Stories by muwaı on Medium
mga letrang patama ko sa'yo
kumpas ng iyong kamay, aking taimtim na minamasid,
ang pagpitik ng iyong daliri, ay siya ring bumubuhay sa natutulog kong hikbi.
hikbi — dahil katotohana’y hanggang titig at palakpak lamang ang kayang maipamalas,
sa gitna ng taong binubulgar ang lihim kong sulyap ng pag-ibig kong nais sa iyo’y iparanas.
una kang kinausap, tinig mo'y biglang dumagundong,
wari kong mikropono ang nararapat sabihan, ngunit bakit sa aking puso ika'y bumulong.
lihim ang pagkatulala, sa titig mong nais kong ipagsigawan,
nang tinig mo'y aking nadinig, sapul — ako'y tinamaan.
sa ikalawang beses na ika'y nasulyapan, napukol ang aking mata,
tahimik kang tinatanaw, habang kirot ang ramdam kong banta.
alam ko namang hindi nararapat, ngunit titig sa iyo'y hirap makawala,
kaya't sa piyesa ko na lamang — kahit dito, kaya kang isigaw sa madla.
hindi naman nila malalaman, hindi ba?
hindi naman nila alam sa ilusyon kong ika'y minamasid sa malapit na dalampasigan,
hindi naman nila ramdam ang pintig ng puso kong sa iyo'y kumakapit nang ika'y dumaan,
at lalong hindi nila kayang ipaliwanag ang pangyayaring mahirap bitawan,
nang makasalubong ang iyong landas sa may bandang tawiran.
kapiraso
simoy ng hangin ang nagpapaalala sa akin ng mga gunitang kailanma’y aking babalik-balikan. ang mga sandaling kasiyahan ay masasabing mga bulaklak sa hardin na kahit malanta ay may halimuyak pa ring aalingawngaw.
naalala mo ba ang sandaling ika'y nasa duyang pambata? winasak ng pagtalon mong may kasamang hampas sa akin. dati'y nagduduyan ako nang may kasamang hampas ng aking mga pilyong kasama. ngayo'y nagduduyan ako nang may kasamang hampas sa lamok na hiling kong kayo na lang ulit ang magpakita.
mga tawang pinagsaluhan natin, parang ibon sa hanging kahit umabot ang lipad sa himpapawid ay hindi mawawala ang awitin. paano ko babalikan ang mga sandaling iyon? paano balikan ang gunitang puno ng hagikhik, hilik, at sakit ng pagmamahal? paano na? kung mga alaala niyo’y unti-unti nang nabubura.
ayaw ko pa.
mananatili ang tinig niyong aking musika.
pumuti man ang buhok ko,
ang araw na kasama kayo,
ay ang araw na babalik-balikan ko.