Skip to player
Skip to main content
Search
Connect
Watch fullscreen
Like
Bookmark
Share
More
Add to Playlist
Report
State of the Nation: (Part 1) Mga dalagitang nagpuksaan; Oil Price Spike, atbp.
GMA Integrated News
Follow
6 months ago
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
News
Transcript
Display full video transcript
00:00
What are you doing?
00:30
Ano ang magkabilang panig pero iimbisigahan pa rin ng kanilang paaralan ang away.
00:37
Lunes na lunes, nagparamdamang bagsik ng habagat.
00:41
Ang matinding ulan na dulot nito sa Metro Manila nagpabaha at nagresulta sa mabigat na traffic.
00:47
May report si Tina Panganiban Perez.
00:53
Sinabayan ng kulog at kidla ang malakas na ulan ngayong hapon.
00:57
Sa tindi ng buhos, nag-zero visibility sa ilang kalsada gaya sa Commonwealth Avenue at EDSA.
01:09
Muling nalubog sa baha ang ilang lugar na nagdulot ng bumper-to-bumper na traffic gaya sa Xavierville Avenue sa Quezon City.
01:18
Tumagal ng mahigit isang oras ang malakas na ulan sa San Pedro, Laguna.
01:24
Mabilis na tumaas ang tubig baha kaya hindi madaanan ang maliliit na sasakyan ang kalsada.
01:30
Ayon sa pag-asa, habagat ang nagpaulan sa Metro Manila at Karatig, Probinsya.
01:36
May binabantayan ding low-pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
01:40
Sa datos ng Metro weather, halos buong Luzon ang uulanin bandang hapon bukas.
01:47
Asahan din ang matitinding ulan sa Western Visayas at halos buong Mindanao.
01:52
Sa Metro Manila, posible ulit makaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan.
01:59
Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:03
Nadaan sa pakiusapan ng mga oil company.
02:08
Imbis na isang bagsakan bukas, hinati sa dalawa ang big-time oil price spike matapos silang pulungin ng Energy Department.
02:17
Pero tingin ng ilang grupo, sinasamantala lang ng mga kumpanya ng langis ang hidwaan ng Israel at Iran.
02:24
May report si Sandra Aguinaldo.
02:25
Sa pulong nila, pinakiusapan ng Department of Energy ang mga kinatawa ng oil companies na utay-utayin ang oil price hike ngayong linggo.
02:38
Dapat ay papalo ito 5 pesos higit pa para sa litro ng diesel at mahigit 3 piso sa litro ng gasolina.
02:45
Pumayag ang may 12 kumpanya sa hiling.
02:48
Bukas ang unang bagsak na 2 pesos at 60 centavos para sa diesel at 1 peso and 75 centavos sa gasolina.
02:57
Pareho ang halaga ng sunod na bagsak sa Webes.
03:00
They were also willing to expand their promotions and discounts for PUVs o yung mga jeep natin.
03:07
Tugo ng mga transport groups sa ipatutupad ng staggered oil price hike.
03:11
Parang ang gusto nga palabasin, may utang na loob tayo dahil hindi biglaan.
03:17
Ang isinsya nun, parang bibitayin ka ng January, gawin nating Marso para hindi bigla.
03:24
Pero isinsya nun, bitay ka pa rin.
03:26
Wala rin garantiyang hindi masusundan ng malaki ang taas presyo, lalo't patuloy ang tension sa Middle East.
03:33
We will continue to request as much as they could if it's possible.
03:37
Ang reklamo naman ng ilang grupo, sinasamantala o mano ang Israel-Iran crisis sa pag-anunsyo ng oil price spike.
03:46
Kulang daw ang subsidy ng gobyerno sa mga jeeper, lalo't mahal na ang langis.
03:51
Kaya hiling nila sa pamahalaan na suspindihin ang VAT at tanggalin ang excise tax sa petrolyo.
03:59
Sabi naman ng DOE, kailangan ng batas para maalis ang excise tax sa petrolyo.
04:05
Sabi naman ng LTFRB sa fuel subsidy, hindi pa rin patiyak ng gobyerno kung magkano ang matatanggap ng bawat operator o chuper.
04:14
Kasi ho, yung 2.5 billion ay pagkakasyain ho natin yan sa mga jeep, sa mga UV, sa mga taxi.
04:22
Please give us about 2 days or 3 days.
04:25
Bagamat sinisikap ng gobyerno na mapigilan ang epekto ng oil price hike sa publiko,
04:31
isa raw sa mahirap mapigilan ay ang epekto nito sa presyo ng bilihin na kailangang itransport patungo sa mga pamilihan.
04:40
Pwede, they might have to adjust somewhere along the way.
04:43
As to when, that's a management decision. As so much, again, it's a management decision.
04:47
Si Jennifer, naghahanda na sa epekto ng oil price hike sa presyo ng kanyang panindang isda.
04:52
Bukod sa langis na ginagamit sa pagpapatakbo ng maraming bangkang pangisda,
04:57
kailangan din na langis sa delivery ng anumang produkto.
05:01
Tulad ng diesel, tataas siya. Siempre tataasan din kami ng singil sa amin.
05:05
Nag-a-adjust din kami ng kunti din sa panindan namin.
05:10
Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:14
Sumiklab na selos? Yan daw ang motibo ng isang lalaking nahulikam na binuhusan ng gasolina at sinilaban ang isang lalaki sa tagig.
05:27
Critical ang biktima.
05:29
Pabala. Sensitibo ang video sa spot report ni Bea Pinlak.
05:33
Hindi ko nga makilala yung anak ko kung ano na itsura niya. Ang layo. Hindi okay anak ko.
05:44
Lubos ang lungkot ni Jane sa sinapit ng kanyang 28-anyos na anak.
05:50
Nung gabi ng biyernes sa barangay Pitugo, Tagig, sinabuyan siya ng gasolina at sinilaban ng isang lalaki.
05:57
May dalang supot. Tapos bigla niya binuhus yung gasolina pala yung dala niya.
06:03
Sabay sindin ng light. Ito regalo ko sa iyo.
06:06
Nagpulasan ng mga tao. Maging ang nanunog na dilaan ang apoy habang tumatakas.
06:13
Critical sa ospital ang biktima dahil sa third degree burns.
06:17
Hindi makatao yung ginawa niya eh. Grabe yung ano ng anak ko.
06:22
Hindi ko talaga, hindi ko halos pati. Grabe talaga yung ginawa niya sa anak ko.
06:27
Sobrang sakit. Dapat ako na lang eh. Ako na lang nag-sumper eh.
06:31
Isang babae naglalaba noon sa tabi ng kalsada ang nadamay at nagkapaso sa mga binti.
06:37
Buti na lang yung mga linalabhan ko, yun yung nadampot ko para maapula yung apoy ko sa akin.
06:43
Lumalabas na ang lalaking suspect, pinatawan noon ang barangay protection order dahil sa pananakit umano niya sa asawa.
06:50
Ando na yung verbal abuse, physical, pati psychological abuse na rin sa misis niya.
06:58
Sabi ng nanay ng biktima, pinagbantaan ng suspect ang anak niya kamakailan.
07:04
Maaari raw na pinagselosan ito ng suspect.
07:07
Sabi niya, humanda ka, hindi pa rin kayo tumitigil.
07:12
Yun ang sinabi, inabangan niya po sa trabaho ng anak ko.
07:15
Lahat namang tao dito, pinagsisilosan lang niya naman po, hindi lang po anak.
07:19
Dati na raw nag-usap sa barangay ang dalawang panig at nagsori pa ang suspect.
07:24
Akala ko okay na yun. May balak pala siya.
07:29
Tinutugis pa ang suspect na posibling maharap sa reklamong frustrated murder at physical injuries.
07:36
Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:39
Tinalakay ng Justice Department at PNP ang paglagay sa Witness Protection Program kay Alyas Totoy.
07:47
Kasunod ng mga ibinulgar nito sa nangyari sa ilang missing sabongero.
07:52
May report si Darlene Kai.
07:53
Kasunod ng mga ibinulgar ng akusadong si Alyas Totoy sa mga alam niya sa pagkawala ng mga sabongero,
08:02
nagka-usap na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia at si PNP Chief Nicholas Torrey III
08:07
tungkol sa pagsasailalim sa kanya sa Witness Protection Program.
08:11
Sabi kasi niya sa eksklusibong panayam sa GMA Integrated News,
08:14
may banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
08:17
Basta we're processing the information first. Pero may arrangement na kami niya ni PNP Chief Torrey.
08:26
Pero handaan niya si Alyas Totoy na ituro ang mga sangkot sa pagkawala ng mga sabongero.
08:31
May mga hawak na rin ebidensya ang Justice Department para suportahan ang mga pahayag ni Alyas Totoy
08:36
na nakausap na nila bago pa ang May 2025 elections.
08:40
Meron kaming corroborative evidence na kasama. Basta meron kaming ibang klaseng evidence pa.
08:44
Iniimbestigahan na rin ang hindi bababa sa sampung taong isinangkot ni Alyas Totoy.
08:49
Pero statement pa lang niya ang hawak ng kagawaran at wala pang formal na affidavit.
08:54
Itinanggi rin ang Justice Department ang pakiramdam ng isa sa mga kaanak ng mga nawawala
08:58
na pinabayaan na sila ng gobyerno.
09:01
We have not given up on anything or anybody.
09:04
Ganun lang talaga, mabagal minsan ang kaso.
09:07
Ito po ay proseso, kailangan po may ebidensya, nakakalap at ginagawa po namin ang lahat.
09:14
Darlene Kai nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:25
I-giniiti Vice President Sara Duterte na labag sa konstitusyon
09:29
ang ikaapat na impeachment complaint laban sa kanya.
09:33
Bahagi yan ang sagot ng bise sa writ of summons ng impeachment court.
09:37
Ipinunto ng bise ang one-year bar rule ng konstitusyon
09:40
na nagbabawal sa pagsisimula ng higit sa isang impeachment complaint
09:44
laban sa ilang opisyal o sa isang opisyal sa loob ng isang taon.
09:49
Sabi pa ng bise, dapat nang ibasura ang reklamo dahil
09:52
void ab initio o invalid na ito sa simula pa lamang.
09:57
Nagpadala rin ang kampo ng bise ng kopya ng sagot sa kamera.
10:01
Sa mga on the go, mapapakinggan na ang 24 oras at 24 oras weekend bilang podcast
10:10
simula ngayong araw.
10:12
Lahat ng episode pagkaera sa TV ay magiging available na online.
10:16
Kaya pwedeng i-review ang mga balita sa loob at labas ng bansa,
10:20
anumang oras kayo libre o kung may ginagawa kayo o stuck sa traffic.
10:24
Downloadable pa kaya, pwede itong isave habang may wifi
10:28
o may data para mapakinggan pa rin kahit offline.
10:33
Gambit ang inyong smartphone, pumunta sa Spotify o Apple Podcasts
10:37
at isearch ang 24 oras podcast.
10:40
Binuhi ito ng GMA Integrated News Digital Strategy and Innovation Lab
10:43
katuwang ang 24 oras at GMA New Media Incorporated.
10:48
Maangas na fight scenes ng kwelang mga karakter.
10:57
First episode pa lang, nagpasiklab na agad ang sanggang dikit for real.
11:02
Mga magnanakaw ang unang nakaaway ni Antonio, played by Dennis Trillo,
11:07
at ni Bobby, Jeneline Marcado.
11:09
Dumaan kami sa training, sa handling ng firearms, sa papano pang sinipan ang tama.
11:16
Lalo na kayo nandito kami sa Milan, lalo na limited lang yung crew dito,
11:20
wala kami yung stunt double.
11:21
Pagulong-gulong ako dun sa sunken garden.
11:24
Naggarabi yung physical demand ng requirement dito sa show na to.
11:29
May iba't-ibang big wins ang kapuso housemates paglabas ng bahay ni kuya,
11:35
tulad ni Michael Sager, na may sarili ng bahay at planong imbitahan ng mga housemates.
11:41
Iniintay ko talaga yung house blessing ko pagkompleto na kami.
11:43
Layag na layag naman ang Kish.
11:47
At nang tanungin si Josh sa status nila ni Kira,
11:50
He is a very special girl.
11:52
Na evict man daw sila, laking pasasalamat nila sa suporta ng fans at sa opportunity.
11:57
Tag-ulan na pero umuulan naman ang hotness ang post ni Max Collins.
12:06
Wearing two-piece bikini.
12:08
Ito daw ang kanyang huling kembot bago ang tag-ulan.
12:12
Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:16
Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
12:20
Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
12:23
A-T pullahore.
12:35
B牙 ex-mail.
12:36
B牙 occursas un tyy frighten.
12:38
Uwag maupa mag-anugan na USA.
12:40
B牙 erre ang na UK.
12:42
byaher orde shows caturin amak savusugus
12:45
hukumus.
12:46
Ye Winndang, t glory hai ang hag,
12:48
Aurvorbu parliament natin amak urany selekutam na,
Be the first to comment
Add your comment
Recommended
16:44
|
Up next
State of the Nation: (Part 1) #Eleksyon2025; Atbp.
GMA Integrated News
8 months ago
0:52
State of the Nation: (Part 2) Salpukan sa ere; Atbp.
GMA Integrated News
9 months ago
12:08
State of the Nation: (Part 1) Nalunod sa balde; Substitute bill; Atbp.
GMA Integrated News
11 months ago
16:07
State of the Nation: (Part 1 & 2) Love Compatibility; Oil smuggling sa dagat; Atbp.
GMA Integrated News
11 months ago
2:22
State of the Nation: (Part 2) Emergency landing; G! sa Pangasinan; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
1:22
State of the Nation: (Part 2) LOOK: Nagtumbahang poste; Paw-some rescue; Atbp.
GMA Integrated News
4 months ago
3:01
State of the Nation: (Part 2) Dream trip to Japan; Atbp.
GMA Integrated News
9 months ago
2:19
State of the Nation: (Part 2) Glamping near the metro; Atbp.
GMA Integrated News
7 months ago
12:38
State of the Nation: (Part 1) LOOK: Sunog; #Eleksyon2025; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
17:08
State of the Nation: (Part 1 & 3) Valuable gifts; G! sa Apayao; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
11:34
State of the Nation Part 1 & 2: Sayang na repolyo, atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
2:40
State of the Nation: (Part 2) PUSUAN: Live selling ng brilyante; Retre-val operation; Atbp.
GMA Integrated News
6 months ago
11:55
State of the Nation: (Part 1 & 3) Misteryosong liwanag; #PaskongPinoy; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
16:38
State of the Nation: (Part 1) Imbestigasyon sa Drug War; #BagyongOfel; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
15:59
State of the Nation: (Part 1) Payak na burol at libing; Minasaker ng amo; Atbp.
GMA Integrated News
8 months ago
2:08
State of the Nation Part 2: Pusuan: Bilin na pasalubong ni baby; Atbp.
GMA Integrated News
7 months ago
1:46
State of the Nation: (Part 2) G! sa Calayan, Cagayan; Atbp.
GMA Integrated News
8 months ago
3:02
State of the Nation: (Part 2) Buhawi sa Cagayan; G! sa Türkiye; Atbp.
GMA Integrated News
7 months ago
2:35
State of the Nation: (Part 2) Pista 'Pinas: Kaamulan Festival; Atbp.
GMA Integrated News
9 months ago
1:50
State of the Nation: (Part 3) G! Sa ZAMBASULTA; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
1:33
State of the Nation: (Part 3) #PaskongPinoy; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
3:06
State of the Nation: (Part 2) Bianca Umali Fight Scenes; Atbp.
GMA Integrated News
5 months ago
13:17
State of the Nation: (Part 1 & 2) Mga biktima ng ligaw na bala; Atbp.
GMA Integrated News
1 year ago
0:44
Marcos on New Year: Choose service over self-interest
Manila Bulletin
3 hours ago
3:42
Rains expected over Southern Luzon, parts of Visayas as 'amihan,' easterlies interact—PAGASA
Manila Bulletin
4 hours ago
Be the first to comment