Stories by inkless on Medium
Sa pagitan ng usok at abo
ng mga salitang minsang may ningning,
unti-unti kong sinusunog ang ating guniguni—
mga liham na hindi kailanman naisulat,
ngunit tila kabisado ng aking isip.
Walang bukang-liwayway na sumalubong sa atin,
tanging dapithapon na agad nagkubli—
sapagkat paano nga ba magkakaroon ng wakas
ang isang bagay na hindi man lang nagsimula?
Isang kuwento ng pag-ibig
na sa sariling haka-haka ko lamang binuo.
Ako’y nabihag ng isang pangarap,
isang anyong walang hugis ngunit may haplos,
marahang yumakap na tila malamig na hangin,
ngunit nang ako’y napapikit—
ako pala’y ni hindi mo nasilayan.
May mga gabing ang dibdib ko’y sumisiklab,
hindi sa apoy ng pag-ibig,
kundi sa panglaw ng isang halos—
halos naging tayo,
halos naging totoo.
Paano ba ang tamang panaghoy
sa isang pag-ibig na hindi isinilang?
Anong pangalan ang ilalapat
sa kirot na walang mukha?
Ito ba’y hinagpis,
o isang pagdududa na tumangging mamatay?
Ako’y lugmok sa alaala ng wala,
pinipilit buuin ang mga pagitan
ng iyong katahimikan—
parang paghabol sa ulap,
umaasang may mahahawakan.
Ngunit marahil,
ang pinakamasakit na katotohanan ay ito:
hindi kita nawala—
dahil kailanman,
hindi ka naman naging akin.
Sa pagitan ng
“kung sana” at “baka,”
doon tayo nanirahan—
sa init ng kahapong
hindi ganap na sumiklab,
sa yakap na
hindi umabot ng umaga.
Sa pagitan ng mga himig na hindi ko mabigkas,
may pangalang paulit-ulit na hinahanap ng dibdib—
isang tinig na makakabasa sa katahimikan,
isang matang hindi lamang tumitingin, kundi nakakakita.
Nais kong may umusal ng aking pagkatao
na tila dasal na matagal nang kinabisado—
hindi lamang ang aking ngiti,
kundi pati ang pagliyad ng lungkot sa aking mga mata,
ang pag-urong ng aking mga salita
kapag ang mundo’y nagiging masyadong maingay.
May mga bagay akong hindi ko naipapaliwanag:
kung paanong ang ulan ay tila yakap,
at ang dilim ay hindi laging kinatatakutan.
Na ang aking mga paborito’y hindi lamang bagay—
kundi mga sandaling tahimik na sumilong sa alaala:
ang amoy ng bagong bukas na aklat,
ang haplos ng hanging naglalakbay sa dapithapon,
ang musika na tila ako mismo ang tinutugtog.
Sana’y may isang nilalang
na hindi na kailangang magtanong,
sapagkat kabisado na ang bawat pahina ko—
ang aking mga pagkamuhi at pagkagiliw,
ang mga lihim na pilit kong ikinukubli
at ang mga pangarap na hindi ko masambit.
Isang taong makakapagsabi,
“Alam kita,”
hindi bilang pag-aari,
kundi bilang pag-unawa.
At kung darating ka—
huwag mo akong aralin na parang palaisipan,
bagkus, damhin mo ako
na tila isang awiting matagal mo nang naririnig,
na kahit walang letra,
ay alam mo kung saan papunta.
Sapagkat sa mundong puno ng ingay at pagkalimot,
kay ganda sigurong may isang pusong
hindi kailanman maliligaw sa akin—
isang pusong sa bawat kumpas ko
ay marunong sumabay,
sapagkat ako’y kabisado na.