Stories by lia on Medium
Imahe mula sa pelikulang I’m Drunk, I Love You (2017).
hindi ako masokista, pero napakaswerte talaga ni carson.
sa mata ng masa, isang trahedya ang tadhanang naisulat para kay carson; magmahal ng isang matalik na kaibigan nang hindi ito nakakamit pabalik. kadikit at kasangga niya si dio sa loob ng pitong taon. tumawa, umiyak, nagsalu-salo, at nag-aral silang magkasama. sino ba namang hindi masasaktan kung malapit na sa iyo ang taong minamahal mo, ngunit napakalayo pa rin?
kaya naman, marami ang umiiwas sa isang karanansang katulad ng kay carson. subalit, para sa akin, dapat siyang kainggitan.
hindi ako nabigyan ng pagkakataong makilala ang dio ng buhay ko. hindi ko nga alam kung dapat ko ba siyang tawaging “dio” dahil isa sa kahulugan at pagkakakilala sa karakter niya, ay best friend siya ni carson.
sinubukan kong alamin ang mga simpleng bagay na may kinalaman sa kaniya. sumali ako sa isang kompetisyon dahil kalahok din siya, pinilit kong sumama sa isang sleepover dahil nandoon siya, at nagsagawa ako ng malaking selebrasyon ng kaarawan para lang maimbita ko siya. marami rin kaming pagkakapareha: sa ugali, paboritong palabas, paboritong kanta, pati na ang mga pangarap sa buhay. sa kabila ng mga ito, hindi ko nagawang mawasak ang napakataas na pader na humaharang sa puso niya. hindi ako sinwerte katulad ni carson.
hindi rin sapat ang nalalaman ko tungkol sa kaniya para sabihing mahal ko na ito. hindi ko alam tuwing kailan niya nilulunod ang sarili niya sa mga luha. hindi ko alam kung ano ang mga plano niyang nasasabik siyang gawin. hindi ko alam kung kailan siya bumibili ng mga librong gusto niyang basahin. tuwing nagrerepaso ba siya ng mga aralin, kinakabisado niya ito nang tahimik o pabigkas niya itong inuulit sa sarili niya? hindi umabot sa gano’n ang pagkakilala namin sa isa’t isa.
tunay nga namang mas masakit ang nangyari kay carson dahil abot-kamay niya na si dio. ngunit kung papalarin, mas nanaiisin ko sanang damhin ang sakit na iyon kung ang kapalit ay mas malaman ko ang bawat kurba ng mga kamay at emosyon niya. dakilang sakripisyo ang kaya kong gawin kung makikilala ko siya nang buong-buo. handa akong masaktan sa mga pathy ng buhay niya at halu-halong sensyales, masabihan niya lang din ako ng “‘tol, i love you.”
hindi man duplikado ang kwento namin ni carson, may isa namang pagkakatulad ito. iyon ay ang matagal-tagal ko ring mamahalin si dio.
nagmamahal, lia.
110426
Orihinal na imahe ng may akda. Kinuha noong Mayo 20, 2025.
kaya patuloy lang ako sa iyo’y pumapantasya.
“ikaw, gusto mo bang matutong magmaneho?” madalas na tanong sa akin ito ng pamilya ko. lumaki ako sa sambahayang marunong magsimaneho ng motorsiklo at kotse. nasanay akong palaging hinahatid sa mga destinasyon, sinusundo kapag ninanais ko nang umuwi. sa kabila ng pribilehiyong ipinaranas sa akin sa pagkakaroon ng sasakyan, hindi ko kailanman ginustong matuto magmaneho.
hindi ako marunong tumantsa ng distansya. lagi akong nagkakamali sa pagtawid dahil natatakot akong maabutan ng paparating na trak kahit malayo pa naman ito. natatakot akong masagasaan ng kotseng sinasakyan ko ang aso na nasa kalsada kahit nasa pinakagilid naman ito. palagi akong nahuhuli sa mga okasyon dahil mas malayo pala kaysa sa tantsa ko ang destinasyon nito. hindi naging magandang bagay sa buhay ko ang ganitong ugali ko.
kung gaano ako kahina sa distansya ng mga kalye, ganoon din ako kahina sa distansya ng koneksyon ko sa tao.
hindi ko alam kung kailan ako dapat lumayo sa isang tao. hindi ko kayang tantsahin kapag mali na ang pakikitungo nila sa akin. mahina ako sa panghuhula kung masiyado na akong nagiging tanga. hindi ko tiyak kung liliko na ako at tatalikod sa pagkakaibigang ilang taon nabuo. hindi ko tiyak kung ilang kilometro ang dapat na layo ko sa taong labis kong minamahal, lalong-lalo na sa iyo.
isang dangkal man o isang dagat ang pagitan natin, sa ‘di mawaring dahilan, napakahirap mong bitawan. gaano ka man kalayo sa akin, kahit languyin mo ang karagatang pasipiko upang takasan ako, ang puso ko ay laging sumasagwan para sagipin ka. tunay ngang wala akong kakayahang suriin ang sitwasyon kung malapit o malayo na ito sa kapahamakan. tumitigil ang pagsulong ko sa buhay dahil nagkakamali ako sa distansya kung babanggain mo ba ako o lalampasan paalis.
hindi sakop ng kakayahan ng katawang lupa ko ang magmaneho; takot ako sa kalsada. takot ako sa kakulangan ng katiyakan sa mga distansya. ngunit isang malaking katatawanan na hindi ako natatakot pagdating sa napakakumplikadong pagkatao mo. hindi ako takot magulungan ng bigat ng nararamdaman ko, hindi ako kailanman kinabahan sa mga kapahamakang dadadausdos sa puso’t isipan ko kapag ikaw na ang nagmamaneho. isa nga talaga akong hipokrita tuwing inuugnay sa iyo.
hindi ko kayang tumantsa ng distansya, hindi ko makita ang sukat ng layo mo sa akin. kahit halos sagasaan mo na ako sa ibabaw ng malamig na semento, patuloy lang ako sa iyo’y magpapantasya.
nagmamahal, lia.
072726
Orihinal na imahe ng may akda. Kinuha noong [-]
a mother’s day special
kada gabi, mabigat na katawan at nanlulumong mga paa ang pumapasok sa pintuan ng bahay. minsan ay dahil sa pagsampay ng mga basang damit, madalas ay dahil sa buong araw na pagharap sa kompyuter at pagpila sa terminal ng jeep para lang mairaos ang apat na tao. ano pa man ang dahilan, ang ulap na bumabalot sa kanya ay lagi rin kaming nauulanan.
masakit magsalita si mama. hindi niya kami kailanman minura, pero minsan naiisip ko na parang ganon lang din kasakit ang mga sinasabi niya. tulad na lang nung mga panahong hindi ko pa kayang tignan ang sarili ko sa salamin at may mga dugong lumalabas sa kaliwa kong braso, isa si mama sa mga naging rason nito. isa si mama sa mga nagtulak sa aking paniwalaang wala akong kalalagyan sa mundo. pero nahirapan akong maintindihan, kasi siya rin ang naglagay sa akin dito.
ngunit kahit alam kong hindi niya naman gustong mangyari ang mga iyon, may parte pa rin ng pagkabata ko ang habang buhay nang may sugat dahil sa kaniya. matalinong tao si mama, matulungin, at masipag. pero may mga minutong ang tanging bukambibig niya lang ay ang mga pagkakamali ko, parang parte ng araw niyang budburan ng asin ang mga sugat ng pagkatao ko; ang pagkatao kong sa kaniya rin naman nanggaling.
sa kabila ng lahat, hindi ko rin maiwasang isipin kung gaano kalayo sana ang narating niya kung wala ako. kung hindi niya piniling iluwal ako at hagkan. iniisip ko na maaaring kasalanan ko rin kung bakit siya nagkakaganito. siguro, kung nagbago man ang ihip ng panahon, ngayon ay nakakatapak na siya sa mga lugar na gusto niyang puntahan; ninanamnam na niya siguro ang pagdampi ng mga sakura sa kaniyang balat, isa na sana siya sa mga lumalaban para sa bayan, at nakamit niya sana ang pangarap niyang maging accountant.
ang edad ko ngayon ay ang edad ni mama noong ikinasal siya. dulot ng kaniyang pagtitiis na mairaos kami sa hirap, naging maswerte ako upang makaranas ng mga bagay na hindi niya naranasan noon. ang mga kagustuhan ko ay naibibigay nila sa akin, may oras akong alagaan ang sarili ko palagi, may pagkakataon akong hubugin ang mga talento ko, at higit sa lahat, unti-unti ko rin nakakamit ang mga pangarap ko sa buhay. nilusong ni mama ang baha ng reyalidad upang hindi ako matulad sa kaniya, binigyan niya ako ng buhay na punong-puno ng oportunidad at pagmamahal.
kaya naman binabagabag ako araw-araw ng tanong na: totoo kayang kami ang buhay niya, o sadyang wala nang ibang nakalathalang kwento ang langit para kay mama kaya wala siyang ibang magagawa kundi tanggapin ito? dahil noong unang mga buwang malambot pa ako at singbigat lang ako ng tatlong kilong bigas, parehas lang din kaming bata.
maaaring kami na talaga ang tadhana niya, at handa siyang isakripisyo ang lahat para sa amin. kung gayon talaga, tanging kamay at yakap ko na lamang ang makakatulong sa kaniya. dahil bagamat nalalasahan ko lagi ang pait ng mga salita niya sa ulam naming pamilya, siya lang din kasi ang rason kaya may ulam kaming nakahain. siguro, sapat na iyon bilang kapalit.
LIA 051026
Orihinal na imahe ng may akda. Kinuha noong Agosto 11, 2025
pagmasdan ang makatang kagandahan, damhin ang saglitang giliw na hindi mapapasaakin.
tuwing pebrero, ang dangwa ay tila ba nagiging isang peryahan, pinupuno ng tao kada sulok ng mga daanan at tindahan. bawat yapak ay may halong bigat ng pagpili sa kung anong bulaklak ang sakto sa hugis ng puso ng kanilang mga minamahal. kada talulot ay sumisimbulo ng mga sagot sa katanungang araw-araw gumagambala sa ating isipan, kada halimuyak ay nagpapaalala ng mga oras na nahahawakan natin ang kanilang malalambot at mabangong mga kamay.
kung ako ay papapiliin kung saan kita laging naaalala, pipiliin ko ang mga bulaklak, o mas partikular siguro kung isang rosas. isa kang simbolo ng pagmamahal, ito ang pinakamagandang bagay na alam ng lahat tungkol sa iyo. binibigay mo ang puso mo sa lahat ng mga nagmamahal sa iyo at mga minamahal mo. kulang na lang ay putulin mo na ang iyong daliri tuwing may reregaluhan kang kaibigan, kulang na lang ay ipabatik mo na sa braso mo ang salitang “pagmamahal”, kulang na lang ay magpaa ka sa putikan para lamang maipahiram sa iba ang suot mong sapatos.
kaparehas ng isang rosas, may taglay kang kagandahang hindi mapapantayan ng ninuman. ang mga mata ko ay nababasbasan tuwing nakakasulyap ako sa gawi mo, na parang ang Maykapal ay hinulma ka mula sa ulap patungo sa sarili Niyang mga kamay. tuwing katabi at tinititigan mo ang mga magagandang tanawin, hindi ko maiwasang maisip na baka ginawa ang mga iyon para sa iyo, na baka ang lahat ng bagay sa mundong ito ay kapalit lamang ng walang katumbas mong pagmamahal.
ngunit tulad ng lahat ng bulaklak, ang halimuyak ng isang rosas ay napapawi. ang rosas ay kalaunang nalalagas at nabubulok, lalo na tuwing napapabayaan. ang kulay nito ay nauubos, mula sa namumulang kinang ng bawat talulot, hinihigop ng panahon ito patungo sa walang buhay na pangingitim. kaparehas nito ay ang paglayo ng mga yapak mo mula sa akin, ang paglaho mo sa kawalan, at ang pagkabura mo sa kwentong nabuo ko na tungkol sa atin. subalit kahit ano pa man ang iyong kahihinatnan, sa paglipas ng mga taon, ang giliw na nararamdaman ko para sa iyo ay nananatili pa rin.
tulad ng rosas na binigay mo sa akin siyam na buwan na ang nakakalipas, ilalagay kita sa mahalagang parte ng puso ko. iiipit sa pagitan ng mga pahina ng akdang naglalaman ng kwento nating hindi nasimulan, ni nagtapos. na kahit kamukha ng mga bulaklak na madaling madurog, hahawakan ko ang mga alaala natin nang maingat, gagawin ko ang lahat ng makakakaya upang manatili ka sa mga palad ko. dahil isa kang natatanging rosas na kahit saan ko mang hardin muling hanapin, sa sandaling dumampi na ang talulot sa lupa, ay wala nang anumang makakapalit.
nagmamahal, lia.
050826
Orihinal na imahe ng may akda. Kinuha noong Enero 24, 2025
at mukhang hindi ko na ulit ito gugupitan ng kasing-ikli.
mahigit sandaang mga dapithapon na ang nakakalipas simula noong huling beses akong nakaramdaam ng pagkabata. tila ba kada paglubog ng asul na langit at pag-ahon ng buwan, unti-unti ring iniiwan ang mga taon kung saan humahagikhik pa ako sa ilalim ng mainit na araw. ang mga taon kung kailan nararamdaman ko rin ang malamig na simoy ng hangin sa aking mga batok, kasabay ng pagtakbo ko patungo sa iskwela; ang mga taon kung saan maikli pa ang buhok ko.
sabi nila, high school days daw ang pinakamasaya sa lahat ng karanasan ng isang estudyante. hindi ko maikakaila ito, dahil sa loob ng halos dalawang dekada kong paghinga, noong estudyante ako ng hayskul naging pinakamasaya. ibinaba ang langit at pinayagan akong maranasan ang kasiyahang singliwanag ng araw at singlambot ng mga ulap. niyakap ako ng mga alaalang nakasama ko ang mga taong bumuo sa puso ko.
softdrinks, tsitsirya, uniforms, panyo, payong, tawanan, at kulitan ang bumubuo sa bawat hapon at gabi pagtapos ng iskwela. maghihiraman ng barya pangpamasahe o pangtawid gutom sa buong araw na ensayo, sama-samang maliligaw papunta sa bahay ng kaklase sa may marikina, at magsisisihan sa mga parte ng research na hindi pa rin matapos-tapos. pero pagsapit ng gabi, bago maghiwa-hiwalay ang mga landas, lahat ay nakukuha pa ring magbati at ngumiti para sa pagkuha ng mga litrato. sa mga litrato nating itinatabi ko hanggang ngayon na tanging paraan ko na lamang para bumalik sa nakaraan. dahil kahit ilang coke pa ang inumin ko, o kumain man ako ng isandaang chicken pastil — hinding-hindi ko na mababalik ang mga pagkakataong magkakasama pa tayo.
ibang-iba ang samahan ng mga batang subalit may kanya-kanyang lumbay, ay nagkakaparehas pa rin sa layo ng ambisyong mangarap. walang lubid na mas mahigpit pa maliban sa ginintuang pagkakataon at class masterlist na pagsasama-samahin kayo upang hawakan ang kamay ng isa’t-isa kada yapak paakyat sa inyong ikatlong palapag na klasrum. kada takdang-gawain na iiyakan at kada panggrupong proyektong pag-aawayan ay maliit na kapalit lamang sa sandamakmak ng biyayang mga ngiting hindi na kailanma’y mauulit.
kayo ang konkretong ebidensya ko na pag-ibig lagi ang sagot at ang mananaig sa mga sitwasyong walang sino man ang may kayang umintindi. parang tadhana na ang naglakad paharap at kusang-loob na binurda ang mga pangalan natin sa watawat ng buhay. nagkakilala, nagmahalan, at nagpaalam sa pinakatamang panahon ng ating karera. hindi na ito mauulit lahat, at siguro iyon na ang nararapat. isang biyaya at kalungkutan ang hindi na uli kayo makasama, dahil bagamat wala nang paraan upang maranasan iyon sa isa pang pagkakataon, ay masaya ang dating ako na tumugma ang ating landas sa linya ng mga bituin at nagkasama tayo sa mga oras na pinaka-kinailangan natin ang isa’t-isa.
ang mga bumuo ng pagkabata ko ay magpakailanmang nakaukit sa bawat sulok ng aming syudad, sa kada kwadernong naglalaman ng kanilang sulat-kamay, at lalo na sa mga lamang-loob kong mabubulok ngunit mananatiling hinog pa rin sa nagdaang pagmamahal nila. sa huling pagpikit ng aking mga mata, ang mga alaala ng mga taong tila ba kabanata sa librong nilathala para sa akin ang huli kong makikita. at sila ang nasa unang pahina.
sapagkat ang pinakamahalagang alaala ng buhay ko, ay ang mga panahong maikli pa ang buhok ko.
LIA / 031626
Original photo by lia. Taken on November 09, 2024
i could cruise along with you.
for centuries, it has been a misconception that dreams, whenever we sleep, are opposite of our reality. that nightmares are only a mere reflection of our fears and hideous thoughts that manifest itself as a threaded fabric of imagination. a reason why our dreams often show a broken decision that we could’ve made or regrets that we left on our footprints toward the life we now have created.
in a very small possibility, what if a dream occurs where you are the happiest you could have been?
i used to never write my thoughts down into spaces which is available to anyone. specifically, i used to never write into comprehensible essays or any letters that consists of artistic elements for the world to see. it all began with my muse. my thoughts of them came tumbling and swirling in my head, which poured its only way out through my writings. thus, i deeply and genuinely wished for them to read every piece of my heart, i hoped for them to want to reach my mind and untangle the complicated sentiments i had.
my wishes came true, only it happened in my dreams. those misted blurry scenarios brought a precious yet fabricated moment with you. i could see you reading my articles, carefully highlighting parts you felt closer to, and to top it all off, you composed your own piece as a response to my thoughts, my small act of offerings. it was something you would wholeheartedly do, but only maybe as a pity, a pity to the heart you unintentionally shatter a million little times.
even in the depths of my consciousness, i remember you — i see you. those dreams are the closest i can be to your presence. we walk in the same city, and we bathe under the same sun, but i could no longer fall with the certainty that you’ll catch my aching body. you were so close and yet so far beyond my orbit. the universe, as an act of compassion, only brought us together in a fantasy inside my mind. hoping to mend the blisters i formed in my own hand, trying to push walls of yours and fate to reach you. it’s been a torture that i laid on myself.
at least in my dreams, i could love you in freedom. i could see you look at me, and i do actually cross your mind. at least in my own curvatures of clouds, i could cruise along with you.
forever and always, lia.
021326
Original photo by lia. Taken in February 02, 2025
i hope my love has imprinted your soul in a way that you cannot undo.
i hope i touched your heart in a way no one ever did. i hope i left a mark in your life by etching those inks in the paper you now own. i hope i was your farthest dream, a dream that you cannot love. i hope i was even thought as a dream. because you are mine, my one and only.
to haunt is to get haunted. i hope you can see me, too. in the trees, in the sunlight, and in the roads of our town. i hope you know that i have always been the one willing to love you, a love that you would not find in anyone, anytime.
whenever you see the sun, i hope discomfort will seep through the holes of your heart. to think of me in the ball of fire across the sky, every morning as you become, shall be your punishment, too. a punishment we know you never deserve, yet it is something i wish in the back of my mind.
time by time, wishing you to remember has been nothing but a prison to me and only me. sometimes i do not want to wish you happiness — but creeping nostalgia. for you to fall down and crawl to the memories of a time where i am in it. to be creepily aware of a love that you let slip away. i wish to hurt you slowly and constantly like how i deeply feel for almost two years now.
you are a mirror of my existence. and i am deeply truly sorry of wanting to live in your orbit, of wanting to hold you and hurt you. almost reaching you than reaching nothing at all have always been a curse to me. it gave me an aching feeling nothing ever compared. to feel your presence behind me — to look back and see nothing but your footprints have its way of destroying my heart pieces into pieces. my love molded a dark heavy cloud that i wanted to also pour onto you, the kind that will follow you everywhere.
and with that, maybe i am really the only one who’s left behind.
LIA / 020526
Orihinal na imahe ng may akda. Kinuha noong Hunyo 09, 2023
kaakibat ng pagmamahal ang munting mga hiling.
minsan na nating maririnig ang katagang ito bilang pabirong pasasalamat. nakakatuwa man, ngunit ang nais pakahulugan nito ay mas malalim pa sa kaniyang panglabas na kaanyuan.
salamat sa regalo. sana masarap ulam ninyo araw-araw.
sa bawat pintig ng ating puso, kaakibat nito ang walang humpay na pagmamahal natin sa isang tao. kasabay ng pagmamahal na ito ay ang kahilingang nasa mabuti silang kalagayan, kahit wala ka man sa kanilang tabi. tila araw na nagbibigay liwanag sa mga nilalang na mayroon at walang hiningang nakatayo sa mundong ibabaw — tayo ay nagiging mabusisi, mapagmatyag, at maalaga sa bawat galaw ng ating mga minamahal.
dito nasusubok ang mga bagay na kaya nating isama sa kada hibla ng ating panalangin, ang mga tulang kaya nating lagyan ng hiwaga sa bawat baybay, at ang mga tsinelas na kaya nating ipahiram kahit pa maging kapalit nito ang paglalakad nang nakapaa.
mula sa atin, patungo sa palad nila — humihiling tayong lagi silang masaya sa kanilang simpleng buhay. at ang pagkaing pinagpala tayong maihain sa mesa, ay isang uri ng kasiyahan. ang pagkayod upang makabili ng karne at gulay, ang pagpili ng kalidad na produkto sa palengke o talipapa, ang maingat na paghiwa at pagtantsa sa bawat sangkap, ang paglagay nito sa kawali, at ang paglipat nito mula sa pinggan patungo sa ating mga dila, ay biyayang nagbibigay ng simpleng kaligayahan sa atin.
hindi man natin pansin, ngunit ngumingisi ang ating mga labi kapag masarap ang luto ni nanay, kapag paborito mong ulam ang nabili mo sa karenderya, o kapag perpekto ang paggawa mo ng sarili mong sinigang. minsan ay naiisip pa natin “sana nandito sila para matikman din ito” sa tuwing umaakto ang tadhanang harang, pagpigil na tayo ay mapalapit sa mga malapit sa ating puso.
ang mga simpleng pag-alala sa kanila sa maliliit na bagay at ang paghiling na sana ay nasa parehas silang kalagayan tuwing tumatalon tayo sa tuwa ay madalas paraan ng pagpapakita natin ng pagmamahal. bumabadya sa isip na sana, sa kahit maliit lamang na bagay, nahahanap nila ang kagandahan ng buhay.
dahil tulad ng laurel na nasa gilid lamang ng ulam, ninanais ko pa ring mapasarap at mapabango ang bawat paglanghap mo sa hamon ng pagkakataon — kahit ang kalapitan nati’y unti-unting napaparam.
nagmamahal, lia.
020726
Original photo by lia. Taken in April 25, 2025
naiisip kita.
unknowingly, you bare the weight of the best version of me and my memories. all will pass; all will subdue over the future we have handwritten ourselves. but the young and naive version of me, in love and carefree, will forever be yours.
the sunlight beaming the four-cornered room that served as our sanctuary, the laughters that echoed over the hallway, the happiness that aches in our hearts in those times — it was more than a feeling; it was an era. an era all of us pour our souls into. excited to start everyday despite pulling an all-nighter, just to spend the remaining years of our youth in welcoming arms.
it brought us probably the last and greatest bloom of our selves before stepping into the real and cruel world. lessons filled the dailies of us as a family; learning and teaching each other to be better, to be kind. the year ended with smiles and tears that painted our faces us we hugged each other goodbyes.
and me, from those moments almost a year ago, is yours. i give you the last years of my youth, for i know that it will be safe in your heart. i will remember you, the same way i know you will remember me too. the same way i know that we will both cling onto those times, cherishing the friendships we made for as long as the sun and moon shall endure.
you have been my light, the chambers of my heart, alongside the family that surrounded us. to offer you the end of a beautiful shining era of my life, hoping you will offer me yours too, is my most intimate kind of loving and remembering.
forever and always, lia.
010926