Stories by Sebastian Kriz SIEGA on Medium
Larawan Hinango sa Abante Tonite
Nagprotesta ang mga Shopee delivery rider at manggagawa sa opisina ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo o Department of Labor and Employment (DOLE) matapos magbago ang desisyon ng punong kalihim ng Association of Genuine Labor Organizations (AGLO) na si Eduardo Laurencio sa pagsang-ayon sa karapatan ng mga empleyadong mag-organisa ng unyon.
Noong Disyembre 27, 2022, sa orihinal na pasya, pinili ni Laurencio na suportahan ang karapatan ng mga manggagawa na magkaisa, ngunit nagbago ang kaniyang desisyon pagkalipas ng dalawang araw.
Nangangamba ang mga manggagawa sa naturang pagpapasiya sapagkat binibigyan nito ng karapatan ang kumpanya na sibakin sila sa kanilang trabaho nang basta-basta.
Galit din ang mga manggagawa kay DOLE Kalihim Bienvenido Laguesma sa pagpapaasa niya sa kanila.
“That’s a pending case, if ever, which can be the subject of an appeal or a motion for recon or even a petition before the CA (Court of Appeals) and the SC (Supreme Court),” ika ni Laguesma sa isang text message. “So it might not be appropriate for me to [make] comments on the matter. I have already requested for a factual background of the matter,” dagdag niya.
Nakibahagi sa protesta ang dating kandidato sa pagkapangulo na si Leody De Guzman upang ipakita ang kaniyang pagsuporta sa mga manggagawa.
“Sila ‘yung bumuhay sa atin noong panahon ng pandemya. Regular silang nag-deliver sa atin ng pagkain, ng gamot, ng gatas, e bakit hindi sila regular ngayon? At sila’y contractual pa rin, wala silang job security?” giit ni De Guzman.
Hinahangad ng mga manggagawa ng Shopee na maglunsad ng mas malaking kilos protesta hanggang sa mapilitan ang DOLE na baguhin ang desisyon nito.
Mga manggagawa ng Shopee, nagprotesta was originally published in An Pukot on Medium, where people are continuing the conversation by highlighting and responding to this story.
Larawan Hinango sa Wow Presents Plus
Mabuheeey!
Kamakailan lamang nagtapos ang Drag Race Philippines. Ito ay isang timpalak sa telebisyon na kung saan naipamamalas ang taglay na galing ng drag queens sa bansa.
Dapat Pakak!
Labindalawang kalahok ang pumasok sa Werk Room at itinanghal ang magagarang kasuotan sa mini at maxi challenges habang ipinakikita ang kanilang kasiya-siyang mga katangian.
Larawan Hinango sa Entertainment Weekly
Malikhaing itinampok ang tradisyonal na kasuotang Filipiniana sa terno look ng drag queens sa unang episode. Sa unang tingin ay agad na makikilala ang mga elemento ng kasuotang Filipiniana kagaya ng butterfly sleeves at panuelo sa suot nina Lady Morgana, Brigiding, at Xilhouette.
[L-R] Lady Morgana, Brigiding, at Xilhouette (Larawan Hinango sa Drag Race Philippines)
Itinampok naman sa mini-challenge ng ikalawa at ikaapat na episode ang mga kilalang larong Pinoy na Palosebo at Chinese Garter.
Para sa maxi-challenge ng ikaapat na episode, nagpanggap ang mga drag queen bilang Original Pinoy Music (OPM) Divas, kung saan naging guest judge ang tinaguriang Gay Icon ng Pilipinas na si Regine Velasquez.
Larawan Hinango sa ABS-CBN News at Crushing Krisis
Sa ikatlong episode ay itinanghal ang kwentong-bayan ng bansa sa pamamagitan ng paglalapat ng glamour. Makikita ito sa bersyon ng manananggal ni Vinas Deluxe, albularyo ni Minty Fresh, at siyokoy ni Marina Summers.
[L-R] Vinas Deluxe, Minty Fresh, at Marina Summers (Larawan Hinango sa Crushing Krisis)
The time has come…
Tuwing gabi ng Miyerkules ay may isang nagpapaalam o nagsa-“Sashay Away” at ang isa ay nagsa-“Shantay, You Stay” o nananatili matapos magtuos ang bottom two sa pagli-lipsync. Ikinagulat ng mga manonood nang magkaroon ng “Double Shantay” sa kauna-unahang pagkakataon na kung saan napauwi sina Brigiding at Minty Fresh.
[L-R] Brigiding at Minty Fresh (Larawan Hinango sa PEP)
Puso, puso, at puso
Kasabay ng sayang dulot ng drag queens ay ang pagtalakay sa kanilang mga karanasan bilang miyembro ng LGBTQ+ community sa Pilipinas.
Pighati ang hatid ng kwento ni Gigi Era. Binubugbog siya ng kaniyang ama noong bata pa siya nang malamang siya ay isang bading. Matindi ang idinulot nito sa kaniya at kahit sa panaginip ay dala niya ito.
Gigi Era (Larawan Hinango sa Gay Times)
Ginawang masamang halimbawa naman si Vinas Deluxe ng kanyang mga guro sa harap ng kaniyang mga kaklase bunsod upang pilitin niya ang sariling magpaka-straight sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa isang babae.
Viñas Deluxe (Larawan Hinango sa Gay Times)
Sa pamamagitan ng Drag Race Philippines, nailalahad ang uri ng drag mayroon ang mga Pilipino, at naipakikilala ang kultura ng Pilipinas sa buong mundo. Bukod sa aliw na hatid ng palabas, ito ay nagsisilbing kinatawang plataporma ng LGBTQ community upang maibahagi sa lipunan ang kanilang mga karanasang dinanas o dinaranas. Dito ay nasasalamin ang kahalagahan na pag-usapan at mas kilalanin at isulong pa ang pantay na mga karapatan ng LGBTQ+ community.
Kinang ng Drag Race PH was originally published in An Pukot on Medium, where people are continuing the conversation by highlighting and responding to this story.