posibilidad, at maghanap ng ibang paraan upang malutas ang isang suliranin.
Mapalad ang mga iskolar sapagkat karamihan sa mga guro ay dalubhasa sa kani-kanilang mga larangan. Mapa-STEM man o humanidades, hindi lamang nila ipinapasa ang kaalamang nahubog sa mga taon ng pag-aaral at karanasan; ginagamit din nila ito upang mahubog ang kakayahan ng mga iskolar na mag-isip, magsuri, magtanong, at magpaliwanag. Sa bawat talakayan, hindi lamang kaalaman ang naiiwan, kundi isang paraan ng pagtingin sa mundong kanilang ginagalawan.
Bagaman madalas silang nagbibigay ng mga mala-bundok na gawain, sunod-sunod na pagsusulit, at mga deadline na tila’y nagsasabay-sabay, bahagi ang mga ito ng pagtulong sa mga iskolar ng bayan na matuto, umunlad, at humarap sa mga hamong higit pa sa loob ng silid-aralan.
Kung ang depinisyon ng pagiging guro ay pawang paglilipat ng impormasyon mula sa pisara tungo sa kuwaderno, sapat na ang mga aklat at presentasyon. Ngunit hindi lahat ng mahahalagang aral ay kayang ituro ng mga formula o depinisyon lamang. May mga aral na hindi nakasulat sa pisara.
Kasagutang Wala sa Aklat
Lagpas sa pagiging mga tagapagpadaloy ng kaalaman, ang mga guro ay naririyan upang tumugon sa mga pagkakataong labas sa asignatura ang suliranin. Sapagkat sa isang paaralang parating may tambak ng gawain, hindi araw-araw maligaya ang buhay ng isang iskolar. May mga araw na nakasimangot, walang motibasyong matapos ang mga gawain, at pinipilit na lamang ang sarili na umabot sa dulo ng araw. Ngunit sa iilang pagkakataon, sapat na ang isang biro o tawanan sa klase upang guminhawa kahit papaano ang isang nakakapagod na araw at makalimutan ang tambak ng gawain na naghihintay pagkatapos ng klase.
Sa likod ng mga pagkakapinta ng mga mukha ng mga mag-aaral, ito’y napapansin din ng mga guro. Nababatid nila ang dating masigla at palangiting estudyante ngunit bigla na lamang nananahimik, ang mga matang waring iba ang ipinahihiwatig, o ngiting tila pinipilit na lamang ipinapakita. Minsan’y sa simpleng tanong na “Okay ka lang?” o sa mahigpit na yakap mula sa guro, sapat na iyon upang bumuhos at umagos ang luha ng isang estudyante na buong araw may dinaramdam at kinikimkim na pighati.
Sa mga sandaling iyon, hindi muna ang grado, deadline, at gawain ang mahalaga. Nakikita ng mga guro ang pagod at bigat na dala-dala ng mga estudyante at nagiging mga taong maaari nilang sandalan upang gumaan ang kanilang nararamdaman. Sapagkat alam nila na ang mga iskolar, bago maglingkod sa iba, ay hindi lamang mga isip na kailangang hasain, kundi mga taong kailangang din unawain at pahalagahan.
Silang Higit na Naniniwala
Hindi natatapos sa pag-unawa ang pagiging sandalan ng isang guro. Kapag naubos na ang luha at kailangan nang harapin ang iniiwasang mga gawain, may mga pagkakataong kailangan din ng isang mag-aaral ng taong magpapaalala sa kaniya na kaya pa niyang magpatuloy, lalo na kapag binabalot siya ng pangamba, takot, at pagdududa.
Hindi agad nakikita ng mga iskolar ang kanilang potensyal, lalo na kapag tila hindi sapat ang kanilang gawa o performance sa mataas na pamantayang nakasanayan sa Pisay. May mga pagkakataon na nagiging matigas sila sa kanilang sariling kakayahan at naikukumpara nila ang kanilang sarili sa iba.
Ngunit sa mga simpleng salita mula sa isang guro tulad ng “kayang-kaya mo ’yan,” maaaring magkaroon ng lakas ang estudyanteng pinaghihinaan ng loob. Para sa mga mag-aaral na unti-unti nang nauubos sa walang-katapusang mga gawain, ang pagkakaroon ng isang taong naniniwala pa rin sa kaniyang kakayahan at potensyal ay maaaring maging dahilan upang muling bumangon at subukan, kahit ilang beses nang nadapa.
Sa bawat “kaya mo ‘yan,” “subukan mo ulit,” at pagkakataong ibinibigay upang itama ang kanilang mali, unti-unting natutuhan ng mga iskolar na lagpas pa sa mababang grado, maling sagot, at palpak na proyekto ang kanilang tagumpay at kakayahan.
Sa ganitong paraan, hinuhubog nila ang mga iskolar na matutong tanggapin ang kanilang pagkakamali, bumangon kahit mahirap, at maniwala sa kanilang sariling kakayahan, kahit hindi parating naaayon sa inaasahang resulta.
Huwarang Isinasabuhay
Ngunit higit pa sa mga salitang nagbibigay-lakas at motibasyon, nahuhubog din ang mga iskolar sa mga bagay na nakikita nilang isinasabuhay ng mga guro. Nakikita ito sa gurong ginagawang kawili-wili ang mga talakayan, matiyagang nagpapaliwanag ng konseptong paulit-ulit na tinatanong, at naglalaan ng oras upang makilala hindi lamang ang kanilang kakayahan, kundi pati ang kanilang pagkatao. Higit sa lahat, ipinapaunawa niya na ang galing ng kaniyang mga estudyante ay hindi lamang para sa pansariling interes at tagumpay, kundi para sa ikabubuti ng kapwa.
Sa kanilang pagiging matiyaga sa pagtuturo, paglalaan ng oras sa mga mag-aaral, at pagtulong kahit lagpas sa kanilang asignatura, naipamamalas nila ang mga pagpapahalagang nais nilang taglayin ng mga estudyante: pagiging matiyaga, responsable, masipag, at matulungin. Hindi namamalayan ng mga estudyante, ngunit dahan-dahang nahuhulma ang ugali at pagkatao ng isang iskolar ng bayan — sa simpleng pagtulong sa nahihirapang kaklase, pamamahagi ng kaalaman, pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad, at paggamit ng kasanayan sa mga proyektong makatutulong sa iba.
Sa pagsasabuhay ng mga guro sa kanilang itinuturo, hindi lamang itinuturo kung paano maging mahusay na iskolar, kundi kung paano gamitin ang kahusayan sa labas ng silid-aralan.
Mga Aral na Hindi Nabubura
Sa pagtatapos ng klase, isa-isang nabubura ang mga numero’t salitang nakasulat sa pisara. Kinabukasan, mapupuno muli ang blangkong espasyo ng panibagong kaalaman. Unti-unti na rin nilang malilimutan ang mga formula at konseptong ilang gabi nang kinakabisado, nilalaman ng reviewer na paulit-ulit na binabasa, o mga solusyon sa mga mock test na sinasagutan.
Ngunit may mga bagay na hindi nasasama sa pagbubura. Ang mga salitang sinambit ng unang guro na naniwala sa kaniya. Ang mga mabubuting punang nakatulong upang kilalanin ang kaniyang kakulangan at paghusayin ang kaniyang kakayahan. Ang mga simpleng biro, payo, tawanan, at yakap na nagpapaalala sa kaniya na higit pa sa kaniyang marka ang kaniyang halaga.
Sa huli, hindi na lamang mga aklat, kaalaman, at kasanayan ang humuhubog sa isang iskolar — hinuhubog din siya ng mga taong nagturo sa kaniya na hindi lamang maging magaling sa akademya, kundi handa ring gamitin ang kaniyang kasanayan at kaalamang natamo upang makatulong sa nakararami at maglingkod sa bayan.
Maaaring matapos ang klase, ang araw, ang isang taon, at balang araw, ang paglalakbay ng mga iskolar sa Pisay. Maaaring burado na ang mga numero’t salita sa pisara at tuluyang iwanan ang silid-aralan. Ngunit sa kanilang pagtahak sa buhay sa labas ng apat na sulok na ito, mananalaytay pa rin ang mga salitang minsang nagbigay ng lakas, mga aral na gumabay, at mga pagpapahalagang itinuro hindi lamang sa salita, kundi sa halimbawa.
At marahil, ang pinakamahalagang aral mula sa mga guro ay yaong hindi kailanman kinailangang isulat sa pisara.
ni Keith Crisostomo
Ipinagdiriwang ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham — Pangunahing Kampus (PSHS-MC) ang Buwan ng Wika 2026 nitong Agosto sa pamamagitan na mga paligsahan, pagtatanghal, at usaping nag–uugnay sa temang “Wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI): Kasangkapan sa Pananaliksik at Tukay sa Yaman ng Impormasyon.”
Hinikayat ang mga mag-aaral na magsuot ng kasuotang Pilipino at gamitin ang wikang Filipino sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Nagsagawa rin ang Filipino Unit ng pag-eeksibit at pagtatanghal ng pagbuo sa mga poster, patimpalak sa digital at likhang-kamay na guhit, talumpati, at pag-awit ng Original Pilipino Music (OPM).
Kabilang din sa mga aktibidad ang iilang kolokyum tungkol sa AI literacy, etika, at pananaliksik, na tumalakay sa responsableng paggamit ng AI bilang kasangkapan sa pagkuha at paglaganap ng impormasyon.
Isinagawa rin ng mga guro ng Filipino Unit ang pagbabasa na tula sa Flag Ceremony. Dito, binigyang-diin ang ugnayan ng wikang Filipino at ng AI.
Gayunpaman, inilahad din na habang maaaring magsilbing katuwang ang AI sa pagkatuto at pananaliksik, hindi nito mapapalitan ang talino, damdamin, at pagkakakilanlan ng isang tao. Pinaalala nito na sa isang panahong digital, kinakailangan din ang responsableng at ligtas na paggamit ng teknolohiya.
“Ang AI ay maaaring magbukas ng maraming pinto, ngunit ang wikang Filipino ang laging nagpapaalala kung saan tayo nagmula, kung sino tayo,” ani Bb. Ligaya Cion, isang guro.
ni Shae Villadarez
Ika-16 ng Abril nitong taon, opisyal na pinirmahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pormal na kasunduan sa paglahok ng Pilipinas sa Pax Silica Initiative, isang alyansang pinangungunahan ng Estados Unidos upang labanan ang puwersa ng Tsina sa usapin ng teknolohiya. Ngunit sa kabila ng mga ipinapangakong benepisyo ng inisyatibo, sapat na nga ba ang mga ito para hindi bigyang-pansin ang posibleng masasamang dulot nito sa bansa?
Layunin ng Pax Silica ang tuluyang pagpapalakas sa Artificial Intelligence (AI) sa pamamagitan ng paggawa ng microchips para sa mga gadyet gamit ang mga mahahalagang mineral tulad ng nickel, tanso at cobalt. Sa kasalukuyan, mayroong higit sa 30 bansang sumanib sa inisyatibo na may sari-sariling kontribusyon. Nangunguna sa Timog-silangang Asya ang Singapore, na may gawa sa 1 sa 10 microchip na inilalabas ng proyekto, at may hawak din sa 1.4 gigawatts ng enerhiya.
Subalit, kung titingnan, hindi pa sapat ang kakayahan ng Pilipinas na makipagsabayan sa ganitong uri ng industriyalisasyon, lalo na kung wala pang tiyak na proteksyong nakapataw para sa ekonomiya at likas na yaman ng bansa.
Isa sa mga pangunahing salik ng Pax Silica na kasalukuyang tinatalakay sa mga forum ay ang pagpapatayo ng halos 2,000 hektaryang industrial hub sa New Clark City, na kasinglaki ng 24 na SM Mall of Asia. Ang sentrong ito ay gagamitin sa pagbuo, pagsubok, at pagbalot ng mga microchip, at magiging himpilan para sa pagpapalawak ng data centers na kinakailangan ng AI.
Bagaman ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang State of the Nation Address ang mga de-kalidad na trabahong maibibigay sa mga lokal na inhinyero at mananaliksik, hindi niya binigyang-pansin ang katotohanang habang patuloy na umuunlad ang AI at automation, dumarami rin ang mga trabahong kayang gawin ng mga robot nang mas mabilis at mas mura kaysa sa mga tao. Ngayon, kung walang malinaw na pahayag tungkol sa kung paano mapoprotektahan ang mga manggagawang Pilipino, maaaring maging panandaliang oportunidad lamang ang ipinapangakong trabaho ng inisyatibo.
Dagdag pa rito, walang nabanggit ang presidente tungkol sa masasamang dulot ng proyekto sa kalikasan, at sa katunayan, hindi nararapat na ituring na “collateral damage” lamang ito. Kasama sa paggawa ng mga semiconductor ang pangangailangan ng maraming supply ng tubig, enerhiya, at iba’t ibang kemikal, at kung hindi sapat ang environmental safeguards na nakaakibat sa proyekto, maaari itong magdulot ng mas mataas na konsumo ng tubig at pagdaragdag sa greenhouse gas emissions.
Sa ngayon, hawak ng Pilipinas ang mga baraha: nasa bansa ang likas na yaman, estratehikong lokasyon, pati na rin ang manpower na kinakailangan ng Estados Unidos para mas payabungin ang Pax Silica. Subalit, hangga’t nananatiling kulang at malabo ang impormasyong inilalabas ng pamahalaan, mananatiling malaking palaisipan kung para kanino nga ba talaga ang proyektong ito.
Samakatuwid, bilang isang inisyatibong may kakayahang humubog sa kinabukasan ng agham, teknolohiya, at ekonomiya ng bansa, hindi dapat ito idinadaan sa mabilisang desisyon o simpleng tiwala lamang. Hindi kailanman nararapat na ipagpalit ang pambansang seguridad para sa pangakong pera at mataas na ekonomiya. Sa katotohanan, ang tunay na nararapat na gawin ng pamahalaan ay ang pakinggan ang sigaw ng taumbayan, sapagka’t sa posibilidad na pumalpak ang patakaran, hindi sila na nasa pwesto o ang mga dayuhang mamumuhunan ang magdurusa, kundi ang mga mamamayang Pilipinong araw-araw kumakayod para lamang mabuhay.
Ang agham at teknolohiya ay maaaring magbukas ng pinto para sa ganap na kaunlaran ng bansa, ngunit ang tunay nitong tagumpay ay nasusukat sa kung paano nito pinaglilingkuran ang sambayanang Pilipino. Kaya naman, sa usapin ng pag-unlad, dapat lahat ay kasama — walang lumalangoy sa ginhawa habang ang karamihan ay nalulunod at nagdurusa.
nina Rey Adriano, Jul Maulion, at Micay Rubico
Pula: Sama-samang Pakikibaka
“Makibeki, Huwag Mashokot!” — Iyan ang sigaw ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham — Pangunahing Kampus (PSHS — MC) sa ikatlong Pride March na isinagawa noong Hulyo 29, 2026. Ito ay bahagi ng Iskulay 2026: Ang Papel ng Iskolar ng Bayan Tungo sa Malayang Sangkabaklaan, isang pagdiriwang na pinangunahan ng Student Council, Bahaghari, at Aksyon Iskolar.
Kahel: Sa Ilalim ng Bandila
Nagsimula ang programa ng Iskulay 2026 sa isang panel discussion upang talakayin ang mga karanasan, hamon, at adbokasiya ng komunidad ng LGBTQIA+. Nagbahagi ang mga panauhin ng kanilang mga pananaw at karanasan ukol sa queer identity, karapatang pantao, at ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng mas inklusibong lipunan.
Pinangunahan ang talakayan nina Yani Villarosa, o mas kilala bilang yanihatesu, isang content creator at host ng podcast na Yani’s Room; Frank Araneta, isang human rights advocate at Direktor ng SOGIE Policy at Advocacy Committee ng Philippine Anti-Discrimination Alliance of Youth Leaders (PANTAY); at Reyns Britanico, ang Punong Babaylan ng UP Babaylan at ng UP Pride 2025. Nagbahagi ang tatlo ng kani-kanilang mga karanasan at pananaw kaugnay sa liberasyon at papel ng kabataan sa pagsusulong nito.
Dilaw: Ang Saliw ng Sari-sari
Sa unang bahagi ng talakayan, “Mga Karanasan, Hamon, at Hinaharap ng Kabataang Queer,” tinalakay ng mga panauhin ang mga pagsubok na kinahaharap ng komunidad ng LGBTQIA+, ang mga pagbabagong naidulot ng patuloy na adbokasiya, at ang mga hamong nananatili sa kasalukuyan.
Binigyang-diin ni Villarosa ang kahalagahan ng paglikha ng mga ligtas na espasyo sa paaralan. “Malaking bagay na ang pag-host ng ganitong mga queer events sa inyong school,” aniya.
Samantala, sa ikalawang bahagi ng panel discussion na pinamagatang “Pagkilala at Pagkilos: Papel ng Iskolar sa Tunay na Queer Liberation,” tinalakay ang tungkulin ng mga iskolar sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at kung paano mapapanatili ang pag-asa sa gitna ng mga laban na kinakaharap ng mga taong kabilang sa LGBTQIA+.
Sa kabila ng mga puwersang humahadlang sa pag-unlad ng kilusan, iginiit ni Araneta na “What gives me hope, what keeps me going is that lumalaki tayo, dumadami tayo,” bilang paalala na patuloy na lumalakas ang komunidad at dumarami ang mga sumusuporta dito. Dagdag pa niya, “We’re not asking them to fight us; we’re asking them to fight with us.”
Berde: Isang Hakbang, Isang Tipon
Pagkatapos, nagmartsa papuntang Advanced Science and Technology Building o ASTB Hall ang mga mag-aaral, hawak-hawak ang mga karatula at sinisigaw ang iba’t ibang panawagan.
Unang nagbigay ng mensahe si Sir Arnie Lapuz ng Social Science Unit, kung saan binigyang-diin niya na bagama’t may mga napagtagumpayan na ang pamayanang LGBT, hindi dapat dito magtapos ang pakikibaka para sa kanilang pagkilala at mga karapatan.
“Ang pagiging bahagi ng komunidad na ito ay patuloy na pakikibaka sa mga puwersang macho at patriyarkal na nagsasantabi sa ating pag-iral at nagsasaglas sa atin sa mga margins o laylayan ng lipunang kinapapalooban natin,” ani Sir Arnie. “Sa pagtatapos ng martsa na ito, tara na’t patuloy pa rin nating patingkarin ang kulay ng ating bahaghari.”
Parehong nagbigay-pokus sina Adam David, Chairman ng UPD Bahaghari, at Carla Habito, isang PSHS Batch 2025 alumna, na ang laban ng Pride ay laban din ng mga manggagawa, magsasaka, at iba pang sektor ng lipunan.
“Tuloy ang Pride buwan-buwan at araw-araw dahil hindi hiwalay ang laban ng LGBT sa ibang mga sektor. Sa mga manggagawang kulang ang sahod at sa mga magsasaka na walang lupa, alam natin na palaging may at least isang beki ng bayan diyan,” ani Habito.
Dagdag naman ni David, “No one is free until everyone is free.” Wika niya, “Kaya lagi’t lagi, sa lumalalang krisis, sa lumalalang sistema, ang sagot lang natin ay tuloy-tuloy lumalaban.”
Bughaw: Ang Tinig ng Kabataan
Samantala, ibinahagi naman ni Yanna Medes, ang puno ng Bahaghari, ang kaniyang naging karanasan bilang isang batang queer. Ayon kay Medes, ang Pride ay para sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong tanggapin ang kanilang sarili at nahihirapang makawala sa pagkakagapos dala ng takot, panghuhusga, at diskriminasyon ng mga taong nakapalibot.
“Ang pagmamahal ay hindi nagkakamali at ang ating mga kuwento ay hindi dapat ikinakahiya,” ani Medes. “Sa bawat martsa, sa bawat sigaw, at sa bawat kulay na ating iwinawagayway, pinapatunayan nating ang bukas ay para sa lahat — walang kinikilingan, walang takot at malaya.”
Sa pagtatapos ng programa, taos-pusong nagpasalamat ang Puno ng Student Council na si France Dela Cruz sa buong komunidad na dumalo sa Iskulay 2026. Ayon sa kaniya, bagama’t marami pa rin ang humihila pababa at tumutuligsa sa komunidad ng LGBTQIA+, naniniwala siyang darating ang araw na babangon ang Pilipinas at magiging mas inklusibo at makatarungan ito.
Binigyang-diin din niya na hinding-hindi natatapos ang Pride sa buwan ng Hunyo sapagkat ang Pride ay hindi lamang selebrasyon kundi isa ring protesta.
“Alam kong marami ang wala rito ngayon dahil sila ay takot. Takot na malait at mahusga, pero iyon mismo ang dahilan kung bakit tayo lumalaban. Para maging mas komportable, inklusibo at ligtas ang ating komunidad. Tandaan na kasama rin natin sila sa ating pinaglalaban,” saad ni Dela Cruz.
Lila: Higit pa sa Parada
Ginanap naman samantala sa Front Lobby ang BekiKon 2026, isang marketplace puno ng iba’t ibang paninda at pride-themed merchandise.
Sa kabuuan, ipinagdiriwang ang tuluyang paglaban ng komunidad ng LGBTQIA+ para sa SOGIE Bill. Pinakita ng Iskulay 2026 ang nananatiling hayag na diwa ng Pride sa PSHS — MC para bigyang boses ang mga kabataang queer at ipakilala ang karapatang pantao ng bawat kasarian.
Mabuhay ang kulay sa Pisay!
ni Abien Oliva
Idinaos ang Club Fair 2026 sa ika-29 ng Hulyo sa Multipurpose Gymnasium at 3rd Floor ng Science and Humanities Building (SHB) ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham — Pangunahing Kampus (PSHS — MC) na pangunahing inihanda at pinangunahan ni Noah Martin Tuggay, ang pinuno ng koordinasyon sa mga samahan (CCH).
Binuksan ang programa para sa mga mag-aaral mula sa ikapito hanggang ikasampung baitang upang mahanap nila ang samahang sasalihan sa pagbubukas ng aplikasyon.
Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pamamahagi ng Bingo Cards na nagsilbing bahagi ng talaan ng pagdalo. Naging paraan din ito upang maging mas interaktibo ang pakikipag-ugnayan habang naglilibot ang mga mag-aaral, nakikihalubilo sa mga miyembro, at nakikilahok sa mga booth ng mga samahan.
Bilang bahagi ng pag-aanyaya sa mga mag-aaral na makisali, mayroong iba’t ibang pagtatanghal, bentahan, at munting paligsahan sa mga booth upang ipakilala ang kanilang club, tulad ng pagtira ng frisbee sa booth ng Allianti, ang samahang frisbee, at ang gayahan ng sayaw na hango sa Just Dance! sa booth ng Sagala, ang samahang pagsasayaw.
Kabilang dito ang mga samahang pang-akademiko, pang-sosyo-espirituwal, pang-sining na pagtatanghal, pang-isports, mga koponang varsity, at iba pang organisasyon.
Layunin ng programa na ipakilala sa mga mag-aaral ang mga samahan sa kampus na maaari nilang salihan. Ipinapakita rin ng pagdiriwang ito ang kahalagahan ng pagbabalanse ng mga pang-akademikong gawain sa paglilibang, at mga gawaing ekstrakurikular.
Nakatutulong ang pagkakaroon ng mga gawaing ito sa mga mag-aaral na mapalawak ang iba pang kasanayang magagamit nila sa buhay, tulad ng pamumuno, pamamahala ng oras, at epektibong komunikasyon.
Nagsilbing unang hakbang ang Club Fair 2026 sa pagkilala ng mga mag-aaral sa mga samahan ng Pisay bago ang nalalapit na aplikasyon, audition, tryouts, at iba pang proseso ng pagtanggap ng mga bagong kasapi.
ni Rey Adriano
Ipinagdiwang ng Batch 2028 ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham — Pangunahing Kampus (PSHS — MC) ang kanilang Padayon sa Multipurpose Gymnasium noong ika-17 ng Hulyo. Binansagang Silanglaya, ipinagbunyi ng mga mag-aaral ang kanilang pagbangon at pagpupunyagi sa kabila ng matinding pagsubok.
Sa pangunguna ng Himig Agham at Bravura, nagsimula ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang, kasunod ng doksolohiya. Sumunod dito ang pagbitbit ng UP Diliman Honor Guards ng watawat ng Pilipinas at ng PSHS. Nagbigay ng pambungad na mensahe sina Dr. Rod Allan de Lara, ang kampus direktor ng PSHS-MC, at Dr. Ronalee Orteza, ang executive director ng Pisay System. Binigyang-diin nila rito na ito na ang simula ng bagong kabanata ng mga mag-aaral at inaanyayahan na ang Batch 2028 ay tuluyang maglingkod para sa bayan.
Samantala, ipinakilala ni Bb. Ana Maria Chupungco ang panauhing pandangal na si Bb. Jillian Robredo, isang dating iskolar ng PSHS-MC na nagtapos noong 2018. Sa kanyang mensahe, binahagi niya ang kanyang mga karanasan bilang mag-aaral na ang mga hamon at kabiguan ang tunay na nagpapatatag sa puso.
“Kaya sa inyong pagpasok sa huling dalawang taon niyo rito sa Pisay, ‘wag kayong masyadong matakot. Manatiling bukas, magtiwala na lahat ng ginagawa niyo ngayon ay may saysay, at patuloy na gumawa,” ani Robredo.
Sumunod dito ang pagkilala sa mga parangal na nakamit ng mga mag-aaral, katulad ng Director’s List, Karangalang Kurikular at Ko-kurikular, Special Participation Awardee, Leadership at Service Awardee at Promising Young Scientist sa STEM at Humanities.
Sa kalagitnaan at pagtatapos ng seremonya, ipinalabas ang Audio-Visual Presentations nina Thea Geonanga at Aya Villanueva na binubuo ng mga larawan ng Batch 2028 mula sa kanilang unang apat na taon sa Pisay.
Nagbigay ng madamdaming talumpati si Andi Lakip, ang kinatawan ng mga mag-aaral, na nagpaalala na walang shortcut sa pagkatuto at hinikayat na palaging sikapin ang paghubog ng sarili nating pagkatao.
Ika nga ni Lakip, “Nawa’y sa susunod na baitang, mayakap natin ang bersyon na kinikilala at nauunawaan ang ideya na walang pag-unlad ang nililikha sa pagmamadali.”
Pagkatapos, nagbigay ng pangwakas na mensahe ang Division of Student Affairs Chief na si Dr. Benigno Montemayor Jr.
Sa pagtatapos ng programa, kinanta ng Batch 2028 ang PSHS at DOST Hymns sa pamumuno muli ng Himig Agham bilang isang pagpupugay sa kanilang pinagdaanan bago tumungo sa Specialization Years Program at salubingin ang bagong taong-panuruan.
ni Mon Perez
Nakakamanghang isipin na matapos ang anim na taon sa Pisay, isang hapon lamang pala ang pagitan ng pananatili at pamamaalam.
Mainit pa ang singaw ng lupa sa hapon nang magsimulang magsilabasan ang mga tao mula sa mga silid. May ilan na agad naghiyawan matapos ang huling exam, may mga nakangiti habang bitbit ang kani-kanilang papel na ilang taon ding naging buhay nila. Ngunit sa likod ng tawanan, may kakaibang bagal sa bawat galaw. Mabagal ang pag-iimpake ng mga dormer na dati ay uwing uwi na. Paikot-ikot ang mga magkakaibigan sa oval, sumusulyap sa tanawin ng kampus sa huling pagkakataon na tila ba’y, parang walang gustong maunang umuwi.
Sa SHB, umaalingawngaw ang tunog ng mga yapak at tawanan sa mahabang pasilyo. Ang dating ordinaryong alingawngaw ng kampus ay biglang naging malungkot pakinggan. Kada sigaw ng pangalan ng kaibigan, kada sigaw ng “wait lang!”, kada huling asaran ay tila mas kumakapit sa hangin. Sa pagitan ng mga halakhakan, maririnig mo pa rin ang kalansing ng ID lace na puno ng anik-anik at ang mahihinang buntong-hininga ng mga taong hindi pa handang tanggapin na matatapos na talaga ito.
Pagdako sa field, may mga frisbee pang lumilipad sa hangin habang palubog ang araw. Paulit-ulit ang ikot nito sa ere — sandaling lumulutang bago muling saluhin ng mga pamilyar na kamay. Ang tunog ng pagsalo, ang sigaw ng “Nice throw!”, ang pagtakbo sa damuhan habang humahampas ang hangin sa balat — lahat iyon ay parang eksenang ilang ulit nang nangyari sa loob ng anim na taon. Ngunit ngayong hapon, iba ang pakiramdam dahil ito ay mas mabagal–mas mabigat. Parang alam ng lahat na ito na ang huling beses na magiging ganito ang kampus para sa kanila.
May ilan namang tahimik lang na nakaupo sa mga gazebo sa gilid ng field, pinapanood ang langit na unti-unting nagiging kulay kahel at rosas. Humahalo sa hangin ang amoy ng alikabok mula sa tuyot na damuhan, at mahinang amoy ng mga namumungang puno. Lahat ng ito, noon, ay bahagi lang ng isang karaniwang hapon sa Pisay — isang tanawin na hindi pinapansin dahil lagi naman nandiyan. Pero pagpatak ng huling araw, saka lang mararamdaman na ang mga simpleng bagay na iyon ang siyang bumubuo ng mga araw na kailanma’y hindi na muli mauulit.
Sa Kala Lane, mabagal maglakad ang mga tao. Hindi dahil pagod, kundi dahil nais pang lasapin ang natitirang oras na sumisikat ang araw bilang mag-aaral ng Pisay. Sa gilid, nagkalat ang puti at dilaw na bulaklak ng kalachuchi na hinihipan ng hangin papunta sa paanan ng mga estudyanteng minsang tumakbo rito kapag late, tumahimik matapos ang mababang score, at tumawa hanggang halos hindi na makahinga kasama ang mga kaibigan. Ilang taon itong naging saksi sa lahat — sa breakdowns bago exams, sa masinsing usapan pauwi, at sa mga pangarap na sabay-sabay binuo habang papunta sa susunod na klase.
At siyempre, nandoon ang BLOB.
Ang back lobby na halos naging pangalawang tahanan ng maraming estudyante. Ang lugar kung saan basta na lang naghahagis ng bag sa mesa at nagsasabing “Dito tayo”. Nandoon pa rin ang ingay ng mga barkadang nagsasabay-sabay magsalita, ang tunog ng plastic cup na tinatamaan ng yelo, ang mahinang electric fan na hindi sapat laban sa init ng Mayo. Mula sa Colais, hanggang sa Happy Tummy at Redstraw (PS. RIP Imas) sa tabi nito, kumakalat pa rin ang amoy at tunog mula sa nilulutong takoyaki hanggang sa maingay na blender ng shake sabay sabi ng “Beh, ano sayo?!“ — mga simpleng pagkain na naging saksi sa unti-unting pagtatapos ng kapanahunan sa Pisay.
Sa gitna ng lahat ng ingay at tawanan, isa-isang lumilitaw ang mga pentel pen at marker mula sa mga bag. Biglang nagiging canvas ang mga puting polo, ngayo’y unti-unting napupuno ng mga pangalan, doodles, inside jokes, at mga mensaheng nagmamadaling maisulat bago matapos ang hapon. May sumusulat nang maayos at mahaba na tila sinusubukang ikasya ang anim na taon sa maliit na espasyo ng tela. May iba namang simpleng “Ingat palagi”, “Proud of you”, o “Huwag mo ’ko kalimutan”. Maya-maya, nagiging makulay na ang mga lamesa: may mga estudyanteng nakatalikod habang sinusulatan ng kaibigan, may humahalakhak matapos mabasa ang isang kalokohang mensahe, at may tahimik na nakatitig lang muna sa mga sulat sa kanilang polo na pilit inuunawa kung paanong natapos agad ang anim na taon. Sa pag-uwi, matutuyo rin ang tinta. Ngunit ang mga pangalan at sulat-kamay na iyon ay mananatiling bakas ng mga taong minsang sabay-sabay tumanda sa loob ng Pisay.
Bukod pa rito, may mga estudyanteng paulit-ulit na nagpi-picture kahit pare-pareho lang naman ang background. May mga nagpapalitan ng “Kita tayo sa college ha” kahit alam nilangmmalabo na ang pagkikita muli. May mga tumatawa nang sobrang lakas, at may mga tahimik lang na nakatingin sa paligid, pilit inaalala ang bawat detalye ng lugar bago ito maging alaala na lang.
Habang papalubog ang araw, unti-unting nagiging ginintuang kahel ang langit. Tumatama ang liwanag sa mga bintana ng mga gusali, sa mga gazebo, at sa mga kalachuching nakakalat sa lupa na para bang sa huling pagkakataon, pinapaganda muna ng araw ang Pisay bago ito tuluyang iwan ng batch na ito.
At doon mo mararamdaman na sa isang iglap, bigla na lang natapos ang lahat–hindi dahil tapos na ang klase at hindi dahil graduate na. Kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, mauunawaan mong may mga bagay talagang hindi na mauulit kailanman.
Hindi mo na muling mararanasan ang maghabol sa ASTB Walkways nang ilang minuto bago mag-time o maghingalo matapos takbuhin ang 4th Floor SHB mula sa Gymnasium. Hindi mo na muling maririnig ang sabay-sabay na reklamo ng buong silid aralan matapos ang mahirap na long exam.
At siguro iyon ang pinakamasakit at pinakamagandang parte ng huling hapon sa Pisay.
Dahil habang nagdidilim ang langit at isa-isang umaalis ang mga tao sa paaralan, dala-dala mo ang isang bersyon ng sarili mong dito lumaki. Iyong batang unang natakot sa entrance exam. Iyong estudyanteng halos sumuko sa dami ng requirements. Iyong kaibigang natutong tumawa kahit pagod na pagod na. Iyong taong unti-unting hinubog ng mga hallway, classroom, field, at taong naging bahagi ng anim na taon ng buhay mo.
At kahit tuluyan kang umalis, may parte ng sarili mong mananatili roon magpakailanman — nakaupo sa BLOB habang tumatawa kasama ang mga kaibigan, naglalakad sa ilalim ng mga puno sa Kalachuchi Lane, nakatingin sa huling takipsilim sa field habang lumilipad ang frisbee kasabay ng simoy ng hangin.
Dahil para sa mga nagtapos sa Pisay, hindi lang ang kampus ang iiwan sa huling araw ng klase.
Maiiwan ang isang mundong dahan-dahan kang hinubog, at ang pagliban ay parang pagpapalaya sa isang bahagi ng sarili mong hindi mo na maibabalik.
ni Rea Tumbaga
Pinarangalan ang Alighay 2026 sa ginanap na Toast to Excellence at Pagtatapos noong Mayo 18 at 19, 2026 sa PSHS-MC Gymnasium, bilang pagkilala sa kanilang natatanging husay at kontribusyon sa iba’t ibang larangan.
Tampok sa programa si Dr. Maria Corazon Carlos-Consunji, alumni ng PSHS-MC Batch 1983 at kasalukuyang Chief Operating Officer ng Healthway Hospitals, bilang panauhing tagapagsalita. Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkilala sa sariling pinagmulan at ang responsibilidad ng pagiging kinatawan ng bansang pinanggalingan saan mang panig ng mundo mapunta ang mga nagsisipagtapos.
“You have all the people in this room. These are the friends who will support you. These people will mentor you,” ani Carlos-Consunji.
Nagbigay rin ng mensahe si Sec. Renato U. Solidum Jr., kalihim ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST). Kaugnay ng temang Alighay, binigyang-diin niya ang pagsasanib ng kinang at katatagan ng Batch 2026.
“When life gets harder, as it inevitably will, remember that you belong to a generation that has endured sparkling waters and storms,” ani Solidum.
Ipinaalala rin niya sa mga nagsisipagtapos ang kanilang tungkulin bilang mga iskolar ng bayan na gamitin ang kanilang kaalaman sa agham at teknolohiya upang maglingkod sa sambayanan, anuman ang kanilang tahaking landas sa hinaharap.
Mula sa 214 na nagtapos, 27 ang nagkamit ng Pinakamataas na Karangalan at 95 naman ang nagkamit ng Mataas na Karangalang Pang-Akademiko.
Ginawaran ng parangal sa iba’t ibang larangan ang mga sumusunod na mag-aaral:
Agham Pangkompyuter: Mateo Sebastian Campos
Agham Panlipunan: Jose Iñigo P. Falcon
Art/ADTech: Pamela Gail P. Sesante
Astronomiya: Kyush Cian G. Cabilino
Biyolohiya: Min Sung G. Lee
Edukasyong Pangkatawan, Pangkalusugan, at Musik: Jaime Uandorr D. Maniago, William Matthew M. Lim
Filipino: Jan Makki M. Dela Cruz
Ingles at Pamamahayag sa Ingles: Grandis Frias
Kemistri: Kyush Cian G. Cabilino, Breindel Sam T. Luis
Matematika: Michael Gerard R. Tongson, Iris Lexi Q. Ababon
Pamamahayag sa Filipino: Xeanne Chastise E. Necesito
Pananaliksik: Franchezca Lara A. Sabino, Hannah Angela L. Tablizo
Pisika: Emmanuel James V. Laforteza, Alfonso Miguel C. Dizon
Iginawad naman ang dalawang natatanging karangalan, ang DOST Secretary Awardee for Model Science Scholar at PSHS Leadership Award, kay Franchezca Lara Sabino.
Nagbigay naman ng talumpati si Sophia Isabel Mariano bilang kinatawan ng Alighay, kung saan binigyang-diin niya ang pagsasabuhay ng mga core values ng paaralan sa bawat kilos at gawa bilang gabay sa kanilang pagharap sa hinaharap.
“Ibigay mo nang buong-buo ang iyong puso at isipan sa lahat ng iyong ginagawa. At kung nagawa mo na ito, kung naisabuhay mo na ang integridad, kahusayan, at paglilingkod, at kung masasabi mo na ‘puwedeng-puwede na’ at hindi lamang ‘puwede na,’ maipagmamalaki mo na nang taas noo na ikaw ay namuhay bilang isang Philippine Science High School scholar,” pahayag ni Mariano.
Sa pagtatapos ng programa, kinanta ng Batch 2026 ang awiting ng mga magsisipagtapos bilang isang pagpupugay sa mga iskolar na patuloy na nagpapakita ng kahusayan at katatagan sa kanilang paglalakbay.
nina Andi Lakip, Mon Perez, at Xeanne Necesito
Sa Pagbuhos ng Ulan
Patuloy na tumataas ang baha sa iba’t-ibang sulok ng bansa dahil sa hagupit ng Bagyong Crising. Inaabisuhan ang lahat na mag-ingat at lumikas nang ligtas.
Ito na ang huling broadcast na aming narinig mula sa news station ng TV. Tuluyan nang nawalan ng kuryente ang aming barangay dahil sa natumbang poste na dulot ng malakas na bugso ng hangin at ulan.
Abot-baywang na ang tubig-baha sa loob ng bahay namin. Katatapos lang i-akyat ni Papa ang lahat ng maisasalbang gamit. Ngayon, lilikas kami papuntang covered court upang sumilong at pahupain ang baha.
Nang buksan ko ang aking Facebook upang tingnan ang anunsyo kung suspendido ba ang klase bukas, unang lumabas ang post ng Department of Interior Local Government o DILG — ang ahensyang dapat na tumutugon sa seguridad ng mga mamamayan at tumutulong sa mga Local Government Units (LGUs) na magpadala ng ayuda sa mga komunidad.
ETO NA: Kaabang-abang na Anunsyo
Larawan mula sa: DILG Philippines Facebook page
Tahimik lang ako. Basang-basa na dahil sa baha. Gutom. At ngayon, galit. Sa bawat pangungusap ng post, tila kumirot ang reyalidad na mahirap maging mahirap.
“Mga abangers, Sarap ng bogchi ko..”
Sa bawat kagat mo sa bogchi mo, milyon-milyong Pilipino ang pahirapan makakain dahil sa pananalanta ng hangin at ulan. Habang inuulam mo ang kabusugan, kami’y nilalamon ng gutom na bunga ng mabilis na pagtaas ng baha, limitadong suplay at kakarampot na naimbak na pagkain. Kay tagal na naming tinitiis na tila naging luho na ang isang pack ng instant noodles.
“Sa kabusugan ay naka idlip nang sandali.”
Buti ka pa, naka-idlip. Samantalang kami, hindi na makatulog sa takot na kapag tumaas ang baha, kami ay magkakasakit at maalon ang mga gamit na ilang taong pinaghirapan ng aking Papa at Mama na kapiranggot lang ang sinasahod.
“Para sa mga immortal na namamasukan[,] bahala na mga boss niyo. Sila ang nakakaalam ng kinakailangan ng hanap buhay.”
Hindi “immortal” sina Mama at Papa — pinipilit lamang nilang tumindig kahit halos gumuho na. Napakadaling sabihing “Bahala na ang mga boss niyo.” Ngunit hindi ba dapat na kayo ang kailangang managot dito? Tila hinuhugasan niyo ang inyong mga kamay sa responsibilidad niyong tiyakin ang mga karapatan ng mga manggagawang Pilipino. Sa bawat segundong tinutuon sa pagpo-post ng “nakakatawang” teksto, may mamamayang Pilipino na nanganganib na mawalan ng tirahan, mawalan ng buhay. Sa katunayan, apat na tao na ang nawawala, anim na ang sugatan, habang anim ang kasalukuyang nawawala dulot ng Bagyong Crising.
Walang masama na subukan na mag-post ng nakakatawa. Natural na likas sa ating mga Pilipino ang hanapin ang kahit kapiranggot na saya sa gitna ng sakuna. Ngunit lampas sa memes at comic relief, mahigit na 800,000 na mamamayang Pilipinong nasalanta. Habang patuloy tayong dumidiskarte para hindi matangay ng hanging habagat, o di kaya’y malunod sa baha, nananatili ang tanong: nasaan ang sistematikong at epektibong tugon?
Pagbaha: Usapang Pulitikal
Hindi basta-bastang epekto ng ulan ang pagdurusang hinahanarap ng masa sa tuwing bumabaha. Nagpapalala sa krisis sa klima ang mga polisiya, o kakulangan sa mga ito, na sumusuporta sa mga interes ng mga korporasyon at pulitiko na patuparin ang kanilang mga proyekto, maging ito’y logging, land reclamation, mining, atbp. Sa bawat punong pinuputol upang makapag-patayo ng isa pang supermall, tumitindi ang pinsalang tinatamasa ng mga mahihirap na komunidad.
Bukod dito, dekada nang kapansin-pansin ang kakulangan sa matibay na imprastraktura — mula sa sistemang drainage hanggang sa pabahay. Noong Grade 7 ako, sandamakmak na construction projects para sa drainage system ng siyudad ang pinapatupad. Ngayon? Grade 12 na ako. Pero walang nagbago, baha pa rin. Patuloy tayong sinisingil ng buwis, kahit isang kahig, isang tuka — ngunit hindi mararamdaman ang pondo tuwing panahon ng sakuna.
Aminado ako bilang “abanger — ” ngunit hindi ako nakaabang para sa relief goods na nagsisilbing pansamantalang solusyon sa isang matagal nang umiiral na isyu, kundi para sa araw na mananagot ang mga dapat na managot. Nakaabang ako sa araw na mananagot ang mga dapat managot, mula sa gobyernong taon-taong nagpapabaya, hanggang sa mga malalaking korporasyong nagpapalala sa ating paghihirap.
Aabangan ko ang isang gobyernong hindi lamang reactive, na ang tanging naihahain ay mga pabirong anunsyo ng suspensyon at ayuda ang binibigay para lang mapatahimik ang masa. Aasa akong uulan ng pananagutan, reporma, at makatarungang pagbabagong sistemiko. Aasa ako sa panahong uunahin ang mga mamamayan, hindi ang tubo, buhay, at hindi PR.
Hindi pa rin humupa ang baha sa aming bahay. Sa halip na malinaw na abiso o agarang tulong, ang nananatiling nakapaskil sa Facebook page ng DILG ay isang mapang-asar na post, nakadirekta sa mga “abangers” tulad ko na hangad lamang ay malaman kung kakailanganin bang muling lumusong sa baha kinabukasan.
ni Xeanne Necesito
Matagumpay na ipinagdiwang ang Padayon 2025 ng batch 2027 ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham-Pangunahing Kampus sa Multipurpose Gym noong ika-18 ng Hulyo sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Pinangunahan ng Himig Agham ang panimulang seremonya sa pag-awit ng Lupang Hinirang, kasunod ang doksolohiya ni Yelena Maria Deleña.
Nagbigay ng pambungad na talumpati si Dr. Rod Allan De Lara, ang kampus direktor ng PSHS-MC. Binigyan diin niya ang hindi lang tagumpay ang ipinagdiriwang natin ngayon, kundi ang paglalakbay na sinuportahan ng pamilya, guro, at pamunuan — na humubog sa ating determinasyon, kabutihan, at pasasalamat.
Nagbigay ng taos pusong talumpati ang panauhing pandangal na si Bb. Alyssa Guevara, isang dating iskolar ng PSHS-MC na nagtapos noong 2019. Siya ay nagbahagi ng inspirasyonal na mga mensahe– na ang Pisay ay ang umpisa pa laman, patuloy na lumaban kahit na mahirap, alalahanin ang dahilan kung bakit ka nagsimula, at lumago sa sarili mong panahon.
Bahagi ng seremonya ang pagkilala ng mga parangal na nakamit ng mga mag-aaral ng batch 2027 at kinabit na ang pin na simbolo ng kanilang pormal na paglipat mula Advancement Years Program patungong Specialization Years Program.
Matapos parangalan ang unang apat na seksyon- ang Charm, Electron, Graviton, at Gluon-umawit ng “Can You Feel The Love Tonight” ni Elton John ang Himig Agham at nagtanghal ng “My Heart Will Go On” ni Celine Dion ang Bravura.
Pinagpatuloy ang pagbibigay parangal sa natitirang apat na seksyon- ang Muon, Photon, Tau, at Truth. Pinalabas din ang mga video na binubuo ng mga larawan ng batch 2027 noong sila ay nasa ika-10 baitang pa lamang.
Nagtanghal ng dalawang sayaw sa latin dance sport, ang Rumba at Jive, sina Chadrick Muallil at Adrielle Nicole Alonsozana gamit ang mga kantang “Paubaya” ni Moira Dela Torre at “Darating Din Ang Para Sa Akin” ni Watazu.
Sa pagtatapos ng Padayon 2025, nagbigay ng pangwakas na mensahe si Dr. Benigno Montemayor, ang Division of Student Affairs Chief, para magbigay aral at payo sa batch 2027 na hindi ito ang pagtatapos, kundi, ito ay ang yugto ng patuloy na pag-unlad.
Ika nga ni Dr. Montemayor, “Ang edukasyon ay isang mahalagang lakbay, ‘di po natatapos dito. Bagkus, ito ay nagpapatuloy na paghubog, pag-unlad, at paglago tungo sa mas taimtim na kinabukasan upang kayo naman ang maging tanglaw sa mga susunod na henerasyon.”