- 4 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00May nahulikam na naman na away kalsada.
00:03Dalawang motorista ang nagtalo sa Dasmarinas Cavite at nauwi sa Pamaril.
00:08Nasaway ang isa sa kanila habang pinaghanap pa ang Bumaril sa kanya.
00:12Balita natin ni Jomara Presto.
00:16Umaga nitong Merkules, makikita ang pagdaan ng dalawang sasakyan na yan
00:20sa Abansandoz Avenue sa barangay Salitran 3, Dasmarinas Cavite.
00:24Parehong huminto.
00:26Nagbukas ng bintana ang driver ng pulang kotse at sabay ulit silang dahan-dahang umandar.
00:31Tila nagdiskusyon ng dalawa.
00:33Maya-maya, may tila itinutok ang driver ng pulang kotse sa driver ng puting pickup.
00:37At saka humarurot ang pulang kotse.
00:40Naiwan ang puting pickup na minamaneho ng 54 anyos na si Mayo Junel Santos, na empleyado ng Meralco.
00:48Sa kuhang ito, makikitang duguan na si Santos.
00:52Pinagbabaril pala siya ng driver ng pulang kotse.
00:54May dalawang putok na magkasunod, tapos yung ugong ng sasakyan na humarurot.
01:02Mabilis lang.
01:03Isinugod sa ospital si Santos, pero hindi na siya umabot ng buhay.
01:07Ayon sa katrabaho ng biktima, kagagaling lang ni Santos sa kanilang opisina sa Dasmarinas
01:12at papunta sana siya sa Ortigas noong mangyari ang pamamaril.
01:16Nagpaalam na rin daw siya sa mga gwardya noon dahil magre-retiro na sana siya sa katapusan ng buwan.
01:2230-month pa siya eh na magre-retiro. Ay wala, napakabait noong.
01:30Sabi naman ang malapit na kaibigan ng biktima, halos kalalabas lang ni Santos ng ospital at kababalik lang sa trabaho.
01:37Wala raw siyang alam na nakakaaway ng kanyang kaibigan dahil wala naman siyang bad record, lalo na sa kanilang barangay.
01:43Wala talaga. Talagang totoo, hindi siyang mahilig makipag-away. Napakabait na tao talaga.
01:49Base sa investigasyon ng pulisya, away trapiko ang nakikita nilang motibo sa pamamaril.
01:55Ito po ay isang insidente po ng road rage. Ayun po ay base po dun sa mga saksi po, dun sa mga bystander po, dun sa lugar ng pinangyarihan.
02:06Patuloy naman ang backtracking at follow-up operation ng mga otoridad para mahuli ang gunman.
02:11Nakipag-ugnay na rin daw sila sa Land Transportation Office o LTO para matrace sa pulang kotse na ginamit sa krimen.
02:18Kinundinan ng Meralco ang pagkamatay ng kanilang empleyado. Nakikiramay rin sila sa pamilya ni Santos.
02:23Nakikipag-ugnay na rin sila sa mga kaanak ng biktima para magbigay ng tulong.
02:27Nakikiisa rin daw ang Meralco sa investigasyon ng otoridad at sa paghahanap sa motoristang namaril.
02:33Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:43Binaha ang ilang lugar sa bansa dahil sa pagulan dulot ng masamang panahon.
02:48Bumagal ang daloy ng trapiko sa bahagi ng MacArthur Highway sa barangay Dalandanan sa Valenzuela kagabi.
02:54Nanatili kasi sa isang linya ng kalsada ang ilang motorcycle rider.
02:58Dagdag pa sa traffic ang ilang road construction sa lugar.
03:01Kulay putik na baha naman ang rumagasa sa ilang kalsada sa Mauman, Quezon.
03:06Ayon sa mga residente, mabilis na tumaas ang antas ng tubig dahil sa malakas na pagulan.
03:11Matagal na rin problema ang pagbaha sa lugar.
03:14Apektado tuloy ang kabuhayan nila roon.
03:17Ilang araw namang lumog sa baha ang isang paaralan sa Medsayap, Cotabato.
03:21Hindi na muna pinapasok sa eskwelahan ang mga estudyante.
03:24Sa ngayon, nagpapadala ang mga groan ng mga learning activity sheets sa mga estudyante.
03:30Ayon sa pag-asa, ang pagulan sa bansa ay dulot ng habagat at low pressure area na naging bagyo kahapon.
03:39Kahit nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Jacinto,
03:43nagpapaulan pa rin sa ilang paning ng bansa ang trough o extension nito.
03:48Apektado niya ng Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley at Central Zone ayon po sa pag-asa.
03:53Lumakas na bilang tropical storm ang nasabing bagyo.
03:56Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour.
04:01Ang ibupang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ay uunanin naman dahil sa hanging habagat.
04:07Nakataas ngayon ang thunderstorm advisory sa Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bulacan, Quezon Province, Laguna at ilang panig ng Pampanga.
04:16Itatagal ang babala hanggang 11.22 ngayong tanghali.
04:20Base po sa rainfall forecast ng Metro Weather, pusilyang light to moderate rain sa mga susunod na oras sa halos buong bansa.
04:28Pusilyang heavy to intense rain sa ilang lugar kaya dapat maging alerto sa banta ng Baja o landslide
04:32ang mga nakatira malapit sa mga ilog o nasa paano ng mga bundo.
04:36Uunanin pa rin tayo bukas at sa linggo lalo na sa Sao de Luzon, Visayas at Mindanao.
04:42Ganyan din po ang asahang panahon sa Metro Manila ngayong weekend.
04:46Patuloy namang magpapakawala ng tubig ang Amagat Reservoir,
04:50isang gate ng dam ang nakabukas base sa latest monitoring ng pag-asa.
04:54Nagsagawa ng inspeksyon ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry sa Agora Market sa Nabotas.
05:08May ulat on the spot si Bernadette Reyes.
05:11Bernadette?
05:11Raffi, good news dahil bumababa na ang presyo ng baboy at manok,
05:17pero may mga nananatili pa rin mataas ng presyo gaya ng ilang gulay tulad ng bawang at sigiya.
05:24Yan ang naging resulta ng bantay presyo ng DPI at DA ngayong araw dito sa Agora Market sa Nabotas.
05:30Matapos pumalas sa P450 ang kada kilo ng diyempo, bumaba na ito sa P370.
05:37Ang kasing matigin ang may mabibili na sa halagang P330.
05:42Ang manok, raffi na dati umaabot ng P220, ngayon may mabibili na sa halagang P165 kada kilo.
05:50Ang Ang Agro-Agriculture Secretary Francisco Chula Real Jr. dahil raw ito sa mas malaking produksyon ngayon ng manok.
05:56Sa baboy naman, pumapasok na kasi ang imported na pork at marami na ring supply sa mga cold storage.
06:02Sa kabila nito, ay nananatiling mataas ang presyo ng bawang na dapat daw ay nasa P100 pesos lang kada kilo.
06:09Habang ang sibuyas ay umaabot ngayon hanggang P160 pesos pero dapat ay nasa P120 pesos lang kada kilo.
06:18Samantala, ayon naman sa Departed of Trade and Industry, ay pasok sa suggested retail price.
06:23Ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong araw sa mga grocery na pinuntahan nila dito sa Nabota.
06:29Sa kayo kasi ay may umiiral pa rin na price fees dito sa lugar.
06:33Samantala, sa Sessembre ay itasama naman sa mga beneficiaries ng P20 pesos na bigas ang mga tricycle at jeepney drivers.
06:41Sa kabila naman, nang lumalaking bilang ni beneficiaries, siniguro ng DA na maraming supply ng bigas ngayon.
06:47Raki?
06:48Maraming salamat, Bernadette Reyes.
06:50Ito ang GMA Regional TV News.
06:57May inip na bagita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
07:01Bumigay ang isang tulay sa Kamalig, Albay.
07:04Chris, papaano ang daw nga nangyari dyan?
07:09Tony, bumigay yung steel bridge sa barangay Ilawod matapos daanan ng isang truck.
07:14Ayon sa Municipal Engineering Office, dinisenyo ang tulay para lamang sa light vehicles.
07:18Ang naturang truck daw ay isang heavy vehicle at lampas ang bigat sa kapasidad ng tulay.
07:24Wala namang naiulat na nasaktan.
07:27Ayon sa DPWH, sisimulan ngayong araw ang pagsasayos sa tulay.
07:31Inabisuhan na ang mga motorista na gumamit muna ng mga alternatibong ruta.
07:37Lima naman ang sugatan sa asalpukan ng isang bus at isang dump truck sa Gerona Tarlac.
07:42Kita sa CCTV sa barangay Magaspak na papasok ang dump truck sa Manila North Road
07:47nang biglang sumalpok ang paparating na bus.
07:51Limang pasero ng bus ang nagtamu ng sugat at dinala sa ospital.
07:55Ayon sa pulisya, yung bus ang may right of way.
07:58Pero biglang umarangkada ang dump truck kaya nakasalpukan ito ang bus sa highway.
08:03Hindi na raw nakontrol ng driver ng truck dahil sa bigat ng karga nito.
08:08Wala pang pahayag ang mga sangkot sa aksidente.
08:12Nagbabala po ang Bureau of Internal Revenue nakakasuhan ng mga kontratista
08:20ang mapapatunayang sangkot sa mga maanumalyang ghost project.
08:24Nangimbisigahan naman ng Manila LGU ang mahigit sangdaang flood control projects ngayong taon
08:29na wala raw building permit.
08:31Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
08:33Kung tutuusin ang lunsod ng Maynila ang nakakuha ng pinakamaraming flood control project sa Metro Manila.
08:44215 na proyekto yan na nakakahalaga ng 14.46 billion pesos mula noong 2022.
08:52Pero ayon kay Manila Mayor Isco Moreno,
08:54nakadiskubre sila ng dagdag na 112 flood control project para sa taong 2025.
09:01Lahat ng ito, walaan niyang building permit at patuloy na iniimbistigahan.
09:06Lumalabas kasing hindi rin nakapagbayad ng kaukulang tax
09:09sa pamahalaang lunsod ang mga kontratista ng proyekto ayon sa alkalde.
09:14I ordered our city treasurer, attorney Paul Vega,
09:22to go after to those contractors as per report of GMA 7
09:27in 2022, 2023, 2024, and 2025 finished project
09:34who did not pay their obligation to the city of Manila
09:40with regard to contractor's tax plus walang permit.
09:43Gate ni Moreno, ipinahinto nila ang lahat ng proyektong walang building permit.
09:48Bubusisiin rin aniya kung kailangan ba talaga ng siyudad ng Maynila
09:52ang mga flood control project
09:54at kung sino ang mga sangkot kung may sabwatan sa mga proyekto.
09:58Sino ba ang gumawa ng pagkakamalit?
10:02Tapos ano na yan? Pakit na yan?
10:05Kalaunan, may mga mananagot na dyan na taong gobyerno.
10:08And that includes local government official.
10:12Narito ako ngayon sa sunog-apog pumping station ng DPWH
10:17dito sa Maynila.
10:19Sinasabing seven years in the making
10:20dahil mula na simulan ito noong 2018
10:23ay hindi pa rin ito naita-turnover sa MMDA.
10:27Ayon sa DPWH ay patuloy ang kanilang trabaho dito
10:30para ma-i-upgrade nila ang pumping station.
10:33Isa ang pumping station na ito sa halimbawa ng Manila LGU
10:38ng proyektong hindi raw ikinonsulta sa kanila.
10:41Pero sabi ng DPWH,
10:43makatutulong ang pumping station para maibsan ang baha sa lugar.
10:47Paliwanag ng DPWH,
10:49lubhang marami raw ang nakukuwang basura sa estero
10:52at malala rin ang siltation doon.
10:55Resulta,
10:55lagi raw nasisira ang pumping station.
10:58Kaya ito sumasa ilalim sa upgrading
11:00na may budget na mahigit 94 million pesos.
11:05Ang Bureau of Internal Revenue,
11:07maghahabol din sa mga kontratista
11:09na gumano yung mga ghost projects.
11:12Ang mga mapatutunayang sangkot sa anomalya,
11:14pwede rin daw kasuhan ng tax evasion.
11:16Kasama rin ang lifestyle check sa mga kontraktor
11:19bukod sa lifestyle check na iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos
11:23sa mga opisyal ng gobyerno.
11:25Ngayon,
11:25ang ginagawa natin na lifestyle checks
11:27dun sa mga kontraktor
11:28at saka yung mi-ari ng mga kontraktor na ito
11:30dahil nakikita natin na marami silang ari-arian na finoflunt
11:35at nakikita natin na malaki ang kanilang mga properties
11:40yung titignan natin.
11:42So, ibabangga natin yan sa revenues.
11:44Ayon naman kay DPWH Secretary,
11:46Manuel Bonoan,
11:47bumuo na siya ng Anti-Corruption Task Force
11:50para doon magsumbong ang publiko
11:52sa mga umano yung maanamalyang proyekto ng DPWH.
11:55To be able for them to receive complaints about our people
11:59and do checking on them
12:02kung may mga corruption practices.
12:07Tingin ni Bonoan,
12:08may kumpiyansa pa sa kanya si Pangulong Marcos
12:10dahil pinabibilisan pa nito sa kanya
12:13ang mga investigasyon sa flood control.
12:15Tinutukan daw nila para sa posibleng paghahain ng reklamo
12:18ang mga proyekto sa Bulacan,
12:20Occidental at Oriental Mindoro at Iloilo.
12:23Sa gitna naman ng utos na lifestyle checks ng Pangulo,
12:26handa raw si Bonoan na buksa
12:28ng kanyang state metafacets,
12:30liabilities and net worth,
12:32o SAL-N.
12:32Well, if this is going to be a formal lifestyle check
12:37that will be carried on,
12:39I think public document naman ito eh.
12:41At mga luxury vehicles o mga ganyan.
12:45Well, we just have to see.
12:46We had just three years in this administration.
12:51And I also came from the private sector.
12:54But I'm open.
12:55Sandra Aguinaldo,
12:58nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:02Itinanggin ng Philippine Contractors Accreditation Board
13:05na ipinagbibili ang kanilang mga lisensya.
13:07Kasunod ito nang sinabi ng Sen. Ping Lakso
13:09na may nakuha siyang impormasyon
13:10tungkol sa umano'y accreditation for sale
13:14para sa mga contractor.
13:16Sabi ng PICAB,
13:17bula silang binibigyan ng otorizasyon
13:18para magbigay ng contractor accreditation
13:20kapalit ng pera.
13:22Alam daw ng PICAB
13:23na may mga nagpapakilala
13:24o nagpapanggap
13:26na taga-ahensya nila
13:27na nag-aalok na pabilisin
13:28ang pagproseso sa mga lisensya.
13:31Niriresolban na rin nila
13:32ang problema ng iyan.
13:34Nagpaalala ang PICAB
13:35sa publiko at sa mga contractor
13:36na maging mapagmatsyag
13:38at makipagugnain lang
13:39sa official website ng PICAB.
Be the first to comment