00:00Hindi naman kailangan magpakita ng anumang ID sa pagboto sa halalan.
00:04Ito ang nilinaw ni Commission on Elections Chairperson George Garcia
00:08sa panayam sa kanya ng Radyo Pilipinas.
00:11Ayon kay Garcia, hindi naman hihinga ng ID ang rehistradong botante
00:14dahil lalabas naman ang kanilang pangalan sa listahan
00:18sa mismong araw ng Hatol ng Bayan 2025.
00:21Batid ng Comelec ang paglaganap ng fake news
00:24habang papalapit na ang eleksyon,
00:26kaya't pinag-iingat nito ang publiko.
00:28Bagamat hindi kailangan, mas mainam pa rin Annie Garcia
00:31na magdala ng ID para makaiwas sa aberya
00:34at maging maayos ang pagboto.
00:38Hindi po kailangan ng kahit na anong ID
00:40pag kayo ay boboto.
00:42Basta ang pangalan nyo naan dyan sa loob ng presinto
00:44at naan dyan sa labas ng presinto,
00:46kayo po ay makakaboto.
00:47Hindi po kayo hahanapan ng ating mga electoral board members,
00:51ng ating mga guro,
00:52ng kahit na anong pagkakakilanlan.
00:54Basta po naan dyan ang mga pangalan nyo.
00:56So mali po yun at hindi po totoo,
00:58malisyoso po yun yung paglalabas ng informasyon
01:00na kailangan ng National ID.