00:00Sa ating balita, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang paggunita ng National Heroes Day ngayong araw sa libingan ng mga bayani sa Taguig City.
00:09Kinilala ng Pangulo ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para matamasa ng bansa ang kasarinlan.
00:15Nagibigay pugay din ng punong ehekutibo sa anayang mga bayaning hindi naisulat sa pahina ng kasaysayan pero naging mit siya ng paglaban para sa kalayaan.
00:24Ayon sa Pangulo, karapat dapat din kilalani ng mga Pilipino sa kasalukuyang henerasyon na patuloy na naglilingkod sa kabila ng mga hamon sa buhay na patunay na nagpapakita ng biwa ng kabayanihan.
00:37Kabilang nariyan ng mga guro, magsasaka, mangingisda, healthcare workers at mga manggagawa.
00:43Ano niya, sa paglipas ng panahon ay pagsibol din ng mga bagong hamon na kailangang harapin, hindi lamang sa usapin ng depensa, kundi pati na ang katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan.
00:56Guit ng Pangulo, hindi dapat itong ipagkibit-balikat, kaya pananagutin ano niya ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian at sinigurong lilitaw ang katotohanan.
01:06Hinimok din ni Pangulong Marcos sa mga kabataan na maging gising ang kamalayan at dapat na magabayan upang mas maging mapanuri sa sulirani ng lipunan.