Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Viral ang video ng isang bata na pinaghawak ng manibela habang karga ng driver sa loob ng kotse. Ayon sa Department of Transportation, mahigpit na ipinagbabawal ito at 90 days na suspendido ang lisensya ng driver. Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nako eh, pero ito na kaya nga po tayo nagkaroon ng recognition bilang
00:04Community Empowerment and Legal Journalism eh of course dahil po sa ating kapuso sa batas.
00:10Pero ito na nga po, hindi po kayo namamalik mata, hindi toy car, kundi totoong sasakyan
00:17ang minamaneho ng isang bata na nasa isang very viral video.
00:23O, tingnan mo naman yan.
00:24Sa video na naka-upload sa Facebook page ng Department of Transportation,
00:30isang bata ang makikitang nagkokontrol ng manibela ng sasakyan habang nakakandong sa lalaking driver.
00:37Maririnig sa background ang pagbibigay ng instructions ng driver at ng kasamang pasahero.
00:43Ayon sa DOTR, nangyari ang insidente sa parking lot ng isang mall sa Pananaque.
00:50Pinasususpin din na ng LTO ang lisensya ng driver ng 90 days.
00:55Pag-usapan natin ang insidente niyan.
00:57Ask me, ask Atty. Gadman.
01:07Atty, ano bang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:10Lalo na nga kung may batang involved sa insidente.
01:14Well, para rin maprotektahan ang mga bata mula sa mga aksidente,
01:18meron tayong mga batas na talagang applicable dito.
01:20Of course, unang-una actually yung nangyari dito, parang pinapayagan ninyong magmaneho talaga ang isang bata.
01:27Strictly speaking, bawal ito dahil ang maaari lamang magmaneho ay isang taong may lisensya
01:33at kung totoo na ito ay natututo pa lamang dapat tayo may student license.
01:38Bawal na pagmagmanehoin ang isang tao na walang tamang lisensya.
01:44Pangalawa, moving on, ang ganitong mga gawain ay maaaring form of reckless driving.
01:50Ano ba yung reckless driving?
01:52Ito ay kahit na anong pagmamaneho na naging dangerous para sa mga pasahero at sa ibang tao.
01:59Definitely, ito ay isang form ng reckless driving dahil na-distract ang driver sa pagbigay atensyon
02:04habang nagmamaneho kasi nga may bata sa kanyang lap at mukhang ipinaubaya ng konti nga dun sa batang yun.
02:11More importantly, nalalagay din sa peligro at posibleng aksidente ang buhay ng batang involved.
02:19Alam nyo ba na may batas tayo na nagsasabi ng isang bata who is at least 59 inches tall
02:25must be wearing a seatbelt at all times habang tumatakbo ang makina ng isang kotse?
02:31At kung ang bata ay 12 years old and below or less than 59 inches tall
02:37ay hindi po pwedeng nasa front seat ng sasakyan habang tumatakbo ang makina
02:43o kung tumatakbo sa kalye ang sasakyan.
02:46Take note, kahit na hindi po umuusad ang kotse, basta naka-on ang makina, bawal na ito.
02:52Kailangan nasa back seat ang kahit na sinong bata na 12 years old and below.
02:57At kung nasa harap, mas bawal ang pinaghahawak ng manibela.
03:02Hindi natin alam kung anong mangyayari kung biglang may sumalpok sa kotse.
03:06Tatama ang batang yan sa manibela or even worse, baka tumama sa windshield o lumusad ito.
03:13Depende sa lakas ng pagkasalpok.
03:15Even worse, baka madistract ang driver at hindi mahalata na nakabig na pala ng bata ang manibela
03:21at sila ang makakatama ng ibang sasakyan or ng ibang tao na tumatawid or malapit sasakyan.
03:28Ito ay ayon daw sa Republic Act 11229 at sa ilalim ng batas nito,
03:33ang paglayay na isang bata sa harap or sa front seat ng kotse
03:37o kung hindi ito naka-seat belt, may katapat na multa na 1,000 pesos sa unang offense,
03:432,000 sa second offense, 5,000 pesos at nako,
03:47Suspension na ng driver's license for a period of one year for third and succeeding offenses.
03:54Although, alam nyo, kung iisipin natin, parang wala naman akong kilala
03:58na nahuhuli pa para sa ganitong klaseng offense.
04:02Baka nalilimutan ng mga kapulisan natin.
04:05Pero tandaan po natin, hindi sapat para sabihin na kung wala naman mangyayari,
04:09simple naman, parang nagkukonori lamang na nagdadrive, pinapalaki pa ang issue.
04:15Hindi po natin alam kung paano at kailan mangyayari ang isang aksidente.
04:20Kaya't mas mabuti na na maging safe rather than sorry.
04:24Tandaan natin, lahat ng pagsisisi nasa huli.
04:29Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:35Huwag mag dalawang isip.
04:37Ask me.
04:38Ask Attorney Gabby.
04:39Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:45Bakit?
04:46Pagsubscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:51I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
04:55Salamat ka puso.
04:56Kami.
04:57Kami.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended