Stories by Faci on Medium
Mainit ang panahon, pero hindi ito naging hadlang para kay Benjie para batiin ang mga taong palabas ng simbahan. Nauna na siyang lumabas tangan ang asawang si Leonor. Pareho silang sikat sa mata ng mga parokyano. Isang dilag na maituturing si Leonor; si Benjie naman ang butihing lider ng Couples for Christ. Dala na rin ng yaman ng pamilya ni Leonor, at ang pagsisikap ni Benjie, naging maalwan ang buhay ng mag-asawa. Ang mga donasyon nila Benjie at Leonor ang siyang nagbigay ng bagong anyo sa dating luma at sira-sirang simbahan. Paborito ng lahat ang mag-asawa. Maraming tao sa baryo ang nagnanais na maging katulad nina Benjie at Leonor pagsapit nila ng edad ng pag-aasawa: minamahal ng mga tao, kasundo ng mga pari, maunlad ang negosyo, maayos ang pagsasama, at maginhawa angpangangatawan. Kung titingnan, halos lahat na ata ng biyaya ng Diyos na ipinamudmod ay nasa kanila, maliban sa isa.
Hindi sila magkaanak.
Kasagsagan ng init ay sinasalubong ni Benjie ang mga lumalabas ng simbahan. Nginingitian ni Benjie ang mga hindi kilala. Ang mga kasama naman nila sa Couples for Christ ay kanilang hinaharang, kinakamayan, at niyaya sa maikliang huntahan. “Kumusta na si Alex? Malapit na ba siyang matapos?” Kinumusta ni Benjie ang anak ni Mang Ramon. Kasalukuyan itong nag-aaral ng abogasya sa Maynila. Nalalapit na rin ang panahon na magkakaroon na ng abogado ang baryo.
“Brother Benjie! Nako eh nadali siya sa isang subject niya,” tugon ni Ramon. “Hindi bale, may awa ang Diyos, makakatapos rin siya.”
“Sana nga.” Tugon ni Benjie. “Alam mo, Leonor, napakaswerte mo sa asawa mo.”
“Bakit ho?” pangiting tanong ni Leonor kay Mang Ramon.
“Kasi kahit hindi niya anak, kinukumusta niya pa rin. Nakakagaan ng loob na marami pang tao, bukod sa mga magulang niya, ang naniniwala sa kanya.”
Labis na natuwa ang mag-asawa. Lalong nagpasaya sa kanila ang kakaibang pakiramdam na katatapos lang ng isang banal na seremonya, na para bang sila’y nasa langit pagpakanig sa mga sinabi ni Mang Ramon.
Pero lingid sa kaalaman ng mag-asawa, at lalo na ni Benjie, na panandalian lang ang pananatili nila sa langit.
“At teka muna, limang taon na kayong kasal ah. Wala pa ba kayong balak mag-anak?”
Kung ano man ang natutunan ni Benjie sa pagsasama nila ni Leonor, habang binabati ang mga kaibigan kay Kristo, ang pinakamainam sa ganitong pagkakataon ay panatilihin ang ngiti sa kabila ng pagkainis.
“Nako ho, Mang Ramon. Hindi pa po ata napapanahon sabi ng Diyos. Siya na ang bahala.”
“Kaawan kayo ng Diyos. Alam kong bibiyayaan niya kayo ng maraming supling.” Tinapik ni Mang Ramon ang braso ng lalaki, nginitian ang babae, hinawakan ang tungkod at naglakad hanggang sa mawala siya sa dami ng tao. May kakaibang halakhak na lumabas sa bibig ng matanda: pahina nang pahina ito habang siya’y papalayo. Palakas naman nang palakas ang epekto ng halakhak kay Benjie.
Naiwang nakatayo sa gitna nang maraming papalabas na parokyano si Benjie. Ang tawa na naiwan ng matanda ang siyang umuubos sa pasensyang meron siya. Nang-iinsulto ito. Tumatawa. Tinatawanan ang kawalan ng kakayahan ni Benjie na bigyan ng anak si Leonor. Tinutusok ng tawa ni Mang Ramon ang kaluluwa ni Benjie, katulad ng kung paano sinabi sa homiliya kanina ang pagpaparusa sa mga kaluluwang nagkasala. Gustong magpakawala ni Benjie ng isang malakas na sigaw nang may isang makinis na kamay ang humila sa kanyang damit.
“Mahal? Mahal. Ayos ka lang ba?” laking pag-aalala ni Leonor. Namumutla ang asawa nito.
Nanumbalik ang ulirat ng lalaki. “Ah oo, ayos lang ako.”
Bumalik siya sa pagngiti sa mga papalabas. Dala na rin ng tagal ng pagkakatayo ni Benjie, ay puro mga papasok na ang nakikita nila. Manaka-naka ang mga papalabas ng simbahan, kaya minabuti na ng mag-asawa ang mauna na’t mamalengke.
Bagama’t nag-iba na sila ng pinuntahan ay panay pa rin ang pagbati sa kanila ng mga tao. Kita sila ng mga kargador, manininda, at mga kapwa mamimili.
“Benjie! Leonor! Eto, bagong huling bangus. Sariwang-sariwa.” Bakas ang ngiti sa mukha ni Leonor ang mga sinabi ni Sally; marahil ay nabasa niya ang isip ng maybahay. “Sakto, mare. Magsisinigang kami kami Benjie ngayon.” Nagtawanan ang dalawang babae.
“O sige. Isang buo ba, mare?”
“Dalawahin mo na mare para hanggang hapunan na iyong lulutuin ko.”
Lumaki nang bahagya ang ngiti ng tindera. “Akala ko pa naman naglilihi ka na.”
Ngiti ang itinugon ni Leonor. Ngiti rin ang itunugon ni Benjie, liban na lang sa sinseridad nito.
“Nako Sally! Alam mo bang gustung-gusto ko na magkaanak. May awa ang Diyos sa amin.”
“Naniniwala naman ako na bibiyayaan kayo. Kayong dalawa ata ang sugo ng Diyos dito sa atin e.”
Nagpatuloy sa paglinis at paghiwa ng isda si Sally habang nagkikipag-usap kay Leonor. Napag-usapan nila ang nalalapit na Pista ng Bayan, kung papaano nila sisimulan ang paglikom ng pondo para sa mga aktibidad. Nang umpisa’y naririnig pa sila ni Benjie, pero kalauna’y nilamon na ito ng mga ingay na kanyang naririnig. Ang mga ingay ay nanggagatong sa kanyang apoy ng galit at pagkadismaya; tinutupok nito ang kung anomang natitira sa kanyang pagkabanal. Kita ang ingay sa mga taong nakapaligid at dumadaan. Rinig ang mga pagtawag ng mamimili, ang pagbili nila, at huntahan ng iba. Rinig naman ni Benjie ang mga pangaalaska, ang panlalait, ang pangsusulsol na ginawa siya ng Diyos para maging isang walang kwentang lalaki — — para saan pa nga ba ang haligi ng tahanan kung walang anak na magagawa para sumandal dito? Alam ng mga narooon na wala siyang kwentang lalaki.
“Mahal? Mahal,” tinapik-tapik nang bahagya ni Leonor and pisngi ni Benjie, tangan ang maialis ang lalaki sa pagkatulala. “Natutulala ka na naman. May masakit ba sa iyo?”
Nagmamadaling umisip ng pwedeng ipalusot, nakita kaagad ni Benjie ang lalaking nagtitinda ng mga sisiw. “Wala ito, mahal. Nakita ko lang ‘yong nagtitinda ng sisiw. Naalala ko ang kabataan ko.” Bahagyang tumawa si Benjie.
“Nako, ang daming naalala ng asawa ko. Humigop ka ng sabaw mamaya. Mauna na kami Sally. Maraming salamat!”
Naubos ang linggo ng mag-asawa sa sesyon nito sa Couples for Christ at sa munting sesyon nito pagkatapos. Nagkaroon ng salu-salo para sa mga miyembro, na sinundan ng maliit na torneo ng ahedres para sa mga kalalakihan at sesyon ng pagsayaw para sa mga kababaihan. Hindi naging ligtas ang mag-asawa sa masigasig na pag-usisa ng mga kasama.
“Sana magkaanak na kayo.”
“Ang Diyos ang bahala sa amin. May tiwala na kami sa kanya.”
“Hindi pa rin ba kayo nagkakaanak?”
“’Di kami papabayaan ng Diyos.”
“Kunin mo kong ninong, brother.”
Naririnig ni Leonor ang simpatiya’t pananalig ng mga kasama na bibigyan sila ng supling. Ang mukhang walang hanggang pag-uusisa ay dahil lamang sa kanilang kagustuhang makamit nila ang rurok ng saya sa buhay mag-asawa. Naririnig naman ni Leonor ang walang habas na pagsira ng mga pag-uusisa sa kanyang pagkalalaki. Ang mga walang hanggang pagtatanong ay mas lalong nagpaalab sa apoy na sumusunog sa kanyang pagkabanal. Naririnig rin niya ang mga kutya, ang mga ngiting sumasampal sa kanya ng katotohanang walang kwenta siyang lalaki. Ang mga salita’y may talim na patuloy sa pagsaksak sa kanyang kaluluwa.
Bagama’t walang pagpipilian ang mga pinaparusahan sa impyerno, darating rin ang pagkakataong ang mga halang na kaluluwa’y hindi rin makakapagtimpi sa kakasunog at saksak.
Binuksan ni Benjie ang bintana. Dumampi sa balat nilang dalawa ang malamig na simoy ng hangin.
“Pagod na ba ang paraluman ko?” Ibinulong ni Benjie sa tainga ni Leonor ang mga katagang ito na binalutan ng matinding pagnanais.
“Oo mahal. Ang daming ginagawa kapag linggo.”
“Baka gusto mong magpahinga muna?” May ngiti si Benjie na masyadong matingkad, parang ngiti ng isang demonyo.
Humiga na si Benjie. Hinarap ang mala-anghel nitong ganda. Hinawi ang buhok at inihimlay sa kanyang tainga. Pandaliang nagkatitigan ang mag-asawa, dinadama ang biglaang pag-init ng kanilang silid.
“Palagay ko, kaya ka natutulala kanina dahil iniisip mo ang gabing ito?” May bahid ng pag-uudyok ang sinabi ni Leonor.”
Hindi umimik ang lalaki. Ang kanilang paghinga lamang ang naririnig.
“Kung ganoon, iniisip m — ”
Hinalikan ni Benjie ang asawa. Ang halikan ay nauwi sa pagnanais ng isang dila na madomina ang bibig ng isa. Ang mga kamay ni Benjie’y nagkaroon ng sariling pag-iisip: tinanggal nito ang kung ano mang damit ang nagtataklob sa katawan ni Leonor. Lumipat ang halik ni Benjie sa tenga ng babae. Kinagat niya ito ng marahan, sabay paglibot sa kanyang leeg, balikat, dibdib, tiyan, hita, at pagkababae. Bumalik ang halik sa labi ni Leonor. Dahil sa hingal ay napilitang maghiwalay ang dalawa. Sinamantala ito ni Benjie para tanggalin ang kanyang mga damit.
Tinitigan ni Benjie ang nakahigang asawa. Pareho silang hubad, parang mga kaluluwang handa nang parusahan sa impyerno.
Ipinasok ng lalaki ang kanyang ari sa pagkababae ng kanyang asawa. Hinintay na masanay sa laki ng lalaki ang babae, sabay marahang pagbayo na siyang nagpalabas ng mahinang ungol kay Leonor.
“Bakit hindi tayo magkaanak?”
Natatabunan ng mga ungol ni Leonor ang tanong ni Benjie. Ang marahan, puno marahil ng pagmamahal, na pagbayo nito ang siyang nagpapaingay sa kanyang gabi. Ang marahan ay napalitan ng pabilis nang pabilis na pagbayo. Walang nakikita si Benjie kundi ang mga tao sa baryo na may mga ngiting nangungutya sa kanya. Walang ibang naririnig si Benjie kundi ang mga pang-uusisa nila na nag-uudyok sa kanyang mas maniwala na wala siyang silbe, na wala siyang kwenta.
Sa mga pagkakataong ito, ramdam ng dalawa ang sakit. Sinasaksak ng mga matalim na salita ang kaluluwa ng pagkalalaki ng lalaki; sinasaksak naman ng pagkalalaki ng lalaki ang babae. Sinusunog ng mga pag-uusisa ang pagkabanal ng babae; sinusunog ng pagbayo ang pagkababae ng babae.
“Benjie, nasasaktan ako.”
“Bakit hindi tayo magkaanak?”
“Benjie, nasasaktan ako.”
“BAKIT HINDI TAYO MAGKAANAK!!”
“Benjie,”
Napalitan ng sakit ang sarap. Ang kanina’y nagsasaliw na tanong ni Benjie at ungol ni Leonor ay napalitan ng sigaw ni Benjie ng mga katagang “BAKIT HINDI TAYO MAGKAANAK!!” at ang paghiyaw ni Leonor sa sakit. Patuloy sa pagbayo si Benjie. Nagsilibing pahinga niya kakasigaw ang paghinga. ‘Di kalauna’y si Benjie na lang ang nagsasalita. Narating din ni Benjie ang rurok; sa bawat talsik ng kanyang semilya sa ari ni Leonor ay may katumbas na sigaw. Katunog nito ang sigaw ng pinaparusahan sa impyerno.
Inilabas niya ang kanyang ari sa hiyas ni Leonor. Pinagpag ang tite sandali. Isinara ang bintana at tumingin sa walang malay niyang asawa. Umupo ang demonyo sa gilid ng kama, nanlulumo sa kanyang ginawa.
Ang mga mata’y kulay-yellow,
ang mga ito’y nanlilisik din.
Kaya ko silang kalabanin
Dahil ako ang herong pwedeng arkilahin.
Sabihin mo, mga kapre
tikbalang, engkanto, aliens;
ibigay mo lang ang downpayment mo
at ako ang bahala sa iyo.
Kaso lang, may mga limitations
nasa terms and conditions natin.
May mga kalaban akong hindi ko kakayanin
kaya huwag mo akong kukunin.
Ang superhero na pwedeng arkilahin,
may pagkakataong kalaba’y nasa utak niya rin.
Kaya minsan, kapag ito’y sa kanya ay nakahain,
“Sino ang magliligtas sa akin?”
Baka
May mga tulang
hindi dapat ibinibigay.
Pero paano kung ito na ang huli?
Paano kung wala ng kasiguraduhan ang lahat?
May mga tulang
dapat ibinibigay.
Hindi ko alam kung ano ba talaga
ang tunay na maganda.
Ang mga tanong, kadalasan
Ay may sagot na nasa tabi lamang.
At sa kahahanap kung saan-saan,
Akin itong nakakaligtaan.
Sinubukang hanapin ang sagot
sa ating kinalalagyan:
ikaw ay nakaputing pantulog,
(at nakaitim na panloob sa ikaapat nitong linggo)
hinawi ang kurtina’t ang liwanag ay nasa mukha mo,
(kita ang mga taghiyawat at peklat)
at hinarap ako sabay daliang pagngiti.
(nabanat ang mga panis mong laway)
Araw-araw kong nakikita,
pero ngayon lang napagtanto;
ang sagot sa tanong ay alam na,
ikaw, ikaw mismo!
Just now, we thought:
words will always fly
along the highways of a busy city.
it will always fall to the comfort
of deafened ears.
words between us might mean a thing
or mean nothing at all.
As long as we keep thinking of
our words as something to speak,
(but not to mean)
“you are beautiful” will be overplayed.
words between us might mean a thing,
or nothing at all.
clearly, words won’t equate to
whatever you like,
whatever you feel. Care is placed in words,
(and you don’t need care) in my words.
words between us might mean a thing,
or nothing at all.
so instead, i’ll try to give less.
words won’t suffice;
letters do. Eventually, i’ll be
Nowhere near the sorry state
our (my) words used to be.
letters between us might mean a thing,
or nothing at all —
Pretty young teen
aged eighteen,
dumb, sometimes
but eyes are keen
and kind,
captivating — -
strong enough to capture
My heart that’s trespassing.
Dumb as she were.
she’s always caught
with flaming arrows of cupid
he used to kill time he borrowed.
And feelings, as we all know
is destructive
but not imaginary.
Real
but temporary.
He always drives the car
and invites her in.
And the girl, now turned nineteen
can’t get enough of the moment.
Inches closer, it seems.
Passing by the orchard
with the sweet scent of orange filling the car,
Time’s stopped, and clock’s blocked.
I drove for miles and miles,
crossed borders and such.
Found you in the middle of the yard.
Sad, because orange scent will never be
enough
to make an orange pie
and even sadder
because is there an orange pie?
I don’t mind spending money
and time.
You will always be loved.
You will always be loved,
Ardently.
Dictionary will always define words.
Words will always define people.
I defined you as ‘precious’,
and the door is always open
if you doubted your real value.
And here he goes
The man who branded her
“dearly.”
He showed love through the thickness of snow
it won’t show.
She will always be there on the passenger seat
reading his eyes as if it still has more to open.
Basically feeling his breath, like how
she breathes into her small fire on her
fireplace to keep her warm
and she was alive;
he kept her alive.
I don’t mind spending money
Or time.
You will always be loved.
You will always be loved,
ardently.
Now, I got things to do,
tap on my window
and I’ll sure do.
I drove for miles and miles
and finally reached the roadblock,
the end,
for me,
Legs got tired of walking,
walking you home.
Hands got tired
of tapping your shoulder to remind you of a job well done.
Heart got tired
of waiting on the bus stop;
waiting for a ride to carry it
somewhere.
Paris, maybe?
or to the sheets with you, baby?
Mind got tired
of thinking endlessly
‘Who will ride you the orchard?’
I don’t mind spending time,
money.
She will be loved.
You will be loved.
Maybe by him,
but surely by me
most ardently.
In the place,
where torchlight really matters,
our love dwelled.
Against the white sheets of snows
that causes the chilling
In my heart and in my mind,
our love kept us warm.
The dark night risen,
the fall of the leaves happened.
It is really cold outside
so we run to our place
where torchlight really matters
and enjoy the warmth
our love releases.
But also, in this place
where torchlight really matters,
our love dwells no more.
The place where we run
because it is cold outside
is like the night that has risen,
like the leaves that has fallen.
Our love releases no more warmth
To keep US alive.
In the place,
Where torchlight really matters,
I put out your torch light
for you to search another place
with another warmth from another torchlight.
You might not get it
because it is illogical,
but how is love logical
when you are ready to break your own heart and to break the rules
just like the rule in the place
where we used to run,
where torchlight really matters,
where our love ,
at some point,
warmed us
to keep us alive,
how is love logical
when you are ready to shiver
just to keep you warm?
The Torchlight was originally published in The Passageway on Medium, where people are continuing the conversation by highlighting and responding to this story.
Have you seen all the things
that crosses my mind?
Please answer the phone that krings.
or do your thing and unwind.
Have you seen the sky?
Lately, it is being stupid.
Just like us that always try
even if not paired by cupid.
Your face,
it’s straight out from a magazine.
My face,
it’s your greatest nightmare.
You give yourself away,
so do I.
There’ll be someone who’ll catch you,
sadly there’s none for mine.
Too much questions to ask
to the stars who are shiny
but quiet.
Let’s just drink our glass of cola
and make everyone forget.
Naging tahanan ka ng mundo kong magulo,
at naging droga ang mga ngiti mo
na sa pagkakataong ito ay baka hindi na maagapan,
at maaaring ito’y kaadikan
pero,
sasabihin ko sa iyo,
na sa umpisa ay alam kong iba ka na,
na sa umpisa’y alam kong
maglalakad tayo at magbabahagian
ng mga bagay na hindi natin gustong ipaalam
at mga bagay na gusto nating ipaalam pero
walang pagkakataon para pakinggan.
Hayaan mo sana ako na sabihin
ang isa sa dinadala ko
nang makita mo ako’t inayang maglakad,
nang makita mo kung paano ako sa iyo’y
lumayo nang makakita ng upuang para sa tatlo
at kung paanong nasilawan ako ng ngiti mo
na inakala ko’y araw.
May isa akong bagay na laging nakahihigit
sa kung sino ako ngayon.
Ikaw ang pero sa bawat pagdududa.
Ikaw ang tindi sa bawat pag-intindi.
Ikaw ang struktura nitong tula.
Hindi natin alam
kung bukas ay maglalakad ulit tayo,
kung sa makalawa’y uupo ulit tayo,
magkukuwentuhan,
sabay itatahan ang mga problemang ating iniiyakan,
papaalalahanan ka na hindi mo kailangang maging sila dahil
ikaw ka.
Nais ko sanang sabihin,
na tara na’t palaging paalalahanan ang
isa’t-isa
na kahit kailan
hindi magiging produkto ang pagmamahal
para ibigay at maghintay ng kapalit.
Paalalahanan natin ang isa’t-isa na
ang pagmamahal ay isang donasyon sa nangangailangan
hindi ka man sigurado kung maibabalik sa iyo,
pero
naging masaya ka.
Ikaw,
kahit maglakad tayo pabalik,
at umulit tayo sa umpisa,
walang problema sa akin
dahil ikaw ang pagkakamaling handa kong ulit-ulitin.
Nag-iisang binaybay ang lakaran,
dala ang bagaheng walang katuturan.
At sa pagkakataong ito, ako’y nasilawan
Ng hindi araw kundi iyong kagandahan.
Agad mong sinabi, ‘Bakit hindi
mo pupunin ang upuan sa tabi?’
Dalawa tayo, hindi tatlong ikinukubli.
Umupo ka sa aking tabi’.
Sa pagkakataong iyon, inilabas ang hininga,
humalo sa namamagitan sa aming dalawa.
At hindi inaasahan, kahit walang pag-iisip,
Naglakad kaming parang naiinip.
Binalikan natin ang upuan
na kanina’y ating natagpuan.
At sabay minalas ang lumulubog na araw.
Sinalubong ang buwan ng hiyaw.
Kinuha mo ang kanan.
Gaya ng dati, hikbi mo’y itinahan.
Kinuha ko ang kaliwa
Gaya ng dati, tenga ko’y inilalaan.
Kinuha mo ang kanan,
umupo ka nang marahan.
Sa pagtatapos ng araw,
sa iyo pa rin tatahan.
Kinuha ko ang kaliwa
Umupo rin nang marahan.
Ngayon, kahit ang buhay ay magulo
Laging ngiti ko’y dahil sa iyo.