Stories by tasya ✦ on Medium
— na siyang maihahalintulad ko rin sa pagdadalamhati
IB: Siping by Cup of Joe | Photo from Pinterest
Para sa akin, sobrang magkadikit ang konsepto ng pagmamahal at pagdadalamhati, na para bang sila ay pinagbiyak na bunga. Magkaiba ang anyo ngunit kung susubukan itong isalin sa wikang sumasalamin sa ating mga damdamin, katulad ng isang salitang banyaga, hindi sapat ang iisang salita upang mabigyan ng hustisya ang tunay nitong kahulugan.
Sa puntong ito ay napagtanto ko na kung bakit — ang sagot sa mga bakit na kay hirap hanapan ng mga salitang gusto kong iparating. Walang naimbentong salita o kahit isang salitang umiiral ang may kakayahang ilarawan lahat ng nararamdaman ko sa likod ng aking pagdadalamhati.
Walang sumasapat. Ultimo ang salitang pagmamahal ay tila ba nagkukulang at kailanma’y hindi magiging sapat. Itong nararamdaman ko’y walang kasing lalim at pakiramdam ko’y sa kawalan ang aking kahahantungan kapag pinilit ko pa itong mas unawain.
Dahil paano ko ba isasatinig ang bigat ng pagkawala na hindi ko kayang limutin? Hindi ko lubos na matukoy ngunit nadarama ko na may nawawala sa akin. Hindi basta-bastang naglaho, lumisan at nag-iwan ng prominenteng bakas — katibayan na minsan nang may namalagi sa akin.
Sa kabila ng lahat, naiwan sa akin ang pagmamahal na walang mapaglagyan. Hindi ko mapilit-pilit na ialay ito sa aking sarili.
Sapagkat may mga bukod-tanging damdamin na hindi nararapat na ipagkaloob sa iba sa kadahilanang nakatakda ito para lamang sa isa.
— Tasya
Ang aking kapalaran ay akin nang tatanggapin. Wala akong ibang magawa kundi bitbitin at yakapin na lang ito nang mahigpit. Hahayaan na lang ang sarili na maramdaman ang iba’t-ibang anyo nitong damdamin. May kaakibat man itong bigat subalit darating din ang pagkakataon na hindi na ito mahirap dalhin. Hindi dahil gumaan ngunit dahil mas naging matatag ako para ito’y pasanin.
Marami man din akong hindi matukoy, katulad ng anyo nitong damdamin, natitiyak ko na mayroon na ngang nag-iisang nararapat para rito.
Nakikita at nararamdaman ko ang bakas nitong ginhawa at kalinga kahit sa pinakamaliliit na bagay. Gayunman, sa munting mga bagay rin na iyon nanggagaling ang aking pangungulila at paghihinagpis.
Mula roon, mabibigyan ko ng katunayan ang pagkakadikit ng mga magkakaibang damdamin.
Nagmamahal at nagdadalamhati,
Tasya
mahirap siya gawin pero na-realize ko na may point siya.
pitik by me ^__^
It’s funny how I used a picture that I took before the sun set kahit sunrise talaga ang gusto kong ipakita, to symbolize new beginnings sana. Pero isa na rin ‘to siguro sa mga dahilan to encourage myself na gumising nang maaga kahit minsan — gaya ng laging sinasabi sa akin ni mama.
Pero, you know what? Wala naman talagang makakaalam kung anong oras ako nagdesisyon na lumabas para kumuha ng litrato kung hindi ko ipinaalam sa simula nito. At sa tingin ko, doon pa lang ay makikita na natin kung gaano kalaking parte ng ating buhay ang kung paano natin tingnan ang mga bagay-bagay. After all, feeling something — as it often does — comes after perceiving.
Ang kaso nga lang, may mga times talaga na meron na lang tayong mararamdaman bigla na hindi natin maipaliwanag. And, more often than not, we tend to overly focus on figuring things out when in fact, hindi naman talaga palaging required na malaman natin lahat.
It can be frustrating talaga at mahirap tanggapin at first, but one thing that I realized upon pushing myself to get out of my bed early in the morning is that instead of thinking na ang hirap-hirap bumangon kasi inaantok pa ako, iisipin ko na lang na there’s more to life na I would miss kung hindi ako babangon.
Hindi naman nakakamatay to look at things differently.
Baka magtampo na rin kasi si sunrise. Paano ko ba naman kasi na-establish na sunset ang paborito kong tingnan at kuhanan ng litrato kung hindi ko naman binibigyan ng pagkakataon ang sarili ko na makita ang pagsikat ng araw, diba?
Pero gets ko rin naman ang sarili ko at napagtanto ko rin sa sarili ko ngayon na kahit hindi naman ako lumalabas noon tuwing hapon, nasusulyapan ko mula sa loob ng bahay namin ang mga magagandang kulay na naibibigay nito. Sobrang comforting at malumanay sa pakiramdam kapag oras na ng hapon — ‘yan ang nararamdaman ko kahit may nasulyapan lang naman ako.
Siguro hindi talaga biglaan ang lahat, ‘no?
Maaaring mas mabilis lang nakarating ang lahat sa puso ko bago naiproseso ng isip ko.
hindi na nga lang palagi pero sapat pa rin para maging dahilan ng hindi ko paglimot sa ‘yo.
About You by The 1975 | Photo from Pinterest
And I miss you on a train; I miss you in the morning.
I never know what to think about…
I think about you.
Being someone na hindi mabilis makalimot is both a blessing and a curse — kapareho lang ng pagiging makakalimutin.
And I am both, in the most infuriating way.
Kasi naman, kung ano pa ‘yung mga bagay na dapat kong tandaan ay siya pang madalas mawala sa aking isip. Katulad na lang ng mga bagay na dapat kong dalhin, kung saan ko nailagay ang cellphone ko, o ‘di kaya ay ang birthday ng kaibigan ko.
Nakakaasar lang isipin na mukhang mas makakalimutan ko pa na isilong ang mga damit na nakasampay sa labas, na siyang ibinilin ni mama sa akin bago siya umalis, kaysa sa petsa ng una nating pag-uusap hanggang sa iyong pag-alis.
We can’t have it all talaga, ‘no? May mga bagay rin kasi talaga na hindi natin kontrolado — katulad na lang ng mga pagkakataon na bigla ka na lang sumasagi sa isip ko. Napapaisip tuloy ako minsan kung inaasar lang ba ako ng paligid dahil sa pagpapakita ng mga bagay na nagpapaalala sa ‘yo o…
sadyang hindi lang ba ako madaling makalimot pagdating sa mga alaalang binuo na ikaw ang kasama ko?
Okay naman na ako eh, sa tingin ko. Noon nga’y pinipilit ko pang alisin ka sa isip ko pero ngayon ay hinahayaan ko na lang.
Tinanggap ko na — ‘yon ang mas pihado.
Ano pa ba kasing magagawa ko? Ni hindi ko nga alam kung naaalala at naiisip mo pa rin ba ako. ‘Yung kahit hindi palagi pero sapat pa rin para maging dahilan ng hindi mo pagkalimot sa akin. Para naman quits tayo kahit papaano.
wala namang may kasalanan. okay lang. lilipas din ‘to.
Paano Ba? (Umibig) by Chrstn | Photo from Pinterest
At kung mananalangin ba ako kay Bathala, sinta… Mananatili ka? Tunay ba ang pag-ibig?
Ilang buwan na rin ang nakalipas at isang panibagong taon na naman ang aking sinalubong — ang taon na noo’y nilu-look forward kong salubungin nang kasama ka. Wala eh, naubusan kasi tayo ng pagkakataon. Akala ko pa nga dati hindi tayo mauubusan nyan pero naglaho na lang talaga ang lahat simula noong araw na iyon.
Pero alam mo ‘yung hindi kaagad nawala? ‘Yung pag-asa ko na may magagawa pa tayo para sa atin. Sinabayan pa ng liko-likong pagtakbo ng isip ko. Kasi kahit hinayaan ko na bumitaw ka, minsan ay naiisip ko kung alam mo ba talaga na hindi naging madali para sa akin na hayaan ka na lang mawala. Walang-wala kasi akong balita tungkol sa ‘yo after ng huli nating pag-uusap kaya wala akong ideya. Pero, ‘di nagtagal ay hinayaan ko na lang. Lilipas din naman ‘to — yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko.
At alam mo ba, sinubukan ko ring magdasal. Nakakapanibago kasi hindi ko naman gawain ang magdasal para sa ganitong bagay. Hays, the things I’d do for you talaga.
Noong una ay ipinagdasal ko pa na “sana ay bumalik ka,” na naging “sana naaalala mo man lang ako minsan” na lang,
hanggang sa ipinagdasal ko na lang na sana ay masaya ka habang tinutupad mo ang mga pangarap mo — kung saan ay wala na ako sa tabi mo.
Huli na rin kasi ang lahat. Siguro kung nanalangin ako noon kay Bathala habang nandito ka pa, hindi siguro tayo pagkakaitan ng pagkakataon.
Pero okay lang, tinanggap ko na. Tapos na. Lilipas din ‘to.
Nasanay ako na nandyan ka pero tanging mga alaala na lamang ang mayroon ako ngayon. Kahit nangangambang umibig muli at hindi ko matukoy kung makakaibig pa ba ako nang totoo kung hindi ikaw,
ang taon na ito ay gagawin kong simula para mas bigyan ng pagmamahal ang sarili ko.
Sana ikaw rin.
Tumalon by Solace Out The Door
Tumalon sa kinatatayuan, damdaming ‘di mo masabi ay hayaan na lang.
Sabi ng prof namin today, may mga alaala at ibang mga bagay raw talaga na nagma-matter or nagmi-mean nang sobra para sa atin — at sobrang na-validate ang nararamdaman ko ron. Halos lahat kasi ng bagay, pangyayari, o tao man ay nakaugalian ko nang bigyan ng malalim na pagpapahalaga. I tend to really care about the people who are close to me and sometimes, naiisip ko kung OA ba ako or kung hindi ba ako too much? Naiisip ko rin kung ganoon din ba ang nararamdaman nila sa akin. May pake rin ba sila sa akin?
Don’t get me wrong ah? I want to care for them naman because I want to and not because I want to be cared for din. It just makes me wonder lang at times.
Gano’n din kasi ako sa ‘yo.
Pero ewan ko, may something na kakaiba eh. Normal ba ‘yung na-associate na kita sa madaming bagay? Normal ba na hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakakamusta? Normal ba na nakikita ko ultimo ang pagkislap ng mga mata mo whenever we’re together?
Sabi kasi nila, kapag inlove ka, tumitigil ang mundo. Hindi naman ganoon ang nangyayari sa akin. Tumitibok nang mabilis ang puso ko? Oo.
Kapag kasi ikaw ang kasama ko, mas umiikot at nagkakaroon ng kulay ang mundo ko. Just like my friends! They add so much meaning and color in my life — at doon ako mas naguluhan.
Do I really just value you so much, or is there more to it than that?
Sa kahit ano kasing maliit na bagay, naaalala kita. Pakiramdam ko there’s something that connects our soul in some kind of way, or is it just me?
Mas binuksan mo kasi ang mga mata ko para mas makita kung gaano kaganda at kakulay ang mabuhay.
The feeling is so familiar, yet so strange.
Masaya na nga ako sa buhay, mas may isasaya pa pala.
Ang daming na ng taong nagpapasaya sa akin, dumagdag ka pa (not derogatory). Hay, you’re such a ray of sunshine, in the most endearing way.
I enjoy my own company din naman. I like to yap about anything with my friends or even write it sa diary ko. Ngayon, palagi na lang akong nagl-look forward sa mga mangyayari sa araw ko, may maikwento lang ako sa ‘yo. Para na rin may dahilan ako para marinig kung naging kamusta ba ang araw mo.
Pero sagutin mo nga ako. Bakit pagdating sa ‘yo, lahat ng mga bagay na nagpapasaya sa akin mas nagiging makahulugan?
Everything feels so much better kapag kasama ka. Kahit sa mga panaginip ko ay nagpapakita ka.
Gano’n din ba sa ‘yo?
Ang dami-dami ko pang gustong itanong. Sa bawat araw kasi mas may nagtutulak sa akin — nagtutulak sa akin para tumalon. Pilit ko kasing iniisip na wala lang ‘to kahit meron naman talaga.
Gano’n din ba sa ‘yo?
Kasi kung oo, sasamahan mo ba akong tumalon at hayaang mahulog ang ating sarili sa isa’t-isa?
Ang scary niya kasi we’re like risking our lives on something na hindi tayo sigurado o hindi natin alam kung ano ang kahahantungan if we jump. Will it be something that is life-threatening or something that is worth the risk and will bloom over time?
Questions and what ifs will definitely pile up pero paano natin malalaman kung hindi natin titingnan, right?
Liham Sa Ulap by KYLIX
“Isusulat na lang sa kanta hanggang makarating sa iyo”
Kay hirap minsan kapag ultimong maliliit na bagay napapansin natin ‘no? Kahit kaunting interaction lamang, bibigyan na agad ng meaning. Ayan kasi tayo eh! Pilit ko namang sinusubukang isipin na coincidence lang ang lahat pero patagal nang patagal, padami lamang nang padami ang mga ‘maliliit’ na bagay o pangyayari na ‘yon.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung coincidence pa ba talaga ang mga nangyayari o sign na pala para i-turn on ang delulu mode ko at isiping madami talagang bagay ang nagco-connect sa ating dalawa. Red string theory yarn?
Ayoko namang masaktan ang sarili ko kapag nag-expect na ako pero leche flan kasing mga what if yan! Dose-dosena ang mga what if na tumatakbo sa isip ko at hindi ko maipagkakailang iyon ang dahilan kung bakit madalas ka sa panaginip ko. Sa bawat pagbisita mo sa akin habang mahimbing ang tulog ko, napapaisip na tuloy ako kung minsan na rin bang napadaan sa isip mo ang kahit isa sa mga what if na namamalagi sa isip ko.
Naiinis na nga ‘yung tao dahil may mga pagkakataon na grabe ka talaga tumambay sa isip ko. Ano ba kasing ginagawa mo doon ha? Nagkakape o ginagayuma ako?
At sa totoo lang, gusto kitang tanungin at kausapin mismo tungkol sa mga iniisip ko pero hindi ko malaman-laman kung paano sisimulan. Knowing myself naman, kayang-kaya ko iyon gawin pero hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob ngayon. At higit sa lahat, natatakot akong lumiban sa linyang ako mismo ang gumuhit bilang palatandaan kung hanggang saan lang dapat ako — upang maprotektahan ko na rin ang sarili ko.
“Ano kayang mangyayari kapag dumating na ‘yung panahon na tuluyan ka nang lilitaw ulit sa mga pahinang nakalaan para sa atin?” malalaman ko na lang siguro kapag nangyari na talaga ‘no?
Kung pwede lang kasi talagang maging sa ‘yo na lang ako sa lahat ng universe to ever exist, walang takot kong tatahakin ang kahit anong landas basta ikaw ang kahahantungan ko.
Sa mundo na ‘to, malabo at komplikado. Mahirap tanggapin pero hindi talaga pwedeng masaya palagi — iyan ang totoo.
Pagtagpuin man tayo ay parang mas gugustuhin kong hindi maging sa ‘yo para lang ma-keep kita nang walang dulot na sakit sa ulo sa atin.
Pagpupursigihin kong dedmahin ang mga signs kuno galing sa mga napapanood kong tarot reading sa tiktok at kung ano-anong maliliit na bagay na napapansin kong pilit bumubuo ng tali na ikaw ang nasa dulo at ako naman ang nasa kabila. Ayokong magsalita ng tapos pero sa kalagayan natin ngayon, ako na mismo ang magsasabi na hindi pwede.
Hindi ka pwedeng maging sa akin.
Hindi ako pwedeng maging sa ‘yo.
Ayoko.
Ayoko.
Ayoko!
Ayaw kong mas maging komplikado. Ang tanging hiling ko na lang ay kung wala talagang tayo sa mundo na ito, sana sa mga natitirang mundo ay mayroon.
Ang magagawa ko na lang talaga ngayon ay idaan sa pagsusulat itong mga paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.
Umaasang madala na lang ito ng hangin papunta sa iyo.