Stories by Israel Manuel Noora on Medium
Sa bawat pagpitik, pagdampi, at paghagod nitong hawak na panulat,
Sa bawat titik, pangungusap, kaisipan na nais kong isulat
Na tila’y isang patalim na maaaring tumatatak, magpamulat o magsiwalat…
At sa papel na tila’y isang kalasag Na hinding-hindi mo madaling matitibag kapag aking kaisipa’y nailimbag
Gamit ang aking wika at nitong makabagong pluma Nais kong ihayag ang aking damdamin at munting lunggatiin
Na ang sining ng pagsulat ay hindi dapat talikdan, limutin, maliitin
Pagkat sa bawat nailimbag ng isang pluma, ang kasaysayan ay naging makasaysayan
Nagsilbing sandata upang makaligtas sa pait ng kasaysayan
At siyang humulma sa kung ano man ang nasa kasalukuyan…
Kasalukuyan na siya ring bubuo at gagabay sa kinabukasan.
Kaya’t sana huwag mag-atubiling isatitik iyong kaisipan, iyong karanasan
Sa makabagong panahon, may nakalaan sa’yong pagkakataon
Pagkakataong baguhin ang maling sistema at katiwalian
Basta siguraduhing ilalathala ay bukal at pawang katotohanan
Ikaw, ako, sila, tayo… bawat isa ay may kakayahan
Gamit ang makabagong pluma… sumulat ka ng makabuluhan
Hindi pa tapos ang laban
Kung iniisip mo’y huminto na kay Rizal ang pakikipagtunggalian,
Tandaan mo, marami pang dapat solusyunan para sa inang bayan
Huwag manahimik, huwag magpaapi, huwag hayaang maapakan
Pagkat bilang Pilipino, hawak natin ang ating kasarinlan
Boses ma’y mapaos sa paghiyaw, bibig ma’y mabusalan,
Hindi dapat ‘yan ang dahilan para ipagpaliban, kalimutan Itong pagtatanggol sa karapatan ng bawat mamamayan
Sa bansang Pilipinas, bansang ating kinamulatan
Narito at hawak ang makabagong pluma, sumulat ka ng may laman tula, talumpati, kwento, sanaysay o isang simpleng pangungusap man
Bawat aral na makukuha mo diyan ay tulad ng tinta, tatatak, magmamatansya
Manunuot sa isip na maaaaring gabay upang makamit ang tunay na kalayaan
Itong makabagong pluma ang iyong kailangan.
Screenshot from the actual recorded performance submitted to FlexTok Spoken Word Poetry Contest
Konteksto ng tula: Ang piyesa ay itinanghal at ipinasa sa FlexOfficePH bilang paglahok sa paligsahan na kanilang itinakda sa kanilang FB page.
Hindi man pinalad na mapabilang sa mga nanalo, nais ko pa rin ihayag ang aking mensahe bilang pag-aalaala na ang pagsusulat ay isang sining at isang haligi ng panitikan na dapat patuloy na pinapalawig.
The Boundary
I see myself standing on a road,
Brought my bag with lots of load,
I turn left and right to set up my mood
I noticed something good, but I just stood
I see trees that bear yellow fruit
That got my attention and got mute
Kept thinking what should I do
To reach the fruit that I’m craving onto
I walked and hopped the bush beside the road
Just to see it clearer but then again I stood
Something stopped me and found something odd
Rusty thorns, which made me feel sad
I tried to find a way to get nearer
But I failed, so I just look to the sky to feel better
Then I walked back to the middle of the road
Then I see people smiling as best as they could
Once again I turn to the right side of the road
That hit me hard, hard enough to unlock the code
Even though you can capture it on your radar
If there are these rusty thorns, then you can’t be there
I got contented on where I am; the road where I belong
Why would I go on the side where the only thing I could do is “to see”
If I had my own side that I know where I should be
So there are signs, there are these what we call “boundaries”
Tayo pa ba’y Matatawag na Pilipino?
Ni Israel Manuel E. Noora
(SPOKEN WORD POETRY)
Tinaguriang “Perlas ng Silanganan”
Itong munting bansang aking sinilangan
Noong hagisan ng tuwalya’y nakamtan at umasang mayroon ng kapayapaan
Mula ng magapi ang bawat banyagang nagsiratingan.
Ngunit hindi ito maikakaila, hawak sa tainga ay sadya paring natatamasa
Kapit-tuko sa maimpluwensyang bansa kahit na tayo ay ganap ng Malaya
Malaya? Tayo nga ba ay Malaya na?
O sadyang nagtatago sa katotohanan ng ating bansa?
Kultura, Tradisyon, Paniniwala
Ating pinanghahawak ngunit bakit mula naman sa ibang bansa?
Pagka-Pilipino may natira pa nga ba?
O lahat ng atin ay naglaho na at nakain na ng iba?
Minsan man tayong nagkaisa upang makamit ang isang hangarin
Tinaguriang pinakamapayapang rebolusyon sa pandaigdigang pagkakakilanlan
Upang di lang maranasan ang diktatoryal na lubos na ikinabahala
Ngunit bakit simula’t sapul di natin masabi na tayo na nga’y malaya
Halimbawa na nga sa Wika, na sadyang ikinahihiya ng iba,
Kaya’t ang labis na pag-iingles ay nakatataas na
Pilipinas! Mapagtatanto pa ba nila?
Na tayo, magpahanggang ngayon ay nakatali pa?
Sa lingid na suliranin ng ating bansa
Kaibigan, sa akin ay sabihin mo tayo nga ba’y pabor sa ating natamasa?
Nagkaisa, ngunit unti-unti nabubuwag muli dahil mundo’y nag-iiba?
Lawakan natin ang ating mga pang-unawa
Pagiging Pilipino, ay lahing dapat na nga bang ikahiya at isawalang bahala?
Kaibigan, iyong sabihin, iyong sagutin ng buong puso
Na ikaw, ako, tayo pa ba’y mga Pilipino?
O ‘di natin alam banyaga na tayo sa sariling bansa, bansang kinilala tayo,
pagkat sa atin unti-unti ng nawawala ang nasyonalismo, ang pagka-Pilipino
Ako, ‘di ko rin alam ang katotohanan pagkat napakalabo
Marahil ito na nga tayo! manhid! manhid sa kung ano ang totoo
Sinayang ang sakripisyo ng ating mga bayani
Na nagkaisa para makamit ang kalayaan na minimithi
Heto, at patuloy na tinatalikdan ang ating pagka-Pilipino
Kaya’t sino nga ba talaga ang mga Pilipino?
Can We Call Ourselves Filipinos?
(English Translation)
Known as the Pearl of the Orient
This country where I born
When war is over and assumed that we achieved peace
After we defeated the alien people who tried to get what we have
But still it is obvious that we are still prisoners
Sticking to influential countries even we have achieved freedom
Free? Are we really free?
Or we are just disregarding the truth of our country?
Culture, Tradition, Beliefs
This is our foundation but why is it all from other countries?
Is there anything left for us to call us Filipinos?
Or all that we possess vanished and replaced by others?
Once we became one to achieve one goal
Proclaimed as Bloodless Revolution in the world
For just not to experience dictatorship that we all feared
But why we cannot still say that we are truly free?
Such as in our own language, that some are ashamed of
So using of other languages makes one smarter
Philippines! Will they ever notice?
That until now we are still in leash
To the hidden problem of this country
My friend, tell me, are we still in favour from what we are achieving?
United, but little by little we are breaking into pieces, is it because our world is changing?
Widen our understanding
Is being Filipino, a race that needs to be ashamed of and disregard?
My friend, tell me, answer with all your heart
That you, me, are we still Filipinos?
Or we really don’t know that we are aliens in our own country, country that accepted for who we are?
For our nationalism continues to vanished, our love to our own race
I, I also don’t know the truth because it’s too blurry
Maybe because we became this kind of people! Numb! Numb from the truth
Wasted all the sacrifices of all our heroes
That joined force to achieve freedom that we want
Here we are, ashamed from whom we are,
Who really are the Filipinos?
Head Southwest, I’ll Head Northeast
(Personal Essay)
Everything happens in a process but it differs on what kind it would be in reaching the final stage. Life is all about processes that should have a starting point and that would be connecting to its end point. But connecting the two points from each other may have some difficulties since life is like what they say, “complicated”. Back when I’m in high school, a line is too important in our geometry subject. There are four quadrants where two points can be located; it can be either on a negative or positive value and to indicate where it is located there are equations that need to be solved. Like when a person has been given life, his point is already indicated. When he starts to recognize what class he is in, the value of his starting point will be determined if it is on the positive, negative or a neutral quadrant and this is where a person’s journey begins in locating the other point.
I realized that it’s not about the destination but more importantly, it’s about the direction. Where we would be heading, I’m sure that we all know where are now, where we started to stand and walk but none of us do really know where we would be going. When the line starts to be drawn to its end point, there are just two possible directions; northeast and southwest. Life is like a simple coordinate plane with four quadrants but for me the essential quadrants are one and three. Since ending in reality can just be either positive or negative. If your line heads to northeast which falls on quadrant one, from the origin or wherever yours starting point would be, you’ll be ended on happiness, success and contentment while if your line heads to southwest you’ll probably end up on disappointment, regrets, and failure.
My life started in quadrant three, in a negative state since me and my family had experienced hardships or let’s says we are in the lower class of the society but I head to my destined direction, I manage to pass that quadrant. A quadrant which motivated me to keep moving, to keep achieving things that I worked hard on, so I manage to be at quadrant two, the neutral quadrant where my line met with someone’s line in a certain point and that’s the person whom I loved for the first time, the point where I thought this is the end for contentment but I realized I was wrong and I’m just halfway there because eventually that person chose to continue and heads to southwest. That person was influenced by others to head there and ended up suicidal because of one big mistake. That encounter really stopped me on going but eventually I continued after I realized that we are just intersecting lines and will never be ending on the same point. Since we parted ways I have no news about that person but the trails or the point where we intersected will always remain not just on memories but we as a person who are finding ways.
Knowing where I am right now, gives me eagerness to find out what would I be or be on if I manage to keep going until I reach the end of my journey. But in	every steps of the way, I found myself scared knowing the possible destination of my life and whose line would I be meeting on the same endpoint. This is just me thinking the possible but unsure outcomes once I take a certain direction. Would I ever reached the quadrant of my dreams or I’ll just stay where I am right now or probably worse, the coordinate plane of my life would just turn into a line graph where my line would not be heading in just one line but can form another line that heads to another direction which could be worst – southwest. And would I be able to have a same end point with someone else’s line in the quadrant where I could say we are happy and contented or there will never some line for me because all lines are parallel to me? Thinking on the way is very frustrating so I realized I’ll just go with the flow. I know everything happens for a reason and that reason is given by someone powerful, someone who made the people’s coordinate plane, someone who connects you with other lines and someone who drew your point on living your life to the fullest.
I am still on my way and there are a lot of things that might happen but I’ll just be positive and never give up on where I would want to go. Do not mind the lines who are near and would grab you down to the negative quadrant instead keep moving forward. Head southeast, I’ll head on my own direction – that would be northeast.
Cease Fire
Was I fool to feel this spark?
To grip a rose with uncutted thorns
To stake on what I believed in
To dive in a sink hole that you made just for me
You started the flames between us —
But you put it out after I got burned
Anong Lunas Pilipinas?
Ni Israel Manuel E. Noora
Tinaguriang “Perlas ng Silanganan”
Itong munting bansang aking sinilangan
Noong hagisan ng tuwalya’y nakamtan
Na mula sa banyagang nagsiratingan
Ngunit hindi ito maikakaila
Hawak sa tainga ay natatamasa
Kapit-tuko sa maimpluwensyang bansa
Kahit na tayo ay ganap ng Malaya
Malaya? Tayo nga ba ay Malaya na?
O sadyang ningas kugon ang natamasa?
Kultura, Tradisyon at Paniniwala
Hawak natin, nagmula sa ibang bansa
Wika nga’y, ikinahihiya ng iba,
Kaya’t pag-iingles, nakatataas na
Pilipinas! mapagtatanto pa ba nila?
Ang lingid na suliranin ng ating bansa
Kaibigan, sa akin ay sabihin mo
Ikaw, ako, tayo pa ba’y Pilipino?
O ‘di lang natin alam, tayo’y manhid na sa katotohanan,
Tayo’y banayaga na sa sariling bayan
Pagkilala sa May-Ari ng Larawan: https://www.paigeeworld.com/feed/tag/barong
Sariling Wika at Musika
(Talumpati)
Isang maganda at mapagpalang araw sa inyong narito upang mapakinggan ang nais kong ibahagi mula sa talumpati na aking inihanda.
Sa panahon ngayon, ang damdaming pambansa’y waring hindi nabibigkis sa iisang kabuuan, bunga ng diwang makapurok ng marami pa sa ating mamamayan. Sa ngayon, ang anumang hakbang tungo sa ikapagkakaisa ng ating mga kalahi tungkol sa wika ay waring nagkakaroon ng sagwil dahil lamang sa maling palagay na an gating wikang Filipino ay hindi siyang dapat maging wikang pambansa at sa panahon ding ito, marami sa atin ang magpahanggang ngayo’y wala pang sapat na pananalig sa sarili, bagkus patuloy sa paglalambitin sa marupok na baging ng kabihasnang nanggaling sa kabilang ibayo ng dagat, na tahasang masasabi ng kahit sinong pinananalaytayan sa mga ugat ng damdaming makabayan at makabansa na tayo’y makabubuo ng isang matibay na balangkas ng kabansaan sa pamamagitan ng mga bagay na hiram, unang-una rito ang wikang siyang pinakakaluluwa ng isang lahi o bayan.
Sabi nga ng karamihan, ang wika ang siyang kaluluwa ng bayan, sapagkat ito ang makapagpapahayag ng kanyang lunggatiin, niloloob, at katutubong pagnanasa. Kaya’t gaano man kalusog ng isang nilikha, kahit gaano pa katipuno ang kanyang pangangatawan ay matutulad lamang sa isang patay kung wala siyang kaluluwa. Na kung saan ang isang bayang walang sariling wika, kahit na nagtataglay ito ng lakas na pangkabuhayan at pampulitika, ay higit pa ito sa isang taong patay.
Dahil dito’y lubhang kailangan ng isang katulad ng sa atin ang isang wikang hindi lamang makapagbubuklod sa lahat ng ating mga mamamayan sa iisang layon at damdamin, kundi siyang magbibigay ng buhay at kapangyarihan-lakas upang tayo’y makapagtayo ng isang matibay na pundasyon ng kabansaang tunay na Pilipino.
Sa kabilang dako, ang musika ay ipinalalagay na siyang wika ng kaluluwa, pagkat anumang uri ng damdaming hindi masabi na kahit anong ganda ng mga pangungusap ay mabisang nailalahad ng isang tugtugin. Paano nga ba mailalarawan ng salita ang nakukuyom ng damdaming bunga ng di matingkalang kalungkutan, kagalakan, poot, at kawalang-hanggan?
Tulad ng wika, ang musika’y hindi nahahawakan, nararamdaman, o nakikita, kundi naririnig lamang. Subalit kaiba sa wika, ang isang tugtugin na naririnig at nadarama ay walang taglay na kuro-kuro o opinion na naghahati-hati sa mga tao, ayon sa kanilang paniniwala at palapalagay. Kayat ang sinumang hindi maaaring mapilit na makinig sa isang talumpati o pangungusap, lalo na kung hindi umaaayon sa paniniwala ng tagapakinig ang ibig sabihin ng ng nagsasalita. Ngunit sa musika’y wala ang pagpipilit o pag-uutos. Nakikinig ang sinuman sa isang tugtugin hindi dahil siya’y inaatasang makinig, kundi nais niyang mapakinggan ito pagkat siya ay naliligayahan. Dahil nga rito kung kaya ang tao, pulutong ng mga tao o buong sambayanan, ay nawiwiling makinig sa isang tugtugin o awitin nang walang pasubali marahil masasabing mabisa ang musika bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng wika.
Ang mga awit na nasusulat sa ibat ibang wika ay inaawit ng ibat ibang lipi nang di dahil sa nais nila ng ibang wika kundi sa naiibigan nila ang mga awit, at dahil nga rito’y naliligayahan silang mag-aral kahit hindi nila naiintindihang lubos an gang ibig sabihin ng mga titik. Sa kagaganito ay dumarating ang panahong natututuhan nila ang ibig sabihin ng mga salita, pagkat pilit nilang iniintindi ang kahulugan ng mga ito upang lalong maging tumpak ang kanilang pag-awit, ayon sa ibig sabihin ng mga salita.
Sa ganitong kalagayan ng musika sa isang bayan at sa bisa ng hikayat nito na makakatulong nang malaki sa pagpapalaganap ng wika ay lubhang kailangan natin ang tuwina’y paggamit ng awiting Pilipino sa lahat ng pagkakataong nangangailangan ng awit at tugtugin. An gating mga patnubay-bansa, mga alagad ng panuruan at kalinangan ay nararapat na magtulong tulong sa puspusang paggamit ng mga awiting Pilipino. Isang kinagawian n gating mga kalahi ang tuwina’y pag-awit ng mga kantang hiram kahit na saang pagkakataon. Sa kanila’y waring isa nang tunay na kadakilaan ang pikit-matang paggawad sa bawat maririnig sa ibang bansa, kahit hindi ganap na naiintindihan. Maging sa mga pagkakataon sadyang ang sariling mga awit ang nababagay ay kung bakit pilit ding iginigiit ang mga paksang tiwali sa katutubong kinamulatan ng ating lahi. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit magpahanggang ngayon, sa kabila ng mahaba na ring panahon ng ating pagpapalaganap sa ating pambansang wika ay mabagal pa ang takbo ng wikang ito na siya lamang maaaring magbuklod sa bawat isang Pilipino sa iisang diwa at damdamin.
Kaya’t ang napakahalagang magagawa nating mga Pilipino ay kung lagging tatangkilin ang sariling musika ay tiyak lilikha ito ng magandang bunga, di lamang sa ikakalaganap ng wikang Pilipino, kundi gayon din sa pagtatayo ng isang matibay na gusali ng kalinangang Pilipino. Maraming Salamat.
Pagkilala:
Iginuhit ni: Don Mikel Rumar
Mirror of Truth
(Shakespearian Sonnet)
Thou shall see the beauty of being free;
ye shall not be frighten to gage thyself;
Keeping intact like the leaf in a tree
for thou shall not be left by thyself
The person thou see is a reflection;
a worldly image of what you possess
but truth is far from thy expectation;
for mirrors are only set thy progress;
The truth shall not be seen if thou rely
to what it is shown from mirrors that lie
The Horizon
Dreaming something that feel so blue
Looking at where the sea and sky collide
With no ending and left me no clue;
Reaching the horizon, reaching you
An infinite journey just to reach contentment,
a travel to the deepest part of one’s heart;
When a man captures the impossible moment
even it’s not for, even to die for
Waiting for the dream turns to reality
dreaming that reality isn’t what I see;
When you’ll say no, Oh it cannot be
even at first, you do not and will not love me
No one can reach the horizon that we see;
It’s just vision, almost like a prophecy
If it happens, then you are lucky;
God granted your wish, to be loved,
of whom you wanted to be
Sa Kabilang Dako na Nga Lang Ba Hahantong?
Hindi ko mawari ang naramdaman, nang kita ay napagmasdan. Simpleng sulyap mo nais ko laging maranasan sapagkat abot langit ang aking kasiyahan mula sa munti mong ngiti kahit ito ay walang kahulugan labis pa rin ang kasabikan. Minsan ay aking naalala nang tayo ay unang nagkita, parang isang pelikulang puno ng kadramahan at hindi matanto kung ano ang kalalabasan. Tayo ay nagkabanggaan at iyong dalahin ay nagsilaglagan, sabay nating pinulot ngunit kita’y naunahan. Sa pag abot ko sa iyo, ay aking nahawakan ang iyong kamay na malambot ngunit may kagaspangan. Mula sa aking pagkakahawak ay siya kong naramdaman ang kagalakan. Ako ay nagpakilala ngunit tanging ngiti mo lamang ang siya kong natanggap at kasabay noon ang iyong paglisan, kasama ang hindi ko inaasahan. Kaya’t nabuo sa aking isipan ang malalim na katananungan, “Sa kabilang dako na nga lang ba hahantong aking nararamdaman?”.
Lumipas ang mga araw, hindi mabura sa aking isipan ang una nating pagkikita, na kung saan ang unang pangyayaring kita’y kasama, sa panaginip ay sadyang nagsisibalikan. Kaya’t iyong mukha ay hindi malimutan at siyang nagkaroon ng labis na kasabikan na kita’y muling masilayan. Ako ay nagtaka sa aking nararamdaman sapagkat hindi mawari ang kasagutan, mula sa iyong naging kilos ng ako’y iyong nilisan. Aking binalak na mag-abang at maghintay sa lugar na tumatak sa aking alaala, sa lugar kung saan kita unang nasulyapan upang malaman ang kasagutan mula sa unang katanungang nabuo sa aking isipan, “Sa kabilang dako na nga lang ba hahantong ang nararamdaman?”.
Sa aking paghihintay, bawat araw na aking nilalagi sa parke na siyang lugar kung saan tayo nagkita, sa ilalim ng puno, na may banayad na simoy ng hangin at tawanan ng mga batang nagtatakbuhan waring walang kapaguran ay laging kong ipinapanalangin na kita’y matagpuan. Ngunit halos isang buwan na ang lumipas ay naramdaman ko na ang halimuyak ng kabiguan at nabuo ang hindi kanais-nais na kaisipan na siyang maaaring makasira sa aking pinaniniwalaan. Nabuo ang hindi ganap na pagpapasya na siya kong marapat na bitiwan ang pangarap na walang kasiguraduhan. Napanghinaan ng loob, sapagkat aking kahilingan ay may katagalan na makamit ang katuparan. Ngunit sumagi sa aking isipan na gumawa ng sariling kontrata ng pag-asa na siyang magiging daan sa kasagutan mula pa rin sa unang katanungan na lumalagi sa aking isipan, “Sa kabilang dako na nga lang ba hahantong ang nararamdaman?”.
Itinalaga ko na ang araw ng lunes, ang siya kong huling paghihintay at ipagpapatuloy na lang ang buhay, noong hindi pa kita nasisilayan. Sa aking paggising sa araw na nakatakda ay agad tinungo ang lugar na itinadhana. Ako’y naupo at nagtiyagang naghintay sa lilim sa punong yaon. Sa bawat pintig ng aking orasan ay siya namang kabawasan sa pag-asang aking taglay. Mula ng bukang liwayway hanggang magdapit hapon namayani na ang presensya ng kalungkutan kaya’t napagpasyahan ng lumisan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, sadyang napakabait ng panginoon. Nang ako’y tumayo sa aking kinauupuan na siya kong paglisan ay aking natanaw ang matagal kong hinintay na matagpuan. Ika’y naroon nakatayo sa tabi ng bukalan ng parke waring nakamasid sa kawalan. Ako’y nakaramdam ng galit at awa sapagkat aking nabanaad ang iyong kalungkutan. Bakas ang iyong mga sugat kahit may kalayuan mula sa aking kinatatayuan. Ang iyong mga pasa na aking nakita ang siyang nagbigay ng kalakasan na ika’y aking lapitan. Sa bawat hakbang na ako’y palapit sa iyo, ay siya namang pagbilis ng tibok ng aking puso. Bago pa man kita makalabit bumungad sa akin ang dahilan, kung bakit nabuo ang katanungang tumatak sa aking isipan, “Sa kabilang dako na nga lang ba hahantong ang nararamdaman?”.
Ako’y kanyang kinalabit at waring gustong magpabuhat. Hindi na nagalinlangan at tinupad ko na kanyang kahilingan. Nang siya’y aking binuhat ay kasabay ng pag-alis ng iyong tingin sa kawalan. Ika’y lumingon at kami’y nilapitan. Naramdaman ang pagpapasyang pag-aya sa dahilan ng aking katanungan, ngunit ika’y aking pinigilan bunga ng mahigpit na pagyakap ng aking buhat-buhat, kaya’t wala kang nagawa kung hindi manatili sa kinatatayuan. Muli akong nagpakilala at sayo’y ipinaalala ang una nating tagpuan. Inilahad ang pakay kung bakit kita nilapitan at umamin sa aking nararamdaman. Ibinahagi ang karanasan sa bawat araw na ako’y sa iyo nag-aabang. Marahil ika’y natuwa ngunit hindi ganoong lubusan. Hindi ko sinadyang manghimasok sa iyong buhay ngunit buhat sa aking pag-aalala ay natanong kita patungkol sa iyong kalagayan. Hindi mo agad sinagot marahil ika’y may aalinlangan kaya’t binalak na sanang bawiin ang masaklap na katanungan, na siya mo namang pagtugon na mabilisan. Iyong sinabi na Ika’y pinaalis sa inyong tahanan kasama ang batang aking buhat-buhat na waring nakatulog mula sa pagod at pag-iyak. Bago pa man kayo pinaalis, bakal na kamay ang dumampi sa inyong katawan kaya’t sugat at pasa inyong natamasa. Hindi ko lubusang maisip ang iyong kinahinatnan kaya aking inalok ang aking tahanan para magkaroon ng matutuluyan. Gayunpaman hindi pa rin mawari ang kasagutan sapagkat may kakulangan pa rin mula sa iyong ibinahaging karanasan. Buhat sa batang na iyo’y kasama na nagdulot sa akin ng munting katanungan. “Sa kabilang dako na nga lang ba hahantong ang nararamdaman?”.
Ika’y hindi na tumutol at ika’y sa akin sumama. Binuksan ang pintuan ng aking tahanan, kaya’t labis-labis ang kaligayahan. Na ang aking pangarap ay aking makakasama, kahit walang kasiguraduhang oras kung hanggang kailan magtatagal ang iyong paglagi. Lumipas ang mga araw inyong mga sugat ay unti-unting naghilom, at banaad na rin ang pagkawala ng inyong kalungkutan kahit wala pa sa lubos na kaganapan. Ngunit ninanais na sagot mula sa dahilan ng pagtakwil mula sa inyong tahanan ay hindi pa rin nakakamtan. Mas lalo pa tayong naglapit at mas lalo akong mapamahal hindi lang sa iyo kung hindi pati na rin sa bata na siyang dahilan ng aking panimulang katanungan “Sa kabilang dako na nga lang ba hahantong ang nararamdaman?”
Sa bawat araw na yaon tayo’y magkasama, napansin ko ang mga nakaw mong sulyap. Sulyap mo na waring may kahulugan, ngunit akin munang ipinagpaliban upang mas magkaroon pa katibayan sa aking nasa isipan. Araw ng lunes tayo’y namasyal, parang isang pamilya na walang humpay ang kasiyahan mula sa paglalakad at pagmamasid sa kabuuan ng parke, napagpasyahan na tayo’y tumungo sa ilalim ng punong nagkaroon ng alaala. Nagpaalam ang bata na maglalaro muna kasama ng iba pang mga bata kaya tanging ikaw at ako na lang ang naiwan. Tayo ay naupo at ako’y nagulat sa iyong pagsandal sa aking balikat at narinig mula sa iyo ang salitang “Salamat!”. Hindi ako tumugon bagkus, hinintay ko ang iba mo pang sasabihin. Hindi nga ako nagkamali, sa sunod mong sinabi mula sa mga makahulugan mong mga sulyap at kilos ay sinabi mo na ako’y iyo nang minamahal. Sa pagkakataong iyon labis ang aking tuwa kaya’t inamin ko na rin ang aking nararamdaman. Naglapat ang ating mga labi nagpatunay na tayo nga’y nagmamahalan. Kung kaya nawala sa aking isipan ang mga katanungan buhat sa bata na sa aking itinuring na anak. Ang katanungang “Sa kabilang dako na nga lang ba hahantong ang nararamdaman?”.
Taon na ang lumipas, ating pagmamahalan ay hindi nangungupas na waring magpakailanman ang matatamasa at hindi na talaga maglalaho. Sa kabila man ng mga nangyari ay hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit kayo itinakwil. Na siyang lagi ko na lang iniisip na balewala na ang lahat ng katanungang balakid, at ang lagi na ko na lang ipinapatong sa aking alinlangan na wala ng suliranin ang ating haharapin pagkat mahal kita at alam ko na ako’y mahal mo rin. Sa hindi mo inaasahang tagpo ako’y nag aya na tayo’y magsama mula sa basbas ng Diyos. Ngunit ako’y nagulat sa iyong tugon na hindi maaari ang aking pag-amin. Hindi mo sinabi ang dahilan kaya naman ako’y nagtaka. Mula sa tagpong iyon nagbago ang lahat. Pagmamahal mo ay nanlamig hindi katulad ng dati na ramdam ko ang sarap ng iyong pagmamahal. Sa puntong yaon nagsibalikan ang mga katanungan, isa rito. “Sa kabilang dako na nga lang ba hahantong ang nararamdaman?”.
Ika’y hindi na namamalagi sa ating tahanan, tanging gabi na lang kita nakakasama kaya’t minsan ako na ay kinutuban pagkat isasama mo ang bata sa iyong paglisan na walang pagpapaalam. Ikaw ay aking sinundan nasaksihan ko ang tagpong ikaw ay may hinalikan. Isang lalaking na sa bata’y may pagkakahawig kaya’t napagtanto ko na ang kasagutan sa aking mga katanungan. Ika’y itinakwil sapagkat nagbunga ang makamundong pagnanasa ninyong dalawa, nang lalaking aking natatanaw. Na siya namang nangako na ikaw ay babalikan sa takdang panahon. Hindi ko na kinaya ang tagpong iyon kaya’t ako ay umuwi ng may kalungkutan at kasawian. Naupo ako sa sulok ng aking kwarto at walang katapusang nagsisiiyak. Aking narinig ang pagbukas ng pintuan at alam ko na maaaring kahantungan. Bumungad sa akin ang aking pinakamamahal na siyang sumira sa aking puso ko na sa umpisa’y puno ng kagalakan. Hindi ko napigilan ang sarili dahil sa poot na naramdaman kaya naman ako ay nagwala at nagsisigaw. Kita’y aking pinapalayas sa mumunti kong tahanan na kusang bumukas noong oras na wala kayong matuluyan. Ngunit binalewala mo ang lahat ng aking naggawa at lahat ng ipinakita sa akin ay kalokohan at kasinungalingan.
Walang emosyon kang umalis na parang walang nangyari, kasabay sa pagkuha ng inyong gamit at paglabas ng pintuan. Napagtanto ko na ako’y talagang sawi sa pag-ibig. Kaya’t kahit kailanma’y hindi na binalak muling magmahal. Ganoon pa man, Ika’y hindi nawala sa aking alaala kaya lagi ko pa rin pinupuntahan ang lugar na tumatak sa aking puso at isipan. Ako naroo’y nakamasid, sa hindi kalayuan, nakatanaw sa iyong pamilya na mababanaad ang kasiyahan, na akala ko noong umpisa na ako iyong magiging kasama habang buhay. Ang aking katanungan ay nagkaroon na ng tamang kasgutan, “Oo, sa kabilang dako na lang hahantong itong nararamdaman at kahit kailan ay hindi magiging isang katotohanan.”