Stories by Gabriel Louis Guaño on Medium
Simula noong 1970s nakasanayan ng mga deboto ng Birhen ng Nieva na ipagdiwang ang kapistahan nito tuwing ika-5 ng Agosto. Naging popular na tawag rin sa Birhen ang Our Lady of Snows na bunsod ng kalituhan sa pagitan ng mga salitang Nieves (salin sa Filipino ay Niyebe) at Nieva (isang bayan sa España kung saan nagmula ang debosyon) sa pagtatangkang isalin ang titulo ng birhen sa wikang nauunawaan ng nakararami. Ang kalituhang ito ay nagpatuloy nang ilang dekada at sa katunayan ay pinaghalawan pa ito ng pangalan ng Knights of Columbus Council 6155.
Noong taong 2015, naglunsad ng mga pag-aaral tungkol sa paglilinaw sa titulo ng Mahal na Birhen ng Caloocan. Mula sa mga naging pag-aaral nina Jose Miguel Pacheco, Renz Luigi Dahilig, at iba pang mga kasama sa komite, nalinaw na ang titulo na Birhen ay Nuestra Señora de Nieva at hindi Nuestra Señora de las Nieves taliwas sa kaalaman ng nakararami. Ito ay batay sa mga sumusunod na primaryang batis: Tatlong nobena noong 1780, 1867, at 1870; Imbentaryo ng Parokya noong 1911; at mga sinulat na pinagmulan ng debosyon mula sa mga pang-alaalang programa ng Pistang Bayan ng Caloocan noong 1961 at 1965.
Mula sa mga pag-aaral na ito, minarapat ng Obispo ng Kalookan na linawin ang kalituhan ukol sa titulo at kapistahan ng Mahal na Birhen. Inilabas noong taong 2018 ng noo’y Lub. Kgg. Pablo Virgilio S. David D.D. ang Liham Sirkular 2018–10 na pumapatungkol sa pagwawasto ng tamang titulo at kapistahan ng Mahal na Birhen.
Circular Letter 2018–10 (1 Agosto 2018)
“It is with the great joy that we announce and declare, after the diligent study and deliberation, that the proper title of the blessed mother, enshrined at the San Roque Cathedral as its Secondary Patroness, shall henceforth be NUESTRA SEÑORA DE NIEVA DE CALOOCAN.” (Circular Letter 2018–10 noong 1 Agosto 2018).
Sa parehong taon tulad ng nakasaad sa dekreto ay unang beses na ipinagdiwang ang unang pista ng Birhen noong Setyembre 8, kasabay ng mga pagdiriwang sa Santa Maria la Real de Nieva, Segovia, Spain. Bilang tugon rin sa dekreto, nagsagawa ng isang Marian Conference noong Setyembre 1 na may temang “La Soterraña: Si Maria at ang Debosyon ng Caloocan sa Birhen ng Nieva.” Itinampok at ipinakilala ang Mahal na Birhen bilang pintakasi laban sa mga Bagyo, Lindol, at mga Kalamidad.
Sa pagsisimula ng kanyang triduo, isinagawa ang kauna-unahang Rito ng Pagluluklok sa Mahal na Ina mula sa La Consolacion College-Caloocan matapos ang pagbibihis sa Mahal na Ina at nagkaroon ng maikling prusisyon papunta sa simbahan.
Noong bisperas ng kanyang kapistahan, nagdaos ng Misa Triduo na sinundan pagtatanghal ng Banal na Sakramento at ang kauna-unahang Ofrecimiento de los Cirios sa pangunguna ni Reb. Pdr. Silverio Mutia sa pamamagitan ng isang Procesion Penitencial na umikot sa palibot ng simbahan. Isinagawa ang pag-aalay ng kandila at prusisyon bilang paghahalaw sa kaugalian ng mga deboto sa Segovia kung saan ay mula sa altar ng Birhen ay dinadala ang mga kandila sa pamamagitan ng isang maringal na prusisyon patungo sa Monasteryo ng Nieva habang inaawit ang isang Catarina na naglalahad ng mga panalangin at intensyon ng buong sambayanan.
Sa araw ng kapistahan, nagdaos ng mga misa sa umaga at kinahapunan naman ay ipinagdiwang ang isang Misa Concelebrada sa pangunguna ni Lub. Kgg. Pablo Virgilio S. David D.D., ang noo’y Kura Paroko ng Katedral at Obispo ng Kalookan. Sinundan ng isang solemneng prusisyon at sinundan ng Pamamaalam at Pahalik sa Mahal na Ina (Besamanto).
Ang makasaysayang desisyong ito ay nilalayon na maiugnay ang debosyon ng Caloocan sa pinagmulan nitong debosyon sa Segovia at upang makilala ng sambayanan na hindi lamang nakabatay sa titulo ng Birhen ang ating pagdiriwang kundi sa mahalagang papel nito sa kasaysayan ng kaligtasan. Ang mga opisyal ng larawan ng mga pagdiriwang ay kuha ni G. Angelo Mangahas. Pindutin upang makita ang mga larawan
Mga Sanggunian:
Malabanan, James Benedict. “Nuestra Señora de Nieva de Caloocan — The Queen and Mother of Caloocan City.” Pintakasi. August 05, 2018. https://pintakasiph.wordpress.com/2018/08/05/nuestra-senora-de-nieva-de-caloocan-the-queen-and-mother-of-caloocan-city/
Pacheco, Jose Miguel. “Tracing the Roots of the Virgin of Caloocan: A historical research on the Virgen de la Nieva of the San Roque Cathedral and the dilemma of title and patronage.” Unpublished Manuscript. 2019.
Roman Catholic Bishop of Caloocan. “Circular Letter 2018–10: The Proper Title and Fiesta Celebration of Nuestra Señora de Nieva de Caloocan.” San Roque Cathedral Parish. 2018.
San Roque Cathedral Parish. “KATEKESIS: Ano ang tradisyong OFRECIMIENTO DE LOS CIRIOS o PAG-AALAY NG KANDILA sa Birhen ng Nieva?.” Facebook, Setyembre 5, 2025. https://www.facebook.com/share/p/1F6J7SZu7G/
San Roque Cathedral Parish. “KATEKESIS” BAKIT TUWING IKA-8 NG SETYEMBRE IPINAGDIRIWANG ANG KAPISTAHAN NG BIRHEN NG NIEVA?.” Facebook, Setyembre 7, 2025. https://www.facebook.com/share/p/1EgsZuwW5P/.
San Roque Cathedral Parish. “La Soterraña: Si Maria at ang Debosyon ng Caloocan sa Birhen ng Nieva, A Marian Conference in honor of the Nuestra Señora de Nieva.” Facebook, Agosto 30, 2018. https://www.facebook.com/share/p/1ESCwAiPW3/.
San Roque Cathedral Parish. “Programa ng mga Gawain para sa Kapistahan ng Ina at Reyna ng Lungsod ng Kalookan, Nuestra Señora de Nieva.” Facebook, Setyembre 2, 2018. https://www.facebook.com/share/p/1CCd92QoYv/
San Roque Cathedral Parish. “Sa kauna-unahang pagkakataon, ginanap ng Katedral ng San Roque ang RITO NG PAGLULUKLOK sa ating Ina at Reyna, NUESTRA SEÑORA DE NIEVA, bilang pasimula sa triduo bilang paghahanda sa kanyang kapistahan.” Facebook, Setyembre 6, 2018. https://www.facebook.com/share/p/1CYWuMYXvL/.
San Roque Cathedral Parish. “SA IYO ANG AMING PUSO! SA IYO ANG AMING HIMIG! AMING INA AT REYNA, BIRHEN NG NIEVA, KAMI’Y DINGGIN! Kagabi, bilang pagsalubong sa Kaarawan ng ating Mahal na Ina at ng kanyang Kapistahan bilang ating Ina ay Reyna, Birhen ng Nieva, ginanap natin sa kauna-unahang pagkakataon ang Ofrecimiento de los Cirios.” Facebook, Setyembre 8, 2018. https://www.facebook.com/share/p/17J9riEMnu/.
Sa patuloy na pag-iral ng ating lipunan, sumasaklaw na sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay ang Globalisasyon: mula sa ating mga gawi, mga serye na pinapanood, paraan ng pananamit, sa ating mga pagkain, at marami pang iba. Hindi lamang ito usapin ng bukas na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ngunit nagiging daluyan ito ng kung tinatawag kong “kalakalan at palitan ng kaalaman” sa aspeto man ng kulturang popular o larangan ng edukasyon.
Ayon sa Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino (2019), ang globalisasyon ay ang bagong damit ng imperyalismo. Kumbaga kung ang imperyalismo ay ang monopolyong yugto ng kapitalismo, ang globalisasyon ay nagsisilbing makinarya ng imperyalistang bansa upang hindi lantaran ngunit epektibong makapasok sa mga atrasadong bansa tulad ng Pilipinas, na hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin ng neoliberal na impluwensiya ng Estados Unidos.
Larawang mula sa League of Filipino Students
Kung titingnan natin ang kasalukuyang balangkas ng Basic Education Curriculum ng Pilipinas o ang “K-12 Curriculum”, ito’y nakabatay sa modelo ng 12-year basic education program na ipinatutupad sa iba’t ibang mga kanluraning bansa. Isa itong kongkretong halimbawa ng impluwensiya ng globalisasyon sa sistemang pang-edukasyon ng bansa.
Sa kasalukuyang curriculum, pumapasok ang iba’t ibang mga aspeto ng kulturang popular — mula sa mga asignaturang pangwika at pangkultura tulad ng Araling Panlipunan, MAPEH, Filipino, at English, hanggang sa mga asignaturang teknikal o sistematiko gaya ng Science at Mathematics. Sa ganitong aspeto inilalahad ni Acuña (2024) kung paano umiiral ang “adaptasyon” sa kulturang popular. Naapektuhan ng mga kondisyon ng mamamayan ang mga iba’t ibang bahagi ng lipunan. Lumilitaw sa iba’t ibang danas ng masa ang impluwensiya ng globalisasyon. Halimbawa nito ay ang paggamit ng mga nauuso sa social media bilang instructional materials ng mga guro o sa mga reporting ng mga mag-aaral.
Bilang mga susunod na guro ng bayan, ang “adaptasyon” na sinasabi ni Acuña ay maaari nating gamiting sandata upang itaguyod ang pambansa, siyentipiko, at makamasang edukasyon sa ating pagtuturo. Litaw ito sa mga sulatin ni Toledo (2023) sa pagpapaliwanag niya kung paano naging kasangkapan ang mga kuwentong pambata sa pagtunggali laban sa batas militar. Halimbawa na lang ang pagdalumat ni Toledo sa mga kuwentong pambata na nagsilbing salamin ng mga danas ng kabataan noong dekada ’70 — kung paanong naging daluyan ito ng kolektibong alaala at paninindigan sa gitna ng panahong mapaniil.
Mas epektibong maipapaunawa sa mga mag-aaral ang mga panlipunang usapin kung iuugat natin na ang kulturang popular ay isang melting pot ng iba’t ibang sektor ng lipunan at hindi lamang ng mga estudyante. Ang kulturang popular ay isang malinaw na representasyon ng lipunang Pilipino na dapat nating ilahad sa loob ng ating mga klasrum bilang mga gurong naglilingkod sa sambayanan.
“Ang edukasyon ay isang praktika ng kalayaan” (Freire, 1970) — hindi lang ito karapatan ng masa. Sandata ito na ginagamit natin upang mahasa ang ating kritikal na pagtingin sa kalagayan ng masa at sa mga mapagsamantalang imperyalistang gumagamit ng globalisasyon bilang kasangkapan ng pang-aapi. Mula rito, gamitin natin ang edukasyon upang tayo’y makawala sa tanikala ng globalisasyon at maipamayani natin ang isang panibang kulturang popular: ang kultura ng Pambansa, Siyentipiko, at Makamasang Edukasyon.
Mga Sanggunian
Acuña, T. (2024). “Matsing at Pagong” ni Rizal: Aralin sa Kuwentong Bayan at Kulturang Popular. In Mula Palengke Patungong Paaralan: Critical, Nationalist, and Democratic Pedagogy in the Philippines (pp. 79–87). IBON Foundation, ACT, & CONTEND.
Freire, P. (1970). Pedagogy of the Oppressed (M. B. Ramos, Trans.). Herder and Herder.
Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino (4th ed.). (2019).
Toledo, J. L. C. (2023). Lunas sa Paglimot: Ang Liberal na Demokrasya bilang Kontradiskurso sa Apat na Kuwentong Pambata tungkol sa Batas Militar. MALAY, 36(1), 77–97. De La Salle University.
Pagsipat sa ugnayan ng Musika at Pakikibakang Bayan
Image Courtesy: SOPA Images/Sipa USA/AAP Image
Hindi na bago sa ating mga pandinig ang mga salitang pakikibaka, masa, at sambayanan. Sa katunayan, kapag naririnig ito ng nakararami, kaagad na pumapasok sa isipan ay ang mga salitang pumapatungkol sa aktibismo. Minsan pa nga ay humahantong ito sa pagkaka-redtag ng mga taong nagbabanggit nito. Sa lipunan na kasalukuyang umiiral, lubhang napalabnaw ng mga iba’t ibang mga black propaganda ang mga salitang ito lalo na ang mga ideolohiyang kanan at progresibo. Naging malabo na sa pangingin ng masa ang tunay na pinanggagalingan ng kilusan.
Sa kabila ng mga propagandang ito, bigo pa rin naman ang reaksyunaryong estado na mabuwag ang kultural na pagkakakinlanlan ng kilusan. Nabubuhay pa rin ang mga awitin, tugtugin, at mga tulang nilapatan ng himig. Kadalasang ito ay tungkol sa pag-ibig at hanggang sa kasalukuyang henerasyon ng kabataang lumalaban ay lagi pa ring kinakanta sa mga piket layn, kampuhan, at hanay ng mga martsa. Ang mga awiting ito ay kadalasang halaw sa mga pangunahing karanasan ng mga tibak at sa kung paano nila sinusuong ang daluyong ng buhay sa kabila ng represibong takbo ng lipunan. Isang magandang halimbawa nito ay ang awiting Rosas ng Digma — Ang Tugon ng progresibong bandang Musikangbayan.
Madalas na inaawit ng mga taong nakahanap ng pag-ibig sa gitna ng lansangan. Naging Official Soundtrack rin ito ng pelikulang Sigwa (2010) nina Joel Lamangan at Bonifacio Ilagan. Napakalalim ng mga liriko ng awiting ito. Maaari mo siyang bigyan ng maraming kahulugan depende sa kung paano mo ito pakikinggan. Maaring pumatungkol ito sa malalim at busilak na pag-ibig sa sambayanang iyong pinaglilingkuran o di naman kaya ay pumatungkol sa iniirog na kasama sa pakikidigma para sa pambansang demokrasya. Sa ganang akin, parehong ito ang mensaheng ipinapabatid sa nakikinig. Ikaw man ay isang rebolusyonaryo, aktibista, o di naman kaya’y simpleng masa.
Rosas ng Digma (Koro)
Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding hindi kukupas di malalanta
Ang Tugon (Koro)
Ako’y nagagalak at tayo’y nagkasama
Sa bawat pangarap sa piling ng masa
Magkahawak kamay sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya
Makikita sa itaas ang koro ng dalawang awitin. Sa unang tingin, tila ito ay isang sagutan ng dalawang nag-iibigan. Tinitingnan ko itong pag-iibigan sa pagitan ng dalawang lalaki na nagkatagpo sa hardin ng digmaan. Sa pagitan ng dalawang rebolusyonaryo na tumangan ng armas para sa kasarinlan ng bayan. Maliban sa kanilang mga sandata, ang isa’t isa nila ay tila rin armas ng kanilang pagkalaya sa lipunang mapanghusga. Na kahit anong sigwa ng diskriminasyon or panghahamak, basta’t sila’y nag-iibigan ay walang kahit anong unos ang makakayurak sa kanila.
Sa ibang pananaw naman, maari rin itong tingnan na ang isang rebolusyonaryo o aktibista ay tila kinakausap ang minamahal niyang sambayanan. Na kahit anong hagupit ng mga naghaharing-uri, imperyalista, pyudalista, at burukratang kapitalista, basta ay kapiling niya ang mga manggagawa, magsasaka, maralita, at ang buong sambyanan, walang kahit anong bagyo o unos ang makabubuwag sa nakakaisang prente. Mahirap man ang kanilang tinatanganang misyon, ay nakahanda siyang ialay ang lahat maging ang kanyang buhay para sa sambayanan. Mula sa unang koro, ang pangalawang koro ay parang ang sambayanan na nagpapasalamat sa mga anak nito na pinili ang landas ng mga di’ pangkaraniwan.
Naniniwala ako na kahit anong lente mong titingnan ang kanta ay iisa lamang ang sigurado: ang rebolusyon o pakikibaka ay laging nakaugat sa pagmamahal. Kahit anong uri, anong porma o hugis, ang pakikibaka ay uugat lagi sa pag-ibig ng sambayanang nagsusumikhay at nagsusumigasig na makamit ang kasarinlan. Napakahalagang maunawaan ito ng sambayanan at susunod na henerasyon ng mga kabataan dahil ang pagkamit ng tagumpay ay hindi isang prosesong matatapos nang magdamagan. Maraming dugo’t pawis ang kailangang ibuwis upang makamit ito. Ngunit ang mahalagang maunawaan dito na huwag ihihiwalay ang pag-ibig sa anumang laban.
Dahil ang pag-ibig ay mapagpalaya at ang umibig ay isang porma ng pakikibaka.
— Malco 2025 —
Kung may magtatanong sa akin kung bakit ako magpapahinga sa pamamahayag, ang isasagot ko ay dahil gusto kong makalaya mula sa isang one-sided love na gumagapos sa akin na tila parang isang tanikala.
Dibujo ni Eed Baraquiel Baleña
Walang magbabago sa Pilipinas kung hindi tayo babalik sa dahilan ng ating tinatamasang kalayaan at kung patuloy tayong naniniwala sa mga pangakong nababalot ng kasinungalingan.
Sa paggunita ng 38th Anniversary ng EDSA People Power Revolution, isa sa mga samot-saring isyung panlipunan ang patuloy na pinapaingay sa mga pahayagan ay ang usaping Charter Change (Cha-cha).
Isang hakbang ang Cha-cha kung saan nilalayon nitong rebisahin ang 1987 Constitution. Nabanggit ng Kabataan Partylist na may dalawang pamamaraan upang maisakatuparan ito: ang Constituent Assembly (Con-Ass) kung saan mismong Kongreso ang magpapanukala ng pagbabago sa saligang batas sa pamamagitan ng tatlong-kapat (3/4) na boto, at Constitutional Convention (ConCon) kung saan ay magpapadala ng mga representante upang talakayin ang mga pagbabago sa kasalukuyang konstitusyon.
Kamakailan rin lamang, laman rin ng mga newscast ang Peoples’ Initiative (P.I.) na pinangungunahan raw ng mga kababayan natin sa kanayunan upang isulong ang pagbabago ng ating konstitusyon.
Ang P.I. ay isang lantarang pagmamaniobra ng kasalukuyang rehimen upang mas mapabilis ang pag-usad ng Cha-cha nang sa gayon ay magawa nila ang kanilang pansariling kagustuhan.
Tila isa itong ilusyon upang malihis atensyon natin mula sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagpapahirap sa mga magsasaka, pambabalewala sa mga nasa laylayan ng lipunan, at pambubusal sa mga mamamahayag na ang tungkulin lamang ay magsiwalat ng katotohanan.
Kung magpapatuloy ang ganitong sistema, tila nakakalimutan natin ang mapayapang paglaban ng mga Pilipino noong 1986 EDSA Revolution. Mababalewala ang mga buhay na inilaan ng libo-libong kababayan natin makamit lang ang demokrasyang tinatamasa natin.
Sa makasaysayang laban ng masa noong 1986, nagtipon-tipon ang mga Pilipinong naghahangad ng kalayaan sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) upang patalsikin ang rehimen ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ama ng kasalukuyang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Iba’t ibang mga progresibong grupo, relihiyoso, kabataan, mamamahayag at Pilipino ang nakiisa sa mapayapang laban na ito. Kinilala ito sa buong mundo bilang isa sa pinakamapayapang pag-aaklas ng bayan laban sa pasistang pinuno. Ngunit sa kasalukuyang administrasyon, tila hindi nila kinikilala ang tagumpay na ito.
Noong nakaraang taon, tinanggal sa hanay ng “Special Non-working Holiday” ang paggunita sa EDSA People Power sa pamamagitan ng Proclamation 368 s. 2023 na inilabas ng opisina ng pangulo noong Oktubre 2023.
Sa lantarang pagbubura ng diwa ng EDSA, patuloy na nabibigyan ng dahilan upang labanan ang Cha-Cha. Suhay ito na mas paigtingin at paingayin ang pangangalampag sa gobyerno na tutulan ang Cha-cha.
Sakaling maipasa ang Cha-cha, dobleng pasakit ang mararanasan ng bawat Pilipino. Lubusang tataas ang presyo ng mga bilihin, magkakaroon ng pribatisasyon ng mga dayuhang bansa sa pag-aari ng ating pamahalaan.
Mas lalong maghihirap ang kalagayan ng bansa na siyang pinaghirapang ipaglaban ng mga lumaban sa EDSA.
Sa pagsusulong ng Cha-cha, mawawalan ng saysay ang sakripisyong inilaan ng mga Pilipinong lumaban bago ang EDSA. Mamamatay ang liwanag na pinaghirapan nilang sindihan sa gitna na ng pagtitiis sa dilim ng Batas Militar.
Ngayong araw ng pag-alala ng EDSA, hamon sa atin na ipaglaban ang natitirang liwanag ng EDSA. Tawag sa atin ang nakaambang Cha-cha upang isabuhay ang diwang makabayan ng People Power Revolution.
Sa pagtutol sa Cha-cha, hilahin natin ang mga nasa laylayan at hamigin ang nasa kanayunan upang tulad ng Peoples’ Power ay manaig ang boses ng bayan bitbit ang panawagan ng katotohanan at kalayaan.