Sitemap
Pluma Manila

Creative Platform for Everything Filipino

Member-only story

Gising, Juan, Gising!

1 min readAug 4, 2020

--

Nasaan ang mga panitik?
Nawala.
Nawala ng parang bula.
Nawala ang mga titik.
Nawala ang mga titik sa labi ko napipinid.

Ano ang aking ibubulalas?
Ano iring imik na hindi lumabas-labas?

Napipi ang masa.
Napipi ang artista.
Napipi ang ilang pamilya.
Napipi ang mga magsasaka.
Napipi ang bayan.

Nagpasimula ang aristokrasiya.
Binihag ang pulitika.
Tumakbo ang kandidato.
Ikinampanya ang negosyo —
negosyo ng mga kapitalista,
negosyo ng mga monopolista
negosyo ng mga tagapagmana —
at sumailalim sa opresyon ang masa.

Nawala ang mga titik.
Sinaway ang labing nais umimik.
Para sa interes ng mayayamang pamilya.
Para sa interes ng aristokrasiya.

Maaari bang humanay naman ang apelyido ni Juan
sa pangalan nina Sy…

--

--

Adrian Alejandro
Adrian Alejandro

Written by Adrian Alejandro

Program Manager | Scrum Master | Agile — To impart good character and wisdom to help people increase in value so they can add value to others in return.