Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Balikan ang mga naging pagbabago sa pambansang wika ng Pilipinas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito Diana, napapansin niyo ba na yung mga kabataan ngayon, na ba, puro English na yung gamit sa usapan, sa chat, sa klase, at kahit sa mga caption, sa mga social media.
00:10Hindi masama po yung paggamit ng wikang English, pero mas mainam na gamitin ang wikang Filipino, lalo na kung Pilipino rin naman ang iyong kausap.
00:20Oo nga, tama yung observation mo Audrey ah. Kaya ngayong buwan ng wika, samahan niyo kaming balikan ng ating kasaysayan.
00:26At ang naging evolusyon ng ating pambansang wika, makakasama natin ngayong umaga, si Dr. Arthur Casanova, ang tagapangula ng komisyon sa wikang Filipino.
00:35Magandang umaga po sa inyo, si Diana at Audrey po ito.
00:38Good morning!
00:40Magandang umaga po sa inyo, Rise and Shine, Pilipinas.
00:44Alright, Dr. Arthur, paano po nag-evolve ang ating wikang pambansa? Maaring po ba ibahagi sa atin ang kauntiwa po nating kasaysayan?
00:52Nanina po narinig ko na inyo po isinalaysay ang mga nangyari ng nakaraan.
00:59At siyempre po, babalikan natin ang pagbuo ng konstitusyon sa isang constitutional convention ng 1935 sa Malolos.
01:10At doon nga po ay nabuo yung ideya na magkaroon ng isang pambansang wika na ang magiging batayan ay isa sa mga katutubong wika sa ating bansa.
01:22At noong panahon po ng Pangulong Quezon ay nagkaroon ng mga pananaliksik.
01:27At ang mga dalabasa sa iba't ibang wika po ay nagkaroon ng pag-aaral at natuklasan po nila na ang patnong panahon yun,
01:37ang wikang Tagalog, ang may pinakamayamang wika sa ating bansa dahil marami po itong mga publikasyon sa wika at panitika ng mga panahon yun.
01:48At kanina po nabanggit nyo na po yan, mula po sa panahon ni Pangulong Serio Osmeña hanggang napunta kay Pangulong Magsaysay hanggang sa dumating po tayo no 1997
02:05na ang buwan ng wikang pambansa o pagdiriwang ng wikang pambansa ay naging isang buwan dahil noong unang panahon ay isang linggo po lamang ang pagdiriwang.
02:17At yan po ay inyong nabanggit na kanina. At nakakatuwa po dahil mas mahaba po ang panahon idilalaan natin sa pagdiriwang ng buwan ng wikang pambansa.
02:29Well, Doc, ito po no, para po sa kalaman ng ilan na hanggang ngayon ay nalilito pa rin, ano po po yung pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino?
02:38Ang Tagalog po ay isa sa pinakamalaking wika sa ating bansa o pangunahing wika sa ating bansa.
02:47At ito po ay may ibat-ibang dialekto.
02:55Kaya meron po tayong Tagalog Batangas, Tagalog Bulacan, Tagalog Rizal, Tagalog Bataan, Tagalog Laguna at iba pa pong mga dialekto.
03:06Lahat po yan ay mga wikang agalog na mayroon pong dialekto na nagkakaiba lamang sa ilang mga aspekto.
03:16Katulad po ng mga pigas sa mga salita at mga talasalitaan na ginagamit po sa iba't-ibang bahagi ng mga Katagalugan.
03:29At nung unang panahon, nung 1973 sa Saligang Batas, 1973, ay tinawag pong Pilipino, P-I-L-I-P-I-N-O, ang ating wikang pambansa.
03:45At nung mga panahon yun, ang wikang Pilipino ay talaga pong ibinatay po sa wikang Tagalog na mayroon pong dalawang pong titi sa alpabeto.
03:57Merong limang patinig at lagbin limang katinig.
04:02Ngunit po, yun ay ibinatay po sa wikang Tagalog.
04:08Kaya, nung mga panahon yun, ang ating wikang pambansa ang tinawag na Pilipino, P-I-L-I-P-I-N-O, ay talaga naman pong Tagalog.
04:17At ito pong Tagalog na ito, na pinag-aralan ng balerina ng panahon yun, kabilang inyong lingkod, dahil ako po ay may edad na,
04:26yan po ang uri ng balerina ang ating pinag-aralan ng mga panahon yun, ang Pilipino.
04:31Nabatay po sa balerina ni Lope Casantos.
04:36At nung sumapit noong 1987, nagkaroon po tayo ng bagong saligang batas,
04:40at ang dati pong pambansang wikang Pilipino ay ginawa pong Filipino.
04:47F-I-L-I-P-I-N-O.
04:50At dito po sa bagong wikang pambansang Pilipino,
04:55nagkaroon po tayo ng 28 titik.
04:58Mula sa 20 titik ng alpabeto na pinagbatayan ay Tagalog at tinawag na Pilipino,
05:06ngayon po ay Filipino na may 28 titik.
05:10At ang paggamit po ng 8 bagong titik sa ating bansa,
05:14ay buhat po sa ating mga katutubong wika,
05:17kaya isinanib natin, pinayaman natin ang alpabeto upang maging bahagi ng alpabetong Filipino.
05:24At may mga tuntunin po tayo sa paggamit ng mga salitabo at sa mga katutubong wika
05:30na taglay po ang 8 bagong titik.
05:34Maraming salamat po at nalinawang kami sa pagkakaiba ng mga ito.
05:38Pero sa ating mga kababayan naman na gusto pong i-access yung KWF na diksyonaryo,
05:43paano po ba nila ito ma-access para po sila ay magabayan rin sa paggamit po ng ating wikang pambansa?
05:48Sa kasalukuyan po ay meron po tayong online diksyonaryo,
05:54diksyonaryo ng wikang Filipino.
05:57Pupunta lamang po sila sa KWF website at meron po doon,
06:02makikita po nila ang diksyonaryo at magagamit na po nila.
06:06Ngunit nais ko lang ipabatid sa lahat na ang diksyonaryo ito sa online
06:10ay patuloy pong pinayayabong at pinayayaman sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga tagong salita,
06:18mga salita ang ginagamit natin sa kasalukuyang panahon
06:22dahil ito po ay isang patuluyang proyekto.
06:25Dahil noong 1998, noong centenyal ng ating kalayaan,
06:29ay nagkaroon po tayo ng diksyonaryo ng wikang Filipino
06:32at ito pong diksyonaryo ng wikang Filipino noong 1998
06:35ay atin nga pong pinayayaman ngayon
06:38at inaasahan po na pagsapit ng Enero 2026
06:43ay lalabas na po ang physical na kopya nito.
06:46Okay, sir, bilang panghuli po, ano naman po yung mga effort na ginagawa ng KWF
06:51para i-preserve yung mga katutubong wika sa bansa
06:54at ano po yung mga nakalinya mga aktibidad para sa buubuan ng Agosto?
06:59Alam niyo ho, mga kaibigan, mga kababayan,
07:04ang komisyon sa wikang Filipino po ay may tinatawag na
07:07Language Revitalization Program.
07:11Ito po ay pinangangasiwaan ng ating sangay ng lingwistika
07:16at aplikadong lingwistika sa pamumuno ni Kinang Jing Hinampas.
07:22Ang sangay na ito ng lingwistika at aplikadong lingwistika po
07:27ay nagsasagawa ng mga pananaliksik
07:30ukol po sa tinatawag nating ortografiya.
07:34Sila po ay pumupunta sa mga liblib na pook
07:37upang puntahan ang mga kultural na pamayanan
07:41na nagsasalita ng mga wika
07:42na karamihan ay hindi pa ho na inilista natin
07:46dahil patuloy po ang ating pag-aaral ng ortografiya.
07:50Ang ortografiya po ay ang mga tuntunin sa palabaybayan
07:56o spelling ng isang wika.
07:58Pag ang isang wika po ay walang sinusunod na tuntunin
08:03sa palabaybayan o tinatawag na ortografiya,
08:06ay hindi po maililimbag yung kanilang mga teksto
08:11ng kanilang karunungang bayan at mga panitikan
08:14na kailangan na pong mairecord
08:16dahil sa patuloy pong naglalaho ang mga yan
08:21dahil may mga pamayanan pong lumiliit
08:23ang populasyon at kaokunti na lang
08:27ang bilang ng nagsasalita ng kanilang wika.
08:30Kaya yan po yung tinatawag nating
08:33language revitalization program.
08:36At bukod pa po dyan ay
08:37amin pong tinutugulan ang problema
08:40ng tinatawag na mga wikang malapit ng maglaho o mamatay.
08:45Alam nyo po, noong 1977,
08:481997 ang ibig ko sabihin,
08:51ay natuklasan po
08:52na meron pong apat na pong wikang
08:55na nangangalib na po o malapit ng mamatay.
09:00At sa kasalukuyan ay lima na po
09:02sa apat na pong wikang yan
09:04ang naglaho na po.
09:06Kung kaya ang omisyon sa wikang Pilipino
09:09ay gumagawa po ng paraan
09:11sa abot ng aming makakaya
09:12na iligtas po ang mga maliliit na wika na ito
09:17sa tuluyang paglaho.
09:19Paano ba namin ginagawa yan?
09:21Kami po ay merong tinatawag na bahay wika.
09:24Ang bahay wika po ay
09:26para po sa mga wika na
09:29malapit ng maglaho
09:31at ang mga elders
09:33ng kultural na pamayanan
09:35ay nagtuturo
09:37ng kanilang wika
09:38sa mga kabataan.
09:39Ang sa ganoon,
09:40ang mga kabataan ay
09:42matutuhan ang sariling wika
09:44at dumami pa
09:46ang mga magsasalita
09:48ng kanilang wika
09:48sa mga susunod na panahon.
09:51Ang aming pong unang proyekto
09:52ng bahay wika
09:53ay nasa
09:54Abukay, Bataan.
09:56At ito po ay
09:58wikang Ayta Magbukon
10:00at noong 1977-78
10:04ay itinatag nga po namin
10:06at ito po ay patuloy na
10:07tumatakbo, gumagana
10:09sa Abukay, Bataan
10:11sa tulong din po
10:12ng LGU ng Bataan.
10:14Noong nakaraang taon din po
10:16ay nagtatag ang komisyon
10:17sa wikang Filipino
10:18ng isang bahay wika
10:20sa Katis,
10:21Negros Occidental
10:22at sinasanay po
10:24ng mga kawani
10:26mananaliksik
10:27ng komisyon
10:28sa wikang Filipino
10:29ang kanilang mga elders
10:30sa pagtuturo
10:31ng kanilang mga katutubang wika
10:33sa mga kabataan.
10:35At yan po ay patuloy na
10:36ginagampana
10:37ng komisyon
10:38sa wikang Filipino
10:39ang aming pong
10:40pagsusumikap
10:41na mairigtas
10:43ang wika nila dyan
10:44sa Katis,
10:45Negros Occidental.
10:46Well, Dr. Arthur Casanova,
10:48talagang ang daming
10:49mga aktibidad
10:50na nakalinya
10:51para po sa buwan ng Agosto
10:53nasa unang linggo pa lang tayo
10:55ng selebrasyon.
10:56But we thank you po,
10:58maraming salamat,
10:59Dr. Arthur Casanova,
11:00sa mga ibinahagi po ninyong
11:01mga impormasyon
11:02tungkol sa ating wika
11:03at ganoon na rin
11:04sa mga aktibidad
11:04na nakalinya po
11:05para sa buwang ito.
11:06Maraming salamat!
11:07Maraming salamat!
11:14Maraming salamat!

Recommended