00:00Sa Balitang Golf naman, nagkaroon ng pagpupulong kamakailan ang National Golf Association of the Philippines o NGAP
00:07kasama ang Philippine Sports Commission at Board Officials ng University Athletic Association of the Philippines
00:14bilang pagsuporta sa pagpasok ng sport na golf sa UAAP.
00:19Sa isang courtesy visit kina bagong PSC Chairman Patrick Igroyo,
00:24nagkaroon ng makabuluhang talakaya ng NGAP sa pamumuno ni na Secretary General Mons Floro at Executive Director Maika Romulo
00:34ukol sa long-term development ng Philippine Golf mula grassroots hanggang elite athletes training at international representation.
00:42Ayon sa NGAP, ang muntikan ng podium finish ni Filipina Olympic golfer Bianca Pagdanganan noong 2024 Paris Olympics
00:50ay patunay na malaki ang potensyal ng mga Pilipinong golfer sa world stage.
00:56Sa kasalukuyan, maraming top junior golfers ang nagpupunta pa sa US para makalaro sa collegiate level.
01:03Ngunit naniniwala ang NGAP na dapat magkaroon na rin ng katumbas na opportunities sa Pilipinas para sa mga homegrown talents.