Stories by 🐻 on Medium
Siyempre, susubukan ko pa rin. Tulad ng dati, ako pa rin ang tutulong sa sarili ko. Sanay na akong umasa lamang sa sarili, na kapag may mga pagsubok at hamon, ako mismo ang magsisikap para malampasan ang mga ito, gamit ang lakas at tapang na natutunan ko sa paglipas ng mga taon.
Ako pa rin ang aking Sandigan
Mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan, sa aking pagtanda, samot-saring karanasan na ang tumimo sa aking puso’t isipan—mga pagkakataong ako lang ang aking naging sandigan. Hay, wala na bang darating sa buhay ko upang tulungan akong alamin ang mga bagay na nais ko talaga? Sa libangan, sa pangarap, sa lahat. Parang napakarami ko pang tanong sa sarili ko at sa mundo, pero tila walang ibang handang makinig o umalalay. Minsan naiinggit ako sa mga taong may katuwang, yung laging may nakaalalay sa kanila. May tumutulong at sumasama sa kanila sa pagsubok ng mga bagong bagay, sa pag-alam ng mga nais at pangarap ng bawat isa. Nakikita ko sa kanila kung paano nagiging magaan ang bawat lakad kapag hindi mag-isa—may kasama kang mag-cheer up, sumalo ng bigat, at magbahagi ng kwento. Ako, kailan kaya? Siguro hindi na darating 'yon, ano? Pero heto ako, umaasa pa rin. Kahit na parang malabo, hindi ko pa rin tinatalikuran ang pilit na pag-asa na balang araw ay may darating o magkakaroon din ako ng kaagapay sa buhay.
Mahirap, pero kinakaya. Sa bawat araw na lumilipas, sinusubukan kong sabayan ang kabiguan at takot, pilit hinihikayat ang sarili na tumayo at magpatuloy. Wala naman akong pagpipilian kundi maghintay at sumabay sa agos ng buhay. Ni hindi ko nga alam kung anong kukunin ko sa senior high at kolehiyo, kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin nalalaman ang tunay kong nais. Tulad ng maraming kabataan, nababalot ako ng pagkalito at pangamba—ano nga ba ang landas na mas nararapat para sa akin? Ano nga ba talaga ang pangarap ko? Gusto ko bang maging isang guro? Kasi mula kabataan ko pa lang, nais ko nang magturo sa mga bata at makatulong sa lipunan. Sa tuwing naiisip ko kung gaano kasaya ang magbahagi ng kaalaman sa iba, parang sumisigla ang aking loob ngunit sabay ding kumikirot ang takot—makakaya ko ba? O gusto ko bang maging accountant? Kasi ito ang in demand sa ating bansa, kahit hindi naman talaga ito ang sinisigaw ng puso ko. Alam kong malaking tulong ito para sa pamilya ko at siguradong makakatulong ako agad kung sakaling ito ang tatahakin kong propesyon. Pero at least makakatulong naman agad ako sa pamilya ko, 'no? Siguro. Sana. Patuloy lang akong nangangarap, kahit wala pang kasiguraduhan kung alin ang pipiliin at kung tama ba ang bawat hakbang na aking tatahakin.
Bahala na, kung saan na lang ako dalhin ng hangin. Minsan naiisip ko na ang lahat ng ito ay parang isang malaking sugal, na kahit anong plano o sikap, hindi ko pa rin alam ang magiging resulta. Hay, ang hirap maging mahirap. Hindi mo magawa ang mga nais mo, kahit sa pinapangarap mong unibersidad ay walang kasiguraduhan. Na kahit anong pangarap mo, tila-pipigilin ka ng kalagayan sa buhay at limitasyon ng kakayahan. Pero, anong magagawa ko? Ito na 'yun e. Kailangan ko na lang mag-aral nang mabuti at maging isang iskolar. Pangarap kong maging iskolar, para kahit papaano ay gumaan ang pasanin ng pamilya ko at mapalapit sa katuparan ng mga pangarap ko, kahit unti-unti lang. Nang sa gayon ay makatipid kami. Okay na 'yon, kahit mahirap, kakayanin. Mas pipiliin kong maging matatag, magsikap, at huwag sumuko, kahit mahirap at madalas ay nakakaramdam ako ng panghihina at pag-aalinlangan.
Minsan, sinasabi ko sa sarili ko na "kaya ko 'to" kahit ang totoo ay pasuko na ako. May mga araw talagang punong-puno ng pagod ang isip ko, at halos hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas, pero paulit-ulit ko pa ring inuudyok ang sarili na magpatuloy, dahil alam kong walang ibang pipilitin kundi ako rin. Mahirap kapag walang nagche-check sa 'yo, 'no? Parang kahit anong hirap ang pinagdadaanan mo, walang nagtatanong o nag-aalala kung okay lang ba ako, kung kinakaya ko pa ba, kung kailangan ko ba ng tulong. Pero okay lang. Sanay na akong maging tahimik, sanay na akong magtago ng totoo kong nararamdaman at iyong mga kawalang-katiyakan na bumabagabag sa akin. Natutunan ko ang mahirap na paraan. Sa bawat pagsubok, natutunan kong tumayo mag-isa kahit walang lumalapit—natutong manatiling matatag kahit luhaan na sa loob.
Kaya nga siguro hindi ako masyadong malapit sa mga tao, hindi ako nagve-vent sa kanila kasi nakasanayan ko na sa bahay. Nadala ko ang ugaling ito hanggang paglaki dahil sa takot na baka hindi rin nila maintindihan, o baka masanay lang ako umasa sa iba. Mula bata pa lang ako, nasanay na ako na hindi nagsasabi sa mga magulang ko, kaya siguro ang distant ko sa kanila. Mas pinipili kong manahimik, itago ang nararamdaman, at tiisin ang sakit o lungkot na minsan ay sumasakal sa dibdib ko. May mga bagay ako na gustong sabihin sa kanila, marami. Pero hindi ko kayang sabihin kaya sinasarili ko na lang. Madalas kong iniipon ang mga tanong at hinanakit.