Stories by rai on Medium
basag sabay guhit.
hindi ko na magawang husgahan ang kung sinumang humihipak ng kung anong klaseng usok. malamig, humahagod, kumakapit. nakakahilo. nakakaikot ng paningin. nakakamanhid. na parang nag-aalok ng panibagong labasan patungo sa paraiso.
hindi ko na rin magawang taasan ng kilay ang kung sinumang pumipiling lumagok ng mapait na likido. gumuguhit, nakakaubo, nakakaduwal. nakakapang-init. na para bang ito nalang ang lubid o sinulid ng isang saranggola—hinahayaang manatili ang mga paa sa mainit na damo’t lupa.
hindi ko na kayang magalit sa kung sinumang naghahangad ng panandaliang saya at ginhawa. kung noon ay hindi ko kayang titigan sa mata ang taong pilit na nagbubuga ng usok sabay lumalagok ng alak, ngayon ay kayang-kaya ko na. marahil sa ngayon, ako na mismo ang taong kinamumuhian ko noon.
hindi ko na masisi ang kung sinumang naghahangad ng panandaliang kapayapaan sa impluwensya ng mabaho o mabangong usok, at sa kapaitan ng iba’t-ibang alak. wala pa rin kasing tatalo sa putanginang kapaitan ng buhay at tadhana na ito. kung ito na lamang ang siyang magpapamanhid sa sugatan at duguan kong isip at kaluluwa, sino naman sila para husgahan ako?
hindi ko na kayang magalit sa mga taong nagbabasag ng kung anong bagay para lang guhitan ang kanilang namamanhid na mga braso. kukuhanin ang bawat bubog at dadagdagan ng pulang linya ang pala-pulsuhan. mahapdi. makirot. aagos ang dugo. tangina. kung ano ang masakit, doon mo lang mararamdaman at mapapatunayang buhay ka.
aabot sa patalim, sabay dagdag ng panibagong linya. tititigan ang likidong umaagos pababa sa malamig at maruming kobre kama. isa. dalawa. tatlo. hanggang umikot ang mundo. tangina, sinong nagsabi na kailangan kong makaramdam ng kirot para masabing buhay ako?
hihipak ng usok
sasabayan ng matinding lagok
ibubuga ang mapait na humagod sa lalamunan.
magbabasag ng bote, ng salamin
aabot ng patalim
sabay guhit ng ilang linya
para lang maramdaman na buhay pa ako.
tititig sa pulang dagat ng galit, awa, at kadesperaduhan
dadamhin ang pangangailangan para sa kapayapaan.
hindi ko na kayang magalit sa inyo,
sa kung sinuman ang nakita kong gumagawa nito noon.
dahil sa bawat pagmulat ng mata
tumatayo ako sa harap ng salamin
at nakikita ko sa tapat nito ang dati kong kinamumuhian.
ang katawan kong sugatan,
brasong duguan,
malamig at tuyo na lalamunan,
punong tiyan.
hihipak ng usok, sabay lagok
kukuha ng patalim, sabay guhit
para lang maramdaman kong nandito pa rin ako
sa lupang tinubuan.
https://pin.it/40xWDcDVo
sa pamamaraang ito, mananatili ako–mananatili ang piraso ko sa kaluluwa mo’t bibisitahin ka nito sa bawat pag-ikot ng kamay ng orasan. paaalalahanan ka nito na ni minsan sa buhay nating dalawa ay pinagbigkis ang bawat sinulid ng ating mga puso–akin ma’y sugatan, mabilis ang tibok, at hindi malaman ang nilalaman.
hindi madali sa akin ang pag-alis. ang pag-iwas. ang pagkalimot sa bawat memoryang iniukit mo sa isipan ko–ang pagbaon sa lupa ng boses at mga tawa mong pinagdasal kong hindi ko makalimutan. hindi magiging madali para sa akin ang lumisan. hindi magiging madali para sa akin ang pag-iwan ng kakarampot na piraso ko upang maalala mo.
aalis. titingin pabalik. iiyak. kakalimutan. maaalala. babalik. paulit-ulit. ngunit para na lamang tayong piraso ng mga basag na plato na pinagpipilitang pagkasyahin ang isa’t-isa. na sa kahit anong subok ko upang manatili, tila’y sinasaksak nang paulit-ulit ang puso’t baga ko kung kaya’t hindi ako makahinga. para akong sinasakal. para akong pinagbabawalan. para akong pinipigilan.
mapagpalaya raw dapat ang pag-ibig. nang marinig ko iyon ay napagtanto ko na hindi ito tama. hindi ako tama. hindi tayo tama. kung sa bawat oras na sinusubukan nati’y pakiramdam ko ay isa akong nakapiit sa preso. hindi ko kayang manatili kung ang dulot lang nito sa akin ay kahirapan sa paghinga. kakulangan sa pagtulog sa gabi. pagdugo ng puso kong akala ko’y naghilom na.
hindi madali para sa akin ang paglisan sa tabi mo, pero hindi ko kayang hayaang dumugo nang tuluyan ang puso ko. hindi ko kayang manatili sa isang lugar na wala akong puwang.
paumanhin at ako’y umalis–hindi mo na mahahawakan ang aking mga kamay, hindi mo na maaamoy ang aking buhok. pero sana’y itago mo na lamang ang anumang naiwan ko sa kaluluwa mo. dahil sa pamamagitan nito ay pinapaalala ko sa iyo na ni minsan sa buhay mo ay nangyari ako.
paths, niki.
sa pagkakataong mas nakasasakit na ang pananatili kaysa sa pag-alis, mas pinipili nating isalba ang natitirang buong piraso ng sarili natin.
sinasalba natin ito sa pamamagitan ng pag-alis—kahit labag sa loob. kahit mabigat. kahit pa na naghuhumiyaw ang puso mo sa sakit at hindi pag-payag.
siguro nga’y hindi karapat-dapat na magtagpo tayo sa panahong ito. siguro’y hindi dapat na tayong dalawa ang maghari sa puso ng isa’t-isa. maaaring may darating muna ulit sa buhay natin bago tayo tuluyang hayaan ng tadhanang magtagpo muli. bago tayo nito tuluyang hayaan manatili sa puso at isip ng isa’t-isa. bago tayo nito tuluyang payagang panaginipan ang bawat isa na nakatira sa ilalim ng iisang bubong. pagi-isang dibdib. pag-abot ng mga pangarap.
sa panahong ito, baka hindi pa para sa atin ang sumpaang manatili sa tabi ng isa’t-isa. ang sumpaang isuko ang puso para sa pagmamahalan at ikasasaya. sa ikapapayapa. sa ikatatahimik. sa panahong ito, baka hindi pa.
siguro darating din ang panahon at oras na manananalangin akong magkita tayo muli at magkrus ang mga landas. kahit pa na sa gitna man ito ng maingay na pasilyo. sa gitna ng trapiko. kahit sa simpleng pagnakaw lang ng mga tingin, sa mahinhin at marahan na pagtama ng ating mga hinliliit sa kamay. kahit ano, basta magtama ang ating mga landas muli. siguro, darating din. na magmamakaawa akong makita ka muli. na bumalik ka muli sa buhay kong minsan mo nang ginulo at nahirapan akong ilagay sa tahimik.
siguro sa ngayon ay kakalimutan ko na muna ang tunog ng tawa mong minsa’y napangiti rin ako. ibabaon sa limot nang hindi masaktan sa oras na marinig ko ito kung sakali mang biruin tayo ng tadhana’t pagtagpuin tayo kahit na sira-sira pa tayo. siguro sa ngayon ay gagawin kong katatawanan ang sakit na natamo ko sa’yo, at gagawin mo rin ito pabalik.
sa‘ting dalawa na parehas na nagkasakitan, sana sa ngayon ay piliin natin ang mga sarili natin. sana ay piliin nating isalba ang natitirang buong piraso ng mga puso. at baka sa susunod, balang araw, ay kakayanin ko na muling harapin ka. kakayanin ko na muling marinig ang boses mo kahit mula pa ito sa malayo.
balang araw, ayos na sa aking magtama muli ang mga mata. ang tingin. baka doon ay may kabigkis na ang bawat hibla ng ating mga puso—pwedeng sa isa't-isa, pero maaaring sa iba.
at kung mararapatin, ayos lang sa akin. kung hindi makukulong ang puso’t damdamin ko sa iyo, ay hahayaan kong maging malaya ito para sa ibang tao.
ito lang ang tatandaan mo palagi: balang araw, magiging ayos din.
hawakan mo pa rin sana ako
takot na takot ako.
takot ako sa mga bagay na kaya kong gawin
kapag sobra na,
kapag kulang,
pero hindi ko alam kung paano ako kikilos
kapag tama na. kapag sapat na.
hindi mapakali ang puso ko nang makausap ka,
hindi ko rin alam kung maganda ba o masama
kung ito man ay isang pangitain.
hindi makalma ang sikmura ko; palaging gusto kong sumuka
gusto kong isuka ang lahat ng nararamdaman ko.
hindi ko na alam kung paano ipakitang mahina ako
hindi ko na alam kung paano ipakitang pagod ako
na kahit pa anong sabihin sa’kin, na kahit ano pang gawin upang pawiin ang lahat ng takot ko
hindi ko pa rin alam kung paano.
hindi ko alam paano sasabihin na natatakot ako
na masaya ako, na nasasaktan ako
hindi ko alam paano gagawing salita ang lahat ng emosyon ko.
hindi ko pa rin kayang sumandal kahit may balikat na nakaantabay
hindi ko pa rin kayang pumikit kahit na may nagbabantay
hindi ko pa rin kayang umiyak kahit na may panyong naghihintay
hindi ko pa rin kayang sumuko kahit na may pusong nakaalalay.
natatakot akong ipakita ang pira-piraso kong kaluluwa
dahil baka matakot ka’t malaman mong hindi ako karapat-dapat
natatakot akong papasukin ka sa magulo at maingay kong isipan
dahil baka marinig mo ang mga boses na gumagambala sa akin tuwing gabi.
takot na takot ako sa mga bagay na ihahatid at idudulot mo
ito ma’y kasiyahan, kalungkutan, at sakit
hindi handa ang puso kong tumanggap ng isa pang pagkakamali
at baka tuluyan na itong mabasag at magsarado nang muli.
gusto kong lamunin ako nang buo ng pagkatao mo
gusto kong magkatotoo lahat ng panalangin ko
gusto kong makasama ko ang tanging pangalan na binabanggit ko
gusto kong hayaan kang ikonsumo ang lahat ng ako
pero natatakot ako
takot na takot
hindi ko alam paano kikilos
hindi ko alam ano ang sasabihin
dahil baka masaktan kita sa kung anong nararamdaman ko
dahil baka makita mo ito bilang isang paraan ko para saktan ka.
gusto kita,
pero takot ako.
takot ako sa mundo.
takot ako baka dahil ginagago lang ako nito.
baka dahil binigay sa akin ang gusto ko para bawiin lang ulit.
baka dahil nagiging mabait lang ito sa’kin para ihanda ang puso ko.
baka dahil pinagbibigyan lang ako nito para saktan lang ako muli.
takot ako, dahil baka kapag nasaktan ako ngayon
ay hindi ko na kayanin.
takot na takot ako, pero ikaw ang sinisigaw ng puso ko.
takot na takot ako, pero may halimaw sa isip ko.
sana maintindihan mo
na sa ngayon ay maliit na piraso pa lamang ng sarili ko
ang kaya kong ibigay sa’yo.
takot ako na baka hindi mo kayang saluhin ang buong kaluluwa ko.
kalapastangan | fitterkarma
hindi ako isang santo, at hinding-hindi ako magiging isa. hindi ako perpekto, hindi ako makakagawa ng isang himala.
hindi ako karapat-dapat sambahin—hindi rin siguro ako karapat-dapat mahalin.
isang kalapastangan pa rin ba kung hindi ako iibigin? o ayos lang dahil makasalanan ako sa inyong paningin?
isang kalokohan pa rin ba kung lumipas ang araw na hindi ako isipin, o ayos lang dahil isa akong demonyo na dapat kondenahin?
kung darating man ang araw na maglalaho ang mundong kinatatayuan, handa ka bang sagipin ako’t hayaang mamuhay nang walang katapusan?
o hahayaan mo na lamang akong mahulog sa mga nagagalit na apoy, at magbingi-bingihan sa aking nilalabas na pagtaghoy?
isang kalapastangan ba ang hindi pag-ibig sa’kin,
o ito na lamang ang paraan upang ika’y sagipin
mula sa makamandag kong isipan at kaluluwa
at tuluyang bigyan ka nito ng ginhawa?
hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal na tatanawin bilang isang kasalanan.
hindi ako kamahal-mahal, hindi ako dapat samahan pa sa buhay na walang hanggan.
kung ang pag-ibig at pag-iisip sa’ki’y magiging isang kalapastangan,
ayos na sa’king mamatay nang walang iniiwang kaligayahan.
https://pin.it/4bEtEWtS3
to those kids who had to grow up more than necessary: do we celebrate our own birthdays, or the age that we’ve taught ourselves to become?
our backs curl up as we carry the tons of burdens the world gave us. wrinkles start to form on our foreheads caused by the worries and frustrations, sometimes appearing when we try to smile for the longest time; our hairs starting to lighten and somehow getting a little bit thin too, indicating an age that we shouldn’t have owned up to.
forgotten birthdays, unsung lullabies, untouched toys and still playgrounds. those were our sanctuaries and reality—the things we were supposed to enjoy was taken away for us to face the harsh deals and orders of the world. the candles that stated “6” became “10”, and then “15”, and eventually, “18” arrived a little bit earlier than what we expected. maybe, the lingering feeling of still being young is the wandering ghost of my own self—the young me, whose childhood was stolen. maybe it still haunts me up until this day as i celebrate the age i’ve got myself used to. maybe it still lingers and tugs my heartstrings to make me listen to the laughs and cheers i have deprived it of.
sometimes i wonder what my age is—the count of years i spent here on earth, or the age that i’ve been forced to live with due to the cold and unforgiving deals of the world?
so now, answer this: do we celebrate our own age on our birthdays, or the age that we’ve taught ourselves to become?
Bulong ko ito sa aking sarili
Takot akong tumingin sa salamin.
Hindi ko kayang titigan ang taong makikita ko sa harapan ng salamin sa oras na tumayo ako sa harapan nito. Hindi ko nasisikmurang masalayan ang isang repleksyon ng taong punong-puno ng pagkatalo— isang repleksyon ng taong pinipilit ang sariling gawin ang lahat para lang maging sapat sa mata ng madla. Pakiramdam ko’y sa oras na gawin ko ito’y mababasag ang salamin at ako’y unti-unting aapak sa mga bubog na dulot nito.
Ayaw kong tumingin sa salamin at mapagtantong mahirap tanggapin ang isang katulad ko— ang isang ako. Ang maging ako. Hindi ko alam kung kailan ko kakayaning pagmasdan ang repleksyon ko sa harap ng salamin na tila ba’y pinapakita rin sa akin ang lahat ng pagkukulang at paglalabis ko— hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang hapdi at dugo na hatid ng mga daplis at hiwa ng bubog na yayakap sa balat ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang pigilan ang mga luhang nakakulong sa mata kong pagod na pagod na.
Isa man itong kasalanan — ngunit pagod na pagod na akong tumingin sa salamin at makita ang hindi ko kayang mahalin.
mamahalin nalang kita nang tahimik
pakiusap, hindi ako sanay sa ganito.
sabi nga ni geiko sa kanta niya,
mamahalin nalang kita nang tahimik.
nakakapanibago para sa isang taong katulad ko. katulad kong sanay sa pagmamahal na ipinagsisigawan, ipinagmamabayang, ipinapakita sa madla.
naninibago ako’t hindi ako sanay na kinikimkim ang nararamdaman para sa isang tao. para akong lumulunok ng mga bubog mula sa isang nabasag na baso; lalamunan ko’y nagdurugo’t nagtamo ng maraming sugat pero wala akong magawa kundi lumunok lamang nang lumunok.
mahirap pala kasi na ayaw mo nang magpapasok ng ibang tao sa buhay mo ulit. nakatayo na naman ang mga pader sa paligid ng puso ko na minsa’y ibinaba ko para sa’yo — hindi ko naman inaakalang ikaw din pala ang magiging siyang dahilan kung bakit itatayo ko ulit ang mga ito.
sana sa susunod, hindi na ako muling hanapin pa’t katukin ng pagmamahal na ito. marahil hindi pa ako handa. hindi ako magiging handa pang muli. sa panahon ngayon, ako na lang muna.
mamahalin na lamang din kita nang tahimik.
(A letter to my younger self, written by the burnt out version of myself)
I’d be lying if I say that I am the bestest version of myself right now. To be honest, I am nowhere near the version of myself that I wished to be. I’d often go to sleep early just because I want to escape the exhausting run from the outside world; a world wherein there is this noise that is seemingly chasing me nonstop; as if I have no rights to rest and breathe. I’d often space out and stare at the empty ceiling above me and wish that things would eventually go back to how they were years ago. I used to be able to write multiple literary pieces in a day; used to be able to edit a lot of pubmats in just a span of three days. I used to find solace in things that I am passionate about; in things that I love doing.
Not until I reached this certain age in life. I barely even have the energy and means to get out of my bed and inhale the somehow fresh breeze outside. I don’t even know what’s going on with my ult K-pop group… I don’t even want to pursue this path I am currently on. I can’t find and feel joy in cooking, dancing, and watching anymore. It feels like I am slowly fading away; the image and vision I had for myself is slowly vanishing into thin air, and the fact that I can’t do anything about it just drags me down, together with the remaining hope inside of me.
So.. I am just wondering. Is it possible for us to go back to the “old us”? Can our paths cross again, and rekindle the fire that seemed to die alongside my dreams and will? Because if this keeps on going, I don’t know anymore.. maybe I am just really nowhere near the “one” I imagined and envisioned myself to be. Maybe I am just really nowhere capable of being that shining, bright, and smart kid I used to be.
more than willing to embrace the love that comes like a crashing wave
i welcomed your existence in my life as it was a roaring and crashing wave — something destructive, yet i am more than willing to embrace it. destructive to the point that it is enough to wreck my plans; drain the whole lot out of me, shake my ground— tear my core apart. your existence came to me as if it was a natural disaster. maybe, love comes to me as something destructive as a tsunami, accompanied by the loud crash of the tidal waves. i came to embrace your love that is consuming everything out of me — transformative, breathtaking. i fear love because of how similar it is to encountering a dangerous tsunami.
the intensity and chaos of falling deeply in love is something i am afraid of; but with you, i think i can conquer almost everything. conquer and face my fears if it means falling deeply in love with you, only you. and as time goes by, as if it was fleeting — the more that my feelings get more uncontrollable. this unfamiliar and unknown knot in my heart is growing, turning into something more honest, and something i cannot cover up. it shows up and reveals itself slowly, making me choke on my own as i can feel it crawling up to my throat.
my fear of the uncanny resemblance of falling in love and a roaring tsunami is slowly being washed away. i think i’ve finally came to know how to accept my own vulnerability; by letting myself fall and not denying a thing. the words that were being slowly formed by my mind are raw and unfiltered — a confession directly made for you. my emotions became undeniable, despite doing everything to resist and suppress them. what i feel towards you started shining through and revealed itself, and with that, i started to take the leap of faith.
no matter how scared i am of accepting love in my life again, i honestly don’t mind embracing it as if i were to welcome the highest of waves in the ocean. even if it takes me away from the shore, i just know that i’ll be able to come back with just a snap of my finger. it’s because of this familiarity that i have with you, as if you’ve known me through my past lives. i am willing to let you wreck my plans, shake my core, derail my own goals. and even if this inevitable feelings of mine just suddenly slip out of my own mind and mouth, i think i’m more than willing to accept the fact that despite the chaos, i am indeed, falling in love. fuck. i think i’m falling for you.