00:00At sa detalye po ng ating mga balita, tumaas sa 96.1% ang employment rate o bilang ng may trabaho sa bansa, lalo na sa sektor ng servisyo at agrikultura.
00:10Batay po yan sa datos ng Philippine Statistics Authority. Ang detalye sa report ni Gaviliegas.
00:19Bumaba ang unemployment sa Pilipinas sa 3.9% nitong Mayo ayon niyan sa Philippine Statistics Authority.
00:25Mas mababa yan kumpara noong Abril na nasa 4.1%. Katumbas yan ng mahigit 1.6 milyon na nagkatrabaho.
00:33Dahil dito, tumaas ang employment rate ng bansa ngayong May 2025 sa 96.1%. Mas mataas sa 95.9% noong Abril 2025.
00:43Dahil dito, mahigit 50 milyon na ang Pilipinong may trabaho.
00:48Aprobado naman sa Pangulo ang resulta ng pinakahuling Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA.
00:54Ayon sa PCO, nagbunga na ang hakbang ng gobyerno na makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino.
01:00Sa ating mga pag-uulat ng mga nakaraang araw, marami po talaga tayo na ibigay na job affairs, na conduct na job affairs para ito talaga sa ating mga kababayan.
01:09Pero ang positibong numero ay hindi magpapakampante sa gobyerno kundi simula ng bagong hamon.
01:15Pag-pupursigihin pa, hindi ito natatapos dito.
01:19Kung baga, hindi ito para magpunagi.
01:23Kailangan mas maganda pa ang ipakita ng administrasyon para makapagbigay pa ng mas maraming trabaho sa ating mga kababayan.
01:29Nito lang Mayo, pinangunahan ng Pangulo ang job fair sa Pasay City,
01:33kung saan nasa 14,000 bakanting trabaho ang aalok sa mga job seeker.
01:38Ayon sa PCO, simula ng manungkulan si Pangulong Marcos Jr. noong 2022,
01:43mahigit at dundaan at 50,000 trabaho na ang naalikha
01:46sa tulong ng iba't ibang programa ng pamahalaan at pakikipagtulungan sa pribadong sektor.
01:53Sa usapin naman sa nakaambang pagpapataw ng taripa ng Estados Unidos,
01:58sinabi ng Malacanang na patuloy pa ang negosasyon ng Pilipinas.
02:01Pero kumpiyansa ang palasyo na nasa magandang kondisyon ng bansa
02:05pagdating sa trade deal negotiation sa Estados Unidos.
02:09Sa ating palagay, opo, dahil ang dalawang bansa naman po,
02:12ang Pilipinas at ang US, ay nagkaroon po ng pagkakasundo,
02:15na magkakaroon po ng kooperasyon para sa economic development naman po ng Pilipinas.
02:21Gabumil de Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.