Skip to playerSkip to main content
-Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste: Sasampahan ng reklamo ang isang DPWH district engineer ng probinsya

-Sen. Gatchalian, naniniwalang may sindikato sa flood control projects; handang isulong na huwag itong bigyan ng budget sa 2026

-Ipuipo, namataan sa laot sa Atimonan, Quezon

-PAGASA: LPA malapit sa Visayas, mababa ang tsansang maging bagyo

-Barangay Emergency Vehicle na maghahatid ng pasyente sa PGH, nasalpok ng bus na nag-counterflow umano; 4 sugatan

-3, patay nang sumalpok ang isang van sa 2 bahay; 2 pasahero, sugatan

-Bagong silang na sanggol, natagpuan sa tambakan ng basura sa Brgy. Dangan

-Filipina tennis ace Alex Eala, panalo sa 1st round ng US Open 2025 laban kay Clara Tauson ng Denmark

-Will Ashley, mapapanood sa "Daig Kayo ng Lola Ko" with AZ Martinez, Ashley Sarmiento at Althea Ablan


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sasampahan ng reklamo ang isang DPWH District Engineer ayon kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
00:09Kasunod yan ang police report ng Regional Office ng Calabar Zone na may naaresto ang District Engineer nitong biyernes.
00:15Matapos daw yan ng umanong pagtangkang suhulan si Leviste na mahigit 3 million pesos para pigilan siyang simulan ang investigasyon sa camera tungkol sa flood control projects.
00:28Sa isang social media post, sabi ni Leviste, hindi dapat pinahihintunutan ang anumang klase ng korupsyon sa Department of Public Works and Highways.
00:39Dapat din daw igiit ang mga proyektong may mas mataas na kalidad at mas mababang halaga.
00:45Ang mga kontraktor dapat din daw obligahin na agad ayusin ang mga pagkukulang sa mga proyekto na ang walang dagdag gastos.
00:52Ayon kay Leviste, bukas nakataktang sampahan ng reklamo ang 1st District Engineer na tinukoy niyang si Abelardo Calalo.
01:00Susubukan ng GMA Integrated News na kunan ng pahayag ang District Engineer.
01:05Ayon naman kay DPWH Sekretary Manuel Bonoan, tamalaan ang nangyari sa District Engineer kung totoong ganun daw ang kanyang asal.
01:12Kung hindi maayos ang sistema ng DPWH, isusulong daw ni Senate Committee on Finance Chairman Sen. Wynn Gatchalian na hindi napondohan ang flood control project sa susunod na taon.
01:26Tutol naman dyan ang isang kongresista.
01:29Balitang hatid, D. Mav Gonzalez.
01:31Naniniwala si Senate Finance Committee Chairman Sen. Wynn Gatchalian na may sindikato sa flood control projects.
01:49At kung hindi aniya maaayos ng DPWH ang sistema, hindi na nila po pondohan ng flood control sa 2026.
01:56Li-review namin proseso. Gagayang nasabi ko, kung ang proseso ay maluwag, aabusuhin at aabusuhin yan ng mga kontraktor at ng sindikato.
02:07Titignan aniya ng Senado kung paano napopondohan ang mga proyektong ito. At kung umpisa pa lang ay may usapan na sa kontraktor.
02:14Dapat rin na higpitan yung pagbibigay. Embeding kasi natin, igan, mano-mano eh.
02:19Kailangan gumamit na ng bagong teknolohiya lahat, internet na para wala ng human intervention.
02:23Ani Gatchalian, tiyak na may mananagot pagkatapos ng investigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
02:30Tutol naman si Bicol Saro Partylist Representative Terry Rido na i-zero ang budget sa flood control sa 2026.
02:37Pagka siniro mo yung flood control, for next year, eh di kawawa ko yung mga nasa mga kailugan.
02:43We have to be a bit more reasonable in all of these things.
02:48Kasi nga, again, we have to state it clearly.
02:52Flood control is something that is fundamental for climate risk communities.
02:59Sabi ni Sen. Ping Lakson, nakilahok na ang publiko sa pagre-report ng substandard at ghost projects.
03:06Ang huling pagsubok, ang kasiguraduhang may mapaparusahan.
03:10Sana raw may malaking tao na makasuhan at makulong para huwag na pamarisan.
03:14Dahil kung wala, mawiwili ang dating gumagawa at mahihikayat ang di-dati gumagawa.
03:19May isiniwalat naman si Baguio City Mayor Benjamin Magalong tungkol sa mga anyay request at reklamo ng mga kongresista
03:26pag nagsimula ang deliberasyon ng national budget sa Kamara noong nasa PNP pa siya.
03:31Tigla kami makakatanggap ng message sa taas na sabihin ako puntahan nyo na yung mga kongresman
03:37at tanongin nyo na kung ano yung mga kagustuhan nila, ano yung mga complain nila.
03:41Yung mga maayos na kongresman, maayos ang mga tanong, maayos ang mga kahidingan.
03:47Kaya yung mga may kalokohan ay puro parokyal conscretion.
03:53Kaya yung kumbaga paano ipopobot yung kanilang sariling interes.
03:58Walang partikular na sinabing request si Magalong.
04:01Dagdag ni Magalong na convener din ng Mayors for Good Governance pag budget hearings.
04:06Hinihingi lang umano ng mga kongresista ang pansariling interes.
04:10Nag-uusap din kami mga mayors, pati na rin sa League of Cities,
04:14pati mga kasamahan namin dyan sa League of Municipalities.
04:18Kadalasan, isa lang ang complain, walang konsultasyon sa local government.
04:22Gumagawa ng project itong mga tiwaleng kongresman.
04:25Yun ang nasusunod.
04:26Nag-uusap-usap na raw ang samahan ng mga alkade sa sunod nilang gagawin.
04:30Matapos sabihin ni Sen. Laxon na may mga senador at kongresista
04:34ang may kinalaman umano sa mga flood control project.
04:37Handa rin daw si Magalong na humarap sa pagdinig ng Kamara
04:40ukol sa flood control projects.
04:42Sa susunod na dalawang linggo, inaasahan ang pagdinig ng House Tri-Comity
04:46hindi lang sa flood control projects,
04:48kundi sa iba pang palyadong infrastructure projects ng gobyerno,
04:52kabilang ang Kabagan Bridge at Benguet Rockshed.
04:55Sana raw kung may whistleblowers ay tumistigo roon at magbigay ng ebidensya.
04:59In the event na mapangalanan po ang kahit sinong senador,
05:03kahit sinong kongresista, sa mga usapin po na ito,
05:07bibigyan po sila karapatang magpaliwanag, sumagot sa komite.
05:10Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:14Isang ipo-ipo ang namataan sa laot ng Atimonon, Quezon Province.
05:22Ayon kay Youth Super Diane Diestero,
05:24nagpipiknik ang kanilang pamilya nang makita nilang pamumuo ng ipo-ipo.
05:29Tumagal daw yan ng mahigit sampung minuto.
05:31Nang mawalang ipo-ipo at saka bumuhos ang malakas na ulan.
05:35Ayon sa pag-asa, kaniniwang nabubuo ang ipo-ipo o water spout
05:38tuwing may severe thunderstorm.
05:42Sasabayan ng ulan ang pagdiriwang ngayon ng National Heroes Day sa ilang bahagi po ng bansa.
05:48Ayon sa pag-asa, nagpapaulan ngayon ang isang low-pressure area sa Visayas,
05:52Bicol Region, Northern Mindanao, Caraga at Quezon Province.
05:56Namaraan po yan, 150 kilometers sila nga ng giwan Eastern Samag.
06:01Nananatiling mababa ang chance ng masabing LPA na maging isang bagyo.
06:05Hanging habag at muli ang magpapaulan at nagpapaulan na nga po sa Palawan,
06:10Occidental, Mindoro at Zamboanga Peninsula.
06:13Makakaasa naman daw tayo sa maayos na panahon dito sa Metro Manila
06:16at ilang pang panig ng bansa.
06:19Nakataas ngayon ang thunderstorm advisory sa ilang panig ng Quezon.
06:23Inaalerto po yung mga residente mula sa banta ng Baha o kaya ng landslide.
06:27Tatagal ang babala hanggang 12.56 ngayong tanghal.
06:34Aksidente sa Baco or Cavite, sugatan ang apat na sakay ng isang barangay emergency vehicle
06:38matapos masalpok ng nag-counterflow o manong bus.
06:42Ang naaksidente emergency vehicle, maghahatid sana ng pasyente sa isang ospital sa Maynila.
06:47Balitang hatid ni Bam Alegre.
06:51Wasak ang harapan ng isang barangay emergency vehicle matapos sumalpok sa isang poste
06:55sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Panapaan 1, Baco or Cavite kagabi.
07:00Nagmula sa Dasmariñas, Cavite ang sasakyan para maghatid daw sana ng isang pasyente
07:04sa Philippine General Hospital o PGH sa Maynila.
07:07Nakasalubong daw nito ang isang bus na wala sa lane nito.
07:11Yung vehicle namin dapat papunta siya ng PGH actually para maghatid ng patient.
07:16And then ang report sa akin kanina, nag-counterflow yung bus.
07:21Nasagi niya kaya bumunggo dito sa pinaka-poste.
07:24Sa mga larawang ito mula kay Barangay Captain Jam Ibarudolasa,
07:28kita ang mga sugat na tinamon ng driver ng emergency vehicle.
07:31Isinugod siya sa pinakamalapit na pagamutan.
07:34May driver nasa pagamutan ngayon.
07:37May injury niya sa braso at sa hips.
07:40Then sinisitiskan siya.
07:42May minor injuries naman ang karelyebo niyang driver.
07:45Maging ang pasyente na sana ihahatid sa ospital, pati ang kanyang kaanak.
07:48Nadala rin sila sa ospital.
07:50Hawak na ng Baco or Police ang bus driver.
07:52Wala pang pahayag mula sa bus driver at sa pulisya habang isinasanggawa ang imbestigasyon.
07:57Sinisiga pa ng GMA Integrated News na makuha ang kanilang pahayag.
08:01Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:06Ito ang GMA Regional TV News.
08:11Iba pang mayiinit na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:15Patay ang tatlong sakay ng isang van nang sumagpok ito sa dalawang bahay sa San Narciso, Quezon.
08:21Chris, ano ang naging dahilan?
08:27Pony, inaalam pa kung human error o mechanical error ang sanhin ng insidente.
08:32Nawasak ang harapang bahagi ng van sa tindi ng pagsalpok nito.
08:36Nagtamurin ang pinsala ang dalawang bahay na tinamaan.
08:39Ay sa pulisya, kabilang sa tatlong nasawi ang driver ng van.
08:43Sugata naman ang dalawa pang sakay at nagpapagaling sa ospital.
08:47Wala namang nasaktan sa mga residente ng dalawang bahay.
08:49Isang bagong silang na sanggol naman ang natagpuan sa tambakan ng basura sa Reina Mercedes Isabela.
08:57Ay sa pulisya, nadiskubrayan na makarinig ng iyak ang isang residente na padaan sa barangay dangan.
09:03Nakita sa tabi ng dalaking sanggol ang supot na may lamang inunan o placenta.
09:08Sinuri na ang sanggol at inoobserbahan ngayon ng Rural Health Unit ang kanyang kondisyon.
09:14Nakatakdang i-turnover ang sanggol sa pangalaga ng Municipal Social Welfare and Development hangat hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng kanyang ina.
09:23Panibagong history para sa Pilipinas.
09:31Wagie si Pinay Tennis star Alex Iala sa first round ng US Open 2025 sa New York City.
09:37Panalo si Alex ng two sets to one laban kay world rank number 14, Clara Tauzon ng Denmark.
09:42Sa third set, nahabol ni Alex ang 5-1 score lead ni Clara para umabot ito sa tiebreaker.
09:49Naging dikit ang laban hanggang nanalo si Alex sa score na 13-11.
09:53Dahil dito, mag-a-advance si Alex sa round of 64 ng US Open.
09:57Sa rankings ng Women's Tennis Association, world number 75 si Alex.
10:02Ito ang unang Grand Slam match victory ni Alex at una rin sa kasaysayan para sa isang Filipino tennis player.
10:09Binati naman si Alex ni Pangulong Bongbong Marcos via social media.
10:12Sabi ng Pangulo, nagsisimula pa lang si Alex.
10:21Happy Monday mga mari at pare!
10:24Heto na ang latest sa Nation's Sun at Sparkle Housemate Will Ashley.
10:30Mapapanood soon ang kapuso second big placer sa Daig kayo ng Lola ko.
10:35Makakasama niya riyan ang co-sparkle housemate niya na si AZ Martinez.
10:39Mga kastar Ashley Sarmiento at Althea Ablan.
10:43Inaabangan din ang iba pa niyang projects kabilang ang Love You So Bad with Dustin Yu at Bianca Divera.
10:49Despite his busy schedule, thankful si Will sa kanyang blessings.
10:53Nakalatag na rin daw sa for investments and savings ang kanyang finances.
10:58Super! Grabe! Lagi ko nga po sinasabi, ang tagal kong pinagdasal itong moment na ito.
11:08Kaya ngayong busy ako, kahit na medyo siyempre pagod, mas nangingibabaw naman yung kasayaan sa puso ko.
11:15Kaya ngayong?
11:18Kaya ngayong 기분ila happy Karaiti
11:23ë…¸ topaku
11:29Kaya ngayong
11:31Kaya ngayong
Be the first to comment
Add your comment

Recommended