- 4 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 9, 2025
- 26 na opisyal ng gobyerno, humingi umano ng kickback sa flood control projects batay sa affidavit ng mga Discaya | Pacifico Discaya: Sinabi ng karamihan sa mga kumausap sa amin na para kina House Speaker Romualdez at Rep. Zaldy Co ang pera | Ilang opisyal na binanggit sa affidavit ng mga discaya, itinangging humingi sila ng kickback sa flood control projects | Dating QC 4th Dist. Rep. Marvin Rillo, itinanggi ring tumanggap siya ng kickback mula sa flood control projects
- 3 kasunduan sa edukasyon, air services, at pagsugpo sa transnational crimes, pinirmahan ng Pilipinas at Cambodia | Cambodian Prime Minister Hun Manet, nagpasalamat sa pagpapalakas ng ugnayan sa mga negosyo ng Pilipinas at Cambodia | PBBM, inengganyo ang mga negosyante na mamuhunan ngayong lumalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Cambodia | Malacañang: Tagumpay at produktibo ang 3-day state visit ni PBBM sa Cambodia
- Mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs, dismayado sa pagpapaliban ng ICC sa confirmation of charges hearing ni FPRRD
- Taas-presyo sa mga produktong petrolyo, panibagong dagok sa mga PUV driver | Panibagong oil price hike, epektibo ngayong araw
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- 26 na opisyal ng gobyerno, humingi umano ng kickback sa flood control projects batay sa affidavit ng mga Discaya | Pacifico Discaya: Sinabi ng karamihan sa mga kumausap sa amin na para kina House Speaker Romualdez at Rep. Zaldy Co ang pera | Ilang opisyal na binanggit sa affidavit ng mga discaya, itinangging humingi sila ng kickback sa flood control projects | Dating QC 4th Dist. Rep. Marvin Rillo, itinanggi ring tumanggap siya ng kickback mula sa flood control projects
- 3 kasunduan sa edukasyon, air services, at pagsugpo sa transnational crimes, pinirmahan ng Pilipinas at Cambodia | Cambodian Prime Minister Hun Manet, nagpasalamat sa pagpapalakas ng ugnayan sa mga negosyo ng Pilipinas at Cambodia | PBBM, inengganyo ang mga negosyante na mamuhunan ngayong lumalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Cambodia | Malacañang: Tagumpay at produktibo ang 3-day state visit ni PBBM sa Cambodia
- Mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs, dismayado sa pagpapaliban ng ICC sa confirmation of charges hearing ni FPRRD
- Taas-presyo sa mga produktong petrolyo, panibagong dagok sa mga PUV driver | Panibagong oil price hike, epektibo ngayong araw
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:3017 dati at kasalukuyang kongresista, isang regional director ng DPWH, limang district engineer ng DPWH, isang undersecretary ng DPWH, isang direktor ng Unified Project Management Office, at isang dating undersecretary sa ilalim ng Office of the President,
00:50ang pinangalanan ng mag-asawang Pasifiko at Sara Diskaya sa kanilang sinumpaang salaysay na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee.
00:58Ilana nila sa mga ito ay personal umano nilang inabutan ng pera para hindi maipit ang kanilang mga kontrata sa gobyerno.
01:06Ayon sa mga diskaya, 10 to 25% ng halaga ng kontrata ang hinihingi ng cash at walang resibong pinipirmahan.
01:15Matapos naming manalo sa mga bidding, may mga opisyal mula sa DPWH ang lumalapit sa amin para humingi at kumuha ng bahagi niya sa halaga ng proyekto.
01:24Ito ay binibigay namin sa kinila ng cash. Ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger na nagsasad ng mga araw at kung kailan nila ito natanggap.
01:34Meron din anilang kickback na inaabot nila sa Chief of Staff o staff ng politiko.
01:39Meron din binabanggit lang anila ng mga nanghihinging taga DPWH.
01:43Lumapit sa akin ang DPDOS Project Engineer na si Angelita Garucha para kolektahin ang parte ni Kong Roman Romulo sa flood control projects noong 2022.
01:55Pagdating ng 2025, si District Engineer Aristotle Ramos ang sumunod na nagpakilala na bagman ni Kong Roman Romulo
02:02kung saan 30% ang kanyang hinihingi ay para kay Kong Roman Romulo.
02:09Sinabi niya na walang magagawa dito dahil pundo ito galing sa unprogrammed funds at insertion galing sa taas.
02:16Karamihan umano ng kausap nilang taga DPWH ay sinasabing ang pera ay para kay House Speaker Martin Romualdez
02:23at ako Bicol Partylist Representative Elizaldeco ang dating chair ng House Committee on Appropriations.
02:30Maging si dating Congressman Marvin Rillo, ilang beses umanong binanggit kay Diskaya na malapit niyang kaibigan si Speaker Romualdez
02:38at inaprubahan umano ng Speaker ang mga fund request niya.
02:41Sa tuwing aminom kami sa Wine Story sa BGC at Ed sa Shangri-La Mall,
02:46sinasabi ni Kong Rillo na lahat ng kanyang request para sa pondo ay galing pa mismo sa unprogrammed funds at insertion na inaaprubahan ni Speaker.
02:57Ang tao ni Marvin Rillo na si Bogs Magalong ang pumapunta sa amin para kunin ang pera sa aming opisina.
03:02Binanggit din daw si Naromualdez at Connie Usuag Partylist Representative Jojo Ang.
03:08Si Kong Jojo Ang naman lagi ring binabanggit sa lahat ng project sa kanya ay papondo ni Speaker at ni Saldico.
03:15Mataas ang hinihingi sa project, dagdag pa niya, hindi naman lahat ng pera ay para sa kanya,
03:19kundi para kay Speaker at kay Saldico.
03:21Nakapilitan umano silang magbigay ng kickback dahil sa sobrang panggigipit ng mga nabanggit na politiko.
03:2812 meters ang kailangan na ibaon mo sa lupa. Ang problema, yung 12 meters, kinatay ginawang 3 meters. Baka naman ganun ang project mo.
03:37Hindi ko po kayang sagutin, Mr. Chair, yung gawa po ng iba.
03:40Hindi, ikaw ang tinatanong ko eh. Na-example ko lang yung Mindoro. Baka ganun ang gagawin mo, mali talaga.
03:46Hindi po, Mr. Chair. Kami na lang po ang nag-aabsorb ng maliit na kita.
03:50Ibig sabihin, Mr. Chair, kesa wala kaming project, walang trabaho yung mga tauhan at empleyado namin,
03:56minabuti lang po namin na kumita na lang ng kahit nga bariya-bariya lang.
04:00Kasabot na hunin nyo yung district engineer at regional director. Papano po?
04:03Pati yung COA, kasabot din hunin nyo. Eh magbubulag-bulagan na lang yung tatlong yun.
04:09I don't think 2% lang po ang kinikita nyo dito, 3%. Magpapakanda hirap kayo, 2-3%.
04:14Kakayanin ba ng 2-3% yung mga sasakyan na binili nyo na pagka dami-dami po?
04:19I mean, that's way, ika nga, unbelievable po.
04:22Your Honor, Kaya po. Dahil 23 years naman po namin pinaghirapan po yun.
04:27Umutang-umano ang mag-asawang diskaya sa ilang mga taga-DPWH
04:31dahil na-freeze na nila ang kanilang bank account.
04:34Noong isang araw lang daw, nagsauli-umano ng pera ang isang June.
04:39Driver ni Eduardo Vergilio, DPWH Regional Director ng Region 5.
04:44Itinanggihan ni Vergilio pati ang aligasyon laban sa kanya.
04:47Na-freeze ng bank ko ang mga account namin kahit ito wala pang court order ng AMLAC.
04:52Mukhang naramdaman niya na magsasalita na ako kaya sinauli po niya yung 25% plus parking fee.
04:59Kulang pa nga.
05:00I never went to that office.
05:03And I categorically say that those allegations mentioned by Mr. Rizcaya,
05:12I did not receive those. I awarded to him last year one project and that's a road project.
05:24Ipatatawag sa Senate hearing ang driver ng DPWH Regional Director.
05:28Itinanggihan ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara ang akusasyon ni Diskaya.
05:34I respectfully deny po na may tinanggap po ako galing sa kanya.
05:37Si House Speaker Romualdez, tinawag na kasinungalingan ang mga pahayag ng mag-asawang Diskaya.
05:45Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na mali, malisyoso at pawang name-dropping lang
05:50ang ginawang pagbanggit sa kanya sa sworn affidavit ng mga Diskaya.
05:54Kahit kailan daw, hindi siya tumanggap at hindi tatanggap ng suhol mula sa kahit kanino
06:00dahil walang sino man ang kayang manuhol sa kanya.
06:03Kung may gumamit o nang abuso raw ng pangalan ni Romualdez para kumita,
06:07sila raw ang dapat managot.
06:10Iginiit naman ni Congressman Zaldico na walang basihan ng mga akusasyon laban sa kanya.
06:14Ayon kay Ko, walang patunay ang mga aligasyon na anyay sabi-sabilang at politically motivated
06:19para linlangin ang publiko at lumihis sa accountability.
06:23Mariinding itinanggi ni Pasig City Representative Romulo ang pag-uugnay sa kanya sa maanumalyang bidding.
06:28So sa totoo, hindi man ako nakikialam sa bidding.
06:31Pero siguro dahil nga doon na hindi ako nakikialam ng bidding,
06:35tapos sa totoo, marami pang ibang factors, ay madali niyang masabi.
06:39Pero again po, hindi po totoo ang mga sinabi niyo.
06:43Iginagulat naman daw ni Quezon City 6th District Representative Marivic Coppilar
06:47ang pagkakabanggit sa kanyang pangalan.
06:49Kasi ni Anino, ni Sarah, o ni Curly Diskaya, di ko nakita.
06:55I have never spoken to them, nor have I ever authorized or allow any representative to deal with them.
07:02My office will launch an exhaustive investigation regarding this matter.
07:08I will also file a libel case against the Diskaya,
07:12so they may answer before the proper court of law for this deliberate action
07:17to destroy my reputation by deceiving the public.
07:21Pinag-aaralan din ni Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro
07:25ang pagsasampa ng mga reklamo laban sa mga diskaya.
07:29Demolition job o paniriraraw sa kanya ang mga paratang ng mag-asawa.
07:33Wala raw katotohanan ng mga ito
07:35at hindi pa raw siya kongresista nang mapunta sa mga diskaya ang kontrata.
07:39Pinabulaanan din ni Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde
07:43na nakinabang siya mula sa sino mang contractor.
07:46Kahit kailan, hindi raw siya nakipag-transaksyon sa kanila.
07:50Todo tanggi rin si Romlon, Representative Eleandro Jesus Madrona
07:54sa mga pahayag ng mga diskaya.
07:56Wala raw siyang proyekto sa mga diskaya,
07:58kaya ano raw ang basihan ng mga pahayag nila?
08:01Nabalitaan daw niyang nagbid si diskaya para sa mga proyekto sa Romlon
08:05pero wala raw siyang alam at kinalaman sa pagbabayad.
08:08Sabi naman ni San Jose del Monte, Bulacan Mayor
08:10at dating Congresswoman Florida Robes,
08:13mangilabot naman daw kung sino man ang gumamit ng kanyang pangalan.
08:17Wala raw ghost project sa kanilang lungsod.
08:19Nanindigan din si Kaloocan 3rd District Congressman Dean Asistio
08:23na wala siyang tinanggap na pera mula sa mag-asawang diskaya.
08:26Wala raw ghost project sa kanyang nasasakupan.
08:29Kung may proyekto man daw doon, DPWH daw ang nangangasiwa.
08:33Maghahain din daw ng kaso si Laguna Representative Benji Agaraw
08:36na itinanggiring humingi siya ng pera kapalit ng mga proyekto sa kanyang distrito sa Laguna.
08:41Mariinding pinabulaanan ni Quezon 3rd District Representative Reynante Arugans
08:45ang mga aligasyon ng mga diskaya.
08:47Ilalabas daw niya sa tamang panahon ang mga ebidensya
08:50ang magpapatunay na pawang kasinungalingan
08:53at walang basihan ang mga paratang laban sa kanya.
08:56Mariinding itinanggi ni Aga Partylist Representative
08:58ni Canor Briones ang mga paratang ng mga diskaya.
09:01Nakikipagugnayan na raw sila sa mga abugado
09:03para maghahain ng kaso laban sa mag-asawa.
09:06Pinabulaanan din ni Usuag Ilonggo Partylist Representative Jojo Ang Jr.
09:10ang mga anyay walang basihang paratang na naguugnay sa kanya sa korupsyon.
09:15Iginit din Occidental Mindoro Lone District Representative Auditariela
09:18na wala siyang tinanggap na pera o pabor mula sa mga diskaya.
09:22Sabi naman ni Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas
09:26isandaang porsyentong hindi totoo ang mga aligasyon ng mga diskaya.
09:30Wala raw silang proyekto sa kanyang distrito.
09:33Magsasamparaw siya ng kaso laban sa mga diskaya para sa kanilang anyay kasinungalingan.
09:38Patuloy na sinisikap ng GMA Integrated News
09:41sa kunin ang panig ng iba pang kasalukuyan at dating kongresista na idinawit ng mga diskaya.
09:47Ito ang unang balita.
09:48Darlene Cai para sa GMA Integrated News.
09:51Mabalik na sa bansa mamaya si Pangulong Bongbong Marcos matapos ang kanyang three-day state visit sa Cambodia
09:57at live mula sa Pinompen, may unang balita si Jonathan Andal.
10:02Jonathan?
10:03Yes, Igan 6.23am ngayon dito sa Pinompen, Cambodia.
10:11Mas late ng isang oras kumpara dyan sa Pilipinas.
10:15Ang iuwi ng Pangulo sa Pilipinas mamaya ay tatlong kasunduan.
10:19Yan ay tungkol sa edukasyon, air services at sa pagsugpo sa mga transnational crime gaya ng human trafficking.
10:31Kasama sa mga kasunduang pinirmahan sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia,
10:35ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Philippine National Police at ng National Police of Cambodia
10:40para sa mas mabilis na pagsugpo ng mga krimen sa pamamagitan ng pagpapalitan ng impormasyon.
10:45We reaffirm our shared commitment to combat transnational crime, especially online scams,
10:52through information sharing and law enforcement.
10:55We agreed to strengthen collaboration among our law enforcement and security institutions
11:00so that our collective response will be swift, coordinated, and effective.
11:07Sabi ni Cambodian Prime Minister Hun Manit, welcome dito ang mga Pilipinong turista pati na investors.
11:12Nagpapasalamat din ang leader ng Cambodia na dinala rito ni Pangulong Bongbong Marcos
11:17at ilang negosyante mula Pilipinas para makapulong ang mga Cambodian investor.
11:21Kahapon, sa pulong ng Pangulo sa mga negosyante sa Cambodia at Pilipinas,
11:25inengganyo niya ang mga ito na samantalahin ang lumalakas na ugnayan sa ekonomiya ng dalawang bansa.
11:31Nakatoon daw ngayon ang Pilipinas sa pagpapalawak ng ugnayan sa mga sektor ng consumer goods,
11:37education, healthcare, franchising, infrastructure, agroprocessing, at logistics.
11:43With continued collaboration, I am confident that our economic ties will expand further.
11:50The future of our relationship lies not only in traditional industries,
11:55but also in emerging high-impact sectors that will define the next phase of our development.
12:01Tiniyak rin ng Pangulo sa mga negosyante na business-friendly ang Pilipinas.
12:06Nagtapos ang state visit ng Pangulo sa isang state banquet kagabi kasama ang Prime Minister ng Cambodia.
12:13Sabi ng palasyo, tagumpay at produktibo ang kauna-unahang state visit ni Pangulong Marcos dito sa Cambodia.
12:24Iga naalis dito sa Cambodia ang Pangulo alas 12 ng tanghali oras dyan sa Pilipinas.
12:30Pero bago yan, magkakaroon muna siya ng press conference kasama yung Philippine Media Delegation
12:35dito sa Cambodia.
12:37At inaasahan natin ang pagsagot ng Pangulo sa mga may init na issue dyan sa Pilipinas.
12:42Yan muna ang unang balita mula rito sa Phnom Penh, Cambodia.
12:45Ako po si Jonathan Andal ng GMA Integrated News.
12:49Maraming salamat, Jonathan Andal, live mula sa Phnom Penh, Cambodia.
12:54Dismayado naman ang mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs.
12:58Matawas sa pagpaliban ng International Criminal Court,
13:00ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
13:05Ayon sa aliyasang Rise Up for Life and for Rights,
13:09huwag magpadala sa pagpapaawa ni Duterte.
13:13Ilang beses na rin itong nakita ng mga Pilipino.
13:15Kung hindi raw maayos ang kalusugan ni Duterte,
13:18pwede namang dumalo sa pagdinig ang kanya abogado.
13:21Makikipagugnayan daw ang mga abogado ng mga biktima
13:23sa Office of the Public Council for Victims
13:25para ma-reschedule ang confirmation hearing sa lalong madaling panahon.
13:30Sa September 23, dapat ang confirmation hearing
13:34para sa kasong crimes against humanity ng dating Pangulo.
13:38Pero ayon sa ICC Pre-Trial Chamber 1,
13:42pumiling ang kampo ni Duterte ng indefinite adjournment
13:45dahil hindi raw fit ang dating Pangulo na humarap sa pagdinig.
13:50Kung papatubad daw ang chamber ng limited postponement
13:52para mabigyan sila ng sapat na oras na mag-desisyon.
13:58Umaaray na naman ang maraming PUV drivers
14:00sa paribagong taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw.
14:04Yan ang unang balita live ni EJ Gomez.
14:07EJ?
14:12Igan, sa ika-apat na magkakasunod na linggo,
14:15may oil price hike muli sa gasolina ngayong Martes.
14:19May pagtaas din ng presyo sa diesel at kerosene
14:23sa ikatlog sunod na linggo.
14:24Reklamo ng mga super,
14:26pabawas ng pabawas ang kanilang kinikita.
14:34Alas tres ng madaling araw daw bumabiyahe
14:36mula binangonan Rizal si Hermo Henes
14:39para mamasada bilang tricycle driver
14:41sa Mandaluyong City maghapon.
14:44Sa isang dekada raw niyang pamamasada,
14:46sawang-sawa na siya
14:48sa lagi na lang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
14:51Yung taas presyo po kasi,
14:53ano, nagpapahirap sa driver.
14:55Yung kalsada namin na puro one-way,
14:58saka yung mga bilhin pa,
15:00isa pa po yun.
15:01Sana po, ano,
15:02tigil na po yung pagtaas.
15:05Sara, hindi rin po pahirap sa aming mga driver.
15:08Lalo na, dami namin pinapaaral.
15:10Malaki rin daw ang nababawas
15:12sa kita ng taxi driver na si Rodolfo
15:14pag may taas presyo sa gasolina.
15:172,800 pesos hanggang 4,000 pesos daw
15:20ang kinikita niya buong maghapong pamamasada.
15:23Pero kapag ibinawas ang boundary,
15:26gasolina at pagkain,
15:27nasa 1,500 pesos na lang
15:30ang naiuuwi niya sa pamilya
15:31at kung matumal pa ang biyahe,
15:34300 pesos na lang.
15:36Pag tumaas yung gasolina,
15:37nahirapan po kami.
15:38Wala na, maliit na talaga kitain namin.
15:40Sayang naman kasi,
15:41may git sandahan po yung kaltas eh.
15:43Dapat ba pupunta pa daw sa amin yun?
15:45Pangkain po,
15:46pwede sa pamilya namin,
15:47pambili ng gatas ang anak namin.
15:49Ngayong linggo,
15:50piso ang taas presyo
15:51sa kada litro ng gasolina,
15:531 peso and 40 centavos sa diesel,
15:55habang 70 centavos naman
15:57sa kada litro ng kerosene.
15:59Ayon sa Oil Industry Management Bureau
16:01ng Department of Energy,
16:03ang oil price hike ngayong linggo
16:04ay bunsod ng sanctions
16:06na ipinatupad ng US
16:07na nakaka-apekto
16:08sa oil revenue stream ng Iran,
16:11ang pagtigil sa pag-export
16:12ng oil refinery ng India,
16:14at tumitinding airstrikes
16:16sa Russia at Ukraine.
16:17Igan,
16:24sabi ng mga nagkausap nating super,
16:26ang pisong taas presyo
16:27o higit pa eh talagang malaking kabawasan
16:29sa perang na iuwi nila
16:31sa kanilang mga pamilya,
16:32lalo na ngayon,
16:33na hindi naman daw tumataas
16:35ang kinikita nila
16:36sa pamamasada.
16:38At yan,
16:39ang unang balita
16:40wala rito sa Mandaluyong City.
16:42E.J. Gomez
16:43para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment