Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
DPWH-NCR, tiniyak na walang ghost flood control projects sa Metro Manila; P52B na pondo, kailangan umano para maresolba ang problema sa baha | Mela Lesmoras

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pumihirit ng mahigit 50 billion pesos na budget ng DPWH-NCR para masolusyonan ang problema sa buong Metro Manila.
00:07Ang detalye ay tungkol dyan sa report ni Mela Lasmoras.
00:14Tiniyak ng DPWH-NCR na walang ghost flood control project sa Metro Manila.
00:19Sa pagdiniig ng House Committee on Metro Manila Development,
00:22pinusisi kasi ng mga kongresista ang iba't ibang hakbang kontrabahan ng DPWH at MMDA.
00:28Sa panig ng DPWH-NCR, kabilang anila sa kanilang long-term measures
00:34ay ang pagsaayos ng drainages at waterways capacities sa rehyon
00:37at rehabilitasyon at konstruksyon ng pumping stations.
00:41Ang MMDA naman, may mga regular maintenance activity,
00:45bayanihan sa estero, mobile materials recovery facility at manual and mechanized trash traps.
00:51Sa inyo pong palagay, nagkaroon po ba ng ghost project sa inyong mga nasasakupan?
00:55As far as I know po, wala pong ghost project ang NCR.
00:58Wala pong nangyaring senaryo na binayaran ng isang kontraktor
01:01in full amount kahit hindi patapos yung proyekto.
01:06Yes po.
01:06Para maresol ba ang problema sa baha sa buong Metro Manila,
01:10sabi ng DPWH-NCR, nasa 52 billion pesos ang kailangan.
01:15Pero bukod sa pondo, pinatitiyak din ng mga mambabatas
01:18ang pagpapaigting sa koordinasyon at implementasyon ng mga proyekto ng gobyerno.
01:23The problem right now po is not just the ghost projects.
01:26For NCR, it's the phases per phase.
01:29Yung civil works nangyayari next year.
01:32Katulad po ngayon, mayroon kaming pumping station.
01:34Pero yung pump dadating next year.
01:36So ngayon, bago po dumating yung pump,
01:38barado na mismo yung infrastructure.
01:40So, paano po natin aayusin yun?
01:42Malaking bagay sana na yung Metro Manila as a whole,
01:46connected lahat ng mga planning din natin,
01:49coordinated din among LGUs, different LGUs po.
01:52Sa isang punto ng pagdinig, naungkat din ang pamilya Diskaya.
01:57Nakasaad kasi sa presentasyon ng DPWH-NCR
02:00na isa sa mga kontraktor ng kanilang flood control projects sa Metro Manila
02:04ang St. Timothy Construction Corporation
02:06na may rating pang VS o Very Satisfactory.
02:10Engineer?
02:11Yes, paano.
02:12Meron po bang pagmamayari ng mga Diskaya dyan?
02:15Alam ko po, meron din pong mga,
02:17may mga flood control structures po tayo
02:20na ginawa rin po talaga ng Diskaya.
02:24But then again, objectively, it has been rated by the CPS evaluators naman po.
02:32So, kung ano po yung rating nila dito,
02:34I know na fair naman po yung naging evaluation po dito.
02:37Sa ngayon, isa rin ang St. Timothy Construction Corporation
02:40sa mga iniimbestigahan ng House Infrastructure Committee,
02:43lalo pat ito ang kontraktor sa isang kwestiyonabling proyekto sa Bulacan.
02:48Gate ni Infracom Coacher Terry Ridon.
02:51Congratulations.
02:53Kung very satisfactory ho yung mga rating po nila sa NCR.
02:59Pero I think, babalik ho tayo doon sa fact na
03:02when the President went to Bulacan,
03:06ito sa St. Timothy Project,
03:08hinawakan ho niya yung dike.
03:12Ano yung nakita niya?
03:13Steel cables,
03:15nahawakan niya daw po yung simento.
03:17Manipis yung bakal,
03:19manipis daw po yung pong simento.
03:21So, I think, okay yan.
03:23Congratulations for that rating.
03:25Pero kailangan niya ibangga yun
03:27to what the President saw.
03:29Hamon pa ni Ridon sa lahat ng contractors
03:31na ipinapatawag nila,
03:32humarap sila kung wala silang itinatago
03:35sa ngala na rin ng katotohanan.
03:38Sa mga susunod na araw,
03:39inaasang ipagpapatuloy ng mga kongresista
03:42ang kanilang investigasyon
03:43ukol dito sa mga issue sa flood control project sa bansa.
03:47Mela Les Moras para sa Pambansang TV
03:50sa Bagong Pilipinas.

Recommended