Stories by nilumangsining on Medium
pangalan mo pa rin ang aking bibigkasin.
Goyo
Ako’y hindi mananampalataya ng tadhana ngunit ikaw, ikaw ang naging panimula ng lahat ng aking paniniwala.
Sa unang sulyap, wari’y may lihim na panawagan ang kalawakan. Sa bawat salitang binitiwan mo, ako’y unti-unting napalapit sa kawalang katiyakang pag-ibig na wala sa balangkas ng plano, ngunit isinilang sa pagitan ng mga ngiti mo.
Ikaw ang una. Ang una sa lahat ng aking hindi pa nauunawaan. Sa iyong piling ko lang naranasan ang pagyakap na tila tahanan, at ang halik na tila panata.
Ngunit ang pinakamasakit sa lahat—ikaw rin ang huli. Ang huling sinambit ng puso kong nangarap ng habangbuhay, ngunit naputol sa isang iglap ng pagtaliwas.
Hindi ako galit. Sapagkat sa bawat sakit ay kaakibat ang patunay. . .na minahal kita. Sa paraang hindi ko inakala, at sa lalim na di ko muling masusukat.
At kung may pagkakataong muling ilarawan ang tunay na pag-ibig, pangalan mo pa rin ang aking isusulat.
Dahil sa huli, kahit masakit, kahit wala ka na—ikaw pa rin. Ikaw na hindi ko na babalikan, ngunit habang-buhay kong babanggitin sa bawat taludtod ng alaala.
Ikaw ang una.
Ikaw rin ang huli.
At sa puso kong iniwan mong bitin,
Ikaw ang tula na walang wakas.
hindi sa luneta, kung hindi sa puso mo.
Sa panahong ang puso’y wala pang latay ng pagsiphayo, ikaw ang bituing naminsan ay naging gabay sa aking bangungot.
Sa silong ng gabi, sa pagitan ng hikbi’t halakhak, tayo’y nagsukob. Hindi sa ulan, kundi sa iisang pananabik.
Ngunit anong silbi ng sigaw kung ang tinig ay nalulunod sa katahimikan? Anong saysay ng yakap kung ang init ay pinapatay ng lamig ng paglimos sa damdamin?
Ako’y naging saksi sa unti-unting pagguho ng ating tahanang gawa sa pangako. Bawat dingding, binutas ng pagdududa; bawat haligi, tinibag ng paglimot.
Sa niluma mong mga mata, nakita ko ang sarili kong unti-unting nawawala. At sa huli, ako na lamang ang nanatiling kumakapit sa panaginip na matagal mo nang pinalaya.
Hindi ako iniwan, bagkus ako’y iniwanan.
At sa paglayo mong walang pamamaalam, naiwan sa akin ang tanong: “Ako ba’y tunay mong minahal, o ako lamang ang naging pahingahan sa panandaliang pagod mo sa mundo?”
Ngayo’y ako’y bulag na makata. Naglalamay sa mga taludtod ng alaala, habang ang tinta ng pluma’y dugo ng pusong niluray ng lumipas.
Ang iyong pangalan, noon ay musika; ngayo’y anino ng sigaw sa loob ng katahimikang ako na lamang ang nakaririg.
Ako’y hindi nagtatampo sa tadhana. Sapagkat kahit ang buwan ay lumilipas, iniwan nito ang liwanag na minsan kong tinanaw. At kung darating ang gabing muli kang dumaan sa panaginip kong uhaw sa alaala, tatanggapin kitang muli—hindi upang angkinin, kundi upang pakawalan nang may ngiti sa aking labi.