Member-only story
DAYALOGO | TALINGHAGA
Bakit Ba Nila Tayo Minamadali?
Hindi ba’t kanya-kanya tayo ng karera?
Juan: Parekoy, may karera ba?
Pedro: Wala naman parekoy. Sa’n mo nakita? Ba’t parang wala namang mga tumatakbo?
Juan: Parekoy, ‘di mo ba nakikita? Ang daming tumatakbong mga tao oh.
Luminga-linga si Pedro. Tumingin sa kanan at sa kaliwa, sa harap at sa likod. Tumanaw kahit sa kalayuan ng kalsada.
Pedro: Parekoy, pinagtritripan mo yata ako eh. Wala namang kumakarera. Kahit isa. Andyan lang yung mga tao oh. Bumibili ng paninda, kumakain, nagkwekwentuhan, nag-iinuman, nagtatawanan. Pero wala namang kumakarera. Maiinis mo ko eh. Ang init pa naman ng panahon. Do’n ka na nga. Iba na pagtripan mo.
Juan: Parekoy, tingnan mo yang mga kumakain na ‘yan.
Pedro: Asa’n?
Juan: ‘Yan oh. Sa lugawan ni Mang Kepweng.
Pedro: Oh?
Juan: Tatlong tanong lang alam niyang mga ‘yan. Una, “kailan ka ikakasal?”. Pangalawa, “kailan ka magkakaanak?”. Pangatlo, “kailan mo susundan ang anak mo?”
Pedro: Oh ano’ng problema ro’n parekoy? Saka nasaan ang sinasabi mong karera?
Juan: Parekoy. ‘Yun ang malaking problema. Habang tumatakbo sila nang marahan at sa nagdaang dekada ay nadaanan na nila ang kalsadang ito, pinipilit nilang bilisan ng ibang tao ang pagkarera para…








