Stories by Glazzela Dian C. Torres on Medium
Diskriminasyon
Sa mundong dapat lahat ay pantay pantay,
May mga diskriminasyong,
walang kapantay.
Para sa mga pusong umaasa ng lubos
na paulit ulit nilulugmok,
paulit ulit na naririnig ang tinig na may hinanakit,
galit at poot,
pagtanggi't pag unawa'y hindi patas.
Kailan nga ba magwawakas?
Sa bawat taong tumitindig,
ipinaglalaban ang karapatan ngunit palaging ipinagkakait,
Patuloy na hinahadlangan ang bawat hakbang,
Katarungan at pagbabago kailan nga ba makakamtan.
Diskriminasyong...
aking kinagisnan,
Inaapi at kinamumuhian ang nasa laylayan ng mga taong mapanlamang,
Kapwa’t taoy laging hinuhusgahan...
Pera’t kayamanan nga ba ang labanan?
Kung ganun paano ang mga taong nasa laylayan na patuloy na kumakayod para lamang mabuhay ng marangal.
Kahangalan lang ba?
Ang kanilang pagtatiyagat,
pagsisikap kailan pa mabibigyang pansin
Kailan ba sila uunahin,
Kailan ba sila uunawain.
Laging nasa una ang mga mapera't
may impluwensya,
Mga nasa laylayan hindi nabibigyan ng kalinga,
Ganun na lamang ba?
Kung sino ang mas higit na
nangangailangan sila pa ang syang pinagkakaitan.
Kailan pa ba mababago ang gantong sistema?
Diskriminasyon ay laganap na,
at tila naging kultura pa.
Nakakatawa hindi ba?
Isang lahi, kapwa pinoy, ang syang naging dahilan
kung bakit diskriminasyon
ay naging tuloy tuloy lang.
Diskriminasyon ay laganap,
Mula pa noon magpahanggang ngayon,
Hindi lamang estado ng pamumuhay
ang naging batayan ngayon,
Dahil kahit diskriminasyon sa kasarian
ay laganap na din ngayon.
Salot sa lipunan,
bawal na pag ibig,
mga makasalanan!
Oo, ilan lamang yan sa bansag at tingin sa amin ng karamihan,
Gusto ko sanang itanong ng diretsahan,
Paano kami naging salot sa lipunan?
Kung wala naman kaming ginagawang nakakaapekto sa inyong pamumuhay.
Bawal na pag ibig?
Kailan naging bawal ang magmahal?
Bawal mahalin ang parehong kasarian?
Bakit puso ba'y nadidiktahan?
Hindi namn din namin ito ginusto,
Kusa nalang nangyari at nagkaganito,
Ikaw ba, napipigilan mo ba ang pagtibok ng iyong puso?
Kung bawal na pag ibig man ito,
Hayaan niyo nalang kami
At maging masaya kayo
Dahil hindi kami iba sainyo.
Mga makasalanan?
Kailan pa naging kasalanan ang magmahal?
Dahil ba nasa banal na libro,
o dahil sa mga mata ng mapanghusgang tao.
Diskriminasyon sa Kasarian,
Sana ay mawakasan,
Dahil tao din kami,
Na nasasaktan,
Sa hindi pantay na karapatan.
Diskriminasyon..
Maraming tao ang inaapi at inaapakan..
Kinamumuhian at pinandidirian
At kung ituring nyo' y isang salot sa lipunan.
May sakit ba silang dala sa inyo?
Na kung ituring niyo’y hindi sila tao
Yinuyurakan nyo ang kanilang dignidad at pagkatao ...
Walanghiya, namn iyan magsitigil na kayo !
Mapababae, lalaki at sino pa yan
Wala kayong karapatan na sila ay husgahan
Hindi nyo sila pinapakain at binibihisan na kung ituring niyo'y kayo ang nagpapakain sa kanila buwan buwan ..
Mapang mataas ...
Ganyan kayo ..
Ganyan niyo ituring ang ibang tao dahil sa nakakaangat kayo!
Pangatlong kasarian ....
Sa panahon ngayon ay laging nabibiktima..
Ng Diskriminasyon na sinasabi nila..
Hindi ginagalang, pinandidirihan agad ng iba ..
At ang masakit, kahit magulang nila ay hindi ay hinuhusgahan sila ..
Sinasaktan binubogbog pinapahiya sa iba,
dahil pilit tinutuwid ang kasariang baliko na.
Mga kasariang laging iniinsulto
Yinuyurakan ang kanilang pagkatao
Sinasaktan pinaperahan pa ng mga
mapang abuso ..
Mga walang kwentang tao, wala naman kayong ambag sa Mundo.
Magbago na kayo!
“Kami noon.. Swerte niyo ngayon."
Lumaki tayo sa makabagong panahon na kung saan
halos lahat ng wala noon ay naging possible ngayon
Kaya nga sa tuwing may hindi pagkaka-unawaan
laging naihahalintulad ang kanilang karanasan,
sa ating kasalukuyang nararanasan.
Laging namumutawi sa kanilang mga labi na kami noon ganto ganyan,
at nagsimula nanamang mag kwento ng walang katapusan,
Nakakainis na din minsan, dahil paulit ulit nalang
ganyan ang ating nararamdaman.
Nakakainis, nakakapagod ng makinig
sa mga kwento at pangungumpara ng paulit ulit
Dba? Bakit nga ba ganyan sila?
Kasalanan ba ng kabataan ngayon,
na ganto na ang makabagong henerasyon?
Napapatanong ka din ba?
Kung bakit ganyan sila?
Kase ako, Oo.
Nakuha ko ang sagot sa sarili ko mismong pag oobserba.
Naging ganyan sila hindi dahil sa inggit
sa kung anong meron ngayon na wala noon
Naging ganyan sila dahil sa ugali
at gawain ng mga kabataan ngayon
Pansin niyo naman siguro dba?
masyado na talagang naiiba
Mula sa ugali't kilos na dati ay nakakamangha
Ngayon ay unti-unti ng nawawala.
Mga ugali't kilos ng mga kabataan ngayon ay hindi na nakakatuwa
at ang lakas pa ng loob na ipakita sa madla
Walang galang sa mga nakakatanda
ang ilang ulit na pagsuway,
pagsagot at pagsasabi ng masasakit na salita.
Yan, ganyan ang kanilang gustong iparating
na karamihan sa kabataan ngayon
ay wala ng respeto at nagmamagaling
Pagmamano, paggamit ng "po" at "opo"
pagbati ng magandang araw, o pasintabi po
Ngayon ay asan na?
Bilang nalang hindi ba?
Kasalanan ba ng makabagong teknolohiya?
Kung bakit halos lahat kabataan ngayon
hindi na tumatanggap ng puna?
Social Media ba ang syang dapat na sisihin,
na ang misyon lang namn ay ang mapadali
ang paghahanap ng impormasyon at magbigay ng aliw,
O mga taong abusado? na hindi ito ginamit ng was to.
Kaya nga nasabi ng nakalipas na mga henerasyon,
na masyado na tayong abusado at ma swerte tayo ngayon.
Kaya't tayo'y mag isip isip na, tama nga ba sila?
o aalma ka?
“Pahinga”
Pahinga.Kailangan nating huminga muna para d natin magawang sukuan ang isat isa. Kailangan nating mag isip kung anong magandang gawin para magpatuloy ang pagmamahalan na nasimulan nating dalawa.
Wag kang mag alala, hindi ako maghahanap ng iba habang namamahinga. Mananatiling ikaw lang at walang makakasingit na iba.
Gusto ko lang mag lagay ng espasyo sating dalawa, para makapag isip at makahinga hanggang handa na tayong lumaban ulit na iisa, at hindi mag isa.
Mahal na mahal kita kaya kailangan kong gawin ‘to kase ayaw kong maubos ako. Ayaw kong magising na isang araw wala na yung pagmamahal ko para sayo.
Ayaw ko. Ayaw kong maramdaman na hindi na kita mahal. Hindi pwde. Kaya time out muna, para hindi tayo umabot sa timeline. Kase ayaw kong umabot dun ng mag isa, ayaw kong umabot dun na hindi ikaw ang kasama.
"Huli na"
Huli na ng malaman kong tama ka
Tama ka nga na may nagbago na
Nagbago na ang lahat ng plano
Plano na sating dalawa dati ay bumuo.
Huli na ng maramdamang kong sobra na
Sobra na ang nagawa mo’t hindi ko na kaya
Hindi ko na kayang baliwalain at hayaan nalang
Hayaan nalang na paulit ulit mo akong saktan
Tama ka, tama ka nga na lahat ng tao nag babago.
Na hindi sapat ang pagmamahal para ipagpatuloy pa natin ito
Hindi sapat na rason ang mahal kita't mahal mo'ko
Kase tama ka, lahat pdeng magbago kalakip ang pagmamahal na alay ko.
Kaya tama ka, at huli kana.
Huli kana para bawiin pa,huli kana para bumawi pa,huli kana para ayusin pa
Kase tama ka ulit,na kahit gaano ka pa kamahal ng tao pag napagod na sya’t binigay na ang lahat sayo, magiging huli kana at lahat ng sinabi mong dati ay hindi akma, ngayon ay tama na.
Kase huli kana at ako’y pagod na.
Kainit karun
Udtong gabaga baga
Nangitag tubig
Silaw sa adlaw
Nagbaga ang palibot
Init na gugma
Init nagtugkad
Sa biskan asang dapit
Tawo gayawyaw.
Paghihirap ng iba, Naranasan mo na ba?
Bababa ng bundok, bitbit ang tsinelas upang hindi madulas
Dadaan sa daanang hindi mo alam kung may panganib bang nakaabang.
Makakaapak ng tinik,putik,tae o dumi
Tinitikman ang bungang kahoy na nadadaanan
Ninanamnam ang sariwang simoy nang hangin na dumadampi sa 'yong balat.
Huni nang ibon na nagsilbing musika
na nagpapawi sa bigat na iyong dala dala
Ilan lamang it sa mga naranasan nila.
Naranasan mo din ba?