Stories by Jason Samson on Medium
Ang larawan ay mula sa FILIPISKUBRE (2016).
Wika ang pangunahing daluyan upang danasin ang kultura. Samantalang ang kultura ay nagbibigay ng kabuluhan at konteksto sa wika. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at ang kultura. Laging magkakawing, magkabuhol, at magkasama. Isa sa mga nirerespetong depinisyon ng wika ay galing sa Australiyanong dalubwika na si Henry Allan Gleason (1955). Ayon sa kaniya, ang wika ay isa sa pinakamahalagang anyo ng pag-uugali ng tao. Ganito rin ang sinabi ni Salazar (1996) na ang wika ang bukod-tanging pagtanaw at pagsasayos ng realidad upang ang isang kultura ay umiral at magkaroon ng kakayahang gumawa at lumikha. Ang wika ay ang pag-iisip ng bayan (Rizal, 1891) kaya kakabit ng danas ng isang bayan ang mga salita at paraan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
Isang halimbawa nito ay sa pagkain. Kung isasalin sa wikang Filipino ang salitang “rice”, marami itong pwedeng tukuyin. Maaari itong palay, bigas, kanin, bahaw, tutong, mumó, sinangag. Malawak ang kultura natin sa pagkaing ito dahil ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa at ang pagkaing ito ay pangunahin sa ating mga hapag-kainan. Hindi tulad sa mga banyaga na may alternatibo sa kanin.
Sa totoo lang, wala tayong direktang salin sa Filipino ng “snow”. Ang niyebe ay salitang hiniram lang natin sa wikang Kastila na “nieve”. Ang rason ay dahil tropikal na bansa tayo. Wala tayong kultura ng snow sapagkat hindi naman natin dinadanas ito. Pero sa bansang Alaska partikular ang mga Eskimo, mayroon silang mahigit 70 salita rito dahil bahagi ng pang-araw-araw na buhay nila ang snow.
Iisa lang ang paraan ng pagluto sa Pilipinas ng pagkaing “kimchi” pero sa Korea ay halos 200 ang paraan kung paano gumawa nito. Hindi karaniwan ang pagkaing ito sa mga Pinoy na pambansang putahe naman sa mga Koreano. Tulad na marami tayong klase ng Adobo pero ang ibang bansa ay iisa lang paraan ng pagluluto ng “stew”.
Kung may salin sa Filipino ng “whale shark”, ito ay ang Butanding. Ngunit ito ay hindi sa Tagalog kundi Bicolano. Wala naman kasing karagatan sa Kamaynilaan na may dambuhalang isda kaya wala sa ating kultura ito. Pero sa lalawigan ng Sorsogon, mayroon silang salitang katumbas nito dahil bahagi ito ng kanilang lipunan.
Bakit nga ba laging nagsisigawan ang mga tao sa palengke? Ang paraan ng paggamit ng wika ay radikal dahil sa kulturang dapat makuha ang atensyon ng mamimili, dapat makabenta ng paninda, at dapat kumita ang negosyo. Kung pabebe ang lahat ng tao sa paglalako, baka malugi sila pare-pareho. Kung hindi sanay ang isang tao sa ganitong sigawan sa palengke, maaaring hindi niya ito kultura. Mas kultura niya ang supermarket o groceries.
Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Lagi itong magkakawing sa isa’t isa. Sa isang ganap na lipunan, nakakabuo ng isang produkto ang paglinang sa wika at kultura. At ang produktong ito ay ang panitikan. Ito ang “outcome” kapag patuloy na pinagkakawing ang dalawa. Ebidensya o katibayan ito na may natatanging wika at kultura ang isang lipunan. Kaya naisulat o nabigkas ang mga akda sapagkat ang paggamit ng wika at kultura ay buhày.
Dinamiko ang buhay. Habang nagbabago ang kultura, nagbabago rin ang wika, at habang umuunlad ang wika, lalo nitong naipararanas ang kultura sa mga taong gumagamit nito. Ngunit ang hindi magbabago ay ang pagkakabuhol ng wika at kultura sa lahat ng panahon.
Hindi ko naman hinihingi na mag-reply ka sa mensahe ko sa lahat ng pagkakataon. Pero gusto kong malaman mong ikaw ang paborito kong notification.
Sa dami ng tunog ng phone, ng pangalang lumalabas sa screen, ng mga nagpapadala ng mensahe, iba kapag ikaw. Kapag pangalan mo ang nag-pop up, kusang napapangiti ako. Kahit gaano pa ako kaabala, napapahinto ako. At kahit gaano kaingay ang paligid, tila ikaw lang ang naririnig ko.
Hindi mo siguro alam kung gaano kasimple pero gaano kabigat ang epekto mo. Iyong “kumusta?” mo, hindi lang tanong, parang pahinga. Iyong “ingat ka,” hindi lang paalala, parang pag-aalaga. Iyong kahit simpleng reply mo, sapat na para gumaan ang pakiramdam ko.
Hindi ko kailangan ng mahahabang usapan. Hindi ko kailangan ng right time. Kahit sandali lang, basta nag-notify ka, sapat na. Pero aaminin ko ring may mga oras na hinihintay kita. Iyong tipong hawak ko lang ang phone, umaasang tutunog ito, iilaw ang screen, at pangalan mo ang magpapakita. Hindi dahil wala akong ibang makausap, kundi dahil ikaw lang ang gusto kong kausap.
At oo, minsan napapaisip din ako, ganito rin kaya ako sa’yo? Kapag nag-notify ako, napapangiti ka rin ba? Hinahanap mo rin ba ang pangalan ko? O isa lang ako sa mga mensaheng binabasa mo kapag may oras ka? Ngunit hindi mahalaga sa akin na ibalik mo rin ang pakiramdaman ko sa’yo. Alam kong sa pagitan ng mga nag-aagawang signal, hinahabol din ng iba ang tyempo nila sa’yo.
Hindi ko naman hinihingi na maging pareho tayo ng nararamdaman. Gusto ko lang ipaalam sa’yo na sa mundong umiikot sa apat na sulok ng maliit at kwadradong elektronikong gamit na ito, ikaw ang paborito ko.
At kung sakaling dumating ang araw na mawala ang mga usapan natin, na tumahimik ang chat box na minsang punong-puno ng kwento, na wala nang pag-ilaw sa screen at pagtunog ng phone, mananatili pa rin sa akin ang katotohanan na minsan, naging ikaw ang pinakahinihintay kong hudyat. Hindi lang galing sa phone, kundi sa kabilang banda ng daigdig kung saan ka naroroon.
Binabae
Bakla, Bading, Beki
Babae sa katawan ng Lalaki
Ito ang realidad
Katotohanang hubo’t hubad
Anuman ang kanyang ganap
Mananatili siyang nasa alapaap.
Sa marami, siya’y pusong-babae
Salot naman, para sa ilan
Mahirap tanggapin
Sa mga husgado, paaalipin
Kahit panghuhusga ay sapitin
Ngiting may tuwa’t saya ang dala sa’tin
Patuloy na hahanapin
Ang pagtanggap na sa kaniya’y inangkin
Bakla, siya ngayo’y aamin.
Noo’y nang-uubos ng lakas
Ngayo’y nagpapatawa ng wagas
Daig pa kung sinong maangas
‘Di man niya alam
‘Di alam ang naging landas
Masaya pa rin ang magiging wakas
Sa kanyang mukha mababakas
Ang pagtingin na sana’y patas
Upang dinggin din sa itaas
Sikretong napakamapangahas.
Mananatili ito
Sa kaniyang kapalaran
Sabihin mang mali
Ng banal na kasulatan
At ito’y ituring na kasalanan
Tanging dakilang lumikha lang
Ang huhusga sa hangganan.
1. BIGAT NG PAGLIPAD
Sumuko ako noong umpisa
Akala ko kasi hindi ko kaya
Akala ko ako na lang mag-isa
Mahirap
Mabigat
Baka di ko kayanin.
Pero unti-unti
Nakayanan ko
Kahit mag-isa lang ako
Mahirap
Mabigat
Pero kinaya ko
Salamat sa mga guro ko
Pinatayo nila ako
Pinalakad
At saka pinalayo
Alam kong hindi ko na sila kasama
Sa panahong ako’y malaya na
Sa kabila ng mabigat na buhat-buhat ko
Hindi mabibigo at kakayanin ko.
Oras na para subukan
Ang bigat sa paglipad
Naisip kong kakayanin din
Ang bigat sa paglipad.
Oras na upang ilabas ang iyong pakpak
Iwagaywag, lumipad
Dumapo sa iba namang pugad
Tumuklas
Umangat sa mas mataas
Dahil ang mundong ito ay para lamang sa malalakas
2. ABAKADA
Abakada
Bibigkasin ko
Iparirinig ko sayo
Bakit?
Wala
Dahil gusto ko.
A …
Ako ngayon
Malapit na yatang mamatay
Mamamatay na naghihintay
Naghihintay na lingunin mo
Kahit ang kasama mo’y siya
Kahit tuwang-tuwa ka sa kanya
Kung kaligayahan mo’y siya
Masaya na rin ako para sa inyong dalawa.
Ba …
Baka rin naman hindi mo ko mapansin
Kahit tumayo pa ko sa harap mo
Kahit sumigaw pa ko sa dami ng tao
Kahit magpakita pa ko bilang multo
Kung kaligayahan mo’y siya
Masaya na rin ako para sa inyong dalawa.
Ka …
Kasiyahan ko nga’y ikaw
Hindi na magbabago iyon
Kahit sumuko na pati imahinasyon ko
Kahit burado ka na sa panaginip ko
Kung kaligayahan mo’y siya
Masaya na rin ako para sa inyong dalawa.
Da …
Dadalawin pa rin naman kita
Saan?
Sa’king alaala
Basta’t dadalawin din ako
Ng mga ngiti mong walang humpay
Masaya ka nga ng panghabambuhay
Kung kaligayahan mo’y siya
Masaya na rin ako para sa inyong dalawa.
3. KUNG TAYONG DALAWA NA LANG SA MUNDO
Dumilat ako
Hinayaang makita ka
Ikaw lang
Wala nang iba
Pa’no ito?
Pa’no kung ito’y totoo?
Kung tayong dalawa na lang sa mundo
Pipikit pa ba ako?
Kung tayong dalawa na lang sa mundo
Hindi na ako kukurap
Mata ko’y ibabaling na sa iyo
Babantayan kita
Dahil baka pati ika’y mawala pa
Hindi ko kakayaning maging mag-isa pa.
Kung tayong dalawa na lang sa mundo
Magpapakilala na ko sayo
Ikukuwento ko na lahat-lahat sayo
Patatawanin na kita ng todo-todo
Isasayaw kita’t aawitan
Ipararamdam sayo ng buong kasiyahan.
Kung tayong dalawa na lang sa mundo
Uubusin ko na lahat ng oras
Susulitin ko na lahat ng minuto
Wala kong sasayanging segundo
Kasama ka
Iikutin natin ang daigdig
Walang pagod na madidinig
Kasama ka
Kung tayong dalawa na lang sa mundo
Ayoko nang matulog pa
Ayoko nang kumain pa
Sasabayan na kita sa pamamahinga
Gusto kong kasama ka
At matira na lang tayong dalawa.
Globalisasyon. Integrasyon sa ASEAN. Internasyonalisasyon.
Matagal nang bukambibig ito ng iba’t ibang bansa. Ika nga nila, para ito sa tinatawag na “Global Competitiveness”. Ilang dekada na rin bang pinag-uusapan ito at pinaplano? Kung hindi man, pinatatakbo o pinalalaganap na. Ngunit bakit sila-sila lang? Sila-silang malalaki at mayayamang bansa ang nakikinabang? Bakit naiiwan sa ere at muling bumabagsak sa lupa ang mga third-world countries tulad na lang ng Pilipinas?
Kung bukambibig ng mga taong-gobyerno pati na rin ang mga oligarkiya sa Pinas na nakikipagsabayan na tayo sa ibang bansa pagdating sa internasyonalisasyon, gumising ka! Huwag kang tanga sa katotohanan. Dahil tanging itong mga oligarka, elitista, at burgesya lang ang tunay na umuunlad.
Kung nararamdaman man ang tinatawag na “global competitiveness”, malamang sa malamang, dito lang iyan sa kalunsuran. Dito sa siyudad. Paano naman ang mga probinsya’t mga katutubo natin? Kung tutuusin nga, baka wala pa sa 10% ng buong kapuluan ang nakakaramdam nito. Dahil tanging mayayaman at mga may kapangyarihan lang ang nakakalasap ng hanging dala ng internasyonalisasyon.
Bakit laganap pa rin ang kagutuman? Marami pa rin ang walang trabaho. May krisis-pandaigdigan pa rin. Bakit marami pa rin ang nangingibang-bansa? Bakit may child labor pa rin? Bakit mataas pa rin ang populasyon? Bakit may income inequality, job-and-skill mismatch at labor discrimination pa rin? Iyan ba ang bunga ng globalisadong kasunduan na ilang taon nang lumalaganap sa napakaraming bansa? Malamang yan, sasagutin na naman nila tayo ng mga malalalim na termino, mga statistics, mga pag-aaral na sila lang naman talaga ang nakauunawa. Para tayo, “OO” na lang.
Marahil ay ganito. Kung gusto talaga nating pumasok sa pandaigdigang entablado at maging “globally competitive”, dapat sana palakasin muna natin ang bansa. Ang hirap kasi sa atin, sugod tayo nang sugod. Laban agad nang laban. Tuloy, talo tayo sa dulo. Dahil maliit lang tayo, kumpara sa mga dambuhala’t halimaw na mga bansa. Palakasin muna sana natin ang ating “identidad”. Unawain at pag-aralan ang sarili natin. Kung saan tayo nagmula, kung sino tayo at ano tayo. Sapagkat ultimo wika at kultura natin, kung hindi man natin alam, kinakahiya naman.
Ang mga bansang Amerika, Tsina, Hapon, at isama na natin ang Korea. Mga bansang tinitingala natin ngayon. Inaambisyon. Bago pa man sila sumabak sa internasyonalisasyon, malakas na at pinalakas na nila ang kanilang “Lokalisasyon”. Mataas ang pagpapahalaga nila sa kanilang identidad. Malaki ang respeto nila sa kultura at lalong-lalo na sa wika. Ni hindi sila kailanman pumayag na sakupin ng koloniyalismo ang mga utak ng mamamayan nila at kainin ng sistemang kultural ng ibang bansa.
Sa Pilipinas, hindi na natin makilala ang mga kababayan natin. Tuluyan nang nalunod sa kolonyalismo. Marahil ang sanhi nito ay ang pagsakop ng iba’t ibang bansa natin kung babalikan ang kasaysayan. Pero hindi ito sapat na dahilan para talikuran na lang natin basta-basta ang orihinal na kung sino tayo, kung ano tayo. Kaya nga nagkakanda-leche-leche ang bansa natin ngayon dahil sa “colonial mentality” na iyan. Sakit nang maituturing ito. At anong uri ng sakit? Baka kanser na kamo. Dahil parang ang hirap hanapan ng lunas at madaling makahawa sa iba.
Ngayon, papasok tayo sa bagong laban. Ang internasyonalisasyon. Papasok tayo nang mahina. Walang laban. At anong ibebenta natin sa pandaigdigang merkado? Ang mga baon natin at maipagyayabang, impluwensya rin ng ibang bansa. Impluwesiya ng kolonyal na pag-iisip nating mga Pilipino. Kaya sa huli, pinagtatawanan tayo ng ibang bansa. Talo tayo! Hanggang sa dulo.
Tapos sasabihin ng mga ekspertong kuno, “globally competitive” na ang mga Pinoy! Ayos!
Kapatid. Huwag kang bulag at huwag na huwag kang mabubulag. Kung papasok tayo sa pandaigdigang paligsahan, alisin na natin ang kolonyal na mentalidad. Tanggalin na natin ang mga paniniwalang banyaga na hindi naman talaga swak kung tutuusin sa kulturang sariling atin. Buhayin natin ang atin! Palaganapin ang nasyonalismo, ang pagmamahal sa bansa at pagpapahalaga sa kultura. Ito ang susi para makasabay tayo sa ibang bansa sa daigdig. Makikita nila ang orihinal na tayo, kung sino at ano tayo, kung anong maipagmamalaki at magagawa natin sa ganitong mundo na patuloy na nagbabago, at makakasabay na rin sa modernong pagpaplano sa internasyonal na estado.
Dinamiko ang wika, kaya’t patuloy itong umuunlad. Ito man ay wikang karaniwan o wikang akademiko. Hindi ito labanan ng dalawang wika, bagkus ito’y pagpapakilala na dalawa o higit pa ang imahe ng wika partikular na ang wikang Filipino. Maaaring gamitin ito sa lahat ng paraan ng ating pakikipagtalastasan — pasalita man o pasulat. Patunay ito na malaya ang wika at malaya natin itong nagagamit.
Tunay na ang wikang Karaniwan ay yaong wikang ginagamit ng mga tao upang sila’y higit at mabilis na magkaunawaan. Sa pasalitang anyo kasi kadalasang hindi na natin tinitingnan ang gramatikal na istruktura nito. Bumabatay na lamang tayo sa kung paano natin maipararating ang ating sasabihin sa mas madaling pamamaraan ng pagkakaunawaan. Patunay rito ang halimbawang ibinigay sa artikulo ni Adaya tungkol sa pag-uusap ng drayber at pasahero.
Totoo na naipahahayag natin sa mas madali at mas maayos ang ating mga nais sabihin kapag ang wikang gagamitin natin ay likas sa ating dila. Mas komportable tayong magsalita at mas madali tayong mauunawaan ng ating kausap basta’t kabilang siya sa tinatawag na speech community. Ang paggamit ng wikang karaniwan ay paggamit din ng wikang kinalakihan at nakasanayan natin. Kadalasan ito ay mga salitang popular o kontemporaryo na ating ginagamit upang agad na maunawaan.
Sa wikang Akademiko naman ayon kay Adaya ay ginagamit ang wika sa mas mataas na antas. Ibig sabihin, mayroong mga patakaran at alituntunin ang paggamit ng wika upang maging istandard ito o magkaroon ng pamantayan. Pumapasok na rito ang pangangailangan gramatikal o pagkilatis ng istruktura ng mga salitang gagamitin sa diskurso. Ayon pa kay Adaya, kung ang wikang karaniwan ay walang malay o unconcious ang tao sa paggamit ng wika dahil mas iniisip nito ang paraan ng pagkakaunawaan, malayo ito sa wikang akademiko na ang mga tao ay may malay o concious. Ito’y dahil isinasaisip ng tao ang istruktura ng wikang kanyang gagamitin sa pakikipagkomunika niya sa speech community.
Sa imahen naman ng Filipino bilang wikang akademiko, tunay na nagagamit na ito upang mas mapataas pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa hindi lamang sa mababa at mataas na paaralan pati na rin sa kolehiyo. Pinatunayan ito nina Prop. Nocon, Stephen Walter at Diane Dekker, at Bro. Gonzales na nagbigay ng kani-kanilang pruweba na mataas na ang pagtingin ng marami sa atin sa Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa akademya. Nakikita natin na ang Filipino ay hindi na lamang pangkaraniwang wika ng nga Pilipino anuman ang estado nito sa buhay bagkus pumapasok na rin ito sa mundo ng akademya upang maging kapantay na ng wikang Ingles bilang wikang akademiko.
Pagdating naman sa rehistro ng wika, nagkakaroon nito upang magkaunawaan ang mga taong nasa iisang pangkat — minsan batay sa akademya o propesyon. Dahil dito kaya’t nagkakaroon ng Jargon na tumutukoy sa bokabularyo ng iisang partikular na larang ng tao. Tunay na gumagamit ng code ang bawat tao sa pakikipagtalastasan dahil ayon kay Adaya, magkakaiba ang persepsiyon ng mga tao sa bawat bagay.
Sa kabuuan, malaya nating nagagamit ang wikang taglay natin. Mapa-pangkaraniwan man ito o pang-akademiko, o batay man ito sa pagkakaroon natin ng rehistro pagdating sa wika. Ang pinakamahalaga, magamit at mapaunlad natin ito sa ating sariling pamamaraan. Isipin natin na ang wikang ginagamit natin sa araw-araw ay wika ng intelektwalisasyon. Kung saang wika tayo mas bihasa at kung saan tayo mas magkakaunawaan ay ang wikang magpapataas at magpapaunlad ng ating intelektwal na kapasidad.
Tumutunog. Umiilaw. Ganito nakita ni Samuel ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng maliit na mesa katabi ng mga hiniwang gulay pati na mga balat nito. Alam niyang may tumatawag sa kaniya ngunit hindi niya magawang kunin para tingnan kahit alam niyang mga kaklase niyang kanina pa nagpapadala ng mensahe sa kaniya.
“Samuel! Dalawang sabaw pa raw doon sa mag-asawa sa dulo,” sigaw ng babae habang nagtatakal ng kanin at ibinigay sa pinggan ng isang kustomer. Agad sumalok si Samuel ng sabaw at nilagyan ang dalawang mangkok. Pawis na pawis si Samuel na nakaputing t-shirt at pantalon pang-eskwela na panay sandok ng ulam para ilagay sa plato, minsan naman ay ibinabalot sa plastik para sa mga mamimili. Hinubad niya lang ang polong puti dahil nasa karinderya na siya matapos ang eskwela sa hapon.
“Otsenta’y singko po lahat, isang kanin at kalderetang baka,” tugon ni Samuel sa isang mamimili matapos iabot ang nakasupot na pagkain. Iniabot ng mamimili ang bayad sa binata. “Akin na nga yung mga hiniwang sayote sa mesa at ihahalo ko na rito sa Tinola,” utos ng kaniyang tiyahin na nagpapaaral sa kaniya kapalit ng pagtulong niya sa maliit na kainang ito.
Nagtungo sa loob muli ng kusina si Samuel at nakitang tumutunog at umiilaw ang cellphone. May tumatawag pa rin. Alam niyang kanina pa may tawag nang tawag sa kaniya. Imbes na kunin ang hiniwang sayote, kinuha niya ang cellphone at sinagot. “Hello?” tanong niya. “Hoy Samuel, anong petsa na? Nasaan na yung gawa mo? Bukas na ang presentasyon nito tapos wala ka pang ambag!” sumisigaw na tinig ng kaklase niya. “Nagchat naman ako sa groupchat natin na mamayang gabi ko pa magagawa kasi may inaasikaso ako,” paliwanag ni Samuel habang nagpupunas ng pawis sa noo at pisngi. “Ano ba kasing inaasikaso mo at parang ang ingay-ingay diyan? Nasaan ka ba?” usisa ng kaklase sa kabilang linya. Biglang nakarinig si Samuel ng sigaw ng babae. “Samuel nasaan na yung sayote!” hiyaw ng tiyahin niya. Nataranta siya. “O sige na, sige na, nasa byahe ako,” sabi niya at agad na binaba ang cellphone sa mesa. Kinuha ang sayote at iniabot sa nagluluto.
“Magkano po sa tortang talong niyo,” tanong ng isang mamimili. “Bente-singko po isa,” sagot ni Samuel. “Sige, pabalot ako ng tatlo, saka tatlong balot ng kanina na rin. Pasamahan na ng sabaw ha,” banggit ng mamimili. Habang hinahanda ni Samuel ang nais ng kustomer iniisip niya ang takdang-aralin na kailangan niyang gawin. Bukas na ang presentasyon noon sa klase. Alam niyang naghihintay ang mga kagrupo niya sa kaniya. Habang iniisip, naramdaman niyang may mainit na bumubuhos sa pa niya. “Aray!” hiyaw niya. Natatapon na pala ang sabaw na sinasalok niya. Agad niya itong inayos at binalot na ang pagkain.
Habang nagsasandok ng mga ulan para sa mga bumibili, napapalingon pa rin siya sa di kalayuan habang nakikita niya ang pag-ilaw ng kaniyang cellphone. Hudyat ng paulit-ulit na pagtawag ng mga kaklase niyang hinihintay ang sagot niya sa kanilang proyekto. Hindi niya magawang kunin dahil sa responsibilidad niya sa karinderya na dapat unahin. “Isa ngang order ng paksiw, dalawang balot nga ng tulingan, isa’t kalahating kanin nga, tatlong order ng sinampalukan,” ito ang mga tinig na naririnig ni Samuel habang iniisip ang kaniyang responsibilidad din bilang estudyante.
“Hoy, Samuel, pakibantayan yung sinasaing ko, huhugasan ko lang yung mga pinggan,” utos na naman sa kaniya ng tiyahin. Natulala na lang si Samuel. Patuloy pa rin ang pagsandok niya ng mga ulam at pagtanggap ng mga bayad ng kustomer.
Maya-maya ay wala ng bumibili. Agad na kinuha ni Samuel ang cellphone. Nakita niyang marami ng tawag sa kaniya ang mga kaklase. Binuksan niya ang groupchat para tumingin. Laking gulat niya nang hindi na siya makapagpadala ng mensahe. Inalis na siya ng kaniyang mga kagrupo sa proyekto nila. Nataranta si Samuel dahil sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Narinig niya muli ang sigaw ng tiyahin. “Samuel, yung sinaing!” hiyaw muli ng babae. Nakita ni Samuel na lumalabas na ang usok sa kaldero at mga tubig nito. Kumukulo na ang sinaing. Nakita niya rin ang pagdami ng kustomer sa harapan ng karinderya na hinahanap ang tindero. Pero bumabalik ang tingin niya sa groupchat na hindi na siya kasali. Natuliro siya. Hindi makagalaw. Hindi niya alam kung anong gagawin.
Maagang dumating si Drake sa tambayan nila ng kaniyang mga kabarkada. Mahaba ang sementadong upuan at mesa sa ilalim ng puno ng mangga ang lugar na palagi nilang pinagpapahingahan matapos ang klase. Dala-dala nito ang dalawang selyadong baso ng milk tea na binili sa kantina habang may isa pang sinisipsip na niya kanina pa. Hindi na sila magkakaklase ngayon. Pinaghiwa-hiwalay na sila ng seksyon at nasa klasrum pa ang dalawa maliban kay Drake wala ang guro sa huling klase.
Dumating na rin ang mga barkada niya matapos ang dalawampung minuto. “Tinapos ni Ma’am Guevarra yung lesson niya at nag-overtime pa”, banggit ni Mark habang bitbit ang bag na punong-puno ng laman. Nagsalita rin agad ang isa pa na si Ian. “Mukhang ngayon ka lang yata nanlibre sa buong buhay mo”, aniya sabay tawa at kuha ng milk tea. Napangiti si Drake. “Hoy, nanlilibre naman ako kapag birthday ko.” sagot niya.
“Tapos na kaya klase ni Mika? Bakit wala pa siya?” sabi ni Mark habang binubunot ang cellphone sa bulsa matapos ilapag ang milk tea sa tabi niya. “Mamaya pa sila. ‘Di ba may PE class pa ‘yun?” tugon ni Drake. “Grabe ang assignment ni Sir Perez! Kailangan talagang ipakita pa ang solutions.”, sabat naman ni Ian habang unti-unting binubuklat ang kwaderno at dilaw na papel. Nasa tabi niya lang ang kinuhang milk tea. “Kain tayo mamaya. Libre ko! Diyan sa may kanto, ‘yung lagi nating kinakainan kapag tapos na tayo mag-basketball.”, yaya ni Drake sa dalawang kaibigan. Sumagot si Mark na inakalang nasa cellphone ang kinakausap dahil tutok na tutok sa screen nito, “Uy, libre na naman! Kaso, pasensya na ‘tol, may lakad kami ni Mika mamaya.” “Ako rin Drake, pasensya na. Mukhang aabutin na naman ako ng madaling-araw dahil sa mga assignment na ‘to.” segunda ni Ian. “Eh kung bukas? O sa Sabado? O kaya Linggo?”, pagyaya ulit ni Drake habang salitang tinitingnan ang dalawang kaibigan. “Inumin niyo na ‘yan, matutunaw na oh!” dagdag pa niya.
Hindi kumibo ang dalawa. Nagmamadali sa pagpindot si Mark na parang atat na atat na makausap ang tao sa kabilang linya ng cellphone. Nakakunot naman ang noo ni Ian na gulong-gulo sa pagsagot sa matematika. “Eh kung isama mo na lang Mark si Mika sa atin? Ian, pwede ka namin tulungan diyan sa assignment po pagkatapos kumain.” suhestiyon ni Drake. “‘Tol, alam mo namang hindi pwede sa amin ni Mika ‘yon”, sabi ni Mark sabay tayo sa kinauupuan at tinaas ang kamay na may cellphone para maghanap ng signal. “At saka Drake, kailangan ko rito mag-concentrate”, dagdag naman ni Ian habang nilukot ang isang pirasong papel. Napailing na lang si Drake habang sipsip-sipsip ang milk tea. “Oo na. Tikman niyo na ‘yan, kanina pa ‘yan.” sagot niya.
“Kung sa bahay na lang kaya namin? Doon na lang tayo tumambay. Mas komportable pa. Hindi ka na gagastos sa date niyo ni Mika at ikaw makakapag-concentrate na”, muling nagsalita si Drake habang pasalit-salit na tinitingnan ang dalawang kaibigan na masyadong babad ang mga mukha sa kani-kanilang ginagawa. Sabay na sumagot sina Mark at Ian, “malayo!”. Napangiti na lang si Drake dahil alam niya rin naman iyon. Matapos itikom ang bibig, naupo na lang sa gitna si Drake habang sipsip pa rin ang milk tea.
“Aalis na ako”, panimula ulit ni Drake. “Uuwi ka na agad?”, sabat ni Mark habang wala pa ring tigil sa pagpindot sa cellphone niya. Sumagot din si Ian na nakatutok sa papel. “Maaga pa, mamaya na!”, aniya. “Hindi … magta-transfer na ko ng school”, saad ni Drake. Napatigil sa pagpindot si Mark at nabitawan ni Ian ang ballpen na hawak niya. Kapwa napatingin ang dalawa sa kaibigan. Napansin nilang panay ang sipsip ni Drake sa baso kahit ubos na ang laman nito. Dito nakita ng dalawa ang milk tea na nilibre sa kanila ng kaibigan na nasa tabi lang nila pareho. Natunaw na ang yelo sa loob ng mga selyadong baso. Tila hindi na malalasahan pa ang gatas na sangkap nito. Parang malabnaw na inumin na lang na kanina’y umaapaw pa ang tamis na nasa ibabaw. Mawawala na rin yata ang tamis ng kanilang pagkakaibigan sa oras na iyon.
Nag-aabang sa langit,
Sa mga ulap sumisilip,
Sa likod ng mga tala,
Kahit sulyap lang Darna.
- Kamikazee
(Narda, 2006)
Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kaniya? Dekada ’50 nang buhayin siya ni Mars Ravelo, isang sikat na manunulat noon ng Komiks. Ang karakter niya ngayon ay bahagi na ng Pop Culture ng mga Pilipino. Siya na lubos na kinasabikan, pinuri, at minahal ng lahat. Siya si DARNA.
Isang natatanging babaeng may natatangi ring lakas at popularidad sa mga Pilipinong mambabasa ng Komiks noon at mga Pilipinong manonood naman ngayon. Si Darna. Ika nga mismo ni Ravelo, ‘Ang Kamangha-manghang Dilag’. Sabi rin ng Kamikazee, siya ang dalagang nababalot ng hiwaga. Bukod sa kaniya, binuhay rin ni Ravelo sina Captain Barbell, Lastikman, at Dyesebel noon. Ngunit natatangi talaga ang karakter ni Darna sa lahat ng mga kathang-isip na Pinoy Superheroes sa mundo ng Komiks sa Pilipinas. Bagama’t piksyon lamang, nananatili ang kasikatan ni Darna kung sa pelikula’t telebisyon lang naman ang pinag-uusapan.
Si DARNA sa isip natin.
Sa katotohanan, 1947 pa nilikha ni Ravelo si Darna. Orihinal na pangalan nito ay ‘Varga’ at nailimbag sa Bulaklak Magazine. Ngunit kalauna’y nagkaroon ng sariling pagkakakilanlan si Varga (pagmamay-ari ng publikasyon ng Magasin) at panibagong karakter naman si Darna (pagmamay-ari mismo ni Ravelo). Kadalasan ring ikinukumpara ang karakter ni Darna kay ‘Wonder Woman’ ni William Moulton Marston ng Amerika partikular na sa Hollywood. Bakit hindi? Pareho rin naman silang babaeng nagliligtas ng mga naaapi at pareho lamang ng panahon sila dumating sa imahinasyon ng kani-kanilang mga tagapagtangkilik. Ngunit ayon mismo kay Ravelo, nakikita niya si Darna bilang kawangis ng kaniyang ina na nagtaguyod sa kanilang pamilya nang mag-isa. Sa ganoong persepsyon niya nakita ang isang Pinay Superhero.
Binuo ni Mars Ravelo ang pagkatao ni Darna bilang isang dalagang pilay na lumaki sa hirap at nagngangalang ‘Narda’ (binaligtad na salitang ‘Darna’). Siya’y nakapulot ng isang kakaibang bato mula sa bulalakaw sa kalawakan, at kapag ito ay kaniyang nilunok, nagiging isa siyang ganap na maskuladong babae na tagapagtanggol ng mga naaagrabyado. May pambihirang lakas, kakayahang lumipad at bilis ng pagkilos.
Maliban kay Darna, hindi rin maitatanggi ang ilan pa sa mga sikat na tauhan sa kaniyang kuwento. Sino ba naman ang hindi makalilimot kay Ding? Siya lang naman ang nakababatang kapatid ni Narda na kadalasang nagtatago ng mahiwagang bato. Kaya nga sikat ang linyang “Ding … ang bato!” Gayundin ang mortal na kalaban ni Darna — si Valentina, ang babaeng ahas. At si Lola Asay na nag-aruga sa dalaga noong bata pa siya matapos maulila.
Makikita rin ang pagka-Pinoy sa mismong imahe ni Darna. Inspirado ang mapulang damit ni Darna sa pulang kulay sa ating watawat na simbolo ng katapangan. Ang mahabang tela sa bandang ibaba ni Darna ay mukha naman ng tradisyong bahag ng mga katutubo. Ngunit may halo ring impluwensyang banyaga ang pagsusuot ng boots na sapin sa paa.
Itinuturing na sa kasalukuyan si Darna bilang isang Filipino Cultural Icon. Mapababae, lalaki, o anumang sekswalidad, bata man o matanda, kilala siya. Alam ang kuwento niya. Isa pa, maliban sa Komiks makailang beses na ring isinapelikula at isinatelebisyon ang karakter ni Darna.
Si DARNA sa puso natin.
Maaaring tignan si Darna bilang prinsipyong Feminista. Sapagkat, sa dami ng mga superhero na lalaki, mayroon pa ring binuhay na para naman sa mga babae. Sa panahong nilikha si Darna, sa panahong patriyarkal din ang paniniwala, nanindigan pa rin ang isang babaeng maaari ring maging tagapagtanggol ng mga inaabuso. Tila siya ang ‘Gabriela Silang’ ng bagong henerasyon. Ang kaiba nga lang, tapang at lakas lang si Silang at walang salamangka. Siya rin ang Maria Clara ng kaniyang panahon. Mahinhin, konserbatibo, animo’y takot at duwag at sunod-sunuran tulad ng karakter ni Rizal. Ngunit tulad ni Narda, nawawala ang pagkabahag ng buntot kapag nilukuban na ng mahiwagang salamangka dulot ng bato. Kapag ang simpleng si Narda ay nagiging Darna na.
Ngunit, kaiba sa piksyong karakter, may maituturing din tayong mga Darna sa totoong buhay. Nariyan ang mga babaeng naglilingkod sa pamahalaan, mga OFWs, Titser, Doktor, Abugada na pawang mga kababaihan. Mga empleyadong babae na hindi na lamang alalay o sekretarya ng among lalaki. At siyempre, ang mga ilaw ng tahanan, sila ang mga Darna ng ating realidad.
Pero higit kailan pa, si Darna ang makabagong Pilipina. Mga Darnang handa nang kumilos, lumaban, at sumuong sa digmaang pang-utak, pangkamay, at pandamdamin. Sila ang mga Darnang ngayong hindi na patitinag sa gasgas ng patriarkal na paniniwalang alipin at parausan lamang ng kalalakihan. Mga Darnang may sarili ng desisyon sa buhay at pananaw sa mga isyung pambayan. Mga Darnang hindi na lamang pantahanan, hindi na rin pampamilya, pang-isports na’t pang-industriya pa. At mga Darnang hindi na mapipikot ng kalikutan ng pag-ibig, hindi na maabuso ng mga macho, at hindi na maloloko kahit ng sinumang Valentina. Darnang magsisilang pa ng mas maraming Darna.
Ang paglikha ni Ravelo kay Darna ay patunay na marami ang nananatiling tulala sa langit, naghihintay ng sasaklolo sa kani-kanilang mga suliranin. Mga suliraning tila salamangka na lamang ang sosolusyon. Naghihintay sila ng kahit sino lang, walang pinipiling kasarian.
Bayani si Darna. Kathang-isip man pero naging inspirasyon sa maraming Pilipinong naghahanap ng mga taong maaaring sumalba mula sa kani-kanilang suliranin sa buhay. Iyon nga lamang, dahil nga piksyon lamang, hindi rin dapat umasa sa mga tulad niyang totoong bayani ang pansariling pag-unlad. Hindi siya mayaman. Hindi rin siya anak ng politiko. Wala sa anumang mahiwagang bato ang ating kapalaran. Magsumikap. Magtiyaga. Para hindi tayo naaapi. Tumulong sa mga nangangailangan. Para maging Darna tayo sa ating kapwa.
Nagpakilala ako sa’yo noon
Nagpakilala ka rin sa akin
Nalaman mo ang edad ko
Na tila kasing-edad lang sa’yo
Pati ang bahay, eskwela’t trabaho
Kinilala mo rin nang husto
Pero noong kinikilala natin ang isa’t isa
Hindi mo pa rin pala ako kilala.
Naglakbay tayo sa lugar na malamig
Kumain tayong sabay ng mainit
Natulog, nanaginip, at nagising
Naligo’t nagbihis saka umalis
Naglakad, tumakbo, pati nagpahinga
Umiyak, tumawa, saka nagwala
Ilang araw din tayo noon nagkasama
Pero hindi mo pa rin ako kilala.
Tukoy ko ang iyong ugali
Sa dilim naroon akong nakangiti
Kahit sa oras na ‘yong pinipili
Tumulong akong walang atubili
Pinaramdam ko ang tunay kong ibig
Hinagkan natin ang sariling mga bisig
Kahit mukha ko’y iyong nakikita
Hindi mo pa rin talaga ako kilala.
Ninais kong puntahan ka sa inyo
Kahit maligaw ang dalawang paa ko
Handa akong tumuloy nang walang pagtanggap
Na kahit sa pagsuko ay walang susundo
Saglit tayong nag-usap upang huminga
Kasama ka pa sana sa susunod na pahinga
Ngayong tayo ay nasa makabila nang banda
Hindi mo pa rin ako kilala.