00:00Samantala, overweight na mga police nangangani batanggal sa serbisyo
00:04habang mga taxi operator at drivers na gumagamit ng Peking Taxi Fair
00:09binalaan ng Transportation Department.
00:12Yan at iba pa sa Express Balita ni Floyd Brands.
00:19Binalaan ng Transportation Department ang publiko laban sa Peking Taxi Raids
00:24na kumakalat online na ginagamit sa mga terminal sa Ninoy Aquino International Airport.
00:30Tiniyak ng DOTR na hindi palalampasin ng gobyerno at pananagutin ang mga nasa likod ng Peking Taxi Raids.
00:37Gayon din ang mga taxi operators at drivers na sobrang maningil ng pasahe.
00:43Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:47magsasanig pwersa ang Department of Human Settlements and Urban Development
00:51at Department of Social Welfare and Development para mabigyan ng pabahay
00:56ang mga pinakamahihirap na Pilipino.
00:58Kabilang ang mga nasa four-piece at nakatira sa kalsada.
01:02Nangako ang DSUD at DSWD ng disenteng buhay para sa mga benepisyaryo
01:08para mahikayat sila na maging proud homeowners at produktibong mamamayan ng bansa.
01:16Pinalawig pa ng sampung taon ang water concession agreements
01:19ng Maynilad at Manila Water para matiyak ang supply
01:22ng malinis na tubig sa National Capital Region at Karating Probinsya.
01:29Sa pulong ng Economy and Development Council,
01:32pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
01:35inaprubahan rin ang mahigit sa 27 bilyong pisong Farm to Market Bridge Development Program
01:42na mag-uugnay sa mga sakahan at pamilihan.
01:44Pansamantalang isinara sa mga motorista ang Marilaw Bridge papuntang MacArthur Highway
01:52para sa pagkumpuni sa tulay.
01:54Suspendido rin ang paniningil ng tolls sa Marilaw Northbound Interchange
01:58hanggang sa mabuksan ng tulay.
02:03Pwede nang gawing online ang paghahay ng iba't ibang petisyon sa Korte Suprema
02:07sa pamamagitan ng Electronic Court PH Microsite.
02:10Ang e-court PH Microsite ay bahagi ng Philippine Judiciary Platform
02:14na naglalayong mapabilis ang proseso,
02:17masiguro ang transparency at mabigyan ng mas madaling access
02:20ang mga abogado sa paghahayin ng mga kaso at pleadings.
02:26Aarangkada na ang 93 Days Weight Loss at Fitness Challenge
02:30sa Philippine National Police
02:32kasunod ng babala na pwedeng matanggal sa serbisyo
02:35ang mga overweight na polis.
02:37Pangungunahan ito ng social media personality na si Rendon Labador
02:41na siyang magbabantay sa work out
02:44at magre-rekomenda ng tamang pagkain para sa mga polis.
02:48Floyd Renz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.