00:00Dahil sa pag-apaw ng ilog, lubog sa baha ang isang eskwelahan sa Pampanga.
00:05Humingi tayo ng update mula kay Isaiah Mirafuentes, live.
00:09Isaiah!
00:11Kenneth, nandito ako ngayon mismo sa San Gabriel Elementary School dito sa Maccabiebe, Pampanga.
00:16Papakita ko sa inyo ngayon yung aking nasa likuran, itong covered court ng para lang ito.
00:20Pero kung makikita mo, lubog sa baha.
00:23Ayon sa mga estudyante, halos hanggang tuhod na daw ang baha sa loob mismo ng kanilang eskwelahan.
00:29Yan ang matagal ng problema ng mga magulang, estudyante at mga guro dito sa San Gabriel Elementary School.
00:38Ang eskwelahan ang itinuturing nating ikalawang tahanan.
00:42Pero paano na lang kung ang mismong lugar para sa mga estudyante ay lubog sa baha?
00:48Ganito ang sitwasyon ng San Gabriel Elementary School sa Maccabiebe, Pampanga.
00:53Ang ilang classroom hindi nagagamit dahil hindi pa humuhupa ang tubig baha.
00:58Si Esperanza, dating estudyante ng paaralan ito at isa ng guro sa kalapit na paaralan.
01:05Labis ang panghinayan niya sa sinapit ng kanyang dating eskwelahan.
01:10Dati, isa to sa pinakamagandang paaralan po sa ano, dito po sa taon namin, ang San Gabriel Elementary School.
01:17So every time na yun, pagbabagyon na ganyan, so automatic, hindi din po siya nagiging functional as evacuation center kasi nga mataas din po yung baha talaga.
01:30Araw-araw niyang nakikita ang ganitong sitwasyon dahil sa tabi lang ng para lang ito, siya nakatira.
01:36Si Sophia, anak ni Janice, grade 9 student, imbes na pag-aaral ang magagawa sa school, ngayon, nabuta namin na namimingwit na ng isda.
01:47Ang kanyang magulang walang magawa dahil ito na ang malapit na eskwelahan sa kanila.
01:51Nandun yung pangamba or nag-aalala kapag nagtatagulan na po or palagi pong umuulan dahil yung pagbaha po, umaabot po hanggang kwarto po.
02:12Ganito yung daan na dapat daan nila mga esdyante dito para makapunta doon sa kanilang classroom.
02:17At titingnan nyo, pati itong covered court nila, dating palaruan na ginagamit tuwing flag ceremony, lubog na rin sa baha.
02:26Mahigit sa apat na taon na itong kalbaryo ng kanilang paaralan. Kahit walang ulan, baha pa rin.
02:33Yung disenyo ng klaseng kitang-kita, may blackboard, may mga gamit na esdyante, pero yung loob sobrang dilim at lalim ng tubig, may mga patay pag-isda.
02:42Kapag mataas ang tubig, module online class ang mga estudyante. Isa sa mga solusyon ng paaralan, ang pagnalagay ng mga simentadong pathway na pinagtulong-tulungan ng PTA ng San Gabriel Elementary School.
02:57Ang likod ng eskwelahan na dating palayan ay pila, naging dagat na. Maging makabahayan sa paligid nito, ay hindi na nagagamit ang ulang palapag ng kanilang bahay.
03:07Siguro sir, sa mga kalapit bayan namin na medyo mataas amin, nagpapakawala ng tubig, ganyan. Pag sobrang laki na yung tubig nila, tapos bubuksan yung mga dito babagsak-sabing sa Macabebe.
03:21Ayon sa opisya ng Barangay San Gabriel, sinisiguro ng pamahalaan ng Macabebe Pampanga na gumagana ang mga pumping stations para kahit papano ay mapigilan ang pagtaas ng tubig.
03:32Kenneth, nakausap ko kanina yung mga ilang estudyante dito sa San Gabriel Elementary School.
03:39Ang sinasabi nila sa atin, nalulungkot sila dahil hindi nila magawa yung mga outdoor activities kagaya ng mga flag ceremony sa labas ng kanilang silid-aralan.
03:49Pangarap nila na sana dumating ang araw na mahumupa man lang ang baha dito sa kanilang eskwelahan at nangangamba rin ang mga residente dito na baka mas tumaas pa ang tubig baha sa kanilang lugar, lalo na ngayong tag-ulan.
04:01Kenneth, maraming salamat ay Saya Mirapuentes.