Stories by mga katha ni hoven on Medium
Noong ako'y musmos pa lamang, kapansin-pansin na ang pasinasyon ko sa mga kwento. Sa edad na sais (6), ay nahilig na ang batang ako sa panonood ng kartuns, at pagbabasa ng maikling komiko sa tuwing nasa pampublikong silid-aklatan. May isang saglit na nga na dahil sa sobrang kakulitan ay nakapagdala kami ng kapatid ko ng komiks ng batman—sa loob ng isang mall, kahit hindi pa ito bayad. Sa huli, napagtanto na lang namin ito nila mama noong nasa bahay na. Halos maluha si mama sapakat parang pagnanakaw ang ginawa namin, ngunit bilang mga musmos na paslit ay hindi pa kuha ng isipan namin iyon—nakatuon lang ako sa komiks.
Habang tumatagal, mula sa simpleng panonood sa telebisyon hanggang sa paglalaro ng aking laruan ay naging masining na ang sarili sa pag-iisip ng istorya ng aking mga nilalaro. Dahil mag-isa lang rin ako, naging malaya ang sarili na bumuo ng iba’t ibang kwento mula sa mga nilalaro ko. Siguro pang-aliw na lang sa sarili dahil sa bawal kaming lumabas ng bahay, 'di tulad ng ibang bata—kulong ako sa loob ng kwarto namin kaya nagiging pampalipas oras na lang at comfort zone ko ang paglalaro.
Sa tuwing nasa eskwelahan, hindi ko maituon ang sarili sa mga aralin. Laging bumubuo ng mga larawan ang aking isipan, naglalaro ng kung ano-anong senaryo—basta ang taas ng imahinasyon ko. Dahilan para walang matutunan sa klase at magkaroon ng mababang grado na nagmitsa para ilayo sa'kin ang mga laruan ko. Naalala ko pa noon ng umiiyak ako ng umiiyak para lang magmakaawa na huwag na nilang itago, 'di na nga ako nakakalabas ng bahay, wala na nga akong kaibigan, wala pa akong laruan. Pakiramdam ko pinagkait sa'kin ang lahat, kaya nag-iimagine na lang ako ng kung ano-ano. Mga kaganapan, mga kwento, pero dahil ayokong magsulat sa papel ay hindi ko ilalapat dito ang mga prompts sa isip ko.
Gayunpaman, noong grade 5 ako. Dahil sa hindi nakasama sa field trip ng school namin ay pinagawa kami ng special project sa asignaturang filipino. Magsusulat ng tula, tungkol sa'king nanay. Sa mga oras na iyon, hindi ko alam kung paano ang gagawin. Hindi ako mahilig magsulat sa papel, ayokong nagkekwento ng binabasa ko—higit sa lahat baka makita ni mama, nahihiya ako. Ngunit ginawan ko pa rin si mama, 9 na stanza na tula. Bago ang pagbabasa namin nito sa harapan ng aming guro ay kinakabahan ako ng sobra. Pakiramdam ko ay hindi ko kaya, at maaari naman akong tumigil na lang. Pero naisip ko rin na gusto ko na lang matapos ang lahat kaya nagtanghal ako ng tula.
Nagulat ako sa reaksyon ng mga tao sa silid, tuwang tuwa sila at nahuhusayan sa'kin. Nagtanong kung may tumulong ba sa pagsusulat ko, sinabi ko naman na wala dahil totoo naman. Sino bang tutulong sa'kin? Simula noon, unti-unti ko ng nagagawa na magsulat sa papel. Sa mga unang beses ay mga tula para kay mama, mga nakakatakot na kwento, at mga romantik na prosa na hindi ko alam para saan.
Hanggang sa mag-highschool ako ay nagsusulat ng panaka-nakang prosa, sinubukan ko ngang sumali sa pahayagan namin noon pero hindi ako natanggap. Hindi ko naman siya masyadong dinamdam (dinamdam ko talaga ng sobra, masama loob ko.) Kaya natigil ako sa pagsusulat. Nabalik na lamang ito muli noong nagpandemya, sa mga sandaling ito ay nahilig naman ako sa mga horrror narration nila pinoy creepypasta at naisipang magsulat ng mga horror story para maipasa sa kanila. Naalala ko pa noon na may notebook ako para sa horror stories at mga hindi nakakatakot. Buong lockdown ito ang ginagawa ko.
Matapos ang lockdown, nakauwi ako sa Laguna. Sa mga panahon namang ito ay nahilig ako sa pagbabasa ng comics ulit, pinapahiram kami ng kapitbahay namin ng mga komiko niya tungkol sa babaeng may mahiwagang kapangyarihan (trese komiks lang talaga yun) at iba pang mga nakakatawang komiks. Dahilan ito para makapagsulatt ulit ako, hanggang sa isang beses ay nabalik ulit ako sa peryodismo. Sa pamamahayag kung saan magiging daan naman upang maging aktibista ako, at propagandista ngayon.
Ngunit aamin ako, kung ikukumpara ngayon. Mas malaya ako sumulat noong bata ako, hindi siya obligasyon para sa akin kundi takas sa reyalidad na mapanakit. Ngayon kasi, bilang propagandista ay ramdam ang bigat ng bawat sinusulat ko. Nagiging task rin siya sa'kin, masaya pa rin naman akong sumulat pero pakiramdam ay tungkulin siya sa masa na kailangang gawin upang magmulat. Hindi na lang ito pagkatha para sa sarili kong kagustuhan kundi para maiintindihan ng masa ang mga ginagawa natin, upang malaman nila ang tunay na gawain.
May mga pagkakataon na dahil dito, manghihina ako. Mahihirapan magsulat, o 'di kaya hindi talaga makakabuo ng katha. Tila nakakalimutan kung paano gawin ang bagay na buong buhay ko ng ginagawa. Sa mga sandaling ganito ay batid na kailangang magpahinga, ikalma muna ang sarili.
Nakakalimot na ako na sumulat, may mga salitang madalas gamit noon na hindi ko na magamit ngayon. Mga masining na paglalarawan na 'di mailarawan. Bihira na lang sumulat ng tula, hirap na sa pagkatha ng prosa. Minsan napapatanong, paano ako maiinspira ulit sumulat ng panitikan? Ang malayang paglalarawan ng nadarama ko, kung paano ko dinadama at dinadala ang mga ito. Siguro habang nag-iisip ng sagot, babalik muna ako sa masa. Sa piling nila, baka habang napakat— mahanap ko ang sagot sa mga tanong ko.