Stories by yutoriii on Medium
walang gitnang espasyo. hindi maaaring nasa gitna ka lamang ng dalawang panig: mga tinig na bumoboses para sa kalayaan o mga dilang paurong na hindi magawang maki-alam.
walang lugar ang pagkaligaw sa isang bansa na walang habas kang ninanakawan at kinikitilan ng karapatan.
isang pribilehiyo ang manahimik — ang hindi maramdaman ang pagyanig ng mga inosenteng katawan na sumisigaw ng hustisya. isang pribilehiyo ang hindi magalit.
ngunit, hindi ito isang korona. ang tunay na pribilehiyo ay ang pakikisangkot. ang pakikialam. ang pagkagalit.
ang paggamit sa iyong boses — ito ang tunay na korona na dapat mong suotin. paigtingin mo ang angkin mong pribilehiyo. hindi ka dayuhan sa bansang ito. ipaglaban mo ang iyong karapatan, huwag kang manahimik.
ang pagpepenitensya ay isang pagpapahayag ng pag ibig. maging deboto ka ng pilipinas, ng masa — para sa mga kabataan, magsasaka, manggagawa — para sa mga pilipino.
kung nasa gitna ka pa rin, mag-isip-isip ka na. walang marapat na manahan sa gitna, kung ang patuloy na nagdurusa ay mga nasa ibaba.
nasa boses at palad natin ang pag-asa.
at ang mga namulat ay hindi na muling pipikit. kasalanan na ang muling pagpikit.
maraming salamat sa pagbabasa !
nagmamahal lagi’t lagi,
yori ☆ミ
marahil tuluyan na akong nalunod sa binggit ng kasakiman — nilamon ng bawat hampas ng pagnanais na kailan ma’y hindi masasawata ng mga alon.
isa itong pagtatangka. pagtatangka na isulat ang pangalan mo sa ibang istilo, nagbabakasakali na hindi ako magtatagumpay. subalit, ano pa nga bang aasahan ko sa mga daliring nagawang humabi ng iba’t ibang klase ng sining na tanging ikaw ang paksa? na nagawa nang paikot-ikutin ang ruweda sa paggagantsilyo ng mga puting bulaklak na hindi na tinubuan ng sanga, umukit ng mga damdamin sa isang talaarawan na tanging ikaw ang naratibo, at sa paglapat ng pintura sa isang lona na binuhay ng kulay rosas na langit habang nananahan ang isang mahabang bangko na kailan ma’y hindi natin tuluyang masasandalan — ikaw pa rin. ikaw pa rin ang paksa sa bawat habi at ulat ng angkin kong sining.
ngunit isa itong pag-aangkin sa pagsapit ng dilim hanggang tuluyan nang mabuo ang hatinggabi. muli kitang aangkinin, sa bawat katanungan ko at siyang pagsagot mo — na ang pag ibig natin ay minsan nang nagmistulang lulan ng talakayan, na nagsimula sa mga isyung panlipunan, hanggang dumako sa langgam ng mga karanasan, na hindi ko masasabing munti, sapagkat ito ang siyang bumuo sa lalim ng hatinggabi.
minsan ko nang tinanong sa isip kong walang pagod na bumubuo ng katanungan — kung bakit ang pagmamahal ay palaging may kaakibat na pag-angkin. “hindi ba pwedeng akin pa rin ako at sayo ka, pero iisa tayo?”
at habang lumulutang ang katanungan sa isipan ko, wala akong ibang pigurang inibig tanungin kundi ikaw.
ngunit, maaaring rito ko tuluyang mararamdaman ang tunay na pagbagsak ng mga daliring hindi magawang sumulat ng diyalogo — wala akong kakayahang maghinuha ng mga salitang hindi akin, at lalong hindi ko kayang ipagtagpi-tagpi ang mga kasagutan mong walang sing lalim. ngunit isa ito sa mga katangian mong inibig ko.
hindi ko man tuluyang maisulat ang tiyak na mga salitang sumasang-ayon sa iyo, ngunit ipapahayag ko na ang pagmamahal ay laging may kaakibat na pag-aangkin, pwedeng akin pa rin ako at sayo ka, ngunit lagi’t lagi, iisa tayo. tulad ng pag-aangkin ng isipan ko sa hatinggabi na walang ibang tinangkang pagbuksan… iniibig kita.
maaaring mapagkunwari ako kung minsan ko nang ipinahayag ang katanungan na sumasalungat sa aking mga salita ngayon, ngunit kasalanan ko bang nais kitang angkinin sa paraang tanging tayo lamang ang nakakaunawa?
marahil, hindi ko pa lubusang nabibigyang unawa na minsan, ang pag angkin ay hindi laging nararapat na humantong sa kasakiman — na ang pag angkin ay ang tahimik na kasiguraduhan na walang lugar ang ibang kaluluwa, buto, o kahit mga uod sa espasyong nananahan sa gitna ng ating mga balat. na may puwang ang palad ko sa pagitan ng daliri ng iyong kamay.
sa iyo ka pa rin at ako’y akin, ngunit sa oras na magtagpo ang kamay natin — iisa tayo, at sa iyong sa iyo pa rin ako.
at sa mga susunod kong prosa na maaaring may diyalogo at kasagutan mo na, muli kitang aangkinin sa lalim ng hatinggabi hanggang tuluyan ka na ring maging akin muli.
maraming salamat sa pagbabasa !
nagmamahal lagi’t lagi, yori ☆ミ
if writing was an oxygen for a heart who's inept of a barreling blood, then why does it even have to rhyme? isn't it enough that it breathes on its own? that it is alive and somehow forming a block of stones?
but i believed that i wasn't made for stones. i wanted to be as noble as a diamond, rare, brilliant, and worthy…
i often find myself reading my own writings in such lengthy threads as if i am hurtling in every word to find relief on its end. and as i read it, i have plagued myself into an illusion, not a stranger, but something as grave as how apathy becomes a leech on one’s skin, creeping, harrowing, and tortuous.
i arrive and leave through its door, from its first word down to the last, with palms burning in sweat and a tongue so frigid with pungent taste. i have become an intruder to my words — the diffusion of who i am and my mere becoming — i have bestowed nothing as wise but only an itch of ferociousness of myself.
but who am i to be so starved of my own pieces, when it is what feeds my soul in repose? who am i to look at my own reflection, yet see a blank slate — when i have then endured mouths that only speak of inanity of itself, masked as a judicious appraisal that then whispers foolish lies under the boarded sunlit sky. i have even witnessed eyes that wreath like a mouth who couldn't sigh, that sometimes blinks more than a star ever reached the ground. i have even felt a palm as filthy that seeks for the vicinity of relativeness, but what my vision could only see is a refuge robbed out of my skin.
thus, how come i have become a stranger to my own? to not see through the lines of my mere becoming when writing was the only way to feel my lungs’ breathing, to unravel and shred every shift of my bone, and to liberate a tongue silenced by fear?
perhaps, a diamond will always be the noble one, the shiniest. but a diamond is no different from a stone that has lived a life worth telling.
you can be the shiniest and rarest diamond, but you could never be as alive as a stone who lived through sunshines, floods, and storms. you can never tell a story as ornate and experienced when you've never even felt the shaking of the ground, the relentless cries of the sky, and the drought of summertime.
to be a stone that writes is already a novelty worth appraising. it doesn't matter if it rhymes, you just have to be grounded, not just on your own, but in the terrains of your vicinity, of where you have grown to blend and detach — in a paper that listens with its receptive sheet, and in a pen that allows you to speak your truth, rapt and immersed.
thank you for reading!
with love always and in all ways,
yori ☆ミ
kung pagsulat ng liham ang simuno at ikaw pa rin ang paksa, muli kong ibabahagi ang unang liham na hinabi sa paraang tanging pangalan mo lang ang alam — sariwa at walang bahid ng pait na dala ng pagbibihis ng umaga sa gabi.
at tulad ng unang metodo sa pananaliksik na naaayon sa sikolohiyang pilipino, sa paraang pagmamasid, muli kong ititipa ang bawat haplos ng mapagwari kong diwa.
sisimulan sa petsa, araw, at oras — tanda ng pag-alala, sapagkat sa gitna ng “makalimot” o “makalimutan” mas takot ako sa karingat-dingat na pagkamatay ng nabuo kong mga ala-ala. ‘yung walang niisang pagbabalat ng paalam, walang huling pagyakap, at walang kahit anong hudyat ng bangungot bago tuluyang lumisan.
takot akong makalimot — hindi dahil puno ako ng pag-asa at mabuting mga ala-ala, kundi dahil ang pagkawala nito ay siyang tuluyang pagdala ng alon sa bakas ng iyong mga yabag na minsan nang inangkin ng mga buhangin. at kung walang ala-ala, walang liham, litrato, musika, at ikaw.
matapos ang petsa, muling susundan ng pag-aalay ng awitin, isang kantang tanda ng iyong pagsapit sa gabi ng pagtangis, nakaw na pagdating, walang permiso, ngunit lantad na pinagbuksan ng pinto. at muli kitang maihahalintulad sa bukang-liwayway, sa hayagang liwanag ng araw. buong silahis, may rahan na pagkapit, tahimik ngunit mapag-apuhap ang dampi sa balat.
muling tatapusin sa paalala. tinig na nagsusumigaw ng katiyakan — na sa kanlungan ko'y may masasandalan, may tahanan, at may rahan sa bawat pagbabalat ng iyong dibdib, hanggang dumating sa huling pagtatalop, at siyang damdamhin ang bawat kurba ng iyong tadyang.
subalit, sa pagdaan ng araw at buwan ay siyang pagbago ng repleksyon ng bukang-liwayway — hudyat na tuluyan nang binago ang mukha ng panahon, na walang tataliwas sa pagdaan ng kamay ng oras na sumusunod sa pag-iral ng langit. na ang bawat isa ay mayroong sari-sariling pagsibol ng peklat — na minsa'y naghahayag bilang lihim o kung mapalad ay nagiging tinig ng isang liham.
ang dating hayagang liwanag ng araw na buong silahis, may rahan, at mapag-apuhap na dampi ay isa na lamang bukang-liwayway na kailanma'y hindi mahahagkan ng kamay. isang metodo na kailanma'y hindi darating sa pakikisangkot. marahil, sapat na… na ito'y nariyan. malayo man, ngunit sapat na — sapat na, na ramdam ko ang bawat pagdaan ng iyong liwanag sa aking braso, at iyong pagkaway sa gabi sa pamamagitan ng iba't ibang hugis ng buwan.
hindi naging handa ang balat ko sa dalang hapdi ng iyong presensiya, ngunit siguro nga’y kailanma’y walang parte ang paghahanda sa balat kong tanging ikaw ang nais. kailanma’y hindi ako magiging handa, sa iyong pagkapit man o pag-alis. ngunit ang kaibahan lamang ay malaya kong bibigyang-hayag ang balat kong matuop sa iyong presensiya, kahit maging abo pa ang aking kabuuan — taliwas sa iyo na panghabang-buhay nang maninirahan sa bangin ng takot na tuluyan akong damhin.
maraming salamat sa pagbabasa !
nagmamahal lagi’t lagi,
yori ☆ミ
at kung may mga siping mananatiling burador na naghahanap ng kasagutan mula sa lumipas, ngunit hindi natuldukang taon — mayroon ding talaan ng mga awiting tuluyan nang mabubuhay sa katahimikan.
mayroong mga kumpas ng musikang hindi na muling dadako sa pisi ng aking talinig, hindi dahil masyadong mayumi o nakakabingi, kundi dahil may mga awiting tuluyan nang nag-iibang anyo — nagbihis insekto na walang tigil na umiikot sa loob ng aking tainga, tila nagnanais na malirip ang mga kanta sa paraang mayroon pang pagkakataon.
ngunit ano nga bang kakayahan ang bitbit ng mga awiting dumadaan sa tainga? na minsa’y sumasabay sa pintig ng damdamin at yumayakap nang palihim, humihiling — subalit kailan ma’y hindi na tuluyang bibigyang-dinggin.
makikinig ka pa rin ba sa isang kantang walang habas na sinira ang pananaw ng iyong pakikinig? na dati'y isang gabi ng pag-awit at pagsayaw ng kundiman, ngunit ngayo'y isa na lamang pagtatangka na muling pag-isahin ang katagang “kung ‘di man.”
marahil ilang milyon na rin ang mga awiting naisulat sa kasalukuyan, na sa mga darating na taon ay madadagdagan pa, na walang mananatiling nakatunghay sa bilang ng mga awitin sa mundo.
ngunit anong silbi ng mga lumang kantang may natatanging lengguwahe, na masidhing itinala sa ayos ng paglapat ng iyong mga daliri sa aking baywang at siyang pagsalubong ng parehas kong braso sa iyong batok — hanggang sa matapos ang huling ritmo ng kanta, at sabay nating ilalapat ang ating likod sa nakaabang na silya na siyang pagtatahip ng mga pulsong abot-mata ang tuwa.
at anong silbi ng mga bagong awitin na walang sing-intensidad — na isinulat para bigyang-buhay ang apat na sulok ng kusina, na siyang naging saksi kung paano ko inaral at minahal ang isang putahe na dati ay ikaw lamang ang may gusto ngunit nagawa ko nang hanap-hanapin, at kung paano natin ginawang mikropono ang kutsaron habang walang pag-aalinlangan na sinusundan ang bawat liriko ng kanta, kahit pa nagkakabaliktad ang dila.
minsan ko na ring ninais na ibahagi ang isang parehas ng aking talinig sa ‘yo, na sabay nating pakikinggan ang mga bagong tuklas mong kanta, at siya namang aking pagsusuri rito na tila ba isa akong tunay na mang-aawit, kahit na wala naman akong tiyak na kamalayan sa pagkanta.
subalit, ano’ng magagawa ng pagnanais kung tuluyan nang naubos ang pagkakataon? pakikinggan pa rin ba ang mga kantang inalay para sa iba't ibang dako ng panahon?
siguro nga'y hindi pagkakataon ang dapat na hilingin, ngunit pahintulot — pahintulot na muli mong dinggin ang isang tinig na pangalan mo lamang ang natatanging kayang bigkasin.
pero magagawa bang dinggin ang boses na hindi naman nagawang umawit ng pahintulot? madidinig mo pa rin ba ang talaan ng mga awiting hindi na nagawang magpabatid?
marahil mananatili na lamang nananahan ang pinagsama-samang awitin sa katahimikan, habang ang mga planong minsan nating ninais ay patuloy na iikot sa pares ng aking tainga na parang isang insekto sa mga panahon na nakaw na maglalaro ang isa sa tala ng awitin — sa mga daan at silid na walang kahit anong bahid ng anino mo, tanging awit lamang na puno ng ala-ala.
maraming salamat sa pagbabasa !
nagmamahal lagi’t lagi,
yori ☆ミ
may mga siping mananatiling burador na naghahanap ng mga kasagutan mula sa lumipas, ngunit hindi natuldukang taon.
nagdaan na lamang ang mga araw at buwan na walang naisulat na dugtong sa mga akda — nanatiling nananahan sa lalim ng katahimikan. walang letra ang nagnanais na magsalita.
ngunit walang tuluyang nananahimik sa isang akda na hindi tiyak ang wakas. sandali man itong nanahan — hinayaang nakatunghay sa bunton ng mga salitang sinundan ng kuwit o ‘di kaya'y gitling na nag sasama sa pangungusap, ngunit kahit ihanay pa ang bawat letra ng alpabetiko, at umulan ng mga ideyang bitbit ang mga adhetibo na tinatangi mo — mananatiling pa ring mapagtanong ang tinig ng angkin kong mga akda.
kung paanong patuloy akong naghanap ng rason upang bigyang katwiran ang bawat pag-bulong ng anino mo, at kung paanong patuloy akong hinihila ng masidhing dagsin tungo sa iyong balat.
ngunit paano kung ang katahimikan na ang siyang paglalapat ng wakas? mananatili pa rin bang nakatunghay ang isang kwento na walang depinido na simula? o maiiwan na itong walang pabalat na tumitikom sa isang aklat, hubad at nalulunod sa sariling mga salita?
maraming salamat sa pagbabasa !
nagmamahal lagi’t lagi,
yori ☆ミ
tinahak ko ang iba't ibang daan. diretso, ni hindi lumingon, kumaliwa, kumanan — sandaling nilimot ang mga salita na minsa'y bumuo sa akin. kinilala ang palad ng mga estranghero, nakipag kamay, nakipag palitan ng ngiti — nagbabakasakali na wala ni isang bakas ng iyong anino ang sisikat mula sa mga daang ito.
ngunit ano nga bang alam ng mga paa, na walang bibig, ilong, at tainga — na tanging talampakan na pinuno ng mga kalyong halos anim na pung pulgada ang layo sa mata? at anong alam ng mga estranghero na walang ni-isang ideya kung paano ko binuhat ang bawat yabag papalayo sa'yo?
marahil tanging aspalto lamang ang tunay na nakaka-alam. saksi ito kung paanong nagpatuloy ang mga paa kong tahakin ang mga daang minsa’y may bahid pa rin ng tinig mo, at kung paano ko ginawang irolyo ang dalawa kong mata sa iritasyon, ngunit ni hindi nagawang takpan ang magkabilang tainga.
ilang kalye pa ba ang kailangan kong limutin? ilang kalye pa ba ang kusa kong iiwasan dahil lang nakaukit ang pangalan mo sa pader nito?
at kung ang bawat daan ay patungo pa rin sa'yo, bakit kailangan ko pang balatan ang bawat balahibo sa katawan ko para sa mga estranghero na hindi man lang nagawang marahan na yakapin ang bawat pag nginig nito?
anong diin pa ba ang kinakailangan upang mabura ang mga kalyong naipon sa paglalakbay ko? mga kalyong nabuo sa bawat yabag — tanda na sinusubok kong tahakin ang mas malayo na daan. ngunit kahit anong patuloy ko sa mga kalyeng pina-ikot-ikot ang tindig ng mga daliri sa paa ko, bitbit ko pa rin ang natatanging yabag na nagsusumigaw na muli kang hagkan.
maraming salamat sa pagbabasa!
nagmamahal lagi’t lagi,
yori ☆ミ
mamahalin na lang kita nang tahimik. sa paraang hindi na pangungulit. hindi na ipapahayag ang nararamdaman—hindi na muling magpapadala ng isa pang liham. batid ko’y ‘di mo naman ito binabasa, sapagkat tanda ko’y mas gugustuhin mong manood ng mga pelikula.
ngunit, patuloy pa rin akong magpapahayag ng aking pag-sinta sa pamamagitan ng pagsulat ng tula at prosa — habang mayroon pang dugong dumadaloy mula sa puso na nagsisilbing tinta. hinihiling ko na sa bawat likha ko’y maubos na ang likido na ginagamit sa pang tala, nang sa gayo’y ang sugat ay tuluyan ng magsara.
subalit, kung patuloy ang paglubog ng panulat sa tinta paano ito iigi at maghihilom?
nararapat bang hayaan na lamang na masayang ang walang tigil na pag-agos ng tinta sa aking dibdib, at tuluyan nang ibaon ang mga salitang nais ipabatid?
ngunit hindi ba’t dinadampian ng pwersa ang sugat upang huminto ang pagtulo ng dugo?
marahil ang paglublob ng panulat sa tinta hanggang ito’y masaid ang siyang lunas. sapagkat ang pagsulat ay isang diin upang mabigyang buhay ang hindi mabilang na sugat sa dibdib.
kung kaya’t aking ididiin ang panulat sa dibdib at patuloy na itatala ang mga salitang hindi naisatinig—nagbabakasakali na ang sugat ay tuluyan nang maghilom at magsara.
publishing this old piece here (this was my first piece that got famous on tiktok. it’s not even that good, i literally didn’t think much of it but i am really grateful ehehehe)
maraming salamat sa pagbabasa !
nagmamahal lagi’t lagi,
yori ☆ミ
isang daang libong mga salita ang nagpupumiglas mula sa kani-kanilang kadena, naghahanap ng paraan upang makatakas. mga boses na ‘di ko gugustuhin bigyan ng mga paa. ngunit habang tumatagal, sintalim ng sungay ang mga ngiping tumubo sa bibig nito—mabalasik na nagawa nilang makawala.
wala nang mas tatalim pa sa mga salitang kusang bumubulong na parang palakol na kinakaladkad sa simento. umiihip na parang hangin na may bitbit na sakuna sa dalawang pares ng tenga, nalunod sa isang lenggwahe na lubos ko ng kabisa. mas mainam pa nga ang makinig sa wikang banyaga, kaysa mabuwal sa wika na akin, ngunit hindi ko lubusang ma-angkin.
sapagkat sino nga bang kayang mahalin ang mga salita na ang bumuo ay ako rin? maaatim mo bang lunukin ang mga letrang pinagbuklod mula sa pait, na siyang ka-kalam sa iyong tiyan upang bumuo ng sarili nilang wika at maninirahan sa iyong balat at buto na parang isang sakit?
takot ang kalamnan ko sa kakayahan ng mga salitang ito. ni hindi ko gugustuhin makalaya ang kahit isa man lang. subalit, kahit hayop, kung kay tagal ng nakatali ay mas nagiging mabangis at natututo ring tumakas.
ngunit, hanggang kailan ba nararapat na ikulong ang mga boses na ito?
hanggang kailan sila magpupumilit na makawala? hanggang kailan sila mananatiling nakakadena sa dulo ng aking dila? hindi ba’t kung patuloy itong mabubuhay sa dilim, patuloy lamang tutubo ang kani-kanilang mga ngipin?
marahil hindi panahon ang nararapat na hintayin, kundi ay lakas—kakayahan na tuluyan silang bigyang laya. sapagkat walang salita ang marapat na makulong sa dilim.
sa halip na pilit silang ibaon sa lalim ng sikmura kong napuno ng sakim, mas mainam kung hahayaan ko ring manirahan ang mga salitang nabuo mula sa liwanag. na marahil kaya kumakalam ang mga letra sa sikmura ko ay dahil uhaw na ang mga ito sa sinag na siyang pinagkait ko.
wala naman talagang kakayahan ang mga salita, ang kapangyarihan nito ay nananahan sa pagka-kahulugan nito.
marahil hindi pala mga salita ang tunay na kalaban, walang kahit isang letra ang marapat na ikadena. wala ito sa bigat, gaan, ikli, o haba ng mga salita, sapagkat sa huli, ako pa rin ang may kakayahang baguhin ang pag bitbit nito.
pag bitbit na may rahan at laya. walang kadena, ngunit mayroong lampara—tulad ng mga alitaptap, ang bawat letra na bumubuo sa isang salita ay nararapat na mamuhay na may pakpak at liwanag—malaya. sapagkat ang marahas na pagsapo sa kahit anong bagay ay kailanman hindi magiging lunas, at ang natatanging pinakamabisang gamot na magpapakalma dito ay hindi pag-kadena, ngunit ang tuluyang paghinto sa pagkulong nito.
kahit ang mga salita na naninirahan sa ating kalamnan, kapag inabuso ay napapagod din, at lalong walang sakim na nabubuwal sa karahasan, ang kagustuhan na mabago ang sistema ang tanging magbubukas sa liwanag nito.
maraming salamat sa pagbabasa!
nagmamahal lagi’t lagi, yori ☆ミ
if longing were formed into a shape instead of burning knees harrowed in the cold floor like lips pressed at last, only to be met in such frigid taste—what shape would it be?
a circle? a triangle? a square?
but my longing… unlike lives far foregone behind, isn't like echoes that resound in the background. it oscillates not just in circles but in nameless eccentric structures.
a lone single figure could not suffice the trace of my mere longing. its shape is indefinite, carved by the weight of wanting, stiffly clung on my shoulders.
sometimes, it reeks too sweet like a ripe orange—molded into a spherical fruit that rests on the kitchen table. it sits quietly, not asking for relief. but its skin flumps too heavy on the surface, waiting to be flay raw. but i don’t just confine to my longing like a culpable captive. instead, i held its soundness through my palms and watched the ring of spaces in its texture.
how can a fruit morph into the heft of longing as if it is puzzled by the ache that comes with it?
through my fingers, i peeled the face of its skin, exposing the thread of veins clinging in its flesh. and in the face of longing dressed in a white pith, kissing the hem of my fingertips—it mirrored the longing stuck through my bones. it crawls in a blind eye, heavy and crude—gasping for distance.
as i carried a bit of hope that its heaviness would dwindle low—i sundered its fusion into carpel pieces—small wedged-shape that weaved its round shape whole.
but just as my hope grew, like a dream too tortuous to leap from one tile to another, my longing began swelling through the edges of a book whose sternly collapsed on the surface of the shelf.
i didn’t try to reach it, not because i might bleed through its edges, but because it once weighed so roughly on my palms. yet i couldn’t even get myself to put it down—as if it was your written memoir, and it is my only way to trace you.
to hold—to even just touch its hefty weight is to carry every single longing confined in my bones that ever spoke between the lines of its sheet. every flip of its page binds in tremors—knocking my soul to wake, if it has ever been sleeping soundly on my skin.
but is it really my soul who's thrown in disarray or is it just my mere heart that begs for words written, yet muted in sharp edges? what more can you hold for, for a book as honed as a knife could prick flintly to leave a mark? would you still carry it the same way when it once wounded your palms to bleed, speared in its whetted leaf?
if it is the only way to feel the depiction of how you held in such warmth, the shapes of longing through my palms, what more could i wish for? i'll flip every skin, page by page, even if my fingers budge in slits—i'll feed my soul with your polished lines, that is yet too sweeping to tell mine. it strangely sent me to haste, chasing for reposed longing in the spine of the book, begging to subside, but it never did. it only goes quiet yet appears like a ghost, an image too rapid to stay, yet too heavy that it lingers mercilessly.
in the shape of longing dressed in a black softly bounded anthology with tapering edges, it then again wavered as words mumbled through the air. it began to greet with the letters of the alphabet—shapes that are too rigid and stern to even see it as a word. it would only be as lucid to grasp if you proffer your heart to learn, not just its shape, but how it is uttered and written.
my longing speaks in alphabets and figures, like the branch of science we condemn to read, but must be understood enough to be dissipated. strangely, it sounds like muttered futile lectures like a f-orbital with multiple lobes, unable to elucidate. but if longing weren’t as enigmatic as how it already is, would it be as easy to read the need for tenderness in a blank paper that refuses to be noticed?
perhaps, longing never even wanted to be as facile as breathing—it was meant to sit between life and death. enough to smother you, but not suffice to strangle your lips to grey. it just sits with you, like a sweet ripe orange, a black softly bound book, and in chemistry that sounds like muttered futile lectures. it just greets in hallways and ceilings where silence often resides — may have been blank as a paper, but just like the shapes of longing through my eyes, and even with my eyes closed, it could be as prismal as a tapestry yet will always be as intricate to decipher.
thank you for reading !
with love always and in all ways,
yori ☆ミ