Stories by An Pukot on Medium
Sulat ni Samantha Coroña
Kuha ni Precious Berdos
Bilang paggunita sa ika-82 anibersaryo ng Leyte Gulf Landing, binigyang-pugay ang kabayanihan ng mga Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan at ang mahalagang papel ng Leyte sa kasaysayan ng bansa sa seremonyang ginanap sa MacArthur Landing Memorial National Park ngayong Oktubre 20, 2026.
Sa temang “The Road to Freedom: Four Days That Changed the Philippines Forever,” binigyang-diin ng taunang paggunita ang kahalagahan ng pagpapanatili ng alaala ng mga sakripisyong nagbigay-daan sa kalayaan ng bansa.
Nagsimula ang seremonya sa pagsalubong sa sampung natitirang beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig mula sa Silangang Visayas. Kabilang sa mga pinarangalan sina Chofilo Advincula ng Palo, Gliserio Avila ng Borongan City, Gregoria Badeo ng Burauen, Eleuteria Cabacungan ng Tanauan, Cornelio Dacuno ng Lawaan, Josefa Festejo ng Palompon, Paula Lim ng Calbiga, Eugenia Maglinte ng Southern Leyte, Teofilo Nuevo ng Ormoc City, at Loreto Yepes ng Tanauan.
Kasabay nito, pinagtibay nina Veteran Jose Hakla, pangulo ng Veterans Federation of the Philippines–Eastern Visayas Chapter at Retired Brigadier General Dr. Joel Joseph Cabides, AFP, MNSA, panrehiyong pangulo ng Sons and Daughters Association Incorporated, ang pangakong binitiwan 30 taon na ang nakalilipas na hindi kailanman kalilimutan ang kasaysayang naganap sa MacArthur Landing Memorial National Park.
Dumalo rin sa paggunita ang mga delegasyong diplomatiko mula sa Australia at Japan na pinangunahan nina Colonel Travis Day, defense attaché ng Embahada ng Australia, at Minister Ono Sho, deputy chief of mission ng Embahada ng Japan, ayon sa pagkakasunod.
Sa kaniyang pambungad na pananalita, tinalakay ni Hon. Remedios “Matin” Petilla ang kahalagahan ng paggunita sa makasaysayang pangyayari. Sinundan ito ng mensahe ni Leyte Governor Hon. Carlos Jericho “Icot” Petilla, na kumilala sa mga beterano, kanilang mga pamilya, at sa mga Pilipinong sibilyang nagtiis ng hirap sa panahon ng digmaan. Iginiit din niya ang kahalagahan ng pagtatanggol sa katarungan at paglutas sa mga sigalot sa pamamagitan ng diplomasya.
Naghatid naman si Defense Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., panauhing pandangal ng programa, ng mensahe mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbibigay-pugay sa mga Pilipinong patuloy na lumaban para sa kalayaan bago pa man dumating ang mga puwersang Alyado, gayundin sa mga sundalo at sibilyang nag-alay ng kanilang buhay sa panahon ng digmaan.
Binigyang-diin din sa mensahe ng pangulo na ang paggalang sa nakaraan ay nangangailangan ng patuloy na pagtatanggol sa soberanya ng bansa at pagsusulong ng kalayaang nararamdaman sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.
“Ang inyong katapangan ang saligan ng ating bansa. Hindi po namin malilimutan ang kabayanihan ninyo at ang mahalagang papel na inyong ginampanan sa kasaysayan ng ating bansa,” dagdag pa sa mensahe.
Sa pamamagitan ng paggunita sa ika-82 anibersaryo ng Leyte Gulf Landing, muling pinagtibay ang kahalagahan ng pagkilala sa kabayanihan ng mga beterano at sa sakripisyo ng lahat ng nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng Pilipinas.
Sulat ni Aisha Louisse Tan
Dibuho ni Ram Kobe Gelera
Noong ika-15 ng Hulyo, ipinahayag ng Komisyon sa Wikang Filipino ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taong 2026 na “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”. Ayon kay Atty. Marites E. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF, ang hakbang na ito ay isang matapang at positibong tugon ng pamahalaan upang mapanatiling buhay at dinamiko ang wikang Filipino at iba pang katutubong wika sa Pilipinas.
Subalit, sa gitna ng pagtatanghal ng Artificial Intelligence (AI) bilang isang makapangyarihang kasangkapan sa pagpauunlad ng wika, nananatili ang isang mahalagang tanong: tunay nga bang makatutulong ang AI sa pagpayayaman at pagpapanatili ng mga katutubong wika, o unti-unti nitong pinapaslang ang pagkamalikhain at kakayahang taglay ng mga taong siyang bukal na diwa ng wika?
Sa makabagong panahon, malaki na ang inunlad ng mga makabagong teknolohiya, kasama na rito ang AI na patuloy na lumalago at nagiging bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay sa iba’t ibang larangan, lalo na sa edukasyon. Kung titingnan sa mababaw na pananaw, itong hakbang ng KWF ay hindi naman mali lalo na’t kinakailangang manatiling dinamiko ang wika upang manatiling buhay at makasabay sa patuloy na pagbabago ng mundo. Datapwat, kung susuriin ito gamit ang mas malalim na lente, mas maraming pinsala kaysa sa benepisyo ang dulot nito.
Isa sa mga ipinagdiriwang at nililinang tuwing Buwan ng Wika ay ang pagkamalikhain, isang pangunahing katangian ng wikang FIlipino. Ngunit ang katangiang ito’y nawawala dahil sa AI na unti-unting nagpakukupas sa sining na taglay ng kaisipan ng mga tao. Makikita ang problemang ito sa isang patimpalak sa paggawa ng AI-poster na ginanap sa isa sa mga paaralan sa Negros Oriental bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon. Sa pamamagitan ng paggamit ng AI sa larangan ng sining, namamatay ang mismong puso ng sining—ang pagkamalikhain at imahinasyon ng tao.
Mababasa rin sa ipinasang memorandum ang isang gawain na pinangalanang “Al-Saliksik/SuringBasa” na naglalayong gamitin ang AI sa pananaliksik at paglikha ng mga makabuluhang akademikong awtput. Subalit ang AI ay isang instrumentong patuloy na hinuhubog at hindi pa tiyak, kaya paano tayo makasisiguro sa integridad ng mga impormasyong ibinibigay nito?
Bukod sa pinsalang dulot ng AI sa husay ng mga tao at katotohanan ng impormasyon, nagsisilbi ring lason ang AI sa ating kalikasan na unti-unti nitong pinapatay. Ito ay matakaw sa kuryente’t tubig, lalong-lalo na ang generative AI. Ang dami ng tubig na ginagamit nito ay katumbas sa pang-araw-araw na konsumo ng 1.3 bilyong residente. Habang 1.5% naman ng pandaigdigang konsumo ng kuryente ang nailalaan para sa AI data centers.
Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang na nagbibigay-halaga sa angking ganda at yaman ng wikang Filipino. Layunin nitong mapalalim at pagyamanin ang ating pagmamahal sa ating pambansa at mga katutubong wika sa pamamagitan ng selebrasyon kasama ang mga tao na siyang tanging nakapagbibigay-buhay sa diwa ng wika—hindi ang artipisyal na katalinuhang sumisira sa husay ng tao, integridad ng impormasyon, at yaman ng kalikasan.
Sa pagtatapos ng Buwan ng Wika, ating pagnilayan ang isang mahalagang katanungan: ang AI nga ba ay tunay na kaagapay natin sa pagpayayaman ng ating wika o ito’y isang lasong unti-unting pumapatay sa diwa nito?
Sulat ni Lilia Anne Ripalda
Larawan mula sa PhilSA
Sa loob ng ilang taon, target ng Pilipinas na makapagtayo ng sariling spaceport na maihahambing di umano sa Cope Canaveral ng Estados Unidos, kung saan mahigit isang daang roketa ang naipadadala sa kalawakan kada taon.
Nitong Hulyo 27, 2026, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang planong paglulunsad o “launching” ng rocket mula sa Pilipinas.
“Yes, we are going to launch a rocket into space,” ani ni Marcos Jr.
Ang pahayag ng pangulo ay nagsilbing hudyat sa paghahanda para sa kauna-unahang liquid-fueled sounding rocket launch mula sa lupang Pilipino na nakatakdang isagawa sa unang bahagi ng 2027 sa Cagayan North International Airport sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.
Ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA), pasisinayaan ang paglulunsad sa pamamagitan ng isang demonstration flight kung saan ang roketa ay inaasahang magdadala ng dalawang kilong locally developed payload at lilipad nang hindi bababa sa limang kilometro mula sa lupa.
Ang liquid-fueled sounding rocket ay isang uri ng rocket na ginagamit upang magsagawa ng mga eksperimento at mangalap ng datos sa matataas na bahagi ng atmospera. Hindi ito katulad ng karaniwang rocket na ginagamit upang maghatid ng satellite sa orbit. Dahil dito, magsisilbing pagsubok sa kakayahan ng bansa sa rocket development at launch operations ang nakatakdang paglulunsad sa 2027.
Kasama ng PhilSA sa proyekto ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), katuwang ang mga pribadong organisasyon at ang South Korean aerospace company na Perigee Aerospace.
Bukod sa mismong rocket launch, bahagi rin ng proyekto ang pagsasanay ng mga Pilipinong inhinyero at pagpapalawak ng lokal na kakayahan sa aerospace technology. Ayon sa PhilSA, nagsagawa na ang mga engineer nito ng mga pagsasanay tungkol sa small launch vehicle systems, kabilang ang rocket theory, assembly, at iba pang teknikal na kasanayan sa programang Know-How Transfer and Training.
Dagdag pa rito, nakikita ng pamahalaan ang posibleng pakinabang ng lokasyon ng Pilipinas sa pagtatag ng launch facility. Dahil malapit ito sa ekwador at nakaharap sa malawak na Pacific Ocean, maaaring maging angkop ang bansa para sa ilang rocket launch operations.
Gayunpaman, may mga hamon ding kaakibat ang nasabing plano, kabilang na ang kaligtasan, imprastraktura, gastos, at pagpapaunlad ng sapat na teknikal na pagkadalubhasa ng mga pangunahing tauhan dito. Naglalabas din ang PhilSA ng mga abiso tungkol sa posibleng rocket debris at mga itinalagang danger o drop zones sa panahon ng mga paglulunsad.
Sa kabila nito, itinuturing ng PhilSA ang 2027 launch bilang isang mahalagang hakbang sa pagbuo ng Philippine space industry at sa pakikipagsabayan sa ibang mga bansa. Maaari rin itong magbigay ng karagdagang oportunidad para sa pananaliksik, pagsasanay, at pagpapaunlad ng mga Pilipinong eksperto sa larangan ng aerospace.
Kung magiging matagumpay ang unang pagsubok, maaari itong magsilbing pundasyon para sa mga susunod pang rocket launch at sa mas malawak na plano ng bansang magkaroon ng sariling spaceport.
Mula sa unang rocket launch hanggang sa pagtatatag ng sariling spaceport, unti-unti nang inilalapit ng Pilipinas ang sarili nito sa kalawakan. Ngunit, ang tunay na hamon ay kung paano mapananatili at mapauunlad ang kakayahang ito sa mga susunod na taon, lalo na sa kasalukuyang estado ng bansa.
Sulat ni Kirstien Mercader
Kuha ni Jernie Muncada
Isinagawa ang National Competitive Exam (NCE) kahapon, Enero 31, 2026, kung saan mahigit-kumulang 27,000 mag-aaral ang sumubok na makapasok sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham (MPPA).
Umabot sa 27,565 ang kabuuang bilang ng mga aplikanteng nagparehistro para sa nasabing pagsusulit. Mula sa bilang na ito, 1,920 lamang ang magkakaroon ng pagkakataong makapasok sa MPPA at maging iskolar ng bayan.
Naitalang 1,234 naman ang bilang ng mga aplikante para sa MPPA–Kampus ng Silangang Visayas sa Leyte (MPPA-KSVL), ngunit 360 lamang ang kumuha ng pagsusulit sa pang-umagang iskedyul at 263 naman sa panghapon na iskedyul.
Isa sa mga aplikanteng kumuha ng NCE sa pang-umagang iskedyul ay si Ysabella Abatayo.
“Madali ‘yung mga unang bahagi ng pagsusulit, tapos naging mahirap ‘yung mga huling bahagi nito. Kaya ngayon, ako ay motivated, natatakot, at nasasabik dahil pinag-aralan ko nang maigi ang pagsusulit na ito,” ani Abatayo.
Isa rin si Xyza Acebo sa mga sumubok ng pagsusulit sa pang-umagang iskedyul. Ayon kay Acebo, bagama’t nakakapagod ang naging karanasan, isa rin itong magandang pagkakataon upang makaranas ng ganitong uri ng pagsusulit.
Habang ginaganap ang pagsusulit sa MPPA-KSVL, maiging naghintay sa loob ng himnasyo ng paaralan ang mga magulang at kamag-anak ng mga aplikante, kabilang si Jason Tumabang.
“Masaya ako na naka-qualify siyang kumuha ng pagsusulit, at sana ay makapasa siya at makaya niya ‘yung pressure dito at malagpasan niya lahat ng mga pagsubok,” pahayag ni Tumabang.
Nagsimulang buksan ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa NCE noong Hunyo 16, 2025 hanggang Nobyembre 23, 2025. Naglalayong sukatin ng NCE ang kahusayan ng mga aplikante sa agham at matematika at magbigay ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na makamit ang mataas na kalidad ng edukasyon.
Sulat ni Kirstien Mercader
NCE ginanap, mahigit-kumulang 27,000 sumubok was originally published in An Pukot on Medium, where people are continuing the conversation by highlighting and responding to this story.
Prinsipe ng Wika, Bayani ng Bansa
Dibuho ni Jeff Tristan Dapuran
S a paglipas ng panahon, patuloy na nagbabago ang ating talasalitaan: may mga salitang nadaragdag, nananatili, at nawawala. Habang hinuhulma ng ating mga labi ang mga bagong salitang natutuklasan, unti-unting naibabaon sa limot ang mga salitang humubog sa atin — ang ating kinagisnang wika. Gaya na lamang ng mga katutubong wikang minsang tinig ng mga pamayanan na ngayo’y nanganganib nang maglaho sapagkat iilan na lamang ang gumagamit at nakauunawa nito. Bunsod ng mga pagbabagong ito, may mga hibla ng ating kultura at pagkakakilanlan ang tuluyan nang nalilimutan.
Habang ang mundo’y patuloy na sumusulong tungo sa pagbabago at makabagong pamumuhay, may iilang nanatili na tila’y bantayog upang ipagbunyi ang katutubong wika. Isa na rito ang binatilyong inalay ang labinlimang taon ng kaniyang buhay upang itaguyod ang katutubong wikang Chabacano. Mula sa alingawngaw ng radyong kinagigiliwan ng kaniyang ama, sa mga kuro-kuro sa lansangan, at sa mga homiliya ng simbahang noo’y kaniyang dinadaluhan, Chabacano ang humubog sa kaniyang diwa. Ngunit tila ito’y binura sa kaniyang kamalayan nang ipinagbawal ang paggamit nito noong siya’y nasa elementarya. Bunsod nito, naging pagsubok ang sumunod na mga yugto ng kaniyang buhay — Chabacano ang tinig ng mundong kaniyang ginagalawan.
Napakamapagbiro ng tadhana at saka lamang niya napagtanto ang husay at kahalagahan ng Chabacano nang siya’y lumulan patungong Maynila. Taliwas sa karaniwang mga kuwento ng pag-ibig, hindi sa bugso ng damdamin nagsimula ang kaniyang pagmamahal sa Chabacano, kundi sa pangangailangan. Naging kapaki-pakinabang ito nang kinailangan niyang sanayin ang sarili sa wikang Espanyol para sa isang trabahong kaniyang inaasam. At sa bawat salitang inaral niyang bigkasin, mga pariralang inulit-ulit, at mga pangungusap na binuo, siya’y tila ibinabalik sa gunita ng nakaraan. Ang mga katagang iyon ay may naungkat sa kaniyang alaala — ang mga salitang madalas niyang sinasambit noong kaniyang kabataan. Ito ang naging mitsa upang muling mag-alab ang kaniyang pagmamahal para sa wikang Chabacano.
Ang Chabacano ay isa sa mga pinakamatandang creole na wika sa mundo. Sa paglipas ng panahon, damang-dama ang unti-unting pagkapawi ng pagpapahalaga rito, dulot ng malawakang paggamit ng banyagang wika. Dahil dito, naunawaan niya ang tungkuling dapat gampanan. Mula sa pagsusulat tungkol sa Chabacano sa kaniyang personal na blog noong 2010, lumago ang kaniyang adbokasiya at kalaunan ay isinilang ang Bien Chabacano — isang website at Facebook page na nagsilbing daluyan ng kaalaman at pagmamahal para sa wika. Sa pamamagitan ng mga platapormang ito, walang kapaguran niyang ibinabahagi ang makulay na kasaysayan, panitikan, at iba’t ibang anyo ng midya ng wikang Chabacano. Hinihimay niya ang bawat hibla ng balarila nito upang mas madaling maunawaan, at muling ipinakikilala ang mga salitang matagal nang napag-iwanan ng panahon. Nais niyang magsilbing pangunahing sanggunian ang kaniyang mga likha para sa sinumang nagnanais matuto at magmahal sa wikang Chabacano.
Isa sa proyektong dulot ng kaniyang dedikasyon ay ang pagsalin niya sa nobelang The Little Prince sa Chabacano, na pinamagatang El Diutay Principe. Ang aklat na ito ay malapit sa kaniyang puso’t diwa, kaya naisipan niyang ibahagi ito sa pamamagitan ng Chabacano upang higit pang paigtingin ang damdamin ng mga Zamboangueño para sa kuwentong ito. Mula sa kaloob-looban ng kaniyang puso, layunin niyang sindihang muli ang sigla ng mamamayan — lalo na ang nakababatang salinlahi — sa paggamit ng katutubong wika, sapagkat ito’y dumadaloy sa dugo ng bawat Zamboangueño. Nais niya lamang makapagbigay ng kaalaman tungkol sa wikang Chabacano, hindi lamang sa bansang kinabibilangan kundi maging sa buong mundo upang higit pang makilala, mapahalagahan, at maitanghal ang Chabacano.
Siya ay si Ginoong Jerome Herrera, isang Zamboangueño na patuloy na ipinagmamalaki ang kaniyang wikang kinagisnan. Ang kaniyang mga pagsisikap upang bigyang-puri at halaga ang Chabacano ay hindi matutumbasan, kahit ng buong kalawakan. Hindi man digmaan ng espada’t baril ang kaniyang sinusupil, pasan niya ang malaking bahagi ng kasaysayan at kultura ng kaniyang bayan laban sa panganib ng pagkalimot nito. Sandata ma’y isip, diwa, at panulat lamang, isa pa rin siya sa mga nagsisilbing kalasag sa mabilis na agos ng makabago upang hindi matangay ang ating mga katutubong wika — ang ating pagkakakilanlan. Maaaring maliit man ang kaniyang yapak, isang napakalaking hakbang naman ito para sa pagpapanatili ng wikang Chabacano sa ating mundo.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nawa’y muling lingunin natin ang ating pinanggalingan at ugat ng ating pagkakakilanlan — ang ating wika. Igawad natin dito ang nararapat na respeto at pagpapahalaga. Sa Araw ng mga Bayani, ating alalahanin na hindi lamang ang ating lupain ang tanging dapat protektahan, kundi pati na rin ang ating wika, sapagkat ito ang nag-uugnay sa ating mga Filipino at nagsusulong ng ating kultura. Kasabay nito, alalahanin natin ang mga tulad ni G. Jerome Herrera — ang mga bayaning taos-puso at walang pagod na itinataguyod ng ating wika, kultura, at pagkakakilanlan.
Prinsipe del Lenguaje, Bayani del Nación was originally published in An Pukot on Medium, where people are continuing the conversation by highlighting and responding to this story.
Dibuho ni Matt Daniel Tinsay
Kung balak mo lamang lumagapak sa kadiliman, huwag nang seryosohin ang iyong pag-aaral. Hayaan mong bumaba ang iyong grado at bumagsak ka. Sa itaas ng bangin, kinakailangang kumilos ka dahil kung hindi, tiyak ika’y madudulas. Ngunit, kailangan pa nga ba talagang gumalaw sa itaas? Paano kung isara mo na lamang ang aklat ng iyong kinabukasan at hayaan ang iyong sariling mahulog sa bangin ng karimlan?
Huwag kang mabahala sapagkat sa pinakaibaba ng bangin, wala nang hihigit pa sa dilim. Sa oras na sadyain mong tumungo rito, tuluyan mong iiwan ang biyayang kinabukasan na galing sa mga nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo. Ang paghihirap at pagsisikap sa taas ay hindi na kinakailangan pa rito. Wala nang mga pagsusulit at gawain na ikinalulungkot ng lahat. Puwede ka nang matulog buong araw sa dilim, kung saan ang ilaw sa labas ay pihadong gigising sa’yo. Maaaring maghintay ka na lamang sa dilim hangga’t may biyayang bumagsak na galing sa liwanag sa itaas. At sa huli, hindi mo na kailangang magtrabaho, ngunit ikaw ay mananatili pa ring buhay.
Ito ang maaaring mga katuwirang magpatutunay na tamang desisyon ang pagtapon ng iyong sarili palabas sa liwanag na pangako ng akademya. Madali lamang, hindi ba? Kaya talakayin natin kung paano patayin ang ilaw ng kinabukasan sa pamamagitan ng pagwasak ng iyong kahusayan sa paaralan.
Una sa lahat, huwag kang tumingin sa liwanag. Tumingin ka sa harap at huwag sa taas. Ito ang problema ngayon ng katauhan — kung paano sila patuloy na umaangat. Kung ang iyong mga mata ay nakakabit na sa itaas, sa itaas lamang ang iyong maaaring patunguhan kaya tumingin ka sa iyong harap. Balakin mong manatili sa iyong kasalukuyang aksis nang hindi ka mapagod kaaakyat. Hindi ba’t sabi ng iba ay sapat na ang pumasa?
Pangalawa, importanteng huwag kang magsikap. Minsan, ikaw talaga’y matatapilok, ito’y hindi maiiwasan. Babangon ka ba? Marahil ay oo, ngunit ngayon, huwag ka nang tumayo. Kung babangon ka, matutumba ka na naman ulit kaya walang puntong manindigan at magpunyagi. May gawain ka ba? Huwag mo nang sikaping makakuha ng mataas na marka, basta ang mahalaga ay ito’y iyong magawa. Aanhin ang pag-abot ng mga bituin, kung may ilaw kang puwedeng sa tindahan na lamang bilhin.
At paano mo mapananatiling hindi magsikap? Maghintay ka. Hayaan mong gumalaw ang mundo hanggang sa dumating ang oras na wala ka nang ibang pagpipilian kundi ang kumilos. Ang puntong iyon lamang naman ang mahalaga. Habang malayo ka pa sa bangin, kahit ilang pagkatumba ang iyong maranasan, hindi ka pa rin mahuhulog. Isakripisyo mo ang iyong paghihirap para sa oras dahil ang hangarin natin ay nasa harap lamang naman, at ito ang makapasa lamang. Ang pasensya ang susi upang makamit ang iyong mga pangarap kaya maghintay ka, at hayaan mong tumambak ang iyong mga gawain.
Dahil sa sandamakmak na mga gawaing hindi mo nagawa, kinakailangan mo itong paspasang gawin sa isang gabi. Dahil kailangan mong trabahuhin lahat, kailanganang isaksripisyo mo ang iyong tulog. Kape, kape! Kakailanganin mo ito ngayong gabi. Papulahin mo ang iyong mga mata at gisingin mo ang iyong sarili. Bumangon ka dahil paparating na ang pagbagsak mo.
O, may tambak ka na, tambak ng mga gawaing alam mong hindi mo magagawa sa isang araw, ngunit alam mong maipapasa mo. Iyong nga lang, wala kang tulog. Sa sobrang dami ng iyong karga, hihilahin ka nito pababa at ang dilim ay papalapit nang papalapit. Ano pa ba ang kulang? Tingnan mo muna ang mga kabataang dala ang kanilang mga aklat at mga tinatagong kargang maitim. May ibang may dalang mas mabigat pa sa dala mo. Ngunit, malaki ang pagkakaiba ninyo. Sila’y nangangarap na makaakyat palayo sa bangin, at ikaw nama’y hindi. Hindi mo na nakikita kung ano ang nandoon sa itaas sapagkat ikaw ay unti-unti nang lumalayo sa liwanag.
Ikumpara mo ang iyong sarili sa iba, at ikaw ay mahuhulog. Ang pagkahimlay ng iyong lakas na dulot ng pagkawala ng tiwala sa iyong sarili ay sapat na upang mapatumba ka habang dala ang iyong karga. Bibitiw ka ba? Susuko ka ba?
Oo, sumuko ka. Sumuko ka at itapon ang mga ito. Hayaan mong mahulog ka. Ito ang pinakamahalagang sangkap sa tinola ng iyong pagbagsak. Dahil, ang tao’y babagsak lamang kapag wala na silang karga, wala na silang dala, at wala na silang problema. Ang iyong mga pagsusulit at mga gawain, itapon mo ang mga ito. Ito ay nakasasama na sa iyo dahil sa sobrang bigat na dulot ng iyong pagtambak nito. Lumala na ang iyong kalusugan, sapagkat sumobra na ng isang araw ang pagdilat ng iyong mga mata. Sa oras na itapon mo na ang bigat, mahuhulog ito sa’yo, at sa wakas, babagsak ka na sa dilim na may hanggan.
At iyon lamang ang iyong mga kinakailangang gawin upang bumagsak sa mundong pang-akademya. Pero, may nararamdaman akong mali. Dahil binasa mo ang kabuoan nito, hindi mo na sinunod ang nakasulat sa ikalawa ng lista. Nagsikap ka pa ring basahin ito.
Hindi ka pa handa, hindi mo pa kayang bumagsak kaya huwag muna. Mahirap nga ang pumasa, ngunit mahirap din ang bumagsak sapagkat kinakailangan ding magsakripisyo upang lumagapak. Sa likod ng pagod, may paghihirap at pagsisikap kung saan dala ang tagumpay. Sa likod ng liwanag, may mga taong nagsakripisyo upang tumulong na maging matiwasay ang iyong kinabukasan. Ginagawa nila ito sa paraan ng pagbibigay sa iyo ng edukasyong kahit mabigat ay nakatutulong na maiangat ka.
Tayo’y tao, kaya mahirap itong itapon lamang sa dilim. Nawa’y huwag kang sumuko sapagkat may liwanag pa sa tuktok ng iyong bangin. Tingnan mo lamang ang mga mata nito at akyatin ang balat nitong mabato upang maabot ang liwanag. Makikita mo lamang sa dulo nito na ikaw ang bangin, na sarili mo ang bangin na inakyat mo. Mag-aral ka dahil ang kinabukasan ay hindi namamatay.
Huwag Aralin: Paano Patayin ang Kinabukasan was originally published in An Pukot on Medium, where people are continuing the conversation by highlighting and responding to this story.